Yumeyellow
August 5, 2009
Isang nakakasad na moment in history yah know. Nategi na ang ating first woman president na si Tita Cory due to complications ng cancer nya. At infernezz dumami talaga ang pamangkin nya. Azz in lahat na tita sya, tita na sya ng bayan, pinsan na nating lahat si Kris, at talbog na nya si Tita Frita! (kapanahunan nya yan pramiss, igoogle mo.)
At dahil sa nalagak ang kanyang labi sa may Greenhills tapos biglang change of plans pala sila at megatransfer to Manila Cathedral, nagkaron tuloy ng traffic flow ito. Unang labas sa EDSA, papasok sya sa Ayala, then to Buendia, then Taft, then coming up the final stretch its Tita Cory going to the finish line, sa Manila Cathedral na nga.
Mabuti na lang at along Paseo kami kaya sa katirikan ng araw eh gumora kagad kami sa intersection ng Paseo-Ayala. Sa totoo lang di ko alam na bantayog pala ni Ninoy yun. Andami na ring tao, at kaunti lang ang payong. Ewan ko ba bakit di namin naisip magdala non. Nagsisiksikan tuloy kaming walo ata sa iisang payong.
Habang nag-iintay sa pagdaan ni Tita Cory, nagmamasid masid ako yah know. May megarally sa may bandang BPI, I'm sure di sila mapapansin kasi bigger event ang kasabayan nila. At kahit wala namang event eh di rin sila papansinin. Alam mo naman ang mga nasa Management and Supervisory role di yan marunong makinig sa hinaing ng empleyado nya. Cue music: Upuan by Gloc-9 featuring Zelle
"Kayo po na nakaupo
Subukan n’yo namang tumayo
At baka matanaw
At baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko."
Maraming tao rin ang umuusyoso lang. Aminado naman kami na usyoso mode lang din to, pero natouch talaga ako sa pagkadedz ni Tita Cory. Ito na siguro ang magagawa kong pakikiramay sa pamilya nya. Hindi rin naman ako nakajoin sa Tunay na EDSA Revolution back then. Mag-aapat na taong gulang lang ako noon, at ano naman malay ko sa mga diktador. Basta naalala ko na lang na nagbukas na ang ABS-CBN uli after non, at may production number pa silang lahat ng Kapamilya sa Network Tower nila, di ko sure yung song pero parang Bananarama yata. Heniweys, very thankful ako kay Tita Cory dahil kung wala sya baka nasa ilalim pa rin tayo ng mga mapagsamantala sa kapangyarihan... well sort of.
Akala ko nga may stage pa pero wala na pala. Tumutugtog sa background ang Magkaisa ni ateng Virna na dubbed People Power song. Ang surprising lang eh bakit biglang umeeksena si ateng Sarah with her carrier single Ikaw, ikaw ikaw, ikaw, ikaw, ikaaaaaaaahhhhhw. Naglipana din ang mga banners ng Mar Roxas na super shupal ang fezz ever, buti na lang di kasama ang Korina don at baka nastone to death ko yun, yung banner ha.
Pag tumingin ka sa taas mo makikita mo nagkalat ang yellow confetti. Naging symbol ito ni Tita Cory, konek din ang song na Tie a Yellow Ribbon 'round the Old Oak Tree, na ine-LSS yata nya habang waiting for tonight ang drama kay Ninoy. Heniweys ulit, ayun nga andaming yellowness all around, na kapag pinagmasdan mong maigi eh cut out to mula sa Yellow pages. Sa dami ng buildings around eh umeksena talaga kung eksena ang lahat sa pagmumudmod ng confetti. Ang problema lang eh di lahat yellow, karamihan don white na. Azz in shredded paper na mula sa office ang ginamit. Kapag may ganitong parada pala eh may excuse ang Makati sa paglilittering?!
Tirik na tirik pa rin ang araw pero wala pa ang Tita Cory. Pag may dumadaan na convoy mag-iistop sandali para sumiwag ng "Cory!" repeat to fade. At dahil di kita masyado ang harap dahil sa nakahambalang na kapapayungan, ang sinisigaw ng karamihan, "Payong, bumaba ka jan, tama na, sobra na, tiklupin na!"
Finally dumating din si Tita Cory after 30 minutes. May nagsong number ng Bayan Ko, parang si Ka Freddie yata. May prayer ng Holy Marys, Glory Be at Fatima Prayer. Tapos may speech ng thanks galing sa family. Akswali nasa van sila Kris azz in NOW NA that time daw pero di ko nasight.
Commonly associated ang yellow sa cowardice. Pero in Tita Cory's case, hindi takot kundi tapang laban para sa kalayaan ang dinala nya. At ngayong wala ka na, Goodbye Yellow Brick Road na ba? Naniniwala akong magpapatuloy ang kanyang legacy, ang kanyang pananaw, ang kanyang laban para sa kapayapaan. Naway gumabay pa rin sya sa ating bansa. Maraming Salamat po! Mabuhay ka Tita Cory! (Figuratively lang ha, wag yung zumozombie ka jan! Wag ganon! Di maganda sa skin yon sa totoo lang.)