Martes, Marso 22, 2011
Fairly Oddparents?!
Cosmo at Wanda
03.15.11
Nagsetup ng mini movie marathon sa unit ni Chris sa Citihomes aka the Lonely Chair Apartment (dahil sa lonely chair sa may sulok malapit sa CR). Ang kitakits sa Jabee sa Boni around 4PM. Nalate lang ako ng konti eh nanggagalaiti na ang Bash. Nakapink sya that time at ako naman green, parang fumfairly oddparents lang. Sya na si Wanda at ako naman Cosmo. Si Chris na lang ang designated Timmy Turner, while si Ef ang designated nagmamalditang babysitter na si Vicky.
Since wala pa si Vicky eh kaming dalawa lang ni Wanda ang umattack kaagad sa Citihomes. Pagdating sa gate may-i-harang si manang laguardia at pinapalog-in kami sa slumbook nya para mamonitor daw ang entrances and exits. Eh wala namang ganitong drama before?! Phone in question
LAGUARDIA: Wer u pfouh?!
WANDA: Sa third floor teh.
LAGUARDIA: Ahhh sa C! Sa C! C!!!
WANDA: Espanyola ka teh?!
COSMO: (Nabibingi?!)
LAGUARDIA: Si! Si! Si!!! Kay madam! Kay madam! Kay madam!
WANDA: Madam na kagad, eh di pa nga tumatakbo sa congreso.
COSMO: Hindi, sa fourth floor po.
Nako parang nag-adik sa snowbear si manang. Pero infernezz kabisado nya ang floorplans at units ng lahat ng buildings yata dito. Alam nya kung sino ang sino at kung san nanggaling at san patungo ang mga sino. Dinedescribe pa ni manang yung mga tao sa unit D418 eh sabi ko nga sa D417 kami, pero alam nya din na galing sa kabilang building sila Timmy. Pinaakyat nya rin kami later sa unit, pero kelangan kumaway pa kami sa kanya bago pumasok.
Binulabog na naman namin ang LCA. Watch watch muna ng ilang palabas sa TV bago magstart. Nagpasundo pa ang Ef sa may Jabee kaya inabot na rin kami ng 6pm bago tuluyang magstart. Dim lights kami while watching, three sa long sofa at si Chris dun sa slightly detached sofa. Of course si lonely chair mag-isa sa sulok.
First movie ang One More Chance ni Popoy at Basha. I'm so sorry pero first time ko pa lang talaga panoorin to. Feel na feel ni Wanda ang pagwatch while kami ni Vicky jinojowk time lang namin yung ilang eksena, imbyerna tuloy ang Wanda. Di natapos ang movie nang hindi namention ni JLC ang Biogesic at least once sa pelikulang ito. Although di ako humagulhol sa panonood nacutean naman ako sa story at sa mga eksena at nafeel ko rin naman somewhere deep within ang drama. SANAY TAYO NA LANG, SANA TAYO NA LANG ULET. Umuulan ng mga quotable emotes itong movie na to. SINGLE BUT HAPPY. Sana lang kaya mo panindigan ang mga linyang yan kapag kinoquote mo dabah. ALAM MO BA ANG THREE MONTH RULE?! Wala naman ganyan sa guidebook ko. Clap clap ako sa casting at acting. Panalo din sa epek si Maja, parang Juris ang itsura nya ha pero Roselle Nava ang drama sa pagka-martyr queen.
Dinner intermission muna sa RJ Bulalohan. Ewan ko ba bakit sa dinami dami ng kulay ng toyo and patis shakers nila eh kulay pink and green din?! Ano to sinadya?! O baka totoong Cosmo and Wanda yan in disguise. Choz! Habang umoorder kami at nagtatanungan kung anong kakainin namin eh biglang sinapian na ang Wanda. Di na sumasagot. Di na makausap ng maayos. May sumpong na naman. Kairita lang. Well, dinedma na lang namin at umorder na kami ng bulalo, tawilis, at ensaladang talong. Sa paligid ligid ay daming tao, imbes na ang mga eyes namin eh nakapako sa plato namin eh kung saan saang direksyon ito naglipana, sa kabilang table na may mga bagets, o dun sa kuyang bet sa katapat, o dun sa magjowa yata at mukhang mas mayaman yung isa (dahil di sya masyadong pinagpala ng ganja). Pati yung anak ng may-ari ng bulalohan bet, si Jaynard. Pag kumain kayo dito just look for him. Extra rice na lang oorderin nyo. Choz!
Before returning sa LCA eh nagdetour muna kami papuntang Barangka sa Boni, dahil talamak dun ang mga may itsura kaya kahit sandali sana ay makapagsight seeing kami hahah. Pero ang Wanda nagrereklamo na naman, keh arte arte at ayaw na maglakad. Napanood mo na ba ang House Bunny?! Homg, di ko rin alam ang movie na yon pero ang Wanda parang di makapaniwala na di namin knows ang pelikulang yon. Kung ano man sya, si Wanda na lang ang makakapagsabi. Choz! Nagdessert muna kami ng icecreams sa isang icecream shop along Boni. Iba iba ng flavors dahil di kami magkakasundo sa taste kung isang galon lang oorderin namin. Nagjeep na lang kami pabalik kasi present pa rin si Bernadette Sembrano.
Bumaba kami ulet sa may Jabee dahil walang direktang way sa Citihomes, more lakad lang ang tanging daan. Patawid na sana kami nang mag-Linda Blair si Timmy sa nakitang kuya nya. Hindi mapakali at cross back kami sa Jabee at sinundan sa loob. Umorder pa kunwari ng sundae eh kakakain lang namin ng ice cream. Paglabas namin andun pa rin si kuya inaabangan ata kami. Balak pa atang isama ni Timmy samin si kuya. Sa totoo lang natakot kami ni Wanda sa mga balak niya kaya tumawid na uli kami para iwan sila. Paglingon namin poof, nalapitan na si kuya para kunan ng number. May puntong bisaya daw si kuya kasi nung kinuha yung number ang sabi ba naman "zero nine one sibin" pagparing nila ng phone sabi ni ateng operada "sorry that number is unattended right now." Buti na lang wrong number hahah.
Sa continuation ng aming movie marathon, ang isinalang namin, due to insisteng public demand daw ohh, eh Serbis ni Coco Martin. Bathhouse sana ang papanoorin namin pero naumay sila nang makita si Rey Pumaloy sa eksena while naglilitanya ng "sa dilim ako ang reyna" or something like that. Kaderder lang. Serbis naman eh naexcite ako dahil andun si Jacklyn Jose and her underacting monotone emotions hahah. Ang ganda sana ng camera nilang gamit kasi napakalinaw kaso masyadong shaky dahil hand carried yata sya all the time. Parang Blair Witch lang, skeri ba tong film na to? Hindi ba uso ang tripod? Well, kung tititigan mo ang mukap kanila miss Jacklyn at Gina Pareño eh maiisip mong skeri nga tong pelikulang to dahil pilit na pilit silang pinaitim lang. May eksena si Coco na nakipagjerjer dun kay Nita Negrita. May pagslowmo effect pa kami para makita yung junjun nya, na mukhang fake at naman. May isa pang eksena ng best acting by a dragonessa in a nonsimulated BJ role, second award lang sya kay Chloe Sevigny sa The Brown Bunny. After ng mga eksenang yan saka pa lang pauwi si Wanda. So inistop na namin ang pagwawatch. *Change disk
Ngayong wala na si Wanda eh sa wakas makakapanood namin ang In My Life na ayaw ireplay ng Wanda. Mejo confusing pala ano kung papanoorin mo si JLC sa One More Chance na otoko tapos biglang magiging beki sa sunod na film. Parang biglang gusto mo sabihing "inay, jumajohnlloyd po ako and it's not a phase so deal with it." Choz! Nakakaloka lang sa lahat ng magiging pangalan ng character nya sa film na eto eh yung nemsung na parang gusto ko muna imute sa utak (sa utak lang ba?) ko right now. At ang nakakabuset eh kelangang ulit ulitin ni Vicky ang name nya all throughout the movie. Paulet ulet? Market market? In contrast, magkabaligtad talaga sila Miss Jacklyn at Ate Vi ng diskarte sa pag-acting ha pero winner pa rin dahil naitatawid nila ang emosyon sa mga televiewers.
At biglang nagpop-out na naman sa utak ko si Coco Martin at ang kanyang seemingly fake na notnot. LAHAT TALAGA NAKAMOVE ON NA, IKAW NA LANG HINDI! Choz!
Mga etiketa:
Food
Martes, Marso 8, 2011
Padlock
I haven't been blogging since eternity na yata. Naging busy kasi sa kodak kodakan (although wala naman akong talent kumodak yah know) at ito napabayaan ko na si Multi. I have like 10 drafts pero 2 or 3 lang ang gusto ko tapusin at ipublish don.
On a slightly pilit related note, sira na ang keypad ng phone ko. Nasira bigla yung number five. Yung pinakacenter yah know. Di ko lubos maisip paano mangyayari yon eh minsan ko lang nagagamit ang letters JKL. Well, kung sa tagalugan siguro nga talamak kapag bawat sennence eh punctuated ng NKKLK!
Heniweys, nagwoworry lang ako kasi mukha akong j3j3mOn sa mga friendships at new acquaintances ko. Diz key nat be! Nasisira ang reputasyon ko! Choz. Ang currently gamit kong cipher eh J = dy, K = x, at L = 1. Example: Naxaxa1oka ang mga dyedyem0n. pfouh. So kuntodo ekpleyn ako sa mga tinetext ko kung bakit ako nagkakaganyan at di po ako sinapian.
Naalala ko lang last year nung masira naman yung keyboard namin. Ewan ko ba bakit ang affected letters lang eh C, D, E lang. Di ko na matandaan pano ako nakasurvive noon sa pag-eekpleyn kung anong machine language ang tinatype ko online. Mas maeffort naman kasi kung gagamitan ko pa ng character map or virtual keyboard dabah. Narealize ko lang na gamit na gamit ko pala ang aking left middle finger. hahah
Heniweys wala namang konek ang pagrarant about sa unti unting pagkawasak ng aking keyboard at keypad. Dumadahilan lang ako dahil di ako nakakapagblog. Wala namang update sa akin at wala naman akong iuupdate so yeah paraan ko lang to para bumlog.
This blog entry is brought to you by the letters J. K. And L. And by the number 5. Buset effort yan kung tinext ko. NKKLK!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)