Martes, Enero 27, 2015

RE:Solution

Walang komento:

Ohh nag new year na pala. Di ko man lang masyado napansin ang pagdaan ng panahon. Choz lang. Pansin na pansin ko syempre. Wala lang ako siguro time na idocument.

At dahil new year parang required na maggawa ng resolution. Ngunit hindi totoo ang mga resolution dahil hindi naman ito natutupad. Gaya ng mga pangako ng forever: HINDI ITO MATUTUPAD. WALANG FOREVER!

Pero ok fine. Pagbigyan. Magdraft ka ng resolution para sa mga plano mo sa buhay. Baka maka 10% ng resolution mo this year. Malay mo next year 11.57% naman. Nakabenchmark at least.

Paano ba magsimula? Mahirap na bagay. Gaya ng intro ng blog. Mahirap simulan. Pwede naman sa baby steps muna. Pero hindi ka na baby, damulag ka! Tumalon ka na lang pasugod sa gulong ng buhay. Go!

Naniniwala din naman kasi ako na ang mga umpisa ay dapat magmula sa mga pagtatama. Andami kong semplang last year at I'm sure there's many more to come pa. Hindi naman pwedeng clean slate na lang agad. Maraming lessons pa. Ayun na nga, sa dami ng lessons eh tatanga tanga pa rin. Naniniwala din naman ako na darating ang nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo. Parang personification lang ng snowpeak ganyan. Tama ba, Popoy?

So saluhan nyo ako sa pagtatama ng mga mali. 27 days na ang nakalipas. Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede pa rumesolution. At ang first ko ay bawasan na ang pagpapakatanga. May 32 years of existence ko na namaster yun. Nakakapagod na.

Sabi nga nila the first step is acceptance. I accept this mali mali award award. Pero izz time na baguhin yan. Turo sa amin ng aming tagapayo sa homeroom nung high school na si ginoong Ambrocio T. Pechardo: "Boolsett kayo! Pumasok kayo sa basurahan. Doon magtanggal kayo ang mga duming nakakapit sa inyo. Boolsett!" Very inspiring di ba? 

First step ko siguro ang pumasok sa basurahan. Para magbura ang mga bakas ng kahapon.


____________________
Photo by Junzhe Wang via Flickr.

Linggo, Enero 4, 2015

English Only, Please

Walang komento:

Usually, inuulan ang pasko ng mga fantasy at horror films. Minsan may ilang naliligaw na drama at period/historical ang peg. Pero rare yata na may romantic comedy sa MMFF. Nirereserba ng big production outfits ito para sa Vday. Kaya nasurprise ako sa English Only, Please entry.

Ang plot isang englishero na Derek as Julian naghahanap ng magtatranslate ng hate letter nya. Enter ang Jennilyn as Tere na English tutor kaya madali lang sa kanya. Ewan ko ba sa dami ng applicants nya eh bakit si Tere ang napili. Mejo ok naman yung isang teacher dun, or yung konteserang dragonessa na nakagown pa sa Skype innerview nya choz. Pero syempre kung di si Tere ang napili, eh di wala nang screenplay. Predictable ang ending, yes. Pero aminin mo ginusto mo rin naman ng fairy tale ending di ba? Wala nga lang kasal-sa-beach-tapos-song-and-dance-number-then-jump-shot-fade-to-black ending. 90s pala yun.

Umikot ang story sa katangahan sa pag-ibig at sa pagmove-on. Si Antoinette Jadaone ang co-writer kaya similar ang approach nya. Dahil sa totoo lang, nakakatanga naman ang pag-ibig, aminin mo? Maraming funny at witty lines at di din naman naman pilit. Walang ma-"hugot" na quotable quote sa pelikula pero may ilang memorable lines naman. Traffic kasi sa Edsa. Cute ng visuals ng vocab tutorials ala dictionary entry with matching commentary ng narrator.

Magaling ang acting ni Jen sa pelikulang ito. Hindi pilit. Hindi man heavy drama, hindi man overreacting na panghorror, pero at least hindi pilit. Hindi ko napanood ang ibang entries dahil wala naman talaga akong interest kaya di ko masasabi kung mas deserving si Jen sa other nominees pero kung ang basehan ko lang ang pelikulang ito, pak na pak ang acting nya. Bagay pala sa kanya ang babaeng bakla, I mean babaeng awesome! Nanominate ba si Kris this year? Seryosong tanong! Si Derek naman, hmmm.... I dunno. Mejo na-off ako sa accent nya, parang class A lang. Pero cute ng onscreen chemistry nila ni Jen. At nakakabuset pala si Kean. Baka nadadala lang ako sa acting nya kaya ako nabubuset sa kanya in general. Konti lang ang eksena ni Cacai Cortez pero sobrang funny ni teh. Yung anak ba nya sa pelikula yung batang Lotus Feet choz.

Maganda ang shots ng pelikula. Parang pang-indie lang pero very crisp ng visuals. At maganda ang sprinkle ng bokeh lalo na sa night shots. Yun nga lang feeling ko pag gabi ang eksena parang nilulunod sila ng ilaw. Like yung mga eksena sa gabi halatang ginamitan ng spotlight. Mas ok sana kung meron pa rin ilang dim, ambient lighting, para may romantic effect sa eksena.

Di ko masyadong napagtuunan ang background music dahil siguro di sya masyadong nagamit. Sa theme song naman sumwak ang lover's anthem Bakit Mahal na Mahal kita by the martir queen Rselle Nava. Yung eksenang nag-eemote ka tapos tutugtog sa radyo yan. Ininternalize mo pa ang lyrics ganyan. May ilang reklamo lang ako sa sound pag nag-uusap sila, parang andaming background voice. Parang may naririnig akong nagbabangayan/nagchichismisan sa background habang nagroroll ang camera. Sana na-edit out man lang yun.

All in all, naenjoy ko naman ang English Only, Please. Akala ko dun lang sa eksena ng mga walangyang barker, pero naenjoy ko naman lahat. Hindi pa rin sya One More Chance level for me pero a step above other cheesy, over-the-top, tired, repeated, romantic comedies na napapanood mo every February. Kung nagustuhan mo to, bakla ka. Awesome ka!

If you haven't seen this film, SEE IT NOW! Habang may blessing ka pa ng Three Kings. If you liked this movie, PLEASE GO SEE THAT THING CALLED TADHANA! Sa February 2015. Bago mo panoorin yung favorite artista mo sa Star Cinema o GMA Films Vday presentation. O bago sa Fifty Shades of Grey. Ni-capslock ko na para intense.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips