Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Warren. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Warren. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Setyembre 24, 2011

Layshu!

Walang komento:
Hang Them High by edgar j. ediza via Flickr.
Narito ang puso ko


Mangita ta sa Sugbu
(Unabridged version)
08.19-21.11

Nag-umpisa ang lahat sa aking pamimilit kay Arvy na gumora ako sa kanila sa Cebu. Mag-iisang taon na pala sya dun, like last year lang eh palagi ko syang kasama magbijowke sa Cubao tapos Wensha at biglang all of a sudden naitapon sya sa Cebu. And now ako naman ang dadalaw sa kanya (parang preso lang choz).

So naghanap ako ng cheapest airfare na magsasakay sa akin papuntang Cebu sa loob ng tatlong linggong preparation lang. Josko pag ganyan pala katight ng time eh cheapest na ang 999 one way. So ayun hinanap ko pa ang Zest Air sa Makati, tumakas pa ako sa office at nagpakaligaw sa may bandang Bangkal yata. Feeling ko papunta na akong Pasay kakalakad, ayun mahal pa rin naman ang ticket. Walang consolation prize na discount or pampasada showcase para man lang maawardan ang aking pag-eeffort!

At dumating din ang flight date ko. Madali namang nafile ang VL ko kasi most of the time pag midmonth eh petix ako. Magtitipid lang sana ako papuntang airport sa pamamagitan ng pagbabus to Baclaran at jeep somewhere sa area na yun pero pinangunahan ako ng takot na baka maligaw lang ako, malate, maholdap, or worse, magutom! Heniweys nagtaxi na ako from bahay, sabi ko lang sa driver "manong domestic po!" with an air of confidence pa yun aztif matagal ko nang ginagawa yun. Pero wag ka, pagdating ng Parañaque biglang Q&A ni manong driver "bago o luma?" Nawindang ako. Meron palang ganon?! Aba malay ko naman jan. Basta sa domestic po. Iniisa isa pa talaga ni manong driver yung mga airlines para matunton ang tamang airport ko, sa Zestair po!

First time ever ko sumakay ng plane. I know natanga tanga ako, mabuti na nga lang at mabait ang mga tao don, kung nasa government office ako eh baka minura mura na ako ng mga staff dabah. Sa sobrang shock ko sa first time eh di ako masyadong nag observe, para di naman ako magmukhang noob. Josko sa dami ng katangahan kong ginawa sa airport eh ewan ko na lang ba kung di pa ako obvious. Sabi ni Ezz eh parang sumasakay lang daw sa Space Shuttle ang pagsakay sa plane, naiskerd ako pero di naman pala ganong kaskeyri. Mas skeyri pa imaginine yung mga napanood mong aircrash investigation chorvaness at Final Destination.

Nakarating ako pasado alas diez sa Mactan. From there siguro 30-45 minutes ang byahe pa papuntang Mabolo sa Cebu. Yung apartment na tinirhan ni Arvy eh may hotel sa kanto, pinatandaan nya sakin yung place para kung sakaling maligaw ako eh alam ko san babalik. Castlepeak, pero dapat ganito sya ipronounce, Casolpeek. Naabutan ko sa bahay ang ilang housemates na sila Wendell at Lady, andun din si Kel na nameet ko na wayback 2009 papuntang Galera. Wala sa bahay ang Joross dahil lumipad pala papuntang Davao karay karay ang jowa para magcelebrate ng birthday at magfireworks.

Nagkuru kuro pa sila saan daw dapat ako itour. Naririnig kong binabanggit nilang place eh Guadalupe, Ayala at Shangrila. Ano yan, pinapunta nila akong Cebu para gumora sa Makati?! Bakit di na lang kaya sa Buendia or Magallanes tayo pumunta?! Kalurks same name lang pala. Bago gumora eh nakiinnernets pa ako, sa di maipaliwanag na pangyayari eh di ko maaccess ang yahoo mail ko. So worry worryhan ako, buset na buset na pala si Arvy. Akalain mo nga naman, pumunta akong Cebu para mag-ayos ng email?!

Kumulang kulang isang taon na rin si Arvy sa Cebu. Umalis sya one month before his birthday. Di man lang ako nalibre kaya oras na nang pagtutuos. Nagsasalita na rin sya ng Cebuano. Oh dabah andami na nyang alam na languages: Filipino, English, Nihonggo (sukoshi), Ilokano (dijay ti banger), Bikol (pabakal tabe?) at heto nga Cebuano. Gusto ko rin naman matuto magsalita ng Bisaya pero gusto ko Ilongggo, para mas sweet daw choz. Nagpaturo pa ako ng ititweet. Ano ba sa Cebuano ang "kitakits sa Cebu." Sabi nya ilagay ko "Mangita ta sa Sugbu." Tweeted. Tama ba yan? Ibig sabihin pala noon "hanapin natin sa Cebu." Buset, buti na lang nagbuckle ako sa pagtitweet. Expression daw ng mga Cebuano ang "oy" na parang equivalent sa Tagalog at coniotic ng "eh" na wala naman talagang meaning. Meron ding bekinese ang mga Cebuano, at ayon sa claim nila eh mas mahirap daw ang Tagalog version. Sa tagalog bekimon kasi magulo ang etymolgy na may hugot sa Japanese, English, at Ngongo. Sa cebuano bekimon binabaligtad lang daw nila ang words. Like the word sosyal. Sa tagalog bekimon shala. Sa cebuano bekimon layshu. Ewan ko pano naging baligtad yan basta yan ang term nila. Layshu!

Mejo confusing pano magtravel sa Cebu. Pwede mo namang ijeep yung most of the way pero kelangan may lakad involved dahil may certain routes lang na dadaanan. At di uso ang karatula sa mga jeep like Pasig-Quiapo or Stop n Shop-Cubao-SSS Village Marikina. Sa kanila nakalagay lang 4A or 16B. Kelangan alam mo kung san papunta yan. Or else magboboxi ka, which is madalas naming ginawa para mabawasan ang pag-aalay lakad. Sa isang jeep buong pagmamalaki ni Arvy sakin:

ARVY: Oy wag ka, tinanong ako ni manong driver kung estudyante daw ba.

ATHAN: Kung ikaw estudyante eh pano pa ako nyan? Pupil?

ARVY: Pupil?! Akala yan yung nasa mata.

ATHAN: Eh kung sikmuraan kita sa mata jan?

First day eh pinatikim na sakin ni Arvy ang lechong Cebu. Gumora kami sa CnT na dinudumog ng mga tao dahil sa sikat nilang lechon. Kaso sobrang dumog ng mga tao eh lumipat na lang kami ng location sa SM branch. 300 php din sya per kilo ata, bumili pa si Arvy ng puso na parang rice lang na nakabalot sa dahon ng saging or something at parang lasang niluto sya sa kahoy dahil sa parang mala usok na lasa. Naghanap ako ng utensils yah know like spoon and fork pero wala. Ang binigay sakin plastic. Apparently ganito ang pagkain sa Cebu, magkakamay ka pero may lamination involved. Di pa naman ako sanay magkamay, wala ba talagang spork man lang or chopsticks?

Right after lumafang eh inexplore muna namin ang SM Cebu, hondoming taong sumashopping ha at infernezz walang namamaril ng kapwa shoppers. Mukha rin silang Tagalog, iba nga lang ang salita hahah. Iniisip din nila sakin mukha akong Bisaya iba lang ang salita. May mga nanghihila pa sakin, binebentahan yata ako ng credit card o bahay at lupa. Di ko alam, or baka minumura na ako. Then ang IT Park kung saan sya nagtatrabaho, right across ng gate eh meron akong nasight na casol or cathedral, Pagcor lang pala. First day ko pa lang sa Cebu eh inulan na kagad kami. Third pitstop ang Ayala, na mukhang Ayala malls daito sa Manila, like may elements sya ng kisame ng Glorietta, at ng open area sa Greenbelt 3 at gardens ng Trinoma, at a little bit din yata ng Landmark. Fourth pitstop ang Sto. Nino Church, kung saan nagwish ako sa Golden Sto. Nino na dinudumog ng wishers ha. Prayer for world peace naman yon choz. Katabi lang nun ang Magellan's Cross na parang wala lang kasi mas majestic sya sa postcards. Sana naging postcard na lang sya. Next stop ang Fort San Pedro, na parang mini Fort Santiago, azzin enclosed syang fort na parang triangular ang shape. Next pitstop for the day ang Cebu heritage na parang sculptures na nakahambalang ang parke sa gitna ng kalsada. Bago pa umuwi eh naghanap pa kami across Cebu ng mabibilhan ng cheesecake panggift daw. Red Ribbon, Goldilocks, Breadtalk, Starbucks, pati Sbarro pinasok namin pero wala kaming nakitang cheesecake na swak sa budget. Last resort naming nadaanan ang Dessert Factory at wala nang patumpik tumpik na binili ni Arvy ang isang kahon. Bumorlogz na kami after mamaltos ang paa ko kakalakad.

Kinaumagahan tinamad pa akong magkikilos. Nanonood sila ng Myx sa TV nang biglang namangha ako sa music video ni Ely Buendia sa 20/20. Naglalakad sya sa pinakamatatraffic na kakalsadahan ng Maynila at walang sasakyang dumadaan pramis! Atzif nagrapture na at inuna ni Lord ang mga trapikero. Gusto ni Love Añover ng ganyan. Habang manghang mangha kami ni Arvy eh parang walang konek ang video sa mga housemates. Di pa kasi sila nakatapak ng Manila.Pag tinanong nga kami san ba magandang mamasyal sa Manila, clueless ako kung saan ko sila ituturo. Intramuros? Fort Santiago? Nayong Pilipino? That is so elementary field trip. NKKLK yung isang officemate ni Arvy na si Star. Nagpabook daw ng travel to Enchanted Kingdom, with hotel accommodations na daw yun for three days. Pero ang gustong tamblingan after ng booking eh sa Bulacan. Oh dabah ginawa lang nyang piko ang Slex-Edsa-Nlex.

Agenda for day 2 eh ang pakikibirthday ako kay Lady, boodle fight daw. Ang sarap pala ng Battle of Mactan, may kilawin, sugba, mangga at kung anu ano pa yumyum. Dala namin ang blueberry cheesecake from Dessert Factory, na sobrang makacream cheese sa kapal. Favorite cake daw yun ni Lady kahit never pa nyang natikman, weird lang ano. Parang sinabi kong favorite vacation spot ko ang Paris kahit never pa akong nakalabas ng Pinas. Di ko lang alam kung magandang experience yun kay Lady dahil di naman kasarapan masyado ang cheesecake na yun.

Then tambling kami to Mactan ulet para makita ko yung real life Battle of Mactan site hindi yung boodle fight. Katabi lang pala non ang sutukil na akala ko eh bisayang version lang ng shoot to kill pero sabi ng aking source eh abbreviation daw yan ng sugba-tulaw-kilaw. Di ko naman natikman yon dahil busog pa. Then miming na sa Portofino... errr kaso lang nabuset kami dahil nawalan kami ng gana sa place dahil andaming mga tao eh napilitan kaming magchange location.

Tambling kami via habal habal, which is a local term (term daw oh?!) sa may-I-angkas-to-the-motor. Naiskerd talaga ako pero di ko naman naipahalata dahil maayos naman ang pagkapit ko kay kuya. Siguro lang talagang hindi ko pastlife ang pagfa-5-6 choz. Bigla namang nagalit ang kalangitan at umulan, kehlalaki ng patak at ang sakit tumama sa mukha at sa skin, dahil na rin siguro sa epekto ng pagspeed up sa habal habal. Wala man lang kasing helmet. Akala ko nga uso ang hailstorm sa Cebu eh. Lalo akong natakot, naisip ko na lang na buti dala ko yung Maxicare ko para kung sakaling madisgrasya ako eh may sasalo hahah.
Josko kung may mangyayari man sa akin, sana lang eh may accredited na hospital na malapit or papatuloy ko nang mategi ako choz.
Mas layshu ang nalipatan namin sa tumataginting na 750 per pax inclusive ng buffet. Whitesands ang name ng place, although di naman talaga white sands sila dahil di mo maaatim na lumublob sa tubig dahil sa taglay nitong lumot at unknown living organisms. Sa 4 feet pool ka na lang talaga magsiswim swiman. Pagkarating sa place eh hinabol ko talagang makapagbuffet, kasi naman hanggang 1:30 lang. Sinulit talaga, that is so deadhungry of me like an Animal Planet, considering kakakain ko lang nyan sa Boodle fight ha. Nagtataka lang ako bakit andaming Korean sa lugar na yun, although napansin ko naman sa kalakhang Cebu eh merong Korean here and there, dito talaga andami nila. Parang invasion na. Dapat ang motto ng tourism natin: Pilipinas Kay Ganda: South East Korea! I've heard na nag-aaral ng English sa pinas yang mga kimching yan dahil mas mura ang cost of living dito at nakakapaglamyerda pa sila. Ang pinakanakakabuset nilang ginawa eh hinoard na nila ang jacuzzi. Di tuloy kami makapagnyiknyuran don gamit ang layshung underwater cam ni Arvy ang brand Fuji, akala ko nga Kodak.

After ng mimingan sa Mactan, dumaan kami sa isang salon para magpajupit ng nails si Arvy. Eh naisip ko kelangan ko na rin, pedicure lang kasi I'm skerd magpamanicure. Feeling ko paduduguin nila ang kamay ko. Gora kami sa Salon d' Orient, suki na daw don si Arvy. Dalawa lang ang crew that time. Yung isa kayod sa manicure at pedicure, dahil yung isa sa hair lang ata. May nauna sa aming majubang lola nangangamoy layshu. Mejo matagal ayusan si lola kasi umaarte pa sya at more kain muna ng meryenda kaya inuna muna si Arvy. Akala ko ako na ang next pero no, shift back kay lola. Nung di pa rin tapos kay lola, ako na yung sinervicean ni ate. Pero wait there's more singit si lola, andaming arte nya, yun pala pauwi na sya. Jirita! After ng pedicure, tinanong ako ni ate kung go daw ako sa kamot. Buti na lang naalala ko kamot pala is kamay, tiil ang paa.

Madaling araw eh nagpunta kami sa lugar na tawag nila eh Larshan na parang ihawan etc. Since wala akong ganang kumain eh nag isaw lang ako at puso, akswali mejo kaderder yung nakain kong isaw kasi ampait nya. Namiss ko tuloy yung Tusok fried isaw sa Cubao at yung isawan sa UP.

After non eh gora kami sa Mango na parang Cebuano version ng Malate. Pumasok kami sa Numero Doce bar na nag-iisang bex bar sa lugar. Dito ko pala makikita ang bex ng Cebu, pero parang wala akong masyadong bet, siguro di lang talaga ako pang ganitong nightouts. Heniweys, later nagyaya na si Arvy magbijowke. Syempre may tama na ako sa dalawang bote ng Gilbey's (hangweak) at ayun todo birit na ng mga anthems ko: Stitches and Burns, Himala, Before I Let You Go. Si Arvy ashushwal nagblast to the past ng 80s songs. Finale ang Boys Fall In Love. Shett asan ka na ba love? hahah. Last stop for the midnight ang massage spa, minus the extra service ahahah.

Last stops before ako umuwi sa Manila eh namili ng pasalubongs sa SM, imbes na gumora pa sa Shamrock na out of way pa. Nagmeryenda lang kami sandali sa Ayala at what do we have here... may unos na sa Cebu, baha kagad ang kakalsadahan. Dahil jan pati ang flight ko pabalik ng Manila eh nadelay, like 2 hours late.

It was nice seeing Cebu. Third island ko pa lang yan na natutuntungan sa tanang buhay ko, after Luzon and Mindoro. Maybe I'll visit again one time. I love you Cebu, thank you and good night! Concert?!

Akala ko makikita ko ang puso ko sa Cebu, yun pala kanin lang.

Martes, Agosto 31, 2010

August Hangover

2 komento:
 
Gilbey's Premium Strength by Arvin Lim via Flickr.
Alcohol to bring me down...


Sa slightly kabusyhan ko eh di na talaga ako nakakapagblog ever. Malapit ko na iembrace ang Tumblr and its quickie blogs. Yung Twitter naman eh too short to be considered a blog. Kaya eto sa isang tambakan ko na lang ipopost lahat ng lakad at observations sa buwang ito. Di ko pa nga tapos yung burdey blog til now pati yung isan g special feature. Pati mga reviews ng movies, books at games. Shett wala na yata akong time sa pagsusulat maliban sa linking ng worksheets and balancing ng figures.


PJ Party

08.14.2010


After ng one year anniversary ng current batch ng FSR eh napagkasunduang ituloy ang dating naudlot na PJ party. May ilang nangangarap pa ng mga fashion show in undies, manicure/pedicure, at chikkahan galore. Pero gaya ng maraming planadong lakad eh di ito nagmaterialize as expected.

Kaming tatlo nila Herson at Ian ang naghanap ng hotels. Yung GO Hotels sa Boni eh good for two lang daw. Hinila kami ni Ian papuntang Taft kasi DAW may alam DAW sya don. Unang stop ang Kabayan Hotels na good for four lang ang family package. Bawal din daw mag-ingay. Hindi ba soundproof ang rooms? Gawa ba sa plywood ang walls nila?! Next stop ang Sogo. Josko labas pa lang ng door eh may nag-aalok nang bugaw. What you're selling, I'm not buying... EVARRR! Good for two din ang Sogo, at take note ang guests meron lang two minutes para magstay. After non eh kinaladkad kami ni Ian along Edsa papuntang Harrison, habang tumatakbo sa ulanan. Parang umaamazing race lang. Dinaanan namin yung Mahal Kita Drive thru motmot pero same lang na two max ang admitted. Pagkatapos kaming pagurin ni Ian eh pababalikin din pala kami sa Boni, biglang litanya ng "buti sinamahan ko kayo baka di nyo kinayang makarating dito." Nagkatinginan na lang kami ni Son at comment back na "kung wala ka Ian baka di talaga kami tutuloy." Nagdecide na lang kami later na either makisquat sa Renaissance Hotel room ni Jack or take one at Holiday Inn.

The exact date nagchicken out kami sa Holiday Inn on count na baka macharge kami per head ng 1k. Change location at nauwi kami sa house ni Ron sa bandang Greenpark sa Pasig. Maganda sana yung place wala nga lang signal sa mga phones. May intro sequence sa mga dumalo.

Later naglaro ng charades keh iingay lang ng mga tao. Enter frame si Jackie with jowa pero naskerd na si Francis sa mga beki kaya di na bumaba sa car. Nabangag ako ng slight dahil sa penalty na isang shot ng Dabar pag natatalo sa charades. Nung magkanya kanya na ng gawain eh may ibang nanood ng indie films, may nagsmoke at nomo sa labas, may ibang nanood ng porn at yung iba naglaro ng poker. Nakipoker din ako with Darrel and Chris at lucky enough para makuha lahat ng chips. In between  shuffles eh nagsisingit si Chris ng mga questions about love. Kung sana ganun lang din kadaling mapanalunan ang love, ite-trade ko lahat ng chips na to.

Natapos ang party almost 5am. May ibang naligaw sa mga kalsada. May nagsuka para mawala ang amats. Sa BeckDo Ortigas/Meralco na kami nagpaumaga.



Madyekseng!
08.19.2010


Niyaya ako ni Irene sa kanyang house somewhere in Makati para sa late burrdey celebration. Nanghingi lang ako ng directions pano makarating don at tulad ng aking lumelevel up na skills in public transpo eh natunton ko naman ang Caton Street sa may barangay La Paz sa Makati.

Ever present ang mga ex-officemates from Philam, sabagay ako lang naman ang naligaw ang landas sa kanila. Absent si Alvin at si Karen, na matagal ko nang hinahanap dahil sa hinihingi kong Smartmatic pen.

May spaghetti na niluto sila pero imbes na reddish ang color ng sauce eh orangey ito akswali. Feeling ko napadami ang gamit nilang cream or whatever. Luto pala yon ni Steph at Ate Sel pero nilait lait ni Chang. Nakikain na ako ng spag at pizza. Nagstart na rin silang magkantahan sa magic sing na dala ni Ms Zen. Todo lagay ng songs sya pero ni isa walang kinakanta, puro requests lang pala. Si Steph more songness kasi yun naman talaga ang talent nya. Baka daw di sya blessed sa cooking skills.
Si ate Sel din di kumakanta, pinapakanta ni Chang kasi baka sa singing din ang talent nya.

Maya maya eh nalowbatt na yung mic, mehganon pala?! Nilipat na lang nila sa TV5 yung channel. Loko Moko U ang palabas. Tawang tawa silang lahat sa mga jokes pero kahit smile eh di ako namove. Para syang updated na Tropang Trumpo ang pinagkaiba lang funny ang TT. Andaming recycled jokes na dapat ginagawa na lang fertilizer. Tinapos pa talaga nila yung show bago magsipag-uwian.



Banchetto
08.20.2010


Nimeet ko si Alver sa Pioneer para lang maintroduce ako kay Yohji sa Sbux. Umuulan na sa Boni that time. December 09 pa ang last meetup namin during the times na kumocosplay pa sya as Kadaj (otherwise known as storm sa mga di nakakaknows) at ang comment kagad nya sakin eh ang taba ko daw shettness! Unfortunately eh nakaleave ang sadya kong barista that night so napilitan na lang kaming magtransfer sa Banchetto to meet Jade. Nasa area din si Chris that night kasi may meeting sya sa Ortigas. Worried kami na walang open na stalls dahil umuulan na pero ang Ortigas pala eh tuyong tuyo!

Wala ako sa appetite na kumain ng food that night pero busog na busog ang mata ko sa mga tao. Yung crush kong calves sa shop ng pasta eh di ko nasight kasi nakapants yung guy shett sya!
Bet ni Alver kumain ng lumpiang sariwa at ako naman eh arroz valenciana pero di na lang. Nagsandwich lang si Jade, si Chris hotdog, while nanood lang kami ni Alver thinking parang may sexual connotations yung mga menu.


White Party

08.21.2010


White ang motif for this bijowke night. Nagmeetup kami sa may KFC Cubao, na meetup place din ng karamihan ng sangkabekihan. Biglang umappear din si Sherwin with jowa para masight ang crush nyang si Jan, gusto lang nya iconfirm ang kanyang powers to know the size ng junjun ng isang lalake yah know.
One year anniversary ng first joining ni Lee (aka Lolabelles ang twin sister ni Mudak Bekimon) sa P5 kaya nung nabalitaan nya na ililibing na sya sa group sa 2 months absenteeism nya eh biglang umappear na sya. Ang absent lang eh si Paulita Gomez kasi busy sa mga chorva nya.

Sa Starion kami bumijowke, mga three streets away sa dating Satellite at Starlites. Mas maliit ang kwarto dun, ipagsiksikan ba naman ang siyam na tao eh talagang sardinas kami sa loob. Di rin masyadong ramdam ang aircon, napagkamalan ko ngang electric fan yung exhaust nila eh. Yung drinks di rin malamig, yung yelo parang dinurog lang mula sa malaking bloke na kadalasang nakikita kong hinihila sa gitna ng kalsada sa mga palengke.

Nagsipagsong number na ang mga tao. Si Mjay eh beking beki lang sa mga song choices na Fame at Listen. Si Lem naman mga rock songs ang tinitira. Syempre si Ken pa rin ang ginagaya ko sa biritan. Napagtanto ko na ang bagay na songs sakin eh yung may rock-like qualities kaya diniscard ko na ang nasa playlist kong mga Tina Arena at Kelly Clarkson choz. Natuwa lang ako ng kinanta ko ang Himala ng Rivermaya kasi kinaya ko yung long note sa dulo with the wave effects, nakakuha pa ako ng pity applause hahah.

Bago umuwi eh nagyaya pa silang kumain ng lugaw. Merong malapit lang na lugawan don na di kasarapan pero laman tyan na rin. Merong sangkap na sinangag na bawang pero parang nougat na sa kakunatan ito. Nagsipagorderan pa sila ng egg pero umokey na ako sa plain lang, basta maraming paminta at patis ok na ako don.

Bago umuwi eh napahinto kami sa kanto ng Aurora sa kakaantay ng mga masasakyan. Sumingit bigla ang isang tindera ng dyaryo na pinapaalis kami sa pwesto nya kasi daw natatakpan namin. Kung maayos sana ang salita nya eh uurong kami pero sa tono nya eh feeling nya sya ang may-ari ng Cubao. Nagkasagutan kami at di ko napigilan ang sarili kong sabihan sya ng, "Pwede ba sa susunod gamitin mo muna ang utak mo bago ka nagsasalita jan." Ang sagot lang ni teh, "Bakla ka!" Ayyy so what?! Uulitin ko ba, pakigamit ang brain bago magsalita. Dedma na nga lang, pero habang dumadaan kami sa pwesto nya ohh ang lakas talaga ng loob ni ate na makipagtitigan ng masama, at di ko sya uurungan don. Bwahahah



Papus
08.28.2010


Second time na naming pumunta dito sa Papus sa may Katipunan. As usual talamak na naman ang sangka-luluhan dito. Parang Ryan Seacrest is to Malate as Ellen DeGeneres is to Katips. Choz, baka idemanda ako ni Ryan pero di ba sinabi nya, "Seacrest, OUT!" Choz ulit!

This time jumoin samin si Ian. Umorder kami ng dalawang bucket na combo ng Gilbeys at Tanduay Ice. This time walang kasamang kropek kasi out of stock daw, ang pinalit nila isang platitong roasted highland legumes na hindi pa hubad! K fine laman tyan din yan. Si Ian nakakastress, sa laking tao nya eh ang weak weak sa alcohol, dalawang Ice lang ang kinaya huh. Umorder pa kami ng sizzling hotdogs pero pweh naman lasang Rica hotdogs (remember this one? yung cheapest hotdogs yata na di ko sure kung nasa market pa rin) na binabad sa ketchup. Ilang bottoms up pa eh tinamaan pa ako.

Gumora kami papuntang McDo Katips para magcoffee at magpababa ng tama. Pero pagsandal na pagsandal ko sa upuan eh hinila na ako ni Mister Sandman. Bandang alas tres non. Pagmulat ko alas sais na! Shett, buti na lang di ako nag-iisa. Si Son din bumorlogz, at apparently yung ibang mga ateng sa kabilang table din.




Wensha
08.29.2010


Since bakasyon naman eh kinontak ko si Warren na magWensha naman kami. Ang tagal nya nagreply yun pala alas onse na nagising. Nagyaya biglang go daw kami kahit madaling araw. Ang meetup sa KFC Cubao ashushwal. Pinag-antay pa nya ako ng 15-20 minutes. Mejo tensed ako kasi nakatingin sa akin yung ibang grupo ng mga beki na nagkikita kita din don.

Akala ko magwe-Wensha lang kami pero no, may bijowke palang involved. Sabi ko sa Satellite na lang kami kumanta kasi ayoko makita yung ateng magjajaryo sa kanto malapit sa Starion. Go! Mejo maluwag ang Satellite pero sa Starlites mukhang bongga sila that night. Isang bucket na Red Horse, isang platitong cornick at isang order ng sizzling mushroom eh go kami. Tuwang tuwa naman ako dahil nagstartoff sa maganda ang singing ko. May encore ng Himala na kinakarir ko na yata recently. Sa totoo lang maaga kong naubos ang boses ko kakakanta ng mga birit.

Tumransfer din kami sa Wensha later around four am. Sa wet area eh nandun lang ako sa hot pool, nakafloating lang kasi natutulog na nga ako. Di naman nakatulong yung steam room sa pagpapa-evaporate ng tama ko. Nagyaya kagad si Warren na magpamassage na kami. Ang haba pala ng pila sa massage kaya nagpamanicure muna sya. Madilim sa room ng manicure, napapikita ako sandali pero mas nayugyog yung ulo kasi sandali lang eh ginigising na ako ni Warren.

Nag-antay pa uli kami ng additional thirty minutes bago namassage. Wala nang available na male masseurs kaya babae na ang pinili ni Warren. Mas masarap nga daw magmasahe si ate eh, may pagtapak pa sa likod. Yung masahista ko naman mainit yung kamay. Ang taray, fertile ka kuya? At kahit antok ako eh ramdam ko ang pressure sa bawat haplos nya choz! May pagpapaalam pa nga kung lalagyan ng oil yung tyan ko, infernezz nawala na yata ang kiliti ko sa pusod kaya mas relaxed ako.

Sa dining area eh konti lang ang food na available kasi kakasikat pa lang ng araw. Actually ang ulam lang eh parang durog durog na mechado and/or caldereta like substance. May soup din na may corn, tofu at egg yata na feeling ko eh galing dun sa mga tira tirang ingredients for shabu shabu. Kung alas diez na sana eh meron nang shabu shabu. Pero ok lang naman kasi di naman ako ganon kagutom, akswali mejo nagrerebolusyon pa ang tyan ko sa halu halong nakain ko in two days.

Nakatutok sa Star Movies yung TV at showing ang 'The Day the Earth Stood Still' starring Keanu Reeves at Jennifer Connelly. Habang pinapanood ko eh andami kong questions at comments kay Warren. Maraming movies ang nagpapop-out sa imagination ko na may theme about alien invasion at end of the world scenarios. The Invasion ni Nicole Kidman, Mars Attacks ni Jack Nicholson, Knowing ni Nicolas Cage, Evolution ni David Duchovny, etc. Kaderder lang yung mga large white kuto like viruses ha. Pati yung acting ni Keanu reminds me of another actor, si Jacklyn Jose. Yah know Jacklyn's monotone speaking vs Keanu's stoic acting?! Gusto ni Mr. Fu ng ganyan. Isa lang masasabi ko, in monotone: "Tigilan na natin si Keanu Reeves?! Klaatu barada nikto! Choz!"



Implikasyon: Kahit mejo stressful ako sa work basta may beer ako eh happy na ako. Choz! I mean friends. Basta kasama ko friends eh mejo gumagaan ang feeling. Yah know friends to pick me up when I'm down. Friends are my brand of stimulant. Inaamin ko, adik ako sa kanila! Choz!

Martes, Hulyo 20, 2010

Moon Crystal Power

1 komento:
 Lunar Corona by I am marlon via Flickr.
"Tsukini kawatte oshioki yo!" ~Usagi

 
Mek-ap!
 
 
Yah know nung bata pa lang ako eh nagpapaniwala ako sa mga kwento kwento ng mga pagtatransform sa gabi. Sikat na sikat noong 90s yung mga manananggal with the pahid pahid ng langis at pagdivide ng lower half tapos fa-fly na si ateng Alma Moreno or madam Lilia Cuntapay with matching bat wings at hinangin-sa-labas na herr style. Di ko maintindihan bakit iniiwan nila in the open yung lower half with the palda and evrathang para lang mabuhusan ng asin. Dapat nga umami ang pinangbubudbod nila para sure na tegi kagad di ba?
 
Ang jologs nyan compared sa western stories ng lycanthropes commonly known as werewolves. As if naman kasi merong wolf sa Maynila, or sa Pilipinas? Meron nga ba? Hindi porke't nakapagchange ka na to wolf pagbalik mo sa human form eh hunk ka na. Kelangan ng matinding gym or adobe powers noon. Pero sila naman eh tumatransform sa full moon hindi yung anytime na pwede eh go sila.

Di tulad nitong mga beki. Sa gabi may Moon Crystal Power Make-up and poof bongga na sila, regardless sa phase ng moon. Yung iba more powerful sa New Moon sa kubli ng dilim, yung iba more glamorous sa Full Moon sa refraction ng light sa foundation.
 
Mek-ap!


~0~



White Party
06.26.2010

Bugso ng hindi natuloy na coffeehan, discohan, at videokehan nung nakaraang linggo dahil nagka-emergency sila Jomz sa house nila, napagpasyahan namin na jumoin sa White Party.

This is my second white party. Nung 2009 parang ordinary Saturday night lang. Walang stage. Walang program. Walang music.
Walang crowd. Walang bubbles. Nagkanya kanya lang ang mga bars. This year full force sila ha. Dubbed Lunar White chorva kasi nga full moon that night. May stage. May program. May music. May crowd. Walang bubbles pero maraming kabonggahan silang pinrepare.

Closed ang traffic going to Orosa y Nakpil dahil barricaded na ang place. Sa may giant pilsen  balloon kami nag-antayan at nagkita kita nila Jomz. May entrance fee ng fifty pesos with matching pink bands at number pa. May pa-raffle ba sila? Anong prize? Mek-ap?!

Si Jomz went there in all purple glory from shirt to shoes lurvett, si Dolph in white v-neck shirt at si Ino in blue striped long-sleeved polo. Si Abbu in white long sleeves. Ako naman in blue and white checkered polo, more blues than whites. Last year nga blue and white striped shirt, more whites than blues pero ang tingin ng mga tao blue daw ang suot ko. Color blind pala ang mga beki. Maya maya nagdatingan na ang ibang mga friends. Jade was wearing white shirt, he was with Miguel wearing black pero ang weird lang sa kanya eh meron syang Sharin-gan contacts. Mejo naskerd ako, anything about eyes kasi freaks me out. Then enter frame si Juna na kinabog kaming lahat dahil all white sya from polo to pants to shoes and glasses. Di ko na inalam kung pati undies eh white din. Si Popoi humabol lang wearing white shirt and shorts na parang pang elementary lang.

We stayed muna sa Silya for a while para sa fine dining dahil tomguts pa yung iba. Then we decided to go out and look for a bar to go. Paglakad pa lang sa labas eh punong puno ng tao. Haggard lumipat sa Orosa side. After ng push-pila na naganap eh di rin kami makapasok sa O-bar or Che'lu dahil jampacked na daw. We got stucked dun sa forgettable videoke bar na ginagawang CR ng mga walang pang entrance sa ibang bars. We got one bottle of SanMig Lite each. Di namin akalaing yun na ang last bottle namin for the night.

Biglang nagstart na ang program sa stage na nakaset-up. Hosted ito ni Lex Bonife, na napagkamalan kong effem version ni Jamby. May award award-ang naganap at binigyan sila Vice Ganda at Sweet. Josko wala pang five minutes yung total airtime nilang mag thank you sa stage tapos exit stage left at pack-up na. May umakyat ding mga konteserong Mr. Gay World Philippines na tinilian ng sangkabekihan yung iba.

Nagperform si Lady Gagita ng Ale-alejandro kasama ang bigay na bigay nyang mga buk-ap dancers. Si Haronce entra din ng Single Ladies pero parang hapontukin sya sa kakulangan ng supply ng Enervon. Mabuti na lang talaga naghelp-a-friend si Lady Gagita at pumerform na sila ng Telephone. Kaso sira yung audio, naging statue dance ang performance nila. Infernezz sa kanila ha kineri nila kahit sinabotahe ang show nila. Nag-end ang show sa mga gogo boys na gumigiling at lahat umiistreet partay.

Exit frame kami pabalik ng Silya. Kasama na rin namin sila Ef, Sher at Waga, at may isa pang guy sa likod ni Sher pala... akala ko friend nya kasi nakaakbay. Maniac pala, nilalamas na ang butt ni Sher kaloka. Nakasalubong pa namin si Mitch na compared sa last year's kurtina gown eh mas normal pero beautiful pa rin ever. Kasama nya si Chard na parang nangayayat ngayon ng todo. Nakakuha kami ng seat malapit sa kitchen ng Silya. Elevated ito kaya maganda ang view to make aura at okray.

May nakita si Jade na nakared gown at isang mahabang korona, which he dubbed High Priestess samantalang ang tawag ko lang sa kanya eh Queen Seon Dok. Merong
Jabba the Hutt guy na parang ilang bata na ang kinain, whole. Merong ilang kapulisang present don, beki rin sila teh? Merong guy doon (nasa dream sequence daw ni Popoi at nakita nya'ng nategi after nila jumerjer. Officemate pala ni Ef yon) na kaloka ang outfit, meron syang suot na Solar system na headgear.

Present din ang mga twitter buds ni Jade doon pero keber syang ipakilala kaming lahat. Hindi pa naman sya bangag that time pero nawala ang kanyang social graces to introduce people. *Choz arte lang* Nagkaalaman na lang kami a week after yata. Ayyy-sya-pala-yon?!-moments. Ni wala man lang kaming mention sa tweet nya.


RT @crazyangelblue: White Party with @messengerbagboy @Yurow @wthroflmao @blissandvoid

 

Dumayo naman kami sa backstage para maki-dance. Actually pwedeng umakyat sa stage and we did. Kaso ang scary kasi umaalog sya. Bumaba kami afterwards para maghanap ng bar na pwedeng pasukan. Ayon sa sitsit eh suicide na daw pumasok sa bar dahil sa kasikipan, may libre ka pang buni, an-an, alipunga, hadhad... well for sure hadhad makukuha mo. Dapat may baon kang Canesten para alis na ang kati-kati.

Kahit alas kwatro na eh may nagchecheck pang bouncers sa bars kaya di rin kami maka free entrance. Luhaan kaming rumetreat past four. Nag-McDo pa muna bago magdisperse. Si Waga may balak pa atang bumalik at maghagilap ng wala pang take home. Ano to?! The boat is sinking group yourselves into two?! Kaloka! Baka nga naman daw yung mga choosy nung madilim pa eh naiwan pa don at gogora na lang sa next best tira tira.


 

Wensha  
06.27.2010

Nagpaalam naman ako sa kanila na may lakad pa ako sa Timog after ng Malate. Nakasakay ako ng bus going to Fairview para derecho na'ng Timog. Usapan na kasi namin ni Warren na gogora kaming Wensha this morning ng 6 am under one condition: ililibre nya ako ng half. Dahil siguro wala syang mahaltak this time to make Wensha eh um-oo na rin sya.

Nakarating rin ako sa Timog sa wakas. Nagtanong ako sa manong gardo ng oras, twenty to six. Sobrang aga ko pa pala. Nahiya naman akong maghintay sa loob ng Wensha kaya I stood outside na lang, kunwari naghihintay ng jeep. On blast mode muna ako sa mp3 player na sumesenti. Di ko naman matext si Warren kasi ba naman na-lowbatt ako kakatext ng mga tao sakin na ginawa ba naman akong logistics officer. Tinitignan ko bawat taxing dumaraan kung sya na ba yung nakasakay sa loob.

Gaano ba katagal maghintay ng twenty minutes? Madali kung meron kang dalang relo. Paano kung wala. Ang basehan ko eh ang dami ng kantang bumubulusok sa aking tenga. Around five to six songs siguro average. Ilang Freestyles, GaGas, Third Eye Blinds, at Imagos na ang nakalipas eh wala pa ring Warren. Ilang taxi at jeep na ang tumigil at tumingin sa akin eh wala pa rin. Sinikatan na ako ng araw wala pa rin.

Shett ininjan ata ako. Dahan dahan akong naglakad pasakay ng jeep patungong MRT at jeep uli sa bahay. Pagod. Puyat. Gutom. Low-batt. Nagtweet muna sa web bago nagcharge ng battery. Biglang *toot* may isang message, galing kay Warren sinasabing male-late sya kasi may chorva muna sila ni Joross. Tinext ko kagad kung nasaan sya at tumawag kagad. Pinapasunod pa ako sa Wensha. Go daw aantayin nya ako kahit 7:30. Parang nabawasan ang pagod ko at dali daling sumugod pabalik ng Timog (after magharvest syempre)

Trenta hanggang kwarenta singko minutos lang ang byahe pala kapag walang traffic. Pagkarating doon eh nagrequest akong magbreakfast muna dahil hindi na kinakaya ng sikmura ang pag-aayuno in preparation sa Wensha'ng to. Konting sinangag lang at juice gogogo na uli ako.

Tandang tanda ko pa naman ang mga dapat gawin dito sa wensha. Una maghubad ng lahat ng saplot including undies, twalya lang ang dapat isuot, at itago ang mga gamit sa lockers provided, then go ka na magshower before dipping sa jacuzzi. Kaso nakalimutan ko palang no slippers allowed sa wet area. Naalala ko lang nung nagsa-shower na ako. Kaya pasimple kong itinago sa loob ng cubicle yung sinelas shett.

Paglabas sa shower eh napansin kong nakapatay yung TV nila. Ayon sa chikkadorang manikurista ni Warren eh one month na daw na walang cable doon. Naputulan siguro ng jumper hahah. Yung dating scalding hot tub nila eh maligamgam lang din today. Pero yung cold tub parang galing sa ref. Nagtitipid ba sila sa costs or what? Kunsabagay konti pa lang ang customers nila this early.

May lima o anim lang kaming nasa wet area that time. Yung dalawa eh chubby kaya dedma, yung isa eh daddy type, yung isa chinito. Kita namin na nagkukulong sila ng madalas sa steam room kaya sumugod din kami. Wala naman, navaporize lang ako. Lumipat kami sa saunang walang tao at walang malay. Favorite spot namin to kasi clear yung glass partition, sound proof, hindi masyadong barbecue mode, at di sya pinagkakaguluhan ng mga tao. Dito kami madalas mang-okray ng ibang customers, I mean mag-observe kasi nga ginagawa na naming private space ito. Hindi naman lahat ng nasa loob ng menagerie eh syang nasa spotlight, minsan yung nasa loob pa mismo ang maraming puna sa nasa labas. Gaya nung daddy at chino. Napansin na namin na nagkukulong sila ng madalas sa steam. Ni-dare ko si Warren na sundan sila don para tingnan kung may milagrong nagaganap. Go naman sya. Wala naman daw. Magkalayo yung dalawa. Si Chino nasa wall naka-full nude pero nakatalikod, parang nag-aabang ng bobona sa kanya. Choz!

Tambling na kami sa second floor para magpamassage, ashushwal male. Dinala kami sa isang room na may three beds. Tigkabilang dulo kami kasi merong railings overhead, baka daw may tapakan massage na maganap, ambitious! Pumasok na yung dalawang masseur. Yung naka-assign kay Warren eh chumichikka nung una. Pati ba naman work tinatanong. Ano to may kasamang lifestyle check? Yung sakin naman eh puro "ok ka lang ba ser?" ang tanong. Ano naman sasabihin ko eh di okay. Tuwang tuwa pa sya kapag napapatunog nya yung mga buto ko, lamig daw yon. Siguro marami akong lamig sa lower back kasi doon lagi masakit sa madalas na pagkakaratay sa upuan. Madalas din don nya ako minamassage, malapit lapit sa aking butt. Kaloka, taray ni koya? Single ka koya? If you want jerjer, I'll give you jerjer. I'll be there in my red bible, magpray na lang tayo. Choz! Bago matapos ang entire massage-an eh nagtanong pa si kuya kung gusto ko ng stretching, na tinanggihan ko naman. Ayoko nang mabali ang katawan ko. Okay na ako sa ganitong smooth and shiny and glowing.
Mek-ap!

Iniwan na ako ni Warren sa room para magpamanicure/pedicure. Bumorlogz ako ng bongga sa loob. Naalimpungatan kong may pumapasok sa room pero lumilipat din sila. Nagising ako after less than an hour yata, ramdam ko kasing may woodmorning na ako. Nakakahiya dahil andami pa namang sumisilip. At take note nakanipis lang ng robe nila para takpan ang aking yah know.

Lumabas na ako sa common room para abangan si Warren. Tomguts na ako pero ok lang na mag-antay ako at magmasid. May dumating na isang pamilya galing sa baba. Parang first timers sa spa. Nagtatanong pa sila ng instructions kung san ang ganito at ganyan. Yung male area po sa baba. Bumaba yung daddy at kuya. Naiwan ang nanay at kaatehan. Maya maya
Mek-ap! nakapagtransform na rin sila. Lumingon ako kung san sila nanggagaling. May door pala malapit sa massage area ng female, dun din yata ang wet area nila. At least ngayon alam ko na ang misteryo, merong female area ang Timog branch, di nga lang equal ang placement sa floor plan gaya nung sa Pasay. Di to pepwede sa akin, dahil isa akong advocate ng symmetry.

Nakikinig din ako sa sigaw nung receptionist papuntang massage area. Tawag lang sya ng tawag ng mga masahista kung kanino maa-assign ang mga to. Isang lalaki sa babae, isang lalake sa babae now na! Ang bongga lang tumawag ni teh. Isang babae sa lalake, isang babae sa lalake now na! Parang host lang na nagtatawag ng contestant. Dalawang lalake sa dalawang lalake, dalawang lalake sa dalawang lalake now na! Parang orgy lang kakaloka. Isang top sa isang bottom, isang top sa isang bottom now na! Isang butch sa isang femme, isang butch sa isang femme now na! Baka naman isang comedy bar host ito nung past life nya. Isang love para sa isang hopeless romantic, isang love sa hopeless romantic ngayon din!

Bumalik na ako sa pagtatimespace warp nang mapansin ko ang isang pechay customer na kakatapos lang ata magpamassage. Kumuha ng food, halos isang bandehado. Umupo sya sa dulong table, tago sa crowd. Nung dumaan ang isang waiter nagparequest pa sya ng shabu-shabu. Nagdagdag pa sya ng isang bandehado ng ingredients doon. Infernezz kay teh balingkinitan ang kanyang katawan, maraming inggit sa kanya for sure. Ano kayang sikreto nya?

Pagkabalik ni Warren sa mani/pedi nya eh pinagmamalaki nyang bayootipul na uli ang kuko nya. Ok lang ako kasi I can manage naman to cut my own nails, sure pa akong di ko ito maaksidente. Lumipat kasi sa may bandang harapan. Nagpaorder na rin ng shabu shabu. Kumuha ako ng kalahating bandehadong food plus mga sangkap sa umami soup namin: corn, tofu, squid balls, carrots, pechay, at ilan pang greens. Si teh daan lang ng daan sa amin, she keeps coming back for more. Madaling nagretire ang Warren sa fiestahan. Napilitan tuloy akong ubusin lahat. Pero si teh anjan na naman, ice cream naman ang uupakan. Mejo nachallenge lang ako ng konti kaya inubos ko na ng tuluyan lahat ng nasa plato at kaserola, except yung sabay over na yon. Ang ending, winner si teh! 1-0


Moral of the Story: Ang umaarteh sa bar wala ni tira-tirang ka-date. Ang walang arteh sa food walang tira tira sa plate. Dahil ang magtitira may fine, parurusahan sila sa ngalan ng buwan!

Sabado, Hunyo 26, 2010

Superficial

Walang komento:

Little Orange Star by tassiesim via Flickr. 
 “ We had joy, we had fun, we had seasons in the sun. 
But the stars we could reach were just starfish at the beach. ”
 


Summer Class: Galera 101
June, 2010


Last year eh ilang beses ako nakarating sa beach. Bandang February kasama ko mga friends from Philam sa Laiya, Batangas. Early May nag-Galera naman ako with Warren and friends. Late May naman kasama ang CKC family sa Pagudpod. Bandang June naman pumunta kaming barangay Bulacan* sa Mabini, Batangas para sa funeral ng dad ni Joyce. September naman dumaan kami ng Fab5 sa CamSur Watersports Complex kahit walang mimingang naganap.

This year ang El Niño ng miming fantasies ko. Nagkayayaan ng miming sa FSR pero ang ending di rin natuloy dahil walang nakuhang pool: fully booked ang mga private pools at may phobia naman ang iba sa public pools. Ang trip to Anawangin ng Fab5 eh naligwak din dahil sa financial constraints. Patuloy akong iniinggit ng mga taong biglaan na lang gumora sa Bora, Galera, at Palawan na animo'y pupunta lang sa Quiapo. Ang pinakamalaking body of water na napalapit sa akin, maliban sa water dispenser sa office, eh yung pool dun sa dating apartment ni Jay kung saan nakalublog ako kahit papaano nang approximately 45 minutes.

Gabi ng June 11, matapos ko magdinner galing sa mass ng Sacred Heart eh I'm with Ian and Ef bonding sa hotel room with Jackie. Nakaset na may lakad kami ni Warren na magvideoke at Wensha this weekend para naman daw may magawa sya sa VL nya. Tinext ko na di tuloy yung Anawangin trip. Maya maya nagtextback kagad, go na daw kami ng Galera. Kelan? Mamaya, 6am. Homaygawd. Di naman ako nagprotest kaya ayun. Tumawag pa talaga para i-confirm, at mejo alangan ako kasi puyat pa ako.



~0~


Heypi Independence day. Heypi ka ba? Gusto ko heypi ka!
05.12.2010 c. 06:00

Nakaset ang alarm ko to 5:30 para 6am eh go na ako sa Boni MRT Stn. Tumawag uli ang Warren para ipush to 7am kaya ayun bumawi pa ako ng more borlogs. 6:45 ako nagising at nagmamadaling nag-ayos ng gamit. Tinawagan pa talaga ako ni Mother Nature kaya nalate lalo. Mas mabuti pang here kesa naman elsewhere dabah. Naalala ko tuloy yung kwento ni Lee about dun sa MRT inabutan ng jebz habang hinihipuan. Epic humiliation yon. Heniweys nakaalis ako ng bahay bandang 7:15. Nakalimutan ko pa magdala ng towel pero ok lang, manghihiram na lang ako kay Warren.

Past 7:30 na ako umabot sa MRT Stn. Independence day offer para sa mga commuters ang libreng sakay up to 9am sa morning. Ang mahirap eh kelangan mo pala sumiksik sa dami ng tao. Feeling ko pati non-MRT-riding folks eh andun na rin para lang makalibre. At kahit bet kong nasisiksik sa MRT, di ko sya gusto kapag meron akong dalang malaking bagahe. Sa second train na dumaan kami nakasakay... err siksik. Nakadikit na ang face ko sa salamin ng door. Paglagpas ng Buendia mejo nakaluwang ng konti. Si kuya sa left ko eh gusto pa humolding hands yata kasi may pagkalabit na motion akong nadama.

Sa Ayala dumagsa na naman ang mga tao. Narinig ko pang may naiwang friend yung mga pasahero dun kasi sigaw sila ng sigaw.

Naiwan si Joy?! Naiwan si JOOOYYY!!!


Tili naman ni ateh. I'm sorry Joy but you're the last person to reach the pitstop, you are eliminated from the race. Sino ba si Joy? Sya lang naman ang dating tagapagmay-ari ng bagua kaya kaylangan maiwan sya kasama ng bad vibes. Choz!

Ang pagkakaalam ko talaga eh sa Buendia LRT Stn ang sakayan ng bus to Batangas pero nag-iinsist si Warren na meron daw sa Taft Stn lang. Gusto na nya magtaxi kami para mahanap kagad yon kahit sabi ko magtanong muna kami. Tumawid kami sa kabilang side at kinokontrata kami ng mga driver ng 120 pesos kasi malayo pala ang iikutan ng taxi. Tawid uli kami at naunahan namin sa taxi yung isang ateng.

Machikka si manong driver. Pati destination namin may tanong sya. Nung malamang magbi-beach kami eh hinanap samin yung mga chicks daw, dapat meron daw ganong factor. Pati yung isang taxi eh may inggit sya. Pati yung Pure Gold daw na pag-aari ni PGMA eh may poot sya. Sana nag-LRT na lang kami kasi matraffic din along Taft. Around 20-30 minutes kami nakarating sa Buendia.

Nakasakay kaagad kami sa byaheng Batangas Pier na derechong Lipa. Lima na lang lalakad na kaya tamang tama rin ang dating namin, sa likod ng bus kami nakaupo. Kahit balak ko pa sanang matulog eh di ko na nagawa kasi puro kwentuhan lang ginawa namin along the way. Pinagkwentuhan namin kung paano ako na-block/delete ni Derek sa lahat ng social networks due to excessive charantia intake yata. Hindi na yon nangangailangan ng separate blog entry or anything beyond one paragraph.

Sa may pier eh may kumontrata kaagad sa amin. Kumuha na kagad kami ng two-way ticket to Galera scheduled for 11:15. Pumasok na kami sa waiting area pero hinarang dun sa mismong pier kasi in-coming pa lang yung boat namin. Isang cute na kuya ang humarang samin, infernezz cute ng smile nya kahit mejo malaki yung incisors nya which is approximately 67.5% ng actual size ng kay Miley. Heniweys, inoofferan nya kami ng hotel room pero tumanggi na si Warren kasi meron na daw kaming booked sa Galera.

Next thing I know, pilahan na papasok ng boat, not just any boat, isa syang malaking fishing boat. Yes parang ganun ang itsura, 50 lang ang capacity nya pero narinig kong tinawag ng first mate na 65 passengers plus 5 crew. Oh dabah kamusta naman sa sardinas? Lahat naman yata nabigyan ng life vest in bright, neon-fuckin'-orange, muntik malusaw ang mata ko. Sa dinami-dami ng passengers eh almost a third non eh Koreans.*

Sa harapan namin may isang mag-anak na magve-vacay galore. Mejo shala silang tignan compared sa rest ng passengers. In fact inglisero yung bunso, umiinglish din si mommy. Biglang narinig kong pinag-uusapan nila about abnormality kesyo may classmate itong si bunso na abnoy daw. May paglelecture pa si inay about autistism, down syndrome at sa mga dyslexics. Mejo nagpanting ang tenga ko kasi mejo tinatamaan ako sa dyslexic ha. Kesyo may pag-e-ekpleyn si mommy na mukha daw normal on the outside pero basag na basag daw on the inside. Mabuti na lang at dumaong na kami kaya pinatawad ko na sila.


~0~


The Beckies have landed. 
05.12.2010 c. 12:30

Sa landing strip pa lang eh andami nang nakaantabay na nag-aalok ng hotel room. Dedma pa rin ang Warren. Dumirecho kaagad kami sa Dream Wave, doon sa same spot nung nagkaroon sya ng sexperience sa Aussie so many years ago, umaasang magrereenactment muli sa panahong iyon. Dahil kaunti lang ang populasyon this day sa Galera eh madali kaming nakakuha ng room.
Decorated ng papier mache masks na parang nagmama-Mardi Gras at PvZ-ish marigolds ang stairs. Patungo sa silid namin eh mejo masikip ang pasilyo, slightly dim, tahimik pero umeecho ang kaunting tunog ng dumaraan. Parang eksena sa isang horror novel, azz in kulang na lang may bumukas na pinto at merong zombie lady or cannibal clown yah know.
Room 218.
Sa loob ng room merong isang medium sized bed lang ang available. May available na rin na towels mabuti naman. May hangers at may metal-something na ginawa naming sampayan. May cable ready tv din at merong modern crystal chorva lamp. May decoration ng mga wave paintings pero kamusta naman ang pixelated wave illustration on tarpaulin? Kulang na lang talaga ng phone at mirrors eh pwede na syang lumevelling sa mga motmots in Manila. Kelangan namin magshare ng bed ni Warren pero nagset na sya ng disclaimer na just in case meron syang dalang booking eh tatalsik ako sa room. Kay lang dahil sya naman ang pumeysung ng room eh.
May moderately large bath na may bidet at two showers, with heater mind you. Mukhang malinis naman yung toilet pero kinakalawang na yung flush button at nakakapagtaka lang dahil perpetual yellowish ang water discharged. May yellow version na ba ang toilet duck? Ngunit wala ang isang bagay na kailangan ko dito, ang bath tub. Choz. Wala man lang exhaust fan para sa natural moments yah know. Buti na lang pwedeng buksan yung bintana.

Yung room key eh sinabit ko naman sa leeg ko para di ko mamisplace sa paglabas.
Star shaped yung keychain lurvett. This is so Card Captor. Lumakad na kami palabas sa beach area. Mas malapit kami sa left side ng beach facing the sea, dun sa may batuhan na once tinambayan ng mga kaatehang animo'y naglalaba lang sa batis. More lakad kami sa opposite side para masight ang jurassic during the lucid period. Then balik kami sa may VM para kumain ng lunch. Namukhaan si Warren nung ateng last year na naghanap ng room for us at ganun din si Warren. Ako lang talaga ang nakalimot sa pechay. Nilantakan namin ang pork sinigang at calamares in coconut milk na binitin lang ako sa rice. Later bumorlogz muna ang mga zombie para magmiming ng alas cinco para di na daw ganon kajinit ang haring araw.



~0~


“ Sand is overrated. It's just tiny, little rocks. ”
05.12.2010 c. 17:00

Tamang tama lang ang gising namin ng alas cinco. Sa beach area di masyadong masikip na congested ng katauhan at di masyadong maluwang na parang ghost town. Ang tubig at hangin di masyadong mainit para manlapnos at di rin masyadong malamig para magcause ng hypothermia. In Goldilocks' fashion, everything's just right. May family sa tabi namin at parang bet ko si daddy. Hipon nga daw sabi ni Warren pero somehow may dating sya sakin. Andun lang sya sa tapat namin nakalublob at walang ginagawa. Nagsawa na lang ako kakaantay ng sign na di naman darating. Inantay pa namin na magdilim bago umahon. Gusto ko kasi yung sunset, yung pagchange ng color from bright orange to reddish to pinkish to purplish to indigo-ish to bluish to dark... ayyy basta parang color wheel lang pero walang yellow at green na involved. Parang nanonood ka lang ng masterpiece of Nature.

Pabalik sa hotel room pala ang mahirap. Walang gripo na mapaghuhugasan ng buhangin papasok sa hotel. Yung public toilet nila may strictly no washing of feet policy. Pagpasok sa room malayo masyado yung rug. Ginamit pa ni Warren yung shirt nya para pamunas ng paa papasok para kunin yung rug. Then nung napagpag na namin yung buhangin sa paa eh pasok naman sa toilet para magbanlaw ng excess sands. Kehdamihlanghayy. Since nauna na maligo si Warren eh sya na rin ang naglinis ng toilet.

After magshower at change costume eh dinner naman kami. Kinuha kagad namin yung kainan sa tabi ng Dreamwave na nag-ooffer ng unlimited rice. Umorder si Warren ng inihaw na tilapia kaya sa kanya yung special offer. Ako naman ensaladang talong at extra rice lang. Since di naman sya matakaw sa rice eh ako na lang ang sumalo in his behalf ng extra rice. At sinulit ko talaga yun, naka-three or four cups yata ako.

Nagblackout pa for a while. Akala ko earth hour or rotating brownout na ayaw paawat. Pinagtirikan pa kami ng kandila para naman makakain ng mahusay.

Naririnig ko pa ang nagvivideoke sa tabi tabi lang. Hindi ko maitatagong naiinggit ako kasi iyun naman talaga ang pinaghandaan kong event for the day. Pero eto nagtyatyagang makinig sa mga naliligaw na nota. Feel na feel kong agawin ang mic sabay sabing "you don't know how to hold a long note, I'll show you!" pero nagfade na lang ang aking dream sequence sa kabog ng dibdib. Atzif! Di ko keri mag-open mic noh. Puro guys ang may hawak ng mic. May isang kuyang maka-emote naman ng mga songs, pero wag ka! Mga divas ang songers na pinili nya ayyy alam na! May isa naman jologista, puro rap songs ang tinitira. Idagdag mo pa ang tunog ng second voice, parang si Sitti lang on helium. Kakastress! Sa sobrang di namin kinaya eh gumora na kami sa main event for the night.

Nomohan time na! Pumwesto kami sa Mikko's Bar, dito rin kami pumwesto last year, although way way back kami ngayon konti na lang eh ilulublob na sa water yung tables and chairs. May mga nagpeperform ng poi sa stage: isang gurlish na pagurl, isang vortang pagurl, at isang vortang cuteness (na I'm not quite so sure kasi baka nasa pagdadala lang yong ng lighting yah know.) Bumaba pa sila sa beach area para ipakita ng malapitan ang aking talento nila. Sana sumali na lang sila sa talent show dabah?! May pagfoformation pa silang ginagawa, may tambling at pag-eggroll, may pag-gamit ng lightsaberish poi, at kung anu ano pang kagimikan.

Umorder na si Warren ng drinks. Unang hinanap  namin eh Blue Galera pero wala na daw yon, Blue Hawaii na lang. Go. Naghanap din ako ng Tanduay Ice pero wala din sila. Worried nga ako baka ang dalhin samin eh Tanduay gin at yelo. Nagrequest naman si Warren na bumili kami ng chicharong hangin, pero ampanget ng nabili namin sa mga naglalako, chicharong bato yata yon. Bumili rin kami ng balot for him at penoy for me. Sana balot na lang din binili ko, wala palang pinagkaiba yung penoy sa nilagang itlog leche. Nagstart na rin ang tagay, nasense ko kagad yung vodka na somehow naitatago ng pineapple flavor. Masarap sya at frothy, refreshing on a warm summer night. Panglima o pang-anim pa lang na shot I can feel it na, may sumisipa na kagad.

Since under the influence na ako eh mejo tumalas na aking senses. Nasense ko yung grupo sa likod na nanonood ng poi: mga beki sila. Sa katabing table may group of three: beki rin pero di ko mawari kung magjowa o friends lang yung dalawa. Sa kabilang table pa eh meron majubabs na beki na nilalandi yung isa sa katabing table namin. Tinutulungan pa sya ng beki friend nya makipagclose, pero dedma sa beki sa table 2. Sa harap ng table namin may dalawang beki. Across, in front, at the back, arms sideward, dito, doon: andaming beki. Omg! This is beki territory nga pala.

Nagstart na rin sa wakas yung show sa Mikko's. Mga female impersonators na lumilipsynch sa mga diva songs. Infernezz mas magaling pa sila kay Britney. Merong nagperform ng We are Dreamgurls, Single Ladies, I Need a Hero (na award for best in PE dahil kelangan ni ateng magjump-split everytime tutugtog ang first line ng chorus), isang Destiny's Child song (na di ko alam pero alam ng crowd dahil sumising along sila), at When I Grow Up, among others. Nung kunin ni Warren yung bill eh nashock ako dahil tumataginting na 1k pala ito. Akala ko 190 lang, good for one shot lang pala yung 190.

Iniwan ko sandali si Warren para bumalik sa room at jumingle. Natulog pa ako for five minutes tapos bumalik din. Later umalis na kami para tumungo kung san dumadako ang mga beki, alam mo yan!


~0~


“ Unti unting mararating kalangitan ang bituin.
05.13.2010 c. 01:30

Jurassic. Easternmost stretch ng beach na walang liwanag dahil at least one kilometer yata ang pinakamalapit na light source dito. Dito namumugad ang mga beki naghahanap ng panandaliang kamot sa makamundong kati sa kubli ng karimlan. Ang sagot ko lang jan eh caladryl pero sino ba nakikinig sakin?

Nagtungo ako doon para ipagpatuloy ang aking ipinangako last year na babalik at mag-iistargazing nang may kasama. Sa puntong yon eh partially fulfilled dahil may kasama naman talaga ako per major fail pa rin dahil expected ko eh si Jai-ho na ang kacuddle ko don. Malakas pa ang tama ni Blue Hawaii sa akin, mahilo hilo akong nakahiga sa buhanginan. Mimiming daw si Warren pero syempre di ako naniwala. Iniwan nya ako dun habang bumubooking sya sa may bato. Nakaidlip ako bugso ng puyat at kalasingan. Nagkamalay uli makalipas ng mga thirty or so minutes.

Naroon pa rin ako, nag-iisang nakatingala sa mga tala. Wala palang buwan ng gabing yon. Exactong new moon ng gabing yoon. Dahil madilim doon eh mas maraming stars ang nasasight ko. Weird nga lang wala ni isa akong makilala. Kahit ang W ni Cassiopeia di ko masight. Kahit buntot ni Big Dipper wala. Kahit ang Tres Marias sa Orion di ko na rin makita. Naroon lang silang mga bituin, pawang mga tagihawat sa mukha ng nagmamagandang teenager, walang porma at sabug sabog. Kung may magic marker lang ako eh baka nagconnect the dots na lang ako. Maya maya may gumalaw. Hindi tao, hindi hayop. Star. Shooting star. (Bulalakaw ba yon sa tagalog?) At meron pang isa. Akala ko namamalikmata lang ako pero nasundan pa ng isa. Marami palang makikitang shooting star dito why not magwish ako. Pero hihilingin ko lang matapos ang ikapitong shooting star.

Nakabalik na si Warren. May nabooking nga sya, smoker daw at chumorva sila sa ibabaw ng bato. Inaaya na nya akong bumalik pero nagmatigas pa ako dahil wala pa ang seventh star ko. (ayyy parang ako lang si Miyaka why not) Bumalik pa sya sa may beach at may nag-offer pa daw sa kanya not just once but twice! Imagine! Later nagpaalam na syang babalik na sa room. Nakaraos na sya. Ako naman naiwang nakahiga waiting.

Mejo adjusted na yung pupil ko sa dilim. Nakikita ko ang pagdaan ng mga anino. Marami ang naninigarilyong patungo sa jurassic area. May dalawang pabalik na sa liwanag, magkaholding hands pa! May ilan pang nagdatingan. Maya maya may lumapit sa akin.

Kuya Raj? Biboy? Carl?

Mukha ba akong tanungan ng mga nawawalang beki? Well, sa dilim na ito eh di mo talaga mamumukhaan yung mga taong nakahambalang sa gitna ng buhangin kaya better ask question talaga. Oo, ako nga si Carl! Halika dito! Choz. Pwede naman talaga akong magpakilalang ako si Carl 'noh! Di ko lang dala ang birth certificate ko at the time. Maya maya enter frame naman ang dalawang anino. Huminto sa tapat ng ulo ko yung isa at bigla akong finlash-lightan sa mukha. Shett. Bastos ampotah. Atzif ganun kadaling mag-adjust ang night vision. At ang huling dumaan na set ng anino na mejo nagpainit ng ulo ko eh dalawng beki syempre, na nag-uusap in high pitch. Feeling ko tinanggihan silang dalawa kasi naman sa kadaldalan nila, in falsetto.

People are so superficial!!!

 
Kasing-level ng Bukas Luluhod ang Mga Tala eh parang kuma-climax na ako sa movieng ito ng buhay ko. Shett. Ang ganda lang nila teh ha. Makapagjudge naman sila eh ano kaya'ng ginagawa nila sa jurassic di ba? Ang linis linis lang nila sa ganyan. Ayokong masira nila ang mood ko at concentration kaya tinuon ko na lang uli  ang aking titig sa mga stars. And there it was. Lucky seven. So ayun nga mega-wishing and hoping and thinking and praying ako na next time talaga pramis may madadala ako dun na luluhod sa mga tala. Choz. Na kasama kong mag-iistargazing and cuddling under the stars. [Keso mode]

Bumalik na ako sa room. Mejo nasuspense ako dahil close na yung front door. Pati yung side entrance closed na rin. May iniwan pala silang door way way back pa.
Mas umiskeyri yung place dahil darker and quieter na sya. Wala naman sigurong sasalubong saking bloody twins dito I hope. Hindi nakalock yung door namin. Naabutan ko pang buck nekked si Warren kakatapos lang shumower. Umarte arte pa sya at pinapagshower pa ako kasi oozing pa daw ako ng sandy essence. Pagkaligo eh bumorlogz na rin ako. Ashushwal nakajacket ako pag natutulog sa mga hotels eh kasi ayoko namang mateging frozen delight.


~0~

05.13.2010 c. 08:30

Nagising ako ng 8:30, akswali ginising ako. Tomguts na pala ang Warren at inaantay lang ako magising kaya accidentally nya akong nakalabit at nayugyog. Naka six hours naman akong sleep kaya rejuvenated na ako.

Since may free breakfast included ang hotel eh go na kagad kami sa baba. At kapag sinabing free eh limited pala ang choices. For Filipino style ang choice lang eh daing na bangus or longganisa. For American style naman ham or corned beef at may choice ka rin kung rice or bread. Nag-order pa si Warren ng tea. Nang inilabas na yung daing, wow ang laki talaga nya, pero hindi sya deboned kaya gudlak sa tinik.

Nagmamasid masid ako sa mga katatauhan pero nowhere in sight ang mga beki. As if nalusaw silang lahat sa paglabas ng araw.

More miming kami for the day bago umuwi. Pero pinilit ko muna si Warren na magtungo dun sa buhanginang hinigaan ko kagabi. Ngunit wala na. Nawala yung sand angels ko?! Lahat ng paghuhukay ko pawang natabunan na, lahat ng paggulong ko pawang nilamon na sa limot. Gusto ko lang naman masulyapan kung san ako nakahiga, kung gross ba or what. Gusto ko sana mag-emote about footprints on the sand chorva pero parang hindi sya appropriate. Gaano man kalalim ang iniwan mong footprint, kung kalaban naman sya ng erosion eh kamusta na lang.

At ayun nagwalk back kami sa area na malapit lapit sa hotel para magmiming na. Maya maya may nakasabay kaming manong. Akala ko nung una kinakausap kami. Nakakaloka nagsasalita sya mag-isa. Chinecheck ko kung meron syang headset or earplugs pero wa talaga. Si kuyang Half-crazy nakakatakot talaga. Posible kayang may naka-implant na sim sa kanyang brain kaya pwede sya makipag-usap via satellite? Posible kayang telepath sya? Posible kayang  nasa Wow Mali kami? Posible rin kayang malakas lang ang tama o sapi nya? More talk si kuya at maya maya may sumasagot na sa kanyang ale. Pero parang di rin sya knows pala. Si ate surprised lang talaga. Maya maya may dumating na bata at sinasagot na sya. Nakakaloka may kausap na talaga sya ngayon face to face. Sya kaya ang kausap nya earlier? Infernezz eh parang oo naman, kasi hinihintay ni Halfcrazy matapos magsalita si Friend at si Friend naman eh mukhang hinihintay din nya matapos magsalita. Pero minsan sinusumpong uli sya ng pagsasalita mag-isa. Ilan lang yan sa mga misteryong maiiwan sa Galera.


Ilang talampakan mula sa pinaglulubluban namin eh biglang dumating ang cast and crew ng Durex condoms. Nagset-up sila ng sand formation in D-U-R-E-X. Tapos nagligay ng mga banners, enter three gurls in bikini at voila publicity stunt na to! Yung tatlong gurls eh isa lang ang tunay na cute pero short sya. Yung dalawa eh matangkad lang talaga hoookay. Maya maya nagtatago na silang lahat sa likod ng anino ng banners.
May kajoin na ateng leslie na photographer ang drama. Inencourage nilang magpapiksur yung mga tao with them in exchange eh may free na Durex sila. At dumami nga ang mga tao don: yung iba andun para umusyoso, yung iba for the girls, yung iba for the free condoms. Gusto ko rin sana magpapic pero dun sa kuyang nagset-up. Choz! Yung grupo ng mga lulurki sa tabi namin eh gusto rin magpapic pero sigaw sila ng sigaw ng Domex. At tuwang tuwa pa sila non ha.

Nagpack-up kami bandang alas onse, mejo nadelay ng konti kasi pinanood ko pa yung Celebrity Apprentice. Namili pa ako ng souvenir shirt pero natagalan ako kasi hindi nagmamatch yung demands ko: kelangan black with purples at hindi masyadong OA sa designs. Inabot yata kami ng mahigit bente minuto nagha-hunting ng shirt. Naubos tuloy yung oras namin para kumain ng lunch. Eh matagal pa naman magluto ng food. Binayaran na namin yung bill bago pa sya dumating. Nag-eat and run tuloy kami.

Half full na yung boat pabalik sa Batangas pier. Kung dati 15 katao lang ang over nila, ngayon almost half ng capacity yata. Naglagay pa sila ng mga monoblocs sa gitna. This time naman eh 20 percent na lang yata yung mga Koreans, pero may ilang Europeans nang kajoin namin sa trip. Midway sa byahe eh biglang pumasok sa ilalim ng boat yung isang kuya. Akala namin eh biglang magtatawag si kuya na "more seats below mamser!" Ashushwal pinamigay ang mga life vests pero wala namang nagsuot. At infernezz talaga eh hindi masyado nanakit ang brabalibintawan ko kasi maayos ang mga cushions, nakatulog pa nga ako eh. And I kept dreaming about a zombie apocalypse pero ang weapon ko white marigold lang daw. San na yung sunflower ko?


~0~


Moral of the Story: "Being Japanese, I pay attention to detail." sey ni ateng Yuko Yamashita for Sunsilk. Dahil jan, yun na nga ang ginawa ko sa buong bakasyon na to. Di ko na masyadong napagtuunan ang sarili kong rest and relaxation dahil kung saan saan lumipad ang utak ko.

Minsan sa itsy, bitsy details ka na lang nakatitig eh di mo na nakita yung buong larawan. Minsan pulos buhangin na lang ang iyong napuna ay nalimutan mo na'ng mayroon pa palang dalampasigan... at tubig... at bato... at araw... at lumot.... The devil is in the detail, ika nga. (Tama ba ang hugot ko ng idiom?)

Therefore, Japanese pala ako. Machi ni sono toori desu ka?
Choz!

 

Rating: 4.0 Conditional. Repeat next summer.


____________________

*1 Pronounced \boo-lahhh-kan\ as in elongate the second syllable para di maconfuse sa province. Although walang miming na naganap don, tabi ng beach ang house nila at feeling ko tinatawag ako ng dagat para lumublob. Pero hindi maaari masama daw yun ayon sa pamahiin.
*2May nightmare akong gusto nang sakupin ng South Korea ang Pinas. Ayon sa isang slightly reliable source, ang eksena daw sa Korea eh covered ang beach ng mga tolda at bubong. Oh dabah sand and water lang talaga. Sana nag-indoor pool na lang sila. Kaya eto sa Pinas sila bumabawi ng recommended source ng vitamin D at ultraviolet rays.

Martes, Abril 13, 2010

Rapture?!

Walang komento:

Photo by cortto at Flickr.


Ray of Light

04.2010


Minsan makulimlim ang langit, madilim, malamig, mahangin or all of the above. Minsan nakakahawa ang emote ng kalangitan at maya maya pa iiyak din yan nang tuluyan. Pero minsan nabubutas ang dilim ng mga haligi ng liwanag. *nosebleed* Ang lalim! Yah know yung mga rays of light?! Then enter stage na si eternal sunshine.

Naniniwala ako nung bata pa ako na kapag may ganyang special effect sa langit eh merong mga nateging gumogora na sa langit. Ayun go, grow and glow talaga! Epekto malamang ng overexposure sa panonood ng Ghost Busters cartoons. Parang handa na sila umenter sa langit yung mga souls para magparegister sa Facebook fanpage ni San Pedro.

May nagsabi sa akin before about this guy who knows this guy who knows this guy who said malapit na daw ang End of the World, sa year 2000 daw. At magkakaron daw ng rapture: as in kukunin sa heaven lahat ng virtuous. Iniimagine ko pa nga na makulimlim ang langit, tapos maraming beams of light at parang minamagnet lang papuntang liwanag sila. Imagine alien abduction pero instead of UFOs eh holy ang setting at meron ding mga angels playing harps for background music. Tapos maya maya seven trumpets naman parang orcherstra lang.

Josko 10 years na ang nakakalipas wala pa rin yang end of the world. Two years from now, meron na namang end of the world daw. Eh ilan pa bang end of the world ang hihintaying kong dumaan para makita yang rapture na yan?! I'm excited na mag-ascension eh. Choz!



~0~



Remakes?!
04.10 05:00



More than two months na walang communication sa amin ni Warren. Last na kitakitz namin eh nung gumora pa kami sa Greenhills featuring Theo para magshopeng shopeng. Busy sya sa work, ako naman busy tumambay. Di man lang kami nagkakatext, kasi di naman kami ma-text na tao. Maituturing na communication pa ba ang comments via FB posts?

Heniweys, nag-abot kami one time sa FB chat. Patulog na ako that time. Wala palang pasok ang Warren that Saturday night dahil holiday daw, nagse-celebrate din ba ng Araw ng Kagitingan sa US? Biglang nagyaya ang Warren na manood kami ng sine. Di naman ako makajoin after ekpleyning na my means does not permit me to do so (which is legal parlance for Poorita Kalaw Katigbak, incidentally namesake din ni Elvin) kaya napilitan syang i-treat ako. Ako na ang pinapili nya ng sked sa Trinoma. Suggestment ko ang 5:40 screening para kung sakaling may ma-late ang next screening eh around 6:35. Mahaba na siguro ang 55 minutes allowance di ba?

Kinahapunan, di kaagad ako nakalarga kasi naman magrereformat ng PC ang kapatid ko kaya todo backup ng files ako, I'm sorry my pornies I couldn't save you. Bumiyahe ako 5pm na. Based on experience, ang northbound train around rush hour especially during weekends ay napupuno sa may Magallanes Stn pa lang, at nangangailangang maghintay ka ng 4 or more trains at ng matinding siksikan powers (don't forget to use deodorants).
Nakakapagtaka lang eh di ganun kapuno ang MRT, masikip pa rin pero hindi sardinas.

Pagdating ng Trinoma ko pa lang tinext ang Warren: San ka na teh? Hindi nagrereply. Nagcheck muna ako ng schedules sa cinema. Maluwang pa ang lahat ng cinemas. Late na ako ng 10 minutes kaya 6:35 na next screening ang target namin. Tinext ko uli ang Warren: Sana nagrereply di ba?! Nanood ka na ba... on your own... pretending he's beside you? All alone, you walk with him 'til morning? After 5 or so minutes biglang tumawag, kakagising lang. Mabuti na lang talaga at malapit lang sya nakatira.

Nag-ikot muna ako habang nag-aabang sa Warren. Merong mini-gallery sa floor ng mga artwork presumably ng mga kiddielets. Karamihan gawa on paper, yung iba sa styro; merong watercolor, at meron ding pastel; merong portraits, merong still life at meron ding landscape. Meron ding parehas ang ipininta, di ko lang madistinguish sino ang orig at sino ang xerox. Nagtext ang Warren kung nasan na ako, ang reply ko: Nandito ako sa Taal Pastel on Paper. Naligaw pala kakahanap ang Warren, akala nya kainan yung tinext ko.

Nakabili kami ng ticket for Clash of the Titans at 7:20 screening. At ang luwang talaga ng cinema.
Kahit yung movie ng Star Cinema parang di rin pumatok sa takilya. Skeri lang, Saturday night, nasan ang mga tao? Parang mas maraming pang tao sa mga malls last week nung Sabado Gloria. Di kaya nagrapture na at kami lang ang di nakareceive ng memo?! Heniweys much better siguro yun at mejo nabawasan ang populasyon. Natapos yung movie after two hours.

Yung movie eh remake nung 1981 classic, na ayon sa sources ko eh mas faithful daw sa Greek Mythology yung original. 2010 daw ang year of the remakes: Nightmare on Elm Street, The Thing, Hellraiser, Friday the 13th, at Working Girls. Oh dabah karamihan ng horror movie franchise eh gustong magtry again ng formula. Pero etong Clash of the Titans talaga, although di ko napanood yung original, eh somewhat disappointing talaga. Maganda yung graphics and all pero it's not all about eye candy, kelangan may story rin na makakapukaw ng damdamin, at hindi hinugot lang kung saan. Akala ko nga ang plot twist eh kakambal ni Perseus si Marimar, imagine?! Kung graphics lang ang pagbabasihan nila eh di sana gumawa na lang sila ng isang engrandeng photo slide. More commentaries sa aking upcoming review ng Clash of the Titans.



Rhapsody?!
04.10 21:00~

Biglang sabay na ginugutom ang na-eerna si Warren kaya napilitan syang dalhin muna ako sa house niya. Pinatry nya sakin yung Final Fantasy XIII nya sa PS3 habang jumejebs pansamantala. Pagkatapos noon eh nakikain na ako sa kanila ng food, nilagang baka kaso walang patatas (choosy pa) habang nanonood ng Twilight. Muntik na akong mawalan ng ganang kumain habang nanonood nitong bad movie, buti na lang may patis. Mabuti na rin at inilipat na sa The Simpsons yung channel kaya umaariba na naman sa rice ako.

Sa end credits ng Simpson, nagperform ng A capella yung Canvas kaya nainspire ako sumongnumber din. Pumayag akong magbijowke sa Cubao. Under consideration kung sa P2 na lang kami pupunta pero naturn off si Warren nung niremind ko sa kanya ang status ng P2: siksikan ng mga beki, tumataas na entrance fee na akala mo based sa oil price, unsanitary CR na open for rape anytime, at mala-construction site na interior design. Go na kami sa Starion, yung videoke bar sa likod ng Starlites. Nagwithdraw muna si Warren sa ATM. Sa likod namin may nakatambay na mga prosti. Ganun na sila kadesperado, kahit sa beki inoofferan ng serbisyo. Kahit sa Cubao on a Saturday night eh konti rin ang population.

Sa Starion naman tatlo o apat na table lang ang occupied sa open mic area. As usual VIP room kami. Umorder ng one bucket ng Red Horse at isang platter ng chicharong bulaklak. May complimentary platito ng roasted roastedan highland legumes and cornick (akswali nadiscover kong nagchacharge sila ng 15 para dito).

Sinimulan ni Warren ng emote songs. Maya maya nagsalang na ng Lost in your Eyes at No More Rhyme ni ateng Debbie Gibson on the red corner. At hinamon ko naman sya on the blue corner ng All This Time ni Tiffany, retro to 80s kung retro. Tuloy ang bakbakan ng senti songs ni Warren, habang ako eh tumitira ng pinoy rock at OPM tulad ng Miss na Miss Kita, Himala ng Rivermaya, at Your Love by Alamid.

Ang ending tumitipsy na naman ako after two hours. Nagyaya pa si Warren na mag-Wensha after. Tambay muna sa KFC pampababa ng amats. Deja vu? Nagpabili ng drinks si Warren. Omg, this is the part na matatapon ko sa sahig yung drink, thankfully hindi nangyari.


Rub-a-dub-dub?!
04.11 03:00~07:00


The usual full body massage ang pinili namin. Hubad kaagad at go na sa wet area para magshower. May pinapalabas na Stallone movie sa HBO pero dedma lang. Nakalublob na si Warren sa hot jacuzzi. Infernezz di sya scorching hot ngayon, just right lang. Stay kami doon ng approximately 10 minutes bago lumipat sa steam room. Sa loob ng steam room pala tumatambay ang mga tao. Nagstay kami doon ng 5 or so minutes. Ako ang last man standing, or so I thought (baka allergic lang yung mga tao sa amin kaya nag-aalisan). Biglang lipat naman sa sauna after a while. Di barbecue level yung sauna. Nag-aalisan pa rin yung mga tao pag kami na ang pumapasok sa room. Gusto ko sana magsalita ng, "Paunawa po, hindi po airborne ang kabekihan. (Tsura nyo lang teh. If I know mas malansa ka! Alam mo yan!)" May isang labas masok sa sauna para lang basain yung coal ng water galing sa waterjug. El niño pa naman ngayon, sana nagtitipid sya di ba? Sana sumalok na lang sya sa jacuzzi, although ang jologs non.

Nabore ang Warren dahil sa low heat (temperature-wise at maskel-wise). Gora kagad kami sa massage area. Syempre male na naman ang piniling masseur ni Warren. Di ba redundant yung male masseur? Habang naghihintay eh nagkekwentuhan pa kami about Villar, Gibo at Noynoy, eh di naman pala registered ang Warren cheh! Nang dumating na ang mga masahista go na kagad sa yah know... sex. Choz! Nilagay ko lang yan para lumabas sa mga google searches tong blog ko. Anyways, the usual mineral oil at moderate massage lang, from back to front, bottom to top. Google search check! Bago matapos tinanong pa ako kung may stretching, eh di ako sure sa response kaya sabi ko oo. Shett binali bali lang ang katawan ko. Tapos phone in question uli si kuya kung may buhat pa daw, again di ako sure kaya oo again. Ayun pinaghahagis ako sa ere, feeling ko nasa possessed evil mattress na may-I-float in midair. Para din syang production number ng mga cheerleaders courtesy of Walang Tulugan with the Master Showman, basta yung ganung tapon tapon ang feeling. Basta pag di sure, just say no na lang next time.

Natulog pa ako after ng massage, habang si Warren eh nagpa-do yah know. Do ng nails, maarte kasi sya eh. Pagbalik nya shining shimmering na ang kanyang pinkish nails, except dun sa isang bloody red kasi pinadugo ng manikurista. Nagpupungas pungas pa akong tumungo sa dining area. Isang table lang ang occupied ng dalawang beki. Not much of a buffet kasi dalawa lang ang food na nakalabas: fried rice at mechado or caldereta ata. Sa tabi ng stairs kami pumwesto. Merong nakadisplay na malaking painting ng pool area na puno ng nude women, at nakapusod lahat ng hair nila ha. Parang cloned silang lahat skeri. Naalala ko tuloy yung vid ni George Michael at Mary J. Blige ng As. Wala lang, naalala ko lang basta. Napahanap tuloy ako ng female wet area sa Wensha Timog. Parang never ko pa naencounter kung san sila nagbababad. Malamang hindi ako papasukin don at malamang hindi rin ako papasok don. Sa Wensha Pasay kasi nasisilip ko yung wet area nila from the common area.

Wi-wiwi pa sana si Warren sa may wet area. Eh occupied pa yung toilet. Biglang sumilip yung tao sa toilet ang nagsusumigaw ng, "Walang tubig! Di ko tuloy maflush!" Kaloka, hinold in na lang ni Warren yung ihi kesa naman makipagsapalaran sa yellow submarines. Maya maya may isa pang irate customer, wala daw tubig sa showers. Josko pwede naman dumiretso sa pool or gamiting pangwisik yung nasa water jug, that is kung jologs ka. Pero refined si teh, gusto nya warm water to lather the skin daw. Ayun umalis na lang sya. Mabuti na lang at di nag-Earth Hour baka biglang maglitanya sya ng, "Walang tubig, walang kuryente... eh di magsayaw na lang tayo." Maloloka talaga ako pag ganon.


Umuwi na rin kami around 7 am. Akswali mejo alam ko na pano magcommute to and fro sa Timog, pero nagcab si Warren kaya sino pa ako para tumangging maki-hitch. NagMRT na lang ako pauwi at maluwang pa rin ito, well Linggo naman kaya siguro ganon. Sa hintayan ng jeep sa Boni eh matagal pa bago nagpuno ito because of the same reason. Lumalaki ang concern ko na nauubos ang populasyon sa Pilipinas. Mabuti na lang at may mga cute na pasahero akong nakasakay na parang sinasabi nilang, "it's gonna be ok di pa tayo extinct." Choz.


Moral of the Story: Huli man daw at magaling, nagdadahilan pa rin. Magbagong buhay na baka masave ka pa. At dahil jan may nagtext, si Zeus: "Release the Kraken!"

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips