Lunes, Nobyembre 30, 2015

Swipe Right at the Wrong Time

Walang komento:

Sawang sawa na akong mahalin ang sarili ko. Ngunit bakit sa tuwing nais ko magbahagi ng aking puso, pilit nila itong inaagaw, dinudurog, iniiwan. Sa lupa. Sa putik. Sa dumi. Sa kung saan mahirap na naman itong pulutin, tipunin, at buuin mula sa punit-punit at tagni-tagning mga piraso. Sana tinigasan mo na lang ang puso mo at di inalay sa mga pangako ng emosyon. Hindi ka na sana nagsusulsi jan.

End drama.

Wag na kasi magswipe swipe nang madaling araw. Para di ka na makakita ng mga nagpapaalaala ng hinagpis mo. Wehanongayon kung nagswipe right din sya?  Nothing is certain but death and taxes. Mamamatay din sya. Magbabayad din sya.

Alam na kasing emotero ka eh lalo pa't holiday na naman, kesehodang legal sya. Makuntento na lang na magkumot at akap akap ang sarili. At least di ka namaluktot.

End of the world. Choz. Agad agad?


____________________
Photo by Shinichi Higashi via Flickr.

Linggo, Nobyembre 15, 2015

Blogsilog

Walang komento:

Five blogs for 2015?! Partida hanggang November pa yan ha. Parang super tamad mode lang talaga ako this year. Anyare? Walang gana. Wala kasing nagmamahal sa akin choz. Wala naman talaga ever since bakit ngayon lang nawala sa eksena?!

Parang di na ako relevant sa mainstream. Or rather di na relevant sa akin ang mainstream? O wala lang masabi. Dahil kung may sasabihin man ako, malamang nasabi na yun ng milyun milyong netizens, also known as Aldub warriors choz. Malamang may nakapagpahayag na rin ng sarili nilang pananaw na mejo similar sa naiisip ko. So why make sulat pa ulit that. Para lang akong parrot nun.

Ayoko namang balikan ang taong nagdaan para lang mag top ten trending  topics para lang excuse ko sa long overdue social commentary. Kaya na ni SpotPH yan. Ayoko na makisawsaw sa showbiz dahil I'm sure inispluk na yan lahat ng PEP o ng tsismosa mong tita na manikurista ng buong barangay. Ayoko na magsalita pa tungkol sa eksenang political sa bansa. Anjan naman ang Rappler at si Professional Heckler at yung manong taxi driver na may kuda sa lahat lahat na lang.

Nakakapanghinayang lang na baka sana ngayon sa alternate universe eh may volume 2 na yung libro ko. Or may nagsampa na ng kaso sa akin dahil sa freedom of speech, also known as right to cyberbullying. Orkot lang. Hayaan na lang natin yan sa alternate universe.

Ang mahalaga ay ngayon. Dito. Gusto ko pa rin naman mag express. Kung paano ko pa mailalabas ang mga saloobin ko. Pwede naman ako magtweet. Kaso parang ako at tatlo pang iba lang ang nagbabasa ng tweets ko. At very challenging ang 140 characters ha. (Buti nga wala si George Martin sa Twitter baka mabawasan pa ng characters). Kailangan ko lang ilabas na to. Puputok na eh. Ang sakit sakit na. Urteh.

Parang nainspire ako sa paandar ni Jade. 30-day writing challenge. Parang yung 365 days of happiness ko dati sa Tumblr pero ngayon eh anything under the sun na. So more emote na to, wala nang happiness eh. 

Matry nga at least one blog sa isang araw. Parang breakfast lang. Dahil mahalaga ang almusal sa tao. Dun ko ipepeg ang importance ng adhikaing ito. One blog plus sinangag at itlog. One blog to rule them all choz.

Pero paano pag wala maisulat. Ok lang. Minsan naman nagskip ako ng breakfast eh. Magkape na lang. Para magising sa katotohanan.


____________________
Photo by don via Flickr.

Sabado, Nobyembre 7, 2015

Belated Halloween sa Puso kong Sabik

Walang komento:

"Baka kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may darating na mas ok, na mas pinalaki, mas pinafortified, yung hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung magtatama ng mga mali sa buhay mo." Or something like that ansabeh ni Popoy na incidentally ay may part 2 ang movie nila this month! Success kaya ito gaya ng Before Sunset, o flop gaya ng Temptation Island 2.

Anyway, ayun na nga going back. Drama mode on. I'm so sad today. Nategs kasi ang pusa namin si Harley. Ang sad kasi napamahal na kami dun kahit six months old pa lang sya. Ang cute cute pa nya. Ang sad really. Sad. Nasabi ko na ba na sad sya. And sad talaga. Sayang nga eh di pa sya umabot sa Halloweeen. I mean umabot naman sya kaso kung nategs sana sya nang mas maaga eh di sana naisama ko sya sa pagtirik ng mga kandila. Ang morbid lang.

I know it's weird. Bakit attached tayo kahit pet lang sila. Ang pets ay may kaluluwa din, may puso din sila. And in that short time nagbahagi na ako ng parte ng puso ko sa kanya.

And then biglang may dumating. At biglang nawala. Kaya ayoko nagkakaganito eh. Again and again. Minsan na nga lang makaramdam ang manhid na damdamin. Magseshare ka ng parte ng puso mo at anong mangyayari? Three business days ang SLA ng reply sayo. Tapos Deadmadela na.

Hinukay, niresurrect, tapos pinatay mo ang puso ko. Sana pinatay mo na nang mas maaga para naipagtirik ko ng kandila. Para naibaon ko sa tabi ni Harley. Ang sad sad lang talaga. Ang sad di ba. Ang sad.

Nagkamali na naman ako sa buhay ko. Nasaan ang darating na mas new and improved. Na magtatama ng mga mali na mas effective pa sa Snow Peak. Na hindi magpapaasa at mananakit. Na hindi mang-iiwan ano mang season o piyesta opisyal ang magdaan.

Ang sad. Sana maayos ang sequel nila Basha para man lang maging happy ako ngayong buwan. Pakshett magpapasko na naman. Ang lamig. Ang sad.


____________________
Photo by Ian Steinback via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips