Linggo, Disyembre 18, 2011

Applecannon

Walang komento:
Photo by nebarnix via Flickr.


"Iphone4 or Canon SLR? I can't decide ano gusto ko panaginipan mamaya!" I tweeted two weeks ago. Yah know its just a joke. Pero yah know jokes are half meant yah right. I'm trying to shoot at people who would post this at their walls or timelines trying to say, or rather shout, at everyone, "hey peeps effin look at me, mayaman ako dahlin!" Oh sige ikaw na! Gusto mo pa iupstage si Eddie Gil na gusto bayaran daw ang utang ng Pilipinas eh sarili nyang pagkaka-utang tinakbuhan nya.

But then I checked my savings and yeah I am able to buy either, or both choz. Ang aga kasi dumating ng Christmas bonus at 13th month pay. Sa sobrang aga eh di ko na kailangan magrepost ng Aegis song sa wall ko azzin. Then I realized may downside ang maagang bonuseses, wala ka na karapatang mag-ekpect na may darating pang monelya sa Pasko. In fact may additional shock factor pa, last payroll pa lang nacompute ang aking tax adjustment at kailangan ko na maglaan ng more or less 5k para sa adjustment. Sa katapusan maiiyak yata ako sa sobrang babang sasahurin ko. It's like minimum wage all over again.

But it's ok talaga. At least may pera pa, more more kasi nakakaipon na ako finally. Unlike before na kung may maipon man ako pambili lang ng isang outdated polo sa isang mala-ukay ukay na stall sa Greenhills or St. Francis Square ganyan. Siguro nga totoo yung sabi sakin ni Sherwin na swerte sa akin ang Rabbit, nagdala sya ng pera ohh. Di pa rin naman ako mayaman pero at least di na ako majiraffe.

So going back to my original dilemma. Alin nga ba ang dapat kong bilhin? Iphone or SLR? Waiting pa ako ng sign, at it will open up my eye (I saw the sign). Lezz see the options shall we:

Kung go for smart phone ako, it's around 36k kung iPhone 4s 16gb. Hindi ko man lang nga naunawaan kung ano ang 4s na yan eh. Nagtanong ako kay Ferdie about Iphern at sabi nya konti lang daw ang difference between 4s at 4g. Next question, ano ang 4g? Mygass andaming letters nang involved nalilito lang ako. Tapos wala pang purple na iphone choz. Heniweys pwede naman ako mag Android, yun nga lang wala akong mainnerview kung happy sila sa phone nila. I could go for another fruit, yah know BlackBerry pero I'm not a QWERTY person. 

Another scary thing eh kung madukot sakin yan, kasi as of now yung aking primitive celphone eh wala pa nagtatangkang mandukot. Alam ko naman hindi kadukot dukot sya pero pano naman malalaman ng mandurukot kung pangkaskas ng yelo o hindi yung phone ng dudukutan?! Siguro nasa itsura na lang yon, kung mukhang sosyal dukot kaagad, pag hindi dedma lang. Dapat muchas grasas ang attire sa public transpo ganyan. Or choisy lang ang mga mandurukot? Sosyal ka kasi Ezz kaya ka nadudukutan wag mo ako idamay sa kamalasan mo choz.

Kung go naman ako for SLR, it's around 33k depende pa sa kit yan, I think that's the 18-55mm na lens. I'm looking at the 600D EOS, entry level na DSLR yan at cool dahil sa mga creative shots. Kaso I don't wanna make palit my digital cam yet kasi di pa sya nag-aanniv until 23rd of December. Natry ko na rin yung baby ni ken na Nikon D3100 kaso ang hirap talaga gamitin kasi naman lahat na lang ng shot ko malabo. Mabuti pa yung baby Canon 550D ni Ai first touch pa lang may chemistry na. Ang di ko lang talaga gusto sa SLR eh hindi sya as portable as a digicam. Sabi nga ni Jan para daw syang merong artificial dick sa may chest level.

Hanggang ngayon wala pa rin yung sign kung Apple or Canon. Kaya help me. Just text APPLE or CANON at isend mo lang yan sa 2366. Or bayaran ko na lang kaya ang pagkakautang ng Pilipinas sa World Bank? Choz jowk lang, and I don't mean it really, seriously.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips