Sabado, Agosto 2, 2008

Byaheng Jeepney


Sakay Na!
August, 2008


Tumaas na naman ang pamasahe. P8.50 na ang minimum (as of August 2008 po ha, pakicheck ang mga kalendaryo bago magreact). Nung grade 1 ako ang pamasahe piso lang. Nung grade 2 na ako uno bente singko. Tapos naging uno singkwenta. Bago ako maghighschool dos singkwenta na ang pamasahe. Nung nasa 3rd year highschool ako, circa 1997, kwatro na ang pamasahe. Tumaas uli naging kwatro singkwenta at singko. Nung pumatak sa siete singkwenta ang pamasahe, saka pa lang ako nagke-claim ng student discount. Minsan nakakatawa ung ibang tao na claiming student pa daw sila eh mukha namang Senior. Kung may additional discount sana yun eh di sana dumami na ang Student-Elderly-Disabled combo sa Pilipinas.

Madaming drayber din naman na sugapa. Magkulang ka lang ng bentsingko eh todo megaphone na sa paninigil sayo. Alam ko namang hirap din sila sa liit ng kinikita nila, sa taas ng gasolina, at sa nagtataasang bilihin din, pero sana naman eh wag silang masyadong nang-aaway dahil lang sa kaunting barya kung pwede namang makiusap ng maayos. Marami rin kasi ang sumasabit lang para makalibre, plus din yung mga mahilig sa 1-2-3. Nakakatawa rin yung mga kinakalong sa jeep, akala mo naman porke't kinalong ka lang eh dapat walang bayad kasi hindi ka nakaupo. Kung tutuusin ang binabayaran mo yung byahe hindi yung upuan. Tama ba?

Sabi nila drayber daw ay sweet lover. I'm not sure kung san galing yan, saka hindi ko pa nata-try. Heniweys sa ibang kasweetan nila sa pasahero eh talagang gusto nila sumundo pa ng pasahero sa bawat kanto yata. Kahit todo parinig ka na na male-late ka na eh walang paki sayo kasi iniisip nila ang kapakanan ng mga tao na nag-aabang ng masasakyan, inaabangan pa nga yung mga tumatawid pa lang.

May mga sakayan na may istasyon, yung pipila ka muna bago makasakay. Pag in demand ang byahe eh sobrang haba ng pila, parang namamalimos lang ng de lata at NFA rice sa mga centers. Ok lang mag-abang kung sapat lang ang jeep. Minsan naman eh may istasyon nga pero sobrang tagal makapuno ng pasahero. Parang wish ko lang abonohan minsan yung mga bakante pero 8.50 rin yun.

Location, location, location! Kailangan alam mo kung san ka pepwesto sa jeep. Alam mo ang timing, at correct blocking (at voice quality?) Pag sa harapan eh may dalawang bakanteng upuan. Ewan ko ba bakit sa Pilipinas lang yata dalawa ang seating capacity ng passenger seat, mapa-fx man o taxi. Kadalasan magjowa ang nauupo dito. Minsan dalawang lalaking cute... hmm.... Minsan ang asawa ng driver plus mga anak, minsan din kabarkadang konduktor o mga kumpareng driver. Ayokong umupo sa likuran ng driver o kaya sa tapat ng upuang ito. Hindi dahil sa naamoy ko si manong driver, pero ang trabaho mo eh taga-abot ng pamasahe. Feeling conductor ka na rin. Dapat lang eh may commission ka dito pero TY girl ka lang. Sa gitna naman ang pwesto mo kung gusto laging nakadungaw sa bintana, kung gusto mo mag-emote emote o kumanta kanta. Ang favorite spot ko eh sa dulo. Sabi nila eh nakakatakot daw dahil takaw pansin sa mga snatcher. Haydonkker. Dito ako nakakatulog ng maayos sa byahe. Saka pandungaw ko rin to sa mga nadadaanang cuties o kaya pasahero na pasulyap sulyap ng tingin. Lilingon yan! Kitams!

Sari saring tao ang sumakasay ng jeep. Maraming estudyante, mga nanay na mamamalengke, mga sabungero, mga pashala-climber na walang pang-fx, mga lolang magsisimba, mga beckying may rampahang pupuntahan, mga tamad maglakad ng isang kanto lang, mga jeepney driver na walang pasada kaya todo chismisan sa driver, magjowang kelangan magkatabi lagi at matching din dapat ang get up, mga natutulog sa jeep na tumutulo ang laway, at others not mentioned. Sari saring kulay, porma, tunog at amoy.

Merong mahilig magpabango, mga kakahilong amoy, siguro wisik wisik lang kaya naligo na lang ng pabango. Merong jabar jabar kaya kalat na kalat ang baktol sa loob ng jeep. Meron namang sa loob naninigarilyo, gawin ba kaming tandang para pausukan? Saka public to, bawal yun! Merong may dalang pinamalengke kaya humahalo ang mga lansa ng hilaw na karne at isda. Merong hindi pa nagtu-toothbrush, o talagang ayaw niya, at todo ipit rin sa hininga ang mga pasahero kapag nagsasalita sya. Minsan may amoy paa rin.

Sari saring tunog din ang maririnig mo. Maraming todo ang chismisan, kahit nasa kabilang dulo ka eh maririnig mo ang latest sa kapitbahay nilang nabuntis ng magtataho. Merong nag-aaway at nagmumurahan. Merong tawanan ng tawanan, parang takas lang sa mental o hindi lang makaget over sa joke ng comedy bar. Syempre hindi pahuhuli si Manong Driver, super lakas ng sounds nya! Kakatawa lang kasi kakalurkey ang mga music choices nila. Yung iba mahilig sa radio stations, nanguguna na ang Love Radio kelangan pa ba imemorize yan; Energy FM hi pangga; at Yes FM mula nang makilala ka ako'y napaakit mo. Minsan may baong ipod o stereo si kuya. Lakas ng sounds, lalo na pag patok. Kalurkey lang pag mga Regine at Mariah ang pinapatugtog nya. Kadalasan mga local raps na sobrang Jologs to the maximum level. Hindi maiiwasang may sumasabay sa mga kanta na sintunado. Yung iba may ipod or mp3 player na lang para maiwasan ang nakakarinding ingay.

Iba ibang itsura rin makikita mo. May mga nakauniform, pang school, pang nursing, coat and tie, corporate attire, pang constru at iba iba pa. Maraming naka-casual lang pang japorms. Minsan may nakaformal, pang debut or prom yata. Si manong driver din dapat sumunod sa uniform nila, blue polo, pantalon at sapatos. Pero marami pa rin pasaway. Nakasando, shorts at sinelas lang. Kung sa ibang mall nga bawal yan eh. Minsan naeenjoy ko ang mga view dahil madaming cuties at number seventeen. At talagang makikinis ha! Grabe nga lang minsan, makipagkiskisan ba? Shett, kakatakam lang.

Nakakarindi minsan kapag punuan na ang jeep. Ilang beses pa lang akong sumabit sa jeep. Nagbabayad naman ako, natatakot lang ako minsan kung sakaling madisgrasya. Minsan naman papapasukin ka sa loob ng jeep kahit puno na.

"Meron pa sa kaliwa."

Nasaan? Ipagsisiksikan ko na lang yung kalahating pwet ko kasi meron pa daw. Pag lingon mo sa bandang unahan o likuran mo eh makikita mo ang sumusunod:

A. Majubis na ale o mama, minsan kumakain pa ng fries, toknene o barbecue sa jeep.
B. Mamang nakabukaka, siguro may prostrate cancer takot magdikit ang mga legs.
C. Miss na akala mo kagandahan at padiagonal ang upo.
D. All of the above.

Malas nga naman. Minsan parang gusto kong mang-away eh. Miss, may bayad ba yang pekpek mo kasi nag-abot ako ng 8.50 eh, magkano ba ibinayad mo? Pero walang magagawa kundi magtiis kahit sobrang nanginginig na ang tuhod para sumabit at magbalanse.

Madalas akong malate sa pagpasok dahil sa kapipili ng jeep. Dati gusto yung mga patok kasi mabilis na, magara pa, at todo sa sounds. Pero ngayong gusto ko yung simple lang, yung maluwang para malaki ang space para lang sa akin. Kaya lalong nahihirapan ako sumakay eh, andaming factors.

Ang pagsakay sa jeep eh parang pagsakay sa buhay, minsan malubak ang daan, minsan masikip ang upuan, pero natututo kang makuntento at magkasya sa kinalulugaran mo, minsan nakakapagod mang umabot ng pamasahe at least nakakatulong ka rin sa kapwa mo.

Ang pag-aabang naman sa jeep eh parang pag-aabang sa pagdaan ng pag-ibig, marami namang pwedeng ibang sakyan pero gusto pang mamili.
Ang mga taong choosy ang laging naiiwan ng byahe.

Hanggang dito na lang po! Para lang po sa kanto!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips