Balls Galore!
May 15, 2009
Balak sana namin manood ng Angels and Demons ni Lei sa Glorietta. So one week before ng grand launch eh mega-invite na kami sa buong kao-office-an. Si Joyce tumanggi kasi kasama daw nya ang kanyang friendships galore. Si Ace mukhang ayaw din, si Fitz nagdadrama na naman. Si Doni mukhang busy, ang mga gelays na sila Garah, Jen, at Ckryz eh busy sa pets nila. Si Dex naman may appointment sa gym yata. So ang kinabagsakan Tayong Dalawa ang drama.
Friday ng hapon, bago matapos ang araw nagkaraffle pa sa office. Ewan ko ba bakit ang nabunot ko eh toothpaste, conditioner at foot scrub. Parang may gusto lang ipahiwatig ha, nakakainis na! Heniweys mga alas sais na kami umalis ng office dahil may session pa sa fezzbook ang mga katauhan. Himala at sasama daw ang Dex.
So lakad lakad kami hanggang Landmark. Naghanap pa si Dex ng pwede nyang pagwithdraw-han. Naupo muna kami ni Lei sa isang sulok para mag-antay. Maya maya enter stage left si ateng mukhang hooker, complete with super mukap, skinny kung skinny jeans at high heels. Pabalik balik ang ate. Now cue naman ni kuyang foreynjer, enter stage left din sya at may-I-abot ng thousand bucks kay ateng. Panalo! Super surprised naman daw ang Lei at first time nya nakakita ng ganoong kalakalakan. Ako rin naman bago pa sa paningin ko yung ganun pero di naman ako super react.
At umakyat na nga kami sa fourth level yata, mahaba ang pila pero nakipila na rin kami. Paglingon namin sa monitor nakita namin na two seats available na lang dun sa isang cinema, at fully booked naman yung isa pa. Kahit pa hanggang last full show eh wala kaming pepwestuhan. Wish ko lang nagbaon ako ng antimatter nung time na yun. Antimatter?! Meganooon?! Yung ibang movies nga nasa 200-400 seats available eh. Eh ayoko naman manood ng ibang film. BFF na lang daw, ano pang mukhang ipapakita ko sa office pag nalaman nilang yun ang pinanood namin!
At dahil badtrip-badtripan kami eh lumamon na lang kami at nagwindowshopping. Si Lei eh nagtingin tingin ng swimwear. Gusto nya mag two-piece sana pero pashy effect pa, magblazer ka na lang kaya. Meron din sa shop na malong, eh goodluck naman magswimming non, parang may kumot ka lang. After non, tambling kami sa tindahan ng havaianas. At dahil fan ako ng Spartan eh walang effect sakin ang pamimili ng sinelas, habang ang Lei eh nakakita na ng gusto nya in Black ang Silver lining. Eh wala sa size nya, suggestment ni ateng saleslady na kung gusto daw ba nya yung gray daw. Meron naman daw darating the next day yun nga lang di nya ka-sure-an kung merong size ni Lei. Tapos nung ako kami na ang magtitingin ng bibilhin, tama ba naman isuggest ang trunks?! Huuuuwhaaaaatt?! Baka magrally ang mga tao sa beach!
Bumalik kami ng around 9 para tingnan ang lagay ng cinema, mas malala na yata. Naglaro na lang kami sa Time Zone. Nagbike, basketball, at pati dance revo ay pinagtripan nila Lei at Dex. Yung finale namin eh maglaro ng GoGo Ball, yung galit namin sa mga tao eh binuhos namin sa paghagis ng balls sa screen. Buti na lang di masyadong malakas at ayaw naman naming magfine.
~0~
Photo courtesy of Sony Pictures
Thez ez Rili ez et!
May 17, 2009
Mega-mizcol ang Warren at iniimbitahan ako manood ng sine. Buti na lang hindi BFF ang nasa list nya. So sugod ako ng Trinoma. At dahil di ko naabutan ang four o' clock deadline nya eh nag alas sais na showing na lang kami.
At dahil wala pang wastong tulog at kain si Warren eh naisipan nyang magTeriyaki Boy muna kami. K lang naman kasi libre to at di ko pa naeexperience to. Wish ko kasi matry lahat ng Jap resto, turu-turo, at karinderya in town. Suki na kami ni Robb sa Sushi-ya. Si Elvin naman fevoritz ang RaiRaiken with the Ramen and everything. Sa Lonerz ko unang natry ang Tokyo Tokyo sa may PS na di ko nagustuhan ang mala-NFA rice nila, pero nakabawi naman yon nung next day eh magpunta kami sa branch non sa Greenbelt na this time eh sticky rice na talaga. Bale Karate Kid na lang ang di ko pa natry na recommended lang sakin ni Clarisse. Heniweyz, bad trip ang Warren dahil ditched sya ng friendship nyang Lulu. Nag-effort pa talaga syang sunduin ang Lulu sa Glorietta nang biglang maglitanya daw ito na, "Bakit nandito ka ha?! Di ba sabi ko mamaya! I said mamaya!!!" Well di naman harsh pero parang ganun na rin, makatlong beses na kaya syang nainjan noh! May puso ka ba, Lulu Tiburcio?! Meron ba? Meron?! At dahil jan, nalibre ako ng shake teriyaki at sushi!
Before six umakyat na kami sa cinema. Maluwang sya compared sa Glorietta. Sa isang dulo may magjowang tibo, di ko sana mapapansin kung di nakapasok yung kamay nung isang ateh sa bra at panty nung isa. Mejo mahaba ang startup namin kaya maraming trailers akong nakita muna. Then dim lights na at roll vtr.
At dahil ayoko mang-ispoil, di ako magko-comment sa movie dahil di ito review. Nagtataka lang ako dun sa katabi ko dahil wala pang 30 minutes sa film eh naghihilik na sya. Siguro pagod lang sya. Ok naman yung film. Comment lang namin dun sa antimatter eh para syang fireworks lang na naging Aurora Borealis, at may mga kwitis kwitis talaga sa gilid. Wish lang din namin na sa ending eh bago ipresent yung dapat ipresent sa taong madla yah know, eh kakanta si Charice ng Ave Maria. May plugging itu!
Sa hinaba haba ng kinwento ko dito sa blog na to eh walang kakonek konek pala ang pagsasabihin ko sa Angels and Demons noh?!