Martes, Nobyembre 2, 2010
Naga Express
Peñafrancia 2010
September, 2010
August pa lang nagplano na ang FSR ng byahe papuntang Naga. Doon isang umaga sa isang sulok ng BeckDo, may hangover pa ang lahat sa inuman, si Herson ang nag-organize kung sinu sino ang gusto gumora. Napasign-up na ako, si Son, si Ian, si Ef, si Chris, si Bash, at si Jomz. Nagset-up na sa last day kami magkikita kita. Si Red lang ang kaisa isahang gustong magpunta doon sa 10 para sa start ng festival, tapos gora sa Donsol in between the fiesta season then balik sa 18 sa last day. Sya na! Kami pang budget meal lang eh. Kaya nga makikisquat lang kami sa house nila Jack, sya bilang hostess of Naga for FSR.
Reservations
08.16.2010
August 16 nang magpunta kami ni Ef sa Isarog Lines para magpareserve. At dahil wala kaming shala powers eh forced ka pala'ng magpay as you reserve. Pinagtatawagan pa namin sila Herson at Red para lang magconfirm kung go talaga sila para mapaysung na rin namin yung tix. Etong Herson umaarte pa, ayaw ng likod na bahagi kasi daw shaky daw. At mejo natagalan pa kami kumuha ng confirmation sa mga gogora talaga kasi ba naman busy busyhan pa sila. Ang target date eh September 16 ang trip from Manila to Naga. Everytime na may papasok sa door na nagtatanong ng byahe sa 16 eh kulang na lang dukutin namin ang mga mata para lang pigilan or something like that. Narealize ko na 16 din nung araw na yon at baka nga naman chumachance passenger sila that night. Ang ending nakuha namin yung second to the last row para sa aming apat nila Ef, Son at Red. The rest eh bahala sila magpareserve.
A week before our trip to Naga, minessage ko ang mga jumoin para iconfirm kung gogogo na sila. Si Herson di daw pinayagan ang leave. Si Red may thesis. Si Jomz sasamahan ang jowa sa DFA. Si Ian training pa lang sa new work. Lahat na talaga may dahilan para umabsent at wala man lang duly notarized excuse letter as proof. Ok fine, pupunta pa rin ako whatever it takes. Omg, go din pala si Ef. At least may nag-iisa sa kanila na sasamahan ako by hook or by crook. Choz!
Flash back: A year ago, tumawag si Jack para pickup-in ko lang yung tix from Isarog. Nakareserve na sya. Expected ko eh same bus ako with teh Ezra pero no. Isinama ako sa Lazyboy with Red, my then errr crush....
Road to Naga
09.16.2010
Tuesday lang ako nagpass ng leave at dali dali namang naapprove since done na ako sa bulk ng paperworks. Thursday morning dinala ko na papasok ng office yung big bag ko. Plan ko sanang mag-casual na sa office pero I thought NO kasi birthday ng president namin kaya I'm sure mag-ii-standout ako sa corporate attire ng lahat. (Heniweys side note lang: ewan ko ba dun sa nagcater ng food, parang gustong kumain ng tao yung mga waiters at sungit sungitan silang magserve ha. Ayaw yata ibigay yung food at halos tunawin ka sa titig kapag humingi ka ng second serving.)
Umuulan na sa labas nang mag-out ako sa office at mapagkakamalan mong lotto stand yung taxi bay. Nag-offer naman si Ms. Helen na isabay ako papuntang Cubao, idadrop na lang nila ako sa may Tuazon. Actually sa may Baltimore lang yon, yung site ng dating Makro na ngayon Hypermart na. (Speaking of Hypermart, bawat kanto yata eh balak nang tayuan ng grocery nitong SM ha!) From there more lakad na tawid ng Tuazon, papasok ng Farmers at derecho na to Ali Mall. May nagcall, si Ef: "Tuloy ba tayo? Akala ko hindi na kasi umayaw na yung iba." Pakshett! Iiwan nila akong lahat?! Jumojowk lang pala sya at nasa may KFC na naghihintay.
Dumirecho kagad kami sa bus company para ipaopen ticket yung kanila Son at Red supposedly. Pumasok na rin kami sa bus para iwan yung gamit sa loob, then nagdinner sa KFC. Since nagdinner na si Ef eh iniwan nya muna ako para bumili ng water. Out of stock ang mga chicken steak kaya napa-one piece chix tuloy ako, plus one big bucket of fries. Kitang kita ko na tinimbang ni teh yung fries sa minibucket, nung nakita nyang tama na ang timbang saka nya tinaktak yung ilang pieces pabalik sa strainer. Kaloka, sana tinimbang nya ulit dabah. Sa dami ng tao that night na nakatambay lang eh forced akong makisiksik dun sa maliit na closed area ng mga crew mostly. Di masyadong malinis yung tables doon at walang aircon na umaabot. Dali dali kong inubos yung food in fear of viral infection. Choz!
Fifteen minutes before travel time eh almost full na yung bus. Yung seat reserved for Red and Son eh tinubuan ng mga pechay. Yung seat ni Ian, since di sya nagpaopen ticket, eh bakante at di man lang sila nagbother alamin kung pupunta pa si Ian. Heniweys may cutie sana syang katabi at tinitigtigan namin ni Ef, dun sa reflection sa window behind a dark background na animo'y mirror effect. Ang yummy nya, ang yummy nya, ang yummy nya... repeat to fade ko habang nilalantakan ang bucket of fries. May girl yata syang kasama na kinakausap nya kapag umiistop over kami. Pero sabi ni Ef may pagsulyap daw sa direksyon namin na di ko naman nakita kasi malabo ang mata ko. More chikka kami ni Ef from Cubao (kami nga lang yata ang majingay habang bumoborlogz ang lahat) hanggang nagkapaguran na lang bandang SLEX yata yon.
Flash back: 830 ang call time ng bus to leave for Naga. Si Red out of sight pa. Tumawag at ininform akong nasa LRT na daw sya, J. Ruiz station. Keh layo pa pala. Nagagalit na si manong driver, si manong konduktor at ilang manong and manang passengers. Napilitan tuloy akong magtrade ng tix, 2 lazyboys for 2 2x2 tix scheduled for 930. Feeling winner na yung nakakuha ng lazyboy tix. Kami feeling loser sa barter (pero parang winner na rin ako kasi nakasama ko sa bus si Red...)
Welcome to Naga
09.17.2010
Nagising ako nang sumisigaw si Donna Cruz. There'll be no summer, spring or fall, each time is like winter time. Chosera ka teh, ang klima lang sa Pinas eh sunny at monsoon daw ayon kay Charice. Bagong bago ang mga music na pumeplay sa radio: may Andrew E. at Renz Verano, kakastress! Tinext ko na si Jack na malapit na kami, yun pala Naga na pala yon. Nagsipagbabaan na ang mga tao at kami naman hintay galore kay Jackie. Karamihan ng mga bumababa may dalang pasalubong na Krispy Kreme. Move over na pala ang mga lata ng biskwit dahil ito na ang bagong pasalubong ng bayan. Choz! Naghihintay din sa station si cutie kasama ang kanyang gurlfriend. Maya maya iniwan sya ni gurl, friend lang pala sila. Biglang enter frame yung isang pasahero sa bus na mukhang pamintang di mapakali. Friend din yata nya si ateng. Omg baka nga beki talaga si cutie. Hayy. Bigla na lang sya naglaho nung sinundo ng dad nya.
Since wala na kami masight ni Ef eh umupo na kami sa bench para more waiting galore. Nakaidlip ako akswali. Pagmulat ko akala ko iniinvade na yung terminal ng mga kaGaGahan. Azz in mga nakacostume yung mga babaita ng di maiexplain na uniform made of black leather and silver palara or something. Eventually malalaman namin na para sa military exhibition exercises daw yon. Tumawag na rin si Jack na kakagising lang kasi bumorlog pala uli sya nung nagtext ako na malapit na kami when in fact nasa Naga na pala kami. Quick drive at nasa mansion nya na kami.
Akala ko mag-ii-squat talaga kami sa may garden nila Jack. Masaya sana yon nakatent lang kami, parang camping lang pero ang difference eh may access sa running water and toilet. Supposedly eh dun kami sa boarding house na nibuyout ni Jack since lumalaki na ang family nya. Eh under construction pala kaya dun na kami nakisquat sa mismong room ni Jack. May queensize bed for the duchess, may plasma tv na di ko napansin nung una, fully airconditioned at wifi ready. May bundy clock pa sa gilid san ka pa?! Ayy para san yung bundy clock?! Choz! Fax yata yon inechos lang ni Ef. May detached na bath sa may gilid na may shower at take note may heater din. May medicine cabinet, at meron ding tissue, although nalito ako bakit baligtad ang pagkainstall ng tissue tuloy lumalaylay yung loose end. Walang bidet ang toilet pero meron namang tabo, you can never go wrong with a tabo alam mo yan. Pero ang very very wrong eh walang timba. I can't live without timba yah know, nagpapanic ako pag walang timba. Choz.
Pagkasettle down ng mga gamit doon eh nagbreakfast lang kami at natulog na maghapon. Nung magising ako eh nagfacebook kaagad. Oh dabah pumunta lang sa Naga para matulog at magfacebook eh pwede ko naman gawin yan sa bahay ng walang involved na kapal ng mukha. Tinawag kami for merienda. Kakauwi lang galing sa mimingan sa CWC ang mga pamangkin ni Jack at namiss namin ang chance to make lublob to the water yah know.
Everyone is like making salita na in Bikol. Wala na kami magets ni Ef. Kami na ang na-alienate. May napipickup na words si Ef, mayo daw. Infernezz kay Ef eh magaling sya sa context clues. Wala daw equals mayo. Pero gudlak pa rin, pwede pa rin kami maibenta as aliping saguiguilid pag walang translator noh. In my 28 years of existence, I have never ever had any major major, I mean difficulties understanding yah know. Bumalik na lang uli kami sa room para magmukmok at magfacebook.
Flash back: Kumuha ng isang room sa hotel si Jack. Since anim kami eh talagang di kami magkakasya sa two single beds. Kumuha sya ng another room at itinransfer lahat except for me and Red. Habang yung apat nagshare sa two queen size beds, ayun kami tig-isa ng bed. I remembered sleeping that night, si Red naka sando at boxers habang ako nakapants at polo at jacket at three layers ng kumot. Sobrang ginaw. Wala man lang kayakap....
Late afternoon gumora na kami sa bus terminal para pick-up-in si Raf. Yes, parang callboy lang ang drama choz! Paikot ikot muna kami para umiwas sa traffic, all the while nirerate namin ni Ef ang percentage ng cute sa Naga. One time 1/500, the next 1/3700, then 1/1600... kaloka di masyado maraming cute pero meron din naman naambunan ng cuteism kahit papano. Pagdating sa may university, may pinahanap si Jack na maintenance person. Sabi nung kuya eh tatawagin pa daw nya sa kabilang building. Biglang senyas ni Jack dun sa driver na sundan. Aba ang bright na driver biglang inopen ang door at akmang patakbo nga. Kalurks, akala ko sa pelikula ko lang mapapanood ang ganung eksena. Pinigil ni Jack ang galit nya. Pinigil ko ang tawa ko.
After that derecho na kami sa estasyon. Akswali nagparebook na rin kami ng trip back to Manila using Red and Herson's open ticket. Nakabalik na kami sa entrance nang biglang may kuya at ate na nagpapamudmod ng Rite Med samples. Ayaw sana ni Jack kumuha pero ano naman masama sa libreng gamot (unless expired na to). Enter frame na rin ni Raf, tapos pinakuha rin ni Jack ng meds. Then ride na kami back to the manor. Di namin masyado pinagkakausap si Raf sa ride kasi di naman talaga namin sya close. Bulungan kami ng bulungan ng mga inside jokes ni Ef sabay tawa. Ayy kalurks ang Raf nakikilaffin, may alam? Close? Choz!
Flash back: Last year sobrang lala ng traffic. Pagkarating pa lang namin sa Naga eh bumabackroads na kami at may I daan sa kabukiran para lang makarating sa centro. Pati ang university ginawang parking lot. Lahat ng kalsada at eskinita eh siksik sa mga trikes at pedestrian....
Naga Night Out
09.17 c. 10:00 pm
After dinner nagyaya kaagad si Raf na gumora kami for the night para mafeel namin ang night out sa Naga. Nagprepare kami santagal sa mga susuotin. Since pasyal lang naman ang habol namin ni Ef eh nakashorts lang kami. Biglang pasok ni Jack sa room, tuliro. Apparently may friend syang doc na namurder, azz in sinunog daw ng callboy na nakikitira. Hinayaan namin muna syang gumora sa presinto para iconfront yung killer. Bumalik sya an hour or so later at mejo mahinahon naman pero ramdam mo ang kalungkutan. He was never someone na nanghahawa ng bad vibes kaya he invited us out to experience the Naga night scene.
Drive kami sa Avenue square. Performing on-stage si Nyoy Volante, kahit di ko sya masight sa layo eh narerecognize ko naman ang voice nya at nasasight pa rin naman ang eyeballs nya yah know. Infernezz gusto ko ang theme nya tonight, blast from the 80s. Pumasok kami sa Little Adam Sia resto, na akala ko same sa Little Asia resto or feeling ko lang nagtatawag sya ng tradename cases yah know. Di ako nagbeer that time at pasweet na nag-red iced tea lang. Maya maya nagyaya si Raf na gumora sa bar, sa may Club M8 daw. Ayaw ni Jack sumama, since may reputation syang pangangalagaan sa hometown nya, at baduy daw yung place. Umoo na lang kami ni Ef para lang maplease si Raf.
Across Magsaysay lang and down a few blocks ang bar. Andaming grupo ng kabataang lumiligid sa area. Pumunta na kami sa door pero biglang naharang kasi nakasinelas si Raf at Ef. Paglingon namin yung grupo ng kabataan eh nakatitig kay Ef at yung nasa gitna dinuduro sya parang sinasabi, "Eh sya nga umiislippers din ohh look oohhh look! Look sabi ehh look!" Sabay pulot ng sinelas at parang aktong nilalamukos. Sarap sinelasin! Pikon na pikon si Ef don. Kaya lumipat kami dun sa kabilang bar named Molino. Mahirap makakuha ng spot dahil fully booked din at wala pang Tanduay Ice my gawd. Walk back kami sa resto with Jack. More kain si Jack don ng pesto. Nagyaya uli si Raf na bumalik dahil may fixer na daw sya, este insider daw. Di sumama si Ef dahil galit galitan pa rin sya.
Napapasok kaagad si Raf kahit sleepers. Powerful pak! Hawi ng herr pak! Sya na pak! Parang sinasampal ko lang sya noh pak! Imagine ang look ko sa loob ng bar: lumang ordinary brown shirt, shorts, sneakers at bag. Kulang na lang ng monkey at bunot na herrstyle eh pwede na ako umexplorer. One free beer lang ang covered ng entrance, isang sapat lang ang pagkaukewarm na Stallion may gawd. Sa gilid gilid lang sana ako pero mapilit si Raf na lusubin ang dance floor. K fine. Uber random din ang playlist, buti pa ang local radio stations eh nakaarrange sa degree ng jologness pero ito walang patawad sa panglilito at panghihilo sa dancers. Ilang beses natatabig ang bag ko, magdala ba naman ng bag dabah tapos rumereklamo?! Yung magpapartners ginagawa ba namang magsweet dance eh hiphop ang now playing?!
Then enter sa aking peripheral vision ang isang pares ng dancers, mga boys papalapit nang papalapit. At di talaga kami nilulubayan ha. Baka magjowa. Sumiar lang ako sandali, pagbalik ko kausap na ni Raf yung dalawa. Plus may ateng din na umaaligid, mukhang kasama nila. Sila pala si Gerald at Noel, yung umaaligid na ateng di namin pala knows fumifeeling close at ishogo na lang natin sa namesung na Trixie Log. Nilalandi ako ni ateng, di ko tuloy nakabonding kagad nag new friends. Bulong ng bulong si ateng in a naghihingalong English. Pwede magtagalog teh, walang fine! May pag-eexplain pa syang kaya sya lumalandi eh para daw maappreciate ng mga visitors. Ako ba si Amy Perez? Bakit ka umaapila teh?
Napagod na kaming sumayaw (or in my case, magtry na magmukhang di inaatake ng epilepsy) bandang alas kwatro na. Nagpalitan ng number at nag-addan sa facebook kaagad. Nagpakilala at nagkwentuhan. Si Geh single daw, akala ko parang union ring yung suot nyang college ring. Si Noel naman may partner daw na naiwan sa Manila. Nagpaalam na sana kaming umalis pero hinatid pa nila kami sa may Avenue Square. Closed na pero may nag-iinuman pang natira, umuwi na daw sila Jack. Nagkayayaan na lang na magmorning mass. More lakad kami pabalik sa mansion. Di na sumasagot ng phone sila. Mabuti na lang at pinagbuksan kami ng guards. Nagbihis lang tapos go na kami sa centro.
Flashback: Last year ang nightout lang namin eh yung stay sa sports bar ni Jack eponymously named JAQ (magamit lang ang word ohh). Nagvideoke at nakipag-agawan sa mic, nakisayaw sa crowd sa likod ng tabing, at natulog sa sofa....
Di lang Bongga, Fiesta!
09.18 c. 5:00 am
Since ala sais pa ang mass na pupuntahan namin eh nagpaumaga pa kami sa McDo. Kape kape lang ako for instant boost ng energy, one creamer and two sugar. After nyan eh nagawa ko pa talagang hilahin ang aking half-zombiefied brains sa Cathedral. Sa gitna ng plaza nakalabas ang Divino Rostro kasama ng makeshift altar. After ng mass, hinatid uli kami nila Noel at Geh sa mansion. Haba lang ng herr? hahah
Di pa rin kami natulog nila Raf. More kwento pa at surf ng pornies. Homaygawd. Bumalik balik na si Jack para pabangunin kami. Nakaidlip lang ako siguro ng mahigit isang oras. Naglunch lang kami pero this time kajoin na si Chris na rumoadtrip with friends ng mahigit kalahating araw para lang makarating sa Naga. Nagisa pa ako sa lunch na yun ha, naging topic ang latak ng feelings ko, at ang di maekpleyng love triangle chismess na parihaba daw ang shape ayon kay Jack. Pano naman makakabuo ng square ang three points?! Josko magaling lang sa english at finance pero sa geometry ligwak. Choz!
First stop namin eh sa Mud Bugs para manood ng fluvial, thinking patapos na ang parade pero wala pa. Nilakad namin papuntang centro at wala pa ring kaganapan. Lakad uli at nasa cathedral na kami. Kakatapos lang ng misa at palabas pa lang ang Divino Rostro. Namili kami ni Chris ng souvenir hankies para sa tercentennial anniv. Namili pa ako ng color at pati yung mga tastas di ko pinatawad. Sa totoo lang parang inspired sya sa mga El Shaddai hankies ha. Kebz. Nakisway sway na lang kami sa crowd at nakishout ng Viva El Divino Rostro! Viva El Divino Rostro!
Tapos back to chikkahan at camwhoring muna kami while waiting sa next procession. Nagtext si Noel na susunod na lang samin kung saan man kami. Sa tagal ng antayan blues eh pati nose hairs ko pinagtitripan na nila... boom! Nabunutan kagad ako ng tatlo yata, in the middle of the crowd, sa plaza, sa Naga, sa 300th year ng fiesta ng Peñafrancia. Omg! After thirty minutes ayun dumungaw na rin si Nuestra Señora. Nagpaulan pa ng confetti ang hovering choppers. Infernezz di sya shredded yellow pages gaya nung tambling ni Tita Cory sa Ayala last year. Sumunod na rin kami palabas right after. At sobrang daming tao ha, azz in nakakalunod makisabay sa agos. Hinanap namin yung shortcut pabalik ng Mud Bugs. Saktong dating nila Geh at Noel, saktong iwas ni Chris. Apparently, mga students sila sa school na pinagtuturuan ni Chris at ayun nga Sir na sila ng sir sa kanya.
Flashback: Last year nagtago lang kami sa second floor ng isa sa mga buildings around the centro. Makikita mo ang dami ng tao. Color coded ang mga tao at nakikita mo ang pagsway ng mga kulay sa tulakan at sa pagtatangkang akyatin yung domelike structure ni Our Lady. Skeyri lang, parang Nazareno ng Bicol lang sa dami ng tao....
Parang lumang building ang tinatayuan ng Mud Bugs, isang sports bar of sorts sa tabi ng pampang ng ilog ng Naga. Naging business na nito ang magpaentrance sa mga gustong manood ng pagdaan ng Nuestra Señora. Kahoy ang sahig nila na parang nasa barko lang ang feel. May mga videoke at mga billiards table at syempre alcohol. Sa backdoor ang entrance. Tama, eenter ka sa labas, or was it lalabas ka sa entrance? Heniweys 100 PHP para sa seat sa harap ng fluvial procession. Nagnomo muna kami ng Tanduay Ice while waiting. Sila Ef at Chris lumabas naman para bumili ng food. Wrong move kasi wala pang ten minutes anjan na ang fluvial. Nangunguna ang mga supporting stars, mga endorsers, mga color-coded na deboto, at last ang barge ng Nuestra Señora at Divino Rostro. Mapapansing walang gurl sa barge, bawal daw. Selosa si Our Lady, linulunod nya ang barge kapag merong nagtatangka. Ok lang naman kasi ayaw nya lang sa natural-born pechay so yung mga nagbabalak rumampang mga beki eh keribelles lang daw. "Gora!" text nya. Mehganon?! Tumagal ng five to ten minutes ang fluvial procession. Sa loob ng mga oras na yun eh di man lang nakabalik ang dalawa. Sayang namiss nila.
After ng fluvial lumabas na kami papuntang Basilica para sa mass ng Nuestra Señora. Malayong lakad pala yon pero wala namang magagawa kasi wala talagang masasakyan papunta don sa sobrang traffic jam. Lakad, stop, piksur, lakad, liko, lakad until poof andun na kami sa kalsadang straight ahead lang papuntang Basilica. Bumperrr to bumperrr ang sitwasyon sa dami ng tao. Tulakan ang mga tao, maya maya kabangga mo na rin yung mga pabalik kasi naman di naiayos ang traffic flow. May malalaki pang mga military truckies na nakahambalang sa daan. Kiskisan at punasan ng pawis talaga hanggang lahat kayo malagkit, nanlilimahid at pare pareho na ng amoy. Nagchoochootrain kami para di magkawalaan.
After like twenty minutes na usad pagong eh finally nakapasok din kami sa gates ng Basilica. Yung mass ginawa na lang sa yard mismo para maaccommodate ang crowd. May stage at powerpoint presentation pa talaga pero sorry di ko pa rin makita ang effort nila. May hundred or so priests na nakikicelebrate at iniluklok talaga sila sa pedestal malapit sa makeshift altar. Paypayan ang mga tao, at yung mga kandilang itinulos eh nagsilbing light source sa madidilim na sulok. Ilang beses na pumapatay sindi ang kuryente. Fail ang CaSurECo, sana nagUPS na lang sila. Fail din ang mga beki na tumitili kapag bumablackout at umiispark ang livewire. Nairaos naman ang misa ng matiwasay pero di ako nakakiss sa Nuestra Señora or nakapagwish sa Basilica. Fail ang attempt na to.
Naglakad na rin kami pauwi pabalik sa mansion, sila Geh at Noel naman pabalik pa sa Baao. Text text na lang daw sa Saturday nightout. Back at Wayne manor, nagsipagshoweran, nood noodan ng tv at more innernet nang bigla bulabugin kami ng mga kasambahay. Kumain na daw kami. Omg, I can't believe it. Pinupuyat pala namin sila kasi di pa kami nagdidinner. Lipas na nga kami sa gutom kaya di na namin ininda ito mehganon?! Pero wag ka pagkaserve ng food, lamon, lantak, lafang at laklak ang naganap. Simut sarap talaga.
Nagpaturo kami kay Raf ng ilang Bicol words. Naituro lang nya ang meron at wala na igwa at mayo. Si Ef nagturo din ng malalim na Pangasinense: tweet weet twee teet weet. Choz! Parang tunog ibon na daw kasi yung ibang salita doon. At syempre ang ever dramatic na Carlo Aquino moment na natutunan namin don: Huna mo lang mayo, pero igwa, igwa, igwa! PAK! Isinapuso namin yan para magamit one time while nasa Naga. Choz!
Bumalik na kami sa kwarto at more TV mode. Wala pang paramdam sila Geh at Noel kung what time kami magnonomo. Biglang may nagtext, si Noel sabi nya baka di na daw sila makasunod kasi wala nang masakyan pabalik ng Naga, at may sinasabi pang mamimiss daw ako. Omg, flirt signal yata yon. Pinilit ko na lang na pumunta pa rin sila. Before an hour dumating din sila, pinapasok pa ni Raf sa room... without Jack's permission ha. Tumabi pa si Noel sakin sa matress sa sahig... well dun ang pwesto ko kasi ayoko ng may katabi sa bed. Si Chris dumating din later then go na kami sa nomohan. Since walang baon na shoe si Raf, balak sana nyang makihiram ng shoe ni Jack. Binalaan sya ni Chris to wear the cheapest kasi baka madamage pa nya. In the end di na rin sya humiram, nagbaka sakali na lang na makakapasok.
First stop namin sa Molino bar. Sa loob kami pumwesto kung saan kinuha umeHH kami ni Noel sa ilalim ng table. We had to transfer later sa labas dahil nonsmoking sa loob duh. So ayun mas exposed ang seat kaya naghesitate sya humawak this time. Umorder na rin kami ng shots ng Tsunami, a blue colored concoction na may traces ng vodka or something. Curious naman sila sa Blow Job pero takot magtry. Naground two na lang kami ng Tsunami the tambling na sa Club M8. Akswali ayaw na namin pumasok don nila Ef at Chris pero mapilit yung tatlo. In the end go na rin kami.
Wala yung backer ni Raf pero napilit pa rin nya yung bouncer na papasukin kahit nakasandals lang sya. Sa loob eh puno na naman ng mga tao, mostly kiddies na parang pakawala sa out of control na prom night. Basang basa din ang dance floor that night. Di ko alam kung yung aircon nagleleak sa ceiling, may banyo sa room above na tumatagas ang water, or yung pawis na nag-evaporate eh nagpeprecipitate kaagad. Nagsipagpartneran na rin kami. Si Geh at Raf, si Ef at Chris na parang naglalaro lang, at kami ni Noel. Ilang beses ko hinuhuli ang mata nya pero mas mailap pa sa akin. Hayyy doncha know yun ang attraction factor ko, yung kayang makipagtitigan sa akin?! Nakaatensyon pa sya dun sa celphone nya eh. Pinanood ko na lang sila Ef at Chris na pinagtitripan yung ibang dancers. Umenter frame din yung isang celeb celeban na sigaw ng sigaw sa mic ng Kapuso! Kapuso! Stress si kuya, lalo pa't nakasuot sya ng sando at vest na outfit na very very wrong sa paningin ko.
Flashback: Nakijoin kaming lima nila Ezz, Ken, Pau at Lee. Eh biglang hinila si Lee nung isang pechay. Hala si ateng pinilit talagang ipasok yung kamay ni Lee sa loob ng pukersia nya. Yaaakkks....
Napagod ako at rumetire na sa isang sulok ng bar habang nilalaklak ang free beer. Niyaya ako ni Noel na lumabas, sabi nya gutom daw sya kaya niyaya na rin nya akong iwan na yung bar para magMcDo. That time sobrang bangag na ako. Tinanong pa nya ako kung ok lang bang magstay dun kanila Jack, sabi ko ok lang. So ayun dumirecho na kami from McDo to the mansion. Halfway sa byahe nagising ang diwa ko at kinabahan sa ginawa kong magyaya ng stranger sa house na sampid lang din ako. Omg! Tumatakbo sa isip ko sangkatutak na negative thoughts pero di ko napigilan din ang sarili ko dahil ginusto ko rin naman ito.
Pinagbuksan lang din kami kaagad ng guards at dumirecho sa room. Binuksan ko kaagad ang aircon habang naghubad na ng shirt si Noel. Ako rin naghubad na ng shirt at nagpalit sa shorts. Tapos humiga na kami sa matress. Ayun lang magkasama, just the two of us, magkayakap. Ganun din nila kami naabutan nang umuwi na sila Ef, Raf with Geh. Natulog na magkayakap sila Raf at Geh. Si Ef naman nasa kabilang side para pwede syang tumalikod sa mga kalapastanganan nasa loob ng silid.
Kinaumagahan inaya kaming lahat sa breakfast ni Jackie. Hiyang hiya ako sa nagawa ko. Pero he was in a light mood naman. Inintro na namin yung dalawa sa kanya at sya naman ay proud to accept them in our FSR family. Umalis din kaagad yung dalawa before lunch para mag-ayos ng mga gamit nila.
Legaspi
09.19.2010
Bumalik ulit kami sa bus terminal to reserve our seats. Ang byahe namin alas ocho ng gabi. Mahaba pa ang time namin para maglagalag sa Legazpi. Dun na rin namin sa terminal pinickup sila Noel at Geh. Si Chris namaalam na rin samin sa terminal dahil papunta pa daw syang SM.
Mejo mahaba ang byahe from Naga to Legaspi. Nasa passenger seat umupo si Ef para bigyang room kami sa likod. Si Jackie ang designated driver para magkasya kaming lahat. Another round of HH moments ng dalawang pares. Nakikinig ako nung una sa Sunday radio ni Jackie nang biglang pasakan ako sa tenga ng playlist ni Noel. Nakakabingi sya, azz in high level ang volume tanggal ear drums ko. May stopover pa kami sa Baao para magpaalam si Geh na magstay sa Legaspi. From then on, kwentuhan na along the way. This time si Noel na mismo ang nagkekwento kay Jackie. Yes kelangan talagang ligawang ang inay para pumabor sa anak. Choz!
Dumating kami sa may Cagsaoa bandang alas dos ng hapon. Di na sumunod si Jack sa loob since resident na naman sya. More camwhoring kami doon, pero nakakarindi yung mga batang nag-ooffer na sila daw ang kukuha ng pics. Mas marunong pa sila sa amin ha. Di rin ako nakakakagat sa maswerteng bato ng lumang simboryo, forfeited na daw ang chance ko since my last visit. Doon na rin ako naghanap ng mga ipapasalubong sa bahay, since super tipid mode ako puro cheapness lang ang pasalubong ko.
Next stop namin eh sa house nila Raf. Nagprepare pa sila ng merienda. Spaghetti, buttered bread, shanghai, macaroni salad, at iced tea. More chikkahan ulit hanggang sa nagkalimutan na kami ng oras. Past five na nung bumiyahe kami pabalik ng Naga. Naiwan na sila Raf at Geh sa Legaspi. Kinabahan talaga ako sa byahe namin kasi baka maiwan ng bus. Nilalandi ako sa likod ni Noel pero ang utak ko nakapako sa time. Bakit pa kasi namin iniwan yung gamit namin sa mansion kung pwede naman kaming tumuloy na ng derecho sa station. Grabeh may once or twice din tumama yung side mirror ni Jack. Napaseatbelt bigla si Ef.
Nakarating kami sa station past 8pm na. Hindi pa makaalis yung bus dahil may pito pang inaantay, kami ni Ef yung dalawa don. Hinatid pa talaga ni Noel yung mga gamit ko at yah know sweet naman talaga na inantay nya pang umandar yung bus bago sila umalis. Hayun ako nakatanaw sa kanila habang papalayo ang bus....
Implikasyon: What happens in Naga stays in Naga... or so I thought. Mauunawaan naman siguro kung meron reservations on my part, may jowa sya that time. Ayoko makientra yah know. Akala ko simpleng landian lang yon pero parang merong something yah know, pero hindi ba spark yung something na yon? Di ko sure.
Huna ko lang mayo pero igwa, igwa, igwa!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)