Linggo, Pebrero 19, 2012

Engalog

Walang komento:

Adobo burger with ube bread by JohNnnY via Flickr.
Fusion is nothing new... time after time.



Nagsusulat na pala ang Professional Heckler para sa Abante. At first akala ko lang isang wannabe fan na nagka-copy paste sa tabloid ng blogs nya pero wait there's more. Naconfiiiirm ko via his Twitter account (assuming sya din yon) na same ang lumalabas sa mga nilimbag at nailathala (honglalim) sa mga tweets nya, albeit super chop-chop lady sa 140 charactersss.

Ang weird lang talaga kasi di naman ako sanay na nagtatagalog si Heckler. I have to admit na di naman ako nakakapagbasa ng posts nya religiously pero I must say natatawa talaga ako sa wit nya, with all the reference jokes and evrathang. Pero ngayon may-I-tagalog na sya, it's so unnatural. Imaginin mo si Bob Ong umi-english. Pero bakit si Lourd de Veyra kahit in English or in the Tagalog eh funneh sya. May mga tao nga sigurong de kahon na sa pagsulat.

Ewan ko rin ba bakit ako napapasulat in English sa Tumblr account ko. Alam kong pilit minsan, madalas, pero go pa rin ako. Sabi ni Chase sakin na di daw sya sanay na nagsusulat ako in English, he can imagine me kasi daw how I speak pag nagsusulat ako in the vernacular. Howeeeeelllll go pa rin! One time talagang super stressed na akong mag-isip ng isusulat eh nagtagalog na ako dun. Comment ni friend Faye di daw nya bet in Tagalog kasi mas funny daw kung English. Hanobeh talaga, Tagalog or English?

Buti naman wala pa akong naririnig na comment dito sa Multiply ko na "huuuuyyy huuuuuyyy magtagalog ka na lang please lang" except nasabihan na pala ako ni Sherwin. Well, sabi lang naman nya sakin di daw nya gets ang ilang pinagsusulat ko (bilang isa syang Chinoy na inglisero) kaya tinatanong na lang nya sakin. May pagpapaliwanag na naganap, nalolost tuloy ang jowks in translation. Mabuti na to in Taglish with a dash of pepper and bekimon to taste. Yun lang I cannot make excuses sa aking Engalog sa Tumblr. Please bear with me.

Just to make things clear walang term na Engalog, gusto ko lang itawag yan sa English na may sprinkle of Tagalog. Just like wala naman talagang Taglish, Tagalog lang sya na umarte. Konting fusion lang ng dalawa yan mapa-engalog man o mapa-taglish yan, mema lang. Memahalo lang.

Kahit sa office naman ume-EOP kami minsan, trip trip lang. Pero instead na magnosebleed kami in case may actual englishment na nagaganap eh puro "yes yes" at "yep" na lang ang sinasagot namin kahit hindi naman closed-ended ang question para lang maiwasan magsabing "I dunno." For example:

Can you walk me through your process?

Yes yes.

So how do you understand this?

Yes yes.

You're not making sense.

Yes yes.

What is wrong with you?

Yes yes.

Would you like coffee, tea or me?

Yes yes.

Which one?

Yes yes.

Potah ka!

Yes yes.

Minsan okay naman kung may konting Taglish. Wag lang yung sobra sobrang bumoborderline na sa coñospeak like it's so arrrrteh kaya like OMG I don't wanna make rinig to that dude eh. Choz!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips