Malabo na naman ang TV, parang di-antenna pa rin kami. Puno na ng snowflakes ang screen at mostly static yung sound. Leche! Nakikikabit na naman si Aling Pina sa cable namin. Ang magaling pa eh sinisingil nya yung mga nangungupahan sa bulok nyang mga apartment ng bayad daw sa cable?! Grabe sa kaswapangan. Kinarma tuloy ng diabetes.
Tapos may Koreanovela sa Siete. My Husband's Woman... shett ampapanget ng cast. Puro matatanda na ata. Expired na sila for primetime light noh. Siguro kaya gabing gabi na pinapalabas eh para sa mga thundercats to watch. At ang istowri about kabitan issues?! Shett uso na ata to!
Yung isa kong friend, si Tootsie, meron syang crushie sa office nya. Well lately eh hiningi nung crushie nya yung e-mail add nya sa office dun sa isa pang officemate nila. Common denominator sila yung si officemate kasi kay crushie eh ka-affiliate nila, kay Tootsie naman eh ka-department nya. Tapos ayun na nga e-mail e-mail-an na sila. Azz in nakikipaglanjian si crushie sa kanya.
Eh magaling ang Intel nitong si Tootsie. Well researched na sa buhay ni crushie. Alam na nyang may wifey si crushie. Pero naman di naman kakinisan si wifey kaya talbog sya kay Tootsie. So tuloy ang lanjian nila, well minsan umiiwas daw ng topic si crushie. Pero notable questions ay "meron ka na bang bf?" Itatanong mo ba yun kung wala kang ibang pakay? Shett. Kaya tong si Tootsie eh ina-accommodate lang nya advances ni crushie. Go lang Tootsie, you're on a roll.
Isa pang case eh between kay Elvin at Serge na friends ko rin. Tumagal din sila ng ilang buwan, I'm not sure ilan basta bumilog naman ito ng ilang beses. Ilang anime dates dito at doon eh akala ko'y happiness together forever and ever to come ang drama. Until last week. Prior week or so to that eh may selosan drama. Dedmakels sila for the duration of the jelosan. So enter Jack to the rescue. Dinamayan daw sya nung times na sya'y bored, malongkot, at walang magawa. Napasaya daw sya.
Fast forward ng isang linggo. Nagkabati na sila Elvin at Serge. Pero biglang eksena marie itong si Jack na naman. At may date pa na naganap, bayad daw ang grocery showcase! OMG! Friend ko sila pero I think that's just low, low, low. Them bag of relief goods, parang nilimos mo lang ng awa. Eh parang ewan din kasi at pinayagan pala nitong si Elvin na makipagdett si Serge! Kesyo magagamit din ni Serge ang groceries daw. Ayun, naibenta nya pala ang love nya.
Nung last week nga break na sila. Nakapress release na bago ang formal break up. Nagpromise pala si Jack ng hacienda nya ng kalamansi sa California kaya ewan ko kung nasilaw lang dun si Serge. Ewan ko lang talaga ha! Ewan ko! Naglast goodbye na rin si Elvin nung Biyernes. Dumalaw sya sa house ni Serge at mega-bigay ng parting gifts, mga macaroons at shirt.
Kalaman laman ko eh itong si Jack eh meron ding jowa. So in pari delicto ang drama nila ni Serge. Parehong nangaliwa. Pero since kakabreak lang ni Serge, naconvert sa pagiging escabeche! Leche!
Hindi naman ako nagmamalinis. I have to admit that I considered it once. Pero hindi ko kinaya. May konsensya naman ako noh! Try nyo rin magsafeguard para naman tablan kayo! Well it WAS nice while it lasted. At now happy pa naman akong singol ba! Andito pa rin akong nagsisilbing counselor sa mga friends ko.
Kaya heto ang dati kong theme song. Idededicate ko para sa inyo. Nawa'y pagpalain kayong mga escabeche sa conquest dabah! Eh kung kaya namang talbugan ang mga orig eh why not coconut. Malalaki na kayo, kaya nyo na ang mga sarili nyo.
Sa puso ko'y nag-iisa, kahit merong iba, Kahit hindi tama ang ginagawa, sinta Basta ba'y makapiling lang kita Kahit kapiling mo pa sya.
Siguro two weeks ago nung makita ko yung Project Runway Philippines. Wala naman akong fashion sense kaya parang wala akong maiko-comment dun sa show, other than its nice nga na makitang ang talentong Pilipino ay naipapakita sa mundo. Well goodluck sa kanila. Pero mejo nahook ako, slight lang dun sa isang contestant, si Eli Gonzales. I lurve him. hahah. Kinda sad nga lang he was out the following week dahil sa Arts and Crafts Creation daw nya ayon sa panel.
So the following week, inaabangan ko uli yung rerun ng show Monday ng umaga. So replay na naman dun sa same episode nung elimination ni Eli. Kinda hurting pa sa episode na yun, kaya palipat lipat na lang ako ng channel, at malamang dahil na rin sa low attention span.
Napunta ako sa Jack TV. May tumatakbong bata sa field of yellow flowers, Daisies? Nung una akala ko eh parang Music Vid lang ito, pero may narration. Glued kagad ang mata ko sa tv. Sa style pa lang ng narration, I can tell I'd love this. Inantay kong magbreak to commercial para malaman ang title ng show, Pushing Daisies. I know mashadong late na ko sa show na to, it aired last year Fall of 2007. May second season na nga ito eh.
Ang istowri eh about dun kay Ned, na may power daw na makabuhay ng patay. Kinda freaky ability ito and surely ndi sa mga wish ko sa mutant powers ng XMen. Gusto ko dati eh Shapeshifting at Telepathy. Heniweys, may rules ang powers nya noh, after one minute eh randomly anyone near the proximity masishift yung death. Plus ndi rin nya pdeng hawakan the second time yung naresurrect nya at for sure tegi na forever. Mejo konek din ako sa personality ni Ned, socially unattached.
Isa sa mga zombie-fied nya eh ang first love nyang si Charlotte aka Chuck. Ndi naman talaga zombiefied pero sad lang kasi ndi na sila pde maghawak kc dedz na si Chuck next time. Parang gusto ko lang magsong number ng "Sometimes When We Touch" wala lang. Wala naman relation yung song, gusto ko lang ng musical number weh.
Ayon sa mga ka-google ko eh ang show na ito ay isang "Forensic Fairytale." Siguro hindi na ako makakamove on sa fairy tales, child at heart ba? Kaya hanggang ngayon eh naghahanap pa rin ng fairy god mothers, frog princes, at magic lamps. Isa pang factor ang Romantic Comedy style na appealing talaga sa mga korny at jologs ang konsepto sa pag-ibig.
Kung gift ni Ned itong power na to, gift ni God sa atin etong life na to. Hindi natin kelangan na maputol pa ito bago natin maappreciate itong blessing na to, we'll never meet a Ned in our lives to save us. Or maybe we did? Someone who's there to revive us in times we were down and we felt like dying. Don't let your Chuck fade away from you 'cause the next time you might not have your chance.
"A hug is like an emotional Heimlich: they put their arms around you and give you a squeeze and all your fear and anxiety goes shooting out of your mouth like a big, wet wad and you can breathe again."
Nung grade 1 ako, may subject ako yung CBA (Character Building Activities), na narename sa GMRC (Good Morals and Right Conduct) nung grade 2 na ako. Dati eh kapag may test madali lang, basta alam mo lang kung ano ang tama at mali eh ganun lang, kahit sa totoo naman eh balistad nun ang ginagawa mo. What matters eh 5 out of 5 ka na. Wala naman ako Values Education nung highschool at Theology nung college kaya siguro hanggang ngayon eh ang nagpapanggap na mabait pa rin ako. hahah
Ang mahirap (o madali, depende sa probability parin) sa Tama o Mali eh 50/50 ang chance mong tumama. So kung may 5 item test kayo, ndi ito basta basta 5 times 1 over 2. Hindi ka magkakaroon ng half chance lagi. Kung iko-compute mo eh 1 out 2 5 times multiplied by 5 ito. Or para mas madali eh 5 out of 2 raised to 5. So 5 out of 32, which is 15.625%. Sa 5 item test pa lang yan, pano kung mas marami pa?
Tapos nagkaron pa ng variations. Merong modified true or false. Yun bang kapag True write T, kapag false naman, write the word that made it false. Hindi ka na pwedeng basta bastang magtoss coin jan, kelangan mejo kabisote ka para alam mong may tama ka!
Meron pang isang variation, yung Morse type. Yung may statement one at statement two. Ang kaso nadoble na ang hulaan powers. Nung dati 1 out 2 chances lang, ngayong 1 out 4 na: true and true, true and false, false and true, and false and false.
Hindi naman sa hated ko ang true or false pero talagang nakakatorete ito. Minsan parang may tama na pero one word lang mamamali ka na. Basta alam mo ang basic theory eh mani na lang to. Eh pag morse type? Tinetechnican ko na lang. Kapag totally opposite yung theory behind jan, mejo lumalakas na ang loob ko na isang true at isang false. Huhulaan ko na lang kung alin ang tama, tapos ireverse na lang yung isa.
Eh kaso minsan napansin ko na parang parehas silang may tama. Sa dalawang magkasalungat na pananaw:
Statement I. Hindi laging may nag-iisang tama. Statement II. Minsan parehas silang may tama.
A. Both statements are True. B. Both statements are False. C. Only First statement is True. D. Only Second statement is True. E. All of the above. F. None of the above.
Isang hapong walang kagana-gana, nanonood ang kapatid ko ng TV, yung mga Koreanovela nya sa DVD. Pagdating ng alas tres o alas kwatro yata, biglang inilipat sa dos at manonood na daw ng paboritong Mexican soap. Wala syang kasawaan sa drama noh? Heniweys, eh hindi pa tapos yung palabas so inantay na lang nila matapos yung palabas.Ang title ng show daw eh Ligaw na Bulaklak starring Roxanne Guinoo. Hindi naman talaga ako fan nito (kasi partly kapuso ako?) saka nako-cornyhan ako sa mga tagalog dramas. Ang OA ng pagkakasulat ng kwento, may mga dramang sobrang sama sa pagkamatay ng mga kontrabida, nawala na ang sense of poetic justice. May nahulog sa building o sa helicopter, natapakan ng stampede, nasunog, nabigti, at kinain ng mga buhaya.
Heniweys uli, andun pala si Ara Mina sa show. After years ng kacornyhan nya sa Bubble Gang eh dito pala sya pupulutin. Mas nakakatawa naman talaga si Rufa Mae noh, at saka sila Yaya at Angelina. San na nga ba ako? Ahhh, kay Ara. May scene sa show na mejo natawa ako at slightly touched. May ganun? So pokpok yata si Ara sa serye (may pinagkaiba ba sa totoo?) tapos para matustusan nya ang pagdadrugs ng kanyang ka-live in (kids don't do this at home) eh sumali sya sa contest yata, beauty contest noh, I don't think capable sya sa quiz bee. So question and answer portion na: (Mejo foggy sa memory ko yung exact lines ha, hindi ako scriptwriter nito)
Host: The question is, sinong pipiliin mo: ang taong mahal mo o ang taong nagmamahal sayo?
Ara: That's a tough question.
Host: Yes, indeed. (Yah I know, kaya nga tinagalog ko na eh.)
Dito sa part na to nagpa-flashback si Ara dun sa jowa nyang adik adik. Tapos cut screen dun sa isang gelay sa table. I'm assuming eh mamasang ito o bugaloo ni Ara na nagbibigay ng pera sa kanya. So habang nagta-timespace warp si Ara eh dead air. Nakatingin pa rin si mamasang at naghihintay ng sagot. Pati kapatid ko eh sobrang bitin na, overtime na daw ang Ligaw na Bulaklak kasi. So nag cut to commercial ata. Ako rin nabitin.
Ara: I choose you Pikachu! I mean yung taong mahal ko, kasi in time matutunan din nyang mahalin ako.
Akswali sad yung moment na yun. Kasi madarama mo na hindi talaga si Ara mahal nung jowa nya. Napatanong na rin ako sa sarili ko, sino nga ba ang pipiliin ko? Sino ang mas matimbang? Eh kayo?
Sa isang banda ang taong nagmamahal sayo eh ang taong pag-aaralan mo pa lang mahalin. Ang tao namang minamahal mo na eh ang syang inaasahan mo pa lang suklian ang pagmamahal mo.
Kaya nagkakaroon ng mga triangle triangle na yan eh dahil sa mga ganito eh. One loves you, but you love another one. Bakit hindi na lang bilateral lahat. Give and take. Mahirap din makahanap ng perfect match. And when you do, keep him/her. Live your fairy tale.
Bakit puro love love ang hanap ng mga tao ngayon?! Ito ba ang sagot sa kahirapan, gutom at mga krisis sa mundo? Oo, love makes the world go round daw. Kung lahat nagmamahal at nagkakasundo ay walang conflict, walang gulo.
This story happened a few months ago along the Tagaytay Road. There was a guy who got left behind by a pack of mountain bikers. The group was large and he didn't bring a cellphone. He crashed his bike somewhere between Picnic Grove and DBP. To make things worse, a storm came in. So he walked.
This guy was on the side of the road hitch hiking on a very dark night in the middle of a storm. The night passed slowly and no cars went by. The storm was so strong he could hardly see a few meters ahead of him.
Suddenly, just before the junction going to Manila, he saw a car slowly looming, ghostlike, out of the gloom. It slowly crept toward him and stopped. It was raining hard, wind blowing all around you, what would you do? Like you would, he got into the car and closed the door, then realized that there was nobody inside the car, even in the driver's seat.
The car slowly started moving again. The guy was terrified, too scared to think of jumping out and running. The guy saw that the car was slowly approaching a sharp curve. The guy started to pray, begging for his life; he was sure the ghost car would go off the road and he would plunge to his death, when just before the curve, a hand appeared through the window and turned the steering wheel, guiding the car safely around the bend.
Terrified, the guy watched the hand reappear every time they reached a curve. Finally, the guy gathered his wits and leaped from the car and ran to the nearest place where there were houses and a store.
Wet and in shock, he went into the store and with voice quavering, ordered two bottles of beer, and told the people about his horrible, supernatural experience. A silence enveloped everybody when they realized the guy was apparently sane and not drunk.
About half an hour later two guys walked into the same store.
One said to the other...
"Yan! Yan yung tarantadong sumakay habang nagtutulak tayo!"
Sa huling pakikipagsapalaran ng tambalang Shen En Becky ay huli silang namataang tinatahak ang kahabaan ng EspaƱa gamit ang tricycle ni Gilbert, you know the motorcycle. I know right? Mula doon ay bumaba sila sa Tayuman Station at patungo sana ng Baclaran para magshopping shopping. Shala? They're like make sawa na to the Divisoria and Quiapo, you know!
Shen:Oh Beckyfren, are we like find to konduktor here like before and pay to him?
Becky: Don't be a stupid Shen, we are like buy ticket ok, like a airplane ticket.
Shen:But look oh, the people are like so dami na.
Becky: Don't worry, no problem. I can wait forever.
Shen:If your say its bitter too. I can wait...
Becky: Please shut now and go line to them.
Shen:I'm just sing ok! Don't mad to me ok!
Becky: Whatever!
At nagsipagpilahan na ang dalawa. Mejo mahaba ang pila, naalala pa nila nung time na bumibili sila ng NFA rice at namamasko ng relief goods sa baranggay hall. Maya maya, pinaglalalabas na ang mga school ID nitong bestfriends at ipinipresenta sa teller.
Teller: NEXT!
Shen:Two please ok!
Teller: Ishteyshyown?
Becky: Pardon. Please repeat after me?
Teller: ISTEYSHTOWN?
Shen:What is she say to you daw?
Teller: Saan kayu magbaba?
Becky: Oh why are you not say so already quickly. Please to Baclaran ok?
Teller: Pepten isa? Trinta.
Shen:Here's the ID ok.
Teller: Nu need por that.
Becky: Student discount ok?
Teller: No eschoodent descount!
Becky: What are we do?
Shen:Ok were not go eat later are you ok to that?
Becky: K fine, whatever!
Teller: Magbabayad ba kayo?
Shen:Yeiz, please wait and talk a while ok.
Becky: Here we are go!
Teller: NEXT!!!
Nakatapos na sa pagpila at papunta na sila sa platform nang biglang may narinig silang nagsisigawan. Parang telenovela lang. Asan si Ate Charo? Ayyy go lang baka biglang sumikat ng mga hitad.
Elvin: I LOVE YOU!!!
Serge: Pakkshett ka!
Elvin: Hmmmpppphhhh....
Serge: Joke lang! Wait!
Shen: Can you excuse to me ok!
Serge: Ano yun? Nagmamadali ako. Elvin wait!
Becky: Are you like jowaerz to each other?
Serge: Ha? Sino ba kayo?
Shen:Are you not know to us?
Serge: Should I?
Becky: What the nerd!
Shen:Beckyfren let us go now or I'm anger to him now!
Serge: Yeah right!
Becky: Hey see you ok. I'm hope you're good to your jowaerz ha!
Serge: Could you just shut up?
Shen:Gora na frenship, so kalurkey na this dod! Eeewww.
Matapos ang episode na yun, makiepal pa kasi sa business ng iba, eh sumakay na rin sila sa loob ng tren. Parang manghang mangha pa si Shen na bumubukas ang mga pinto mag-isa. Baka nga naman may tali daw na hinihila nung drayber. Mahaba rin ang byahe. At todo sight seeing ang bestpren sa mga guys, feeling may papatol lang.
Becky: You know fren, I remember that guy to the Tayuman ok.
Shen:Why are you crazzness to him?
Becky: No, not really. But he is a cutie aren't he?
Shen:Kerri lang, may fezz value naman, pass him na ok, but he's so make inis me.
Becky: Please forgive to him na!
Shen:It's like I remember to Banjo.
Becky: What is it? Is he make steal money to you again?
Shen:No, I think I'm still a in love to him. You know the guys there are like make flashback to me the sad times, the happy times we Banjo and me are like share together in electric dreams.
Becky: Oh I'm not forgive to you if your see to him again. What am I say to you? He's not a good. Look at! He's like drugs every now and then.
Shen:But he's still sweet as ever. I'm not look at the bad side, it's like this, if you're like to someone, your want to make pansin only the good. Maybe I'm change him to better if I'm with him ok.
Becky: Haller?! You are out of this mind!
Shen:Oh Beckyfren what am I do?
Becky: Not worry anymore, forget and forget. You'll find to others.
Shen:Sinetch naman ang lucky lulurki?
Becky: Hey are you see Gilbert's rellebo? You know, Jerry? He's a cute. I make intro to you in the videoke last week if I remember so right.
Shen:Oh him. Yeiz, he's a cutie too. Is he like to me? What is he says.
Becky: I think he's like notice to you also. Your good singer to him that time are you remember now? Shen:I'm not make alala becouse I'm like singing to the back of my lungs like this. "AND I DON'T WANNA MISS A THING!!!"
Nagulat ang mga tao. Akala nila may kinatay na biik sa tren. Mejo nataranta. This is not a drill, I repeat, this is not a drill! BACLARAN STATION! BACLARAN STATION!!! Everybody out! Especially you two. Oo, kayo ngang dalawa jan!
Becky: We go down now.
Shen:I think the voice is like angry. Are we trouble now?
Becky: Oh Shenfren of course not, it's like we should go down now. Maybe the konduktor is like making us go faster.
Shen:Ah k. Let's go now. I'm want to go to church later. Are we go?
Becky: Oh sure frenship! Let us!
Umaasenso na ang frenship. Dati nakikiangkas lang sa tricycle. Ngayon eh pa-LRT LRT pa! Shala-shalahan. Sa pinagkalayu-layo man ng byahe basta't alam mo kung saang station ka bababa ay makakarating ka rin dun at sa pinagkahaba-haba man ng byahe, sa simbahan din ang tuloy. May sense ba?
Naabutan nyo pa ba ang betamax? Sony pala siya, recently ko lang ulit nasilip. Ilalagay ko sana ang details nito kaya lang tinatamad na ko, igoogle nyo na lang, nakainternet ka naman ngayon di ba? Basta yung tape din sya pero masmaliit ng konti sa VHS. Ang layo na ng Betamax sa PSP ngayon. Heniweys, nung bata pa ko eh peborit kong manood dito. Wala kong porn noon ha, bata nga eh! Meron kami mga cartoons ng Disney noon. Nakabisado ko pa ata yung mga songs. Minsan hihiram kami ng mga tapes sa mga rentahan, one week siguro. Eh biglang nagbigay ng VHS yung tita ko samin. Nagpe-phase na out na pala ang betamax nun. Sad. Ngayon nasaan na yung betamax namin? Nakatambak siguro sa bodega, inaalikabok.
ROLL BETAMAX!
~0~
PAUSE!
Kumakain ka ba ng isaw, adidas, at kung ano ano pang lamang loob? Tayong mga Pilipino eh creative, akalain mo yung mga byproducts eh nagagawa pang food natin. Walang sayang, walang tapon. Isa sa mga byproduct na to eh yung dugo ng manok. Coagulated blood. Murang mura lang, piso isang tuhog. Nung una kong tikim nito eh parang walang lasa, kelangan pa ilublog ng isang minuto sa suka para magkalasa. Pantawid gutom na rin kahit papaano.
Hindi naman ako maarte sa dugo. Kumakain naman ako ng dinuguan, hindi naman ako Iglesya (hindi rin Dating Daan). Gusto ko yung luto ng nanay ko ng dinuguan, yung sa mga turu-turo kasi kulang sa asim, siguro dahil na rin sa sukang gamit namin, hindi naman to special ingredient pero iba lang talaga pag nakasanayan mo yung sukang tubo. Masarap din naman yung dinuguan sa Goldilocks, balita ko meron pa silang instant dinuguan mix daw. Ang madaya nga lang eh puro taba!
~0~
PLAY!
Narinig mo na ba yang kanta ng Sandwich na Betamax? Sinulat to ni Raymund Marasigan, dating member ng Eraserheads, Ely Buendia grrrrr.... heniweys, may vid din tong song na to. All about remembering your past. Siguro around 80s yung era nya. Eh ako generation X daw, or generation NEXT sabi ng Spice Girls, ano ba talaga? Ang pinakamalaking influence sakin eh tong 90s, na compared sa 60s at 70s eh boring daw. Hindi ata ako makakapayag nyan! Makikipagpatayan ako para ipagtanggol ito! hahah.
~0~
REWIND!
Games. Tumbang preso, patintero, taguan, nanay-tatay, langit lupa impyerno, shato (na nung bata ako ang dinig ko chato), moro-moro (o agawang base din minsan), chinese garter, 10-20, i love you teleber teleber (actually teddy bear daw yung tamang word jan). Lumaki akong ndi natutulog sa tanghali kasi laging nasa arawan. Shett, imagine mo yung Radiance ko nun, takot lang lumapit nga mga tao siguro. May mga kanta pa bawat game.
Langit Lupa: Langit, lupa, impyerno Im-im-impyerno Saksak puso tulo ang dugo Patay, buhay, umalis ka na diya-an.
Taguan: Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap maglaro sa dilim-diliman Pagkabilang ng sampu nakatago na kayo Isa, dalawa, tatlo, boom Patrick! Save! Taya ka!
Jump Rope Tagalog/English: I love you, teddy bear, teddy bear Hawakan ang lupa (Touch the ground) Hawakan ang paa (Touch your feet) Umikot ka at lumayas ka na! (Turn around and go away!)
TIME FIRST! Syempre hindi nawawala ang mga talunan o burot (buro yata ang tamang term). Sarap kalaro nila kasi walang kapagod pagod. Maraming salimpusa lang, maraming malakas mang-asar, maraming palaaway, maraming iyakin, at maraming sumbungero. UWIAN NA! UWIAN NA! UWIAN NA! (repeat to fade)
TV Shows. Kilala mo sila Cedie, Sarah, Remy, at Peter Pan? Mga anime sila na pinapalabas sa dos ng alas dyes ng umaga yata. Tapos meron ding ATBP (na spoof ata ng Sesame Street at Batibot), Sineskwela, Hiraya Manawari at Bayani. Ewan ko ba sa kaweirdohan ko eh nung ending ng Princess Sarah, naiyak ako sa scene nung madapa si Miss Minchin sa snow nung malaman nya na mayaman si Sarah. May pagkakontrabida na ba ako nung time na yun?
Sikat na sikat dati yung Dragon Ball sa Channel 9. Yung mga kaklase ko nag-iimbento pa ng mga kwento para lang magpasikat na napanood na daw nila yung advanced episodes. Kunwari, sasabihin sayo na si Son Gokou daw eh magiging Super Saiyan kapag nahanap nya ang magic lamp at napakasalan si Marimar. Yung mga ganyang kwentong barbero.
Nauso rin ang mga Sentai series dati, pero ang alam ko nun ang tawag dun eh Bioman, Maskman, etc. Hindi ko gaano nasubaybayan ang Bioman, english kasi. Natatandaan ko lang yung Bio-integrate! Napaginipan ko pa dati na ako daw si Red-1. Gusto ko bida ako eh. Tapos lumabas yung Maskman, kinabisado ko yung kanta saka yung mga hand gestures dun. Adik ba? Basta ako si Bluemask! Tuwang tuwa rin kami dati sa Shaider, japorms na sya sa tingin ko. Tapos ang galing ni Annie, sinisilipan nga ng panty yan eh! Ewan ko lang ba pero ndi ko pa nasense na lalaki tong si Ida dati. Basta nakiki-shigi shigi lang kami sa mga amazona at time space warp eh ok na. Tapos andyan din si Mask Rider Black, si Robert Akizuki! Alam ko na ngayon bakit peborit kong panoorin ito. Saka ndi ko maintindihan bakit kelangan lagyan ng plastic balloon ang mga mukha ng kalaban ni Robert. Rider Kick! Magha-highschool na ako nung lumabas ang Power Rangers pero nasubaybayan ko pa rin. Ako naman si Blue Ranger dito.
Isa lang ang channel sa bahay dati, Dos lang. Kaya sure hit Kapamilya ka. Malabo kasi ang reception ng ibang channels. Pero kung may sinusubaybayan ka na ibang channel eh talagang ipagpipilitan mong ayusin ang antenna. Ang channel 5 dapat pa nine-o'-clock ang formation, kapag channel 4 dapat 11:50 position. Kulang na lang lagyan ng mga tali at scotch tape ang antenna.
Favorite kong cartoons dati ang X-Men. Meron pa ako nung mga cards na kokolektahin (ah sori, teks pala tawag jan dati, isa, dalawa, tatlo, cha!). Kaya lang nagalit si Momey dahil nakakalat daw. Sinunog nya. Buti na lang ganun lang, ilalaga daw sana tapos papakain sa akin. Shocks! Pinanood ko rin yung Visionaries sa channel 4, tungkol sa mga knights na nakakapagtransform sa mga hayop. Sa mga fans ng Thundercats, He-man at She-ra, at kung ano pa, sa Visionaries talaga ako! Leoric PWNS you! hahah
Music. Highschool na ako ng madiskubre ko ang radyo. Meron kaming lumang radyo dati pero ndi ko ginagamit. Eh sobrang fan ang mga classmate ko ng LS-FM Campus Radio that time. Dito na rin siguro ako nahilig sa Eraserheads at ilang OPM Bands. (Buhay pa ba si Ely Buendia? May nagkakalat ng chismis eh, sayang naman yung reunion nila) Dito rin nagsulputan ang mga cheesy songs gaya ng Extasi-Extano, Too Legit to Quit, Ice Ice Baby, at songs ni MC Hammer. Di ba 90s din sumikat ang Aegis? Idol ko kaya sila. Ayoko sanaaaaahhh, na ikaw ay mawawalaaaahhh...
1997 yata nang lumabas ang MTV Asia sa freetv through Studio 23. Super excited ako nun kasi first time ko makakita ng foreynjer na kumakanta. (Loser ba? Wala kasi pambili ng magazines eh, saka yung mga songhits na may clip outs ng artist eh parang project ng association of Indays) Biglang putok ng boy band at girl band genre sa pop culture. Para akong tinangay ng malakas na agos. Di nagtagal eh nakiki-Quit Playing Games with my heart, at Wannabe na ako. Boyzone, Backstreet Boys, Westlife, A1, Code Red, Spice Girls, lahat yan dinaan ko. Ngayon nililinis ko na ang aking mp3 folder sa mga uber corny songs. Ewan ko ba bakit ako nahumaling sa songs nila, although merong select few na ok-ok songs nila. At talagang affected ako dati sa mga chismis na bading daw ang Spice Girls. Shett! Hindi rin nagpahuli si Britney kasi umabot sya sa last days of the second millenium. Bakit ngayon pa lang yata sya tinamaan ng Bug?!
Hindi lang marked ang 90s ng bubblegum pop. Eto rin naman ang dekada kung kelan sumikat din ang Alternative Rock. Thankful naman ako ndi ako totally sucked sa dark side nila Britney. (feeling jedi lang! May the force be with you! And also with you!) Anjan ang R.E.M., Third Eye Blind, No Doubt, Foo Fighters, etc.
Gadgets. Wala pa noong celphone. Nauso tong maliit na device na to, ang beeper. May dalawang signal daw, yung isa daw call sa office, yung isa sa bahay. Ndi rin ako gaano familiar dito. Kapag may message ka na isesend eh kelangan mo pa idaan sa operator. Walang privacy. Mabuti na lang napalitan ng cel, pwede na tuloy makipagdett si Itay sa secretary nya, basta walang sent items ang cel nya.
Nauso rin ang brick game, na sa totoo namay tetris ang tawag. Mukha nga naman syang bricks diba? Hindi ka in pag wala ka nito. Pero mas sosyal ka na kapag may Game and Watch ka! Syempre pang mayayaman lang ang Gameboy. Yung mga kalaro ko dati meron silang Family Computer, at super galing na namin sa Super Mario 3, pero ndi pa rin namin matapos. Nauso ang mga rentahan ng games sa Sega Megadrive at SNES. Una akong pinakilala ng kaklase ko kay Chun-li sa Street Fighter, ndi ko naman sya kilala dati, may drawing pa sya na nakabukaka. Mid 90s nang lumabas ang Playstation. Hanggang lang ang inabot ko sa ngayon. Pero ok lang, updated pa naman ako. Buti pa tong kapatid ko nakabili na ng PSP nya. hahah
Food. Sa elementary school kelangan meron kang at least dalawam piso. Yung isang piso para sa Nutribun (na monay lang naman na napahiran ng palaman, balita ko sa ibang school eh amag daw ang palaman) at yung isa pa para sa soup (ewan ko bakit soup ang tawag nila eh minsan lugaw, miswa, o champorado ang laman) Mandatory ito! Naniniwala pa ako sa teacher ko na kapag naubos daw ang paninda eh may award daw sa principal. Meron pang isang paninda sa amin, yung nakalagay sa bilao, dito ka makakapili ng sari saring food. Minsan may carioca, waffle, nilagang itlog o saging, Serg's na may maggot, beans, Frutos, etc. Maswerte na lang at pandak ako nun kaya nasa row 1 ako, hindi tira tira ang laman ng bilao. Kapag uwian na, sari-saring paninda makikita mo sa labas ng school. Parang peryahan lang. Mabenta sa akin ang scramble. Yung crushed ice na may kulay pink yata tapos may choco syrup at gatas sa ibabaw.
Pagdating sa bahay, bibili pa ako sa tindahan nung Oishi! Yung prawn crackers daw, tadtad sa vetsin to kaya kita nyo naman epekto sa akin. Bumibili din ako ng cornbits tapos sinasabawan ng suka. Nagsulputan din ang mga chichirya na puro hangin lang. Natikman nyo na ba yung Aiza? Masarap daw yun. Yung Pritos Ring nilalagay ko muna sa daliri bago kainin. Meron ding candy na Joy, yung may butas sa gitna na pwede gawing whistle. Mabenta rin ang Lala, na pinatigas na Milo lang yata. At speaking of Milo, naniniwala akong champorado na yung kanin na sinabawan ng Milo.
Dati rin may Fanta na drinks pa. Yung iba ibang flavors. Ang gusto ko yung Green Apple Flavor. Meron din namang Rootbeer to, pero mas masarap ata yung Sarsi. Nakikita ko yung lola ko dati umiinom ng Sarsi na nilagyan ng hilaw na itlog. Eeewww. Sarsi rin yata ang pinakamahabang commercial na napanood ko dati.
Events. Limang event lang ata ang yumanig sa aking kamulatan sa dekada nobenta. Rewind muna tayo sa July, 1990. Grade 2 ako, nasa desk ako, nagbabasa ng English book ata, may seatwork yata, or natutulog si teacher. Nahilo ako bigla, akala ko inuuga lang nung nasa likod ko yung desk. Lumilindol na pala. Takbuhan na, yung iba tumalon sa bintana (first floor lang naman kami eh). Nag-iiyakan pa yung mga kaklase ko, ang drama lang ha! Wala namang masamang nangyari eh. Yung hagdan sa third floor ng school bumigay, wala kong nabalitaang casualties.
One year after, alas tres ng hapon. Alam ko may bagyo that time. Pero naman, alas tres ng hapon eh nakabukas yung poste ng ilaw? Sobrang dilim na. Biglang may ashfall. Pumutok na pala yung Pinatubo. Sumama daw yung lava sa tubig kaya naging lahar flow. Maraming nasirang tahanan (o tukso layuan mo ako?) at hanap-buhay.
Ginanap ang Miss Universe sa Pilipinas noong 1994. Si Dayanarra Torres ang Miss U '93 kaya nagstay sya dito sa Pilipinas. Nanalo si Sushmita Sen ng India. Pero panalo naman si Michelle van Eimeren nung makapagstay sya dito at napangasawa si Ogie (bago daw inahas ni Regine?).
December, 1994 nang maganap din ang Film Fest Scam, headed ng harbaterang si Lolit Solis para manalo si Ruffa at Gabby. Nabawi rin ata ang awards at napunta sa rightful winners na si Aiko at someone, somewhere.
Dumalaw si Pope John Paul II sa Pilipinas para sa World Youth Day noong January, 2005. Hindi naman ako ganung ka-banal-banalan kaya ang alam ko lang eh yung song galing sa Ebanghelyo ni San Juan, kabanata tatlo, bersikulo disi-sais. Basa: "For God so loved the world, He gave us his only Son, Jesus Christ our Savior...."
Ilang bagyo, baha, brownout, pangulo, inflation, at kung ano pa ang nagdaan sa buhay ko, sa buhay nyo, at sa Pilipinas, di pa rin ito natitinag. Matatag tayo gaya nga daw ng kawayan na sumasabay lang sa ihip ng hangin.
~0~
FAST FORWARD!
Masaya lang alalahanin ang nakaraan, ireview ang mga ka-cornyhan, at pagtawanan ang mga kabaduyan, malaki ang naidulot nila sa ating pagkatao. Alam nyo na ang pagkajologs ko. Marami akong natutunan sa past experiences. Sa bawat pagkadapa dapat tumayo at punasan ang luha, dugo, uhog at putik para game uli. Kapag naiipit sa patotot, kelangan may magsakripisyo para makatawid ang iba sa patintero. Walang tinik o garter na hindi matatalon basta't susubukan mo.
Ipunin mo lang ang lahat ng alaala at ibahagi sa mga susunod sayo ang mga aral. Kapag na-overwrite mo na mahirap na mareverse. Hindi ka pwedeng basta basta na lang mangongopya ng laman ng tape ng iba. Sana may back-up copy ka.
When I told my parents that I wanted a professional woman as mywife, theygot me one; a Certified Public Accountant. She uses LIFO method while taking out the refrigerated food. She thinks I am no good at figure work.
Fine with me, for now she handles the budget of the house. Initially sheused to send me a bill at the month end, but when I told her that I am not her client but her husband, she asks for the money in advance. The expenses had been rising steadily over the months, so one day I snooped into the papers maintained in a current file. No wonder! She was charging conveyanceand overtime to the house budget. She is crazy, I tell her but shecorrects me. No my darling, I am the auditor. I fail to see the light. Every scrap of the paper in our house is filed. She tells me as per someOrdinance she must keep a copy of every thing for at least ten years before destroying it. I am worried.
The other day we had an hour- long fight. Later, I got to know that shehad charged that hour to a client of hers, in the time sheet. My time was put down as unoccupied.
She says that she loves me and I tell her that I love her too. However,she never believes me. She says that there is susceptibility of it being amisstatement. Duh! She wants my representation on this!
Last year our house accounts got a qualified opinion I had not kept thesupporting etc. of my purchases.
Not a long time back my brother's wedding was to be solemnized. Weddingcards had been sent. After some time I started receiving a steady trickle ofletters. I was puzzled until my wife was explained that external evidencewas more reliable. She had called for confirmations from all those to whom cards were sent.
When she cooks, my wife at times does not go by recipe. Where the recipesays add half-teaspoon vinegar, one tsp black salt or one teacup of water, she ignores them. She says that they are not material when taken in context of whole meal being prepared. ! She is crazy, I tell you.
Surprisingly everybody calls her an auditor, instead. I checked thedictionary and it did not state that auditor is a synonym for crazy. The dictionary must be outdated.
When we got married, she had given me an Engagement Letter and I had saidhow cute-how sweet. Now she gives it to me every year saying that herstandards state that it must be sent anew if there is any indication that Ihave misunderstood the objective and scope of engagement. Huh! Apart from sending me the engagement letter once again she says I can't get rid off her just like that. She says that she has the right of being heard before I appoint some oneelse. It seems I must keep reading one local and another English newspaperpublished and circulated in the vicinity of our house for more details. For a minute, I thought that we had jeopardized our going concern status.Dare I say so??
I am told by one of my female colleagues who is married to a CPA that thescenario is even worse when the guy is a CPA. Apparently he capitalized the wedding expenses as preliminary expenses and is writing it off every year. Also the time he spent dating his wife before marrying her is still under consideration for valuation under IAS 38 , valuation of intangible assets.
So guys/gals please think twice, should you really marry a CPA? And yes pleasediscount it by the appropriate rate to arrive at the present value of the risk of doing so!!!!!!!
Tumaas na naman ang pamasahe. P8.50 na ang minimum (as of August 2008 po ha, pakicheck ang mga kalendaryo bago magreact). Nung grade 1 ako ang pamasahe piso lang. Nung grade 2 na ako uno bente singko. Tapos naging uno singkwenta. Bago ako maghighschool dos singkwenta na ang pamasahe. Nung nasa 3rd year highschool ako, circa 1997, kwatro na ang pamasahe. Tumaas uli naging kwatro singkwenta at singko. Nung pumatak sa siete singkwenta ang pamasahe, saka pa lang ako nagke-claim ng student discount. Minsan nakakatawa ung ibang tao na claiming student pa daw sila eh mukha namang Senior. Kung may additional discount sana yun eh di sana dumami na ang Student-Elderly-Disabled combo sa Pilipinas.
Madaming drayber din naman na sugapa. Magkulang ka lang ng bentsingko eh todo megaphone na sa paninigil sayo. Alam ko namang hirap din sila sa liit ng kinikita nila, sa taas ng gasolina, at sa nagtataasang bilihin din, pero sana naman eh wag silang masyadong nang-aaway dahil lang sa kaunting barya kung pwede namang makiusap ng maayos. Marami rin kasi ang sumasabit lang para makalibre, plus din yung mga mahilig sa 1-2-3. Nakakatawa rin yung mga kinakalong sa jeep, akala mo naman porke't kinalong ka lang eh dapat walang bayad kasi hindi ka nakaupo. Kung tutuusin ang binabayaran mo yung byahe hindi yung upuan. Tama ba?
Sabi nila drayber daw ay sweet lover. I'm not sure kung san galing yan, saka hindi ko pa nata-try. Heniweys sa ibang kasweetan nila sa pasahero eh talagang gusto nila sumundo pa ng pasahero sa bawat kanto yata. Kahit todo parinig ka na na male-late ka na eh walang paki sayo kasi iniisip nila ang kapakanan ng mga tao na nag-aabang ng masasakyan, inaabangan pa nga yung mga tumatawid pa lang.
May mga sakayan na may istasyon, yung pipila ka muna bago makasakay. Pag in demand ang byahe eh sobrang haba ng pila, parang namamalimos lang ng de lata at NFA rice sa mga centers. Ok lang mag-abang kung sapat lang ang jeep. Minsan naman eh may istasyon nga pero sobrang tagal makapuno ng pasahero. Parang wish ko lang abonohan minsan yung mga bakante pero 8.50 rin yun.
Location, location, location! Kailangan alam mo kung san ka pepwesto sa jeep. Alam mo ang timing, at correct blocking (at voice quality?) Pag sa harapan eh may dalawang bakanteng upuan. Ewan ko ba bakit sa Pilipinas lang yata dalawa ang seating capacity ng passenger seat, mapa-fx man o taxi. Kadalasan magjowa ang nauupo dito. Minsan dalawang lalaking cute... hmm.... Minsan ang asawa ng driver plus mga anak, minsan din kabarkadang konduktor o mga kumpareng driver. Ayokong umupo sa likuran ng driver o kaya sa tapat ng upuang ito. Hindi dahil sa naamoy ko si manong driver, pero ang trabaho mo eh taga-abot ng pamasahe. Feeling conductor ka na rin. Dapat lang eh may commission ka dito pero TY girl ka lang. Sa gitna naman ang pwesto mo kung gusto laging nakadungaw sa bintana, kung gusto mo mag-emote emote o kumanta kanta. Ang favorite spot ko eh sa dulo. Sabi nila eh nakakatakot daw dahil takaw pansin sa mga snatcher. Haydonkker. Dito ako nakakatulog ng maayos sa byahe. Saka pandungaw ko rin to sa mga nadadaanang cuties o kaya pasahero na pasulyap sulyap ng tingin. Lilingon yan! Kitams!
Sari saring tao ang sumakasay ng jeep. Maraming estudyante, mga nanay na mamamalengke, mga sabungero, mga pashala-climber na walang pang-fx, mga lolang magsisimba, mga beckying may rampahang pupuntahan, mga tamad maglakad ng isang kanto lang, mga jeepney driver na walang pasada kaya todo chismisan sa driver, magjowang kelangan magkatabi lagi at matching din dapat ang get up, mga natutulog sa jeep na tumutulo ang laway, at others not mentioned. Sari saring kulay, porma, tunog at amoy.
Merong mahilig magpabango, mga kakahilong amoy, siguro wisik wisik lang kaya naligo na lang ng pabango. Merong jabar jabar kaya kalat na kalat ang baktol sa loob ng jeep. Meron namang sa loob naninigarilyo, gawin ba kaming tandang para pausukan? Saka public to, bawal yun! Merong may dalang pinamalengke kaya humahalo ang mga lansa ng hilaw na karne at isda. Merong hindi pa nagtu-toothbrush, o talagang ayaw niya, at todo ipit rin sa hininga ang mga pasahero kapag nagsasalita sya. Minsan may amoy paa rin.
Sari saring tunog din ang maririnig mo. Maraming todo ang chismisan, kahit nasa kabilang dulo ka eh maririnig mo ang latest sa kapitbahay nilang nabuntis ng magtataho. Merong nag-aaway at nagmumurahan. Merong tawanan ng tawanan, parang takas lang sa mental o hindi lang makaget over sa joke ng comedy bar. Syempre hindi pahuhuli si Manong Driver, super lakas ng sounds nya! Kakatawa lang kasi kakalurkey ang mga music choices nila. Yung iba mahilig sa radio stations, nanguguna na ang Love Radio kelangan pa ba imemorize yan; Energy FM hi pangga; at Yes FM mula nang makilala ka ako'y napaakit mo. Minsan may baong ipod o stereo si kuya. Lakas ng sounds, lalo na pag patok. Kalurkey lang pag mga Regine at Mariah ang pinapatugtog nya. Kadalasan mga local raps na sobrang Jologs to the maximum level. Hindi maiiwasang may sumasabay sa mga kanta na sintunado. Yung iba may ipod or mp3 player na lang para maiwasan ang nakakarinding ingay.
Iba ibang itsura rin makikita mo. May mga nakauniform, pang school, pang nursing, coat and tie, corporate attire, pang constru at iba iba pa. Maraming naka-casual lang pang japorms. Minsan may nakaformal, pang debut or prom yata. Si manong driver din dapat sumunod sa uniform nila, blue polo, pantalon at sapatos. Pero marami pa rin pasaway. Nakasando, shorts at sinelas lang. Kung sa ibang mall nga bawal yan eh. Minsan naeenjoy ko ang mga view dahil madaming cuties at number seventeen. At talagang makikinis ha! Grabe nga lang minsan, makipagkiskisan ba? Shett, kakatakam lang.
Nakakarindi minsan kapag punuan na ang jeep. Ilang beses pa lang akong sumabit sa jeep. Nagbabayad naman ako, natatakot lang ako minsan kung sakaling madisgrasya. Minsan naman papapasukin ka sa loob ng jeep kahit puno na.
"Meron pa sa kaliwa."
Nasaan? Ipagsisiksikan ko na lang yung kalahating pwet ko kasi meron pa daw. Pag lingon mo sa bandang unahan o likuran mo eh makikita mo ang sumusunod:
A. Majubis na ale o mama, minsan kumakain pa ng fries, toknene o barbecue sa jeep. B. Mamang nakabukaka, siguro may prostrate cancer takot magdikit ang mga legs. C. Miss na akala mo kagandahan at padiagonal ang upo. D. All of the above.
Malas nga naman. Minsan parang gusto kong mang-away eh. Miss, may bayad ba yang pekpek mo kasi nag-abot ako ng 8.50 eh, magkano ba ibinayad mo? Pero walang magagawa kundi magtiis kahit sobrang nanginginig na ang tuhod para sumabit at magbalanse.
Madalas akong malate sa pagpasok dahil sa kapipili ng jeep. Dati gusto yung mga patok kasi mabilis na, magara pa, at todo sa sounds. Pero ngayong gusto ko yung simple lang, yung maluwang para malaki ang space para lang sa akin. Kaya lalong nahihirapan ako sumakay eh, andaming factors.
Ang pagsakay sa jeep eh parang pagsakay sa buhay, minsan malubak ang daan, minsan masikip ang upuan, pero natututo kang makuntento at magkasya sa kinalulugaran mo, minsan nakakapagod mang umabot ng pamasahe at least nakakatulong ka rin sa kapwa mo.
Ang pag-aabang naman sa jeep eh parang pag-aabang sa pagdaan ng pag-ibig, marami namang pwedeng ibang sakyan pero gusto pang mamili. Ang mga taong choosy ang laging naiiwan ng byahe.