Lunes, Setyembre 18, 2017

Kwarto

Walang komento:
Magpapaalam na sayo ang aking kwarto
Na punung-puno ng galit at damit


Magdodownsize na kami ng bahay dahil kukunin na ng isang tito ko ang share nya sa bahay. Ang weird nga kasi may bahay na sila sa Houston pati sa Davao pero bet pa rin talaga nya ng masisiksikan sa Maynila. Wala kami magawa dahil bunso daw sya... yung paniniwala ng mga matatanda na bahay daw dapat ang mana ng bunso or something to that effect.

Anyway, tinamaan ang dalawang kwarto kasama sa akin sa mga madedemolish pag natuloy na ang hatian ng bahay. Nag undergo ng renovations ang bahay recently at ako'y naglipat na sa smaller room na kashare ko sa kapatid ko, pawang plywood lang ang pagitan namin. Well meron naman visual privacy pero not audio so kung gagawa ako ng himala, kelangan muted.

Wala namang aberya sa paglilipat ng gamit. Nakakalungkot lang na sa loob ng sampung taon ko ginamit na silid yun. Siguro dapat na rin kasi di ko naman nililinis yun pero naimmunize na yata ako sa alikabok nun, actually minahal ko na bawat butil ng alikabok dun choz. Bawat libro at damit at abubot pawang napakabigat buhatin dahil may dala silang mga alaala kung paano at saan ko sila ipinatong. May mga ilan ding nakalimutan na sa panahon, may picture pala ako na ganyan, may keychain sa kung saan probinsya, mga bagay na nilamon na ng sapot at dumi. Like yucks, I don't know if I'm bringing them pa ha choz.

Ngayon eto nasa half-room na ako. Mas maliit ang kama ko dahil di kasya yung dati kong kama. Ok lang naman kasi di naman ako sanay talaga matulog ng may katabi. May half-window din ako, half lang kasi yung isang half nandun sa side ng kapatid ko. Actually, lahat ng bintana nasa kanya, pati ba naman kalahati nito kinuha pa. Parang gusto ko magbutas ng pader para may fresh air mag-isip. Di ko akalain pati pala kwarto pwede ka magkaroon ng sepanx.

Since nasa topic na rin tayo ng lipatan, parang nais ko na rin bumukod ng bahay. Condo talaga ang gusto ko, yung para sa akin lang. Damot ano? Nakakatakot mag-isa nga lang pero ang tanda ko na, nakakahiya naman na di pa rin ako independent. At sanay na rin naman ako mag-isa emotionally, bakit di ko pa itry idetach ang sarili ko sa bahay na to physically.


Di ko na kayang mabuhay sa kahapon.
Kaya mula ngayon, mula ngayon....


ps. I'm semi-emotional right now. Refresh lang muna ako sa pagsusulat bago ako bumongga ng word vomit. Pro-tip: wag kayo masyado mag-adik sa Sugarfree, nakamamatay. Ang sakit sakit na bes eh.

____________________
Photo by Ken Bosma via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips