Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Comment. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Comment. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Nobyembre 15, 2015

Blogsilog

Walang komento:

Five blogs for 2015?! Partida hanggang November pa yan ha. Parang super tamad mode lang talaga ako this year. Anyare? Walang gana. Wala kasing nagmamahal sa akin choz. Wala naman talaga ever since bakit ngayon lang nawala sa eksena?!

Parang di na ako relevant sa mainstream. Or rather di na relevant sa akin ang mainstream? O wala lang masabi. Dahil kung may sasabihin man ako, malamang nasabi na yun ng milyun milyong netizens, also known as Aldub warriors choz. Malamang may nakapagpahayag na rin ng sarili nilang pananaw na mejo similar sa naiisip ko. So why make sulat pa ulit that. Para lang akong parrot nun.

Ayoko namang balikan ang taong nagdaan para lang mag top ten trending  topics para lang excuse ko sa long overdue social commentary. Kaya na ni SpotPH yan. Ayoko na makisawsaw sa showbiz dahil I'm sure inispluk na yan lahat ng PEP o ng tsismosa mong tita na manikurista ng buong barangay. Ayoko na magsalita pa tungkol sa eksenang political sa bansa. Anjan naman ang Rappler at si Professional Heckler at yung manong taxi driver na may kuda sa lahat lahat na lang.

Nakakapanghinayang lang na baka sana ngayon sa alternate universe eh may volume 2 na yung libro ko. Or may nagsampa na ng kaso sa akin dahil sa freedom of speech, also known as right to cyberbullying. Orkot lang. Hayaan na lang natin yan sa alternate universe.

Ang mahalaga ay ngayon. Dito. Gusto ko pa rin naman mag express. Kung paano ko pa mailalabas ang mga saloobin ko. Pwede naman ako magtweet. Kaso parang ako at tatlo pang iba lang ang nagbabasa ng tweets ko. At very challenging ang 140 characters ha. (Buti nga wala si George Martin sa Twitter baka mabawasan pa ng characters). Kailangan ko lang ilabas na to. Puputok na eh. Ang sakit sakit na. Urteh.

Parang nainspire ako sa paandar ni Jade. 30-day writing challenge. Parang yung 365 days of happiness ko dati sa Tumblr pero ngayon eh anything under the sun na. So more emote na to, wala nang happiness eh. 

Matry nga at least one blog sa isang araw. Parang breakfast lang. Dahil mahalaga ang almusal sa tao. Dun ko ipepeg ang importance ng adhikaing ito. One blog plus sinangag at itlog. One blog to rule them all choz.

Pero paano pag wala maisulat. Ok lang. Minsan naman nagskip ako ng breakfast eh. Magkape na lang. Para magising sa katotohanan.


____________________
Photo by don via Flickr.

Lunes, Abril 7, 2014

Wattdpak?

Walang komento:

So, kahit sino ngayon pwede na maging writer?

Naglipana kasi ang mga Pinoy writers lately. Mga galing Wattpad na napadpad sa publications ang mga akda. Maganda sana kasi may pool tayo ng talents. Pero pag nakikita ko ang tumpok ng mga libro nila kapag napapadaan ako sa NBS, napapailing talaga ako.

So, kahit sino ngayon pwede na maging writer? Seryaslee?! Paki-ekpleyn!

Parang tumaas ang energy ng kajologan lately. I mean look at the books. Mga young adults ang target audience nila. Sa abroad nga sangkatutak na ang young adult novels. May mga teenage drama queens, romantic novels, sword and sorcery, detective stories, dystopian novels. Lahat na talaga ng kategorya sinakop na nila. Eh parang pare parehas naman ng kwento. Konting konti na lang mahihirapan ka na idistinguish si Katniss kay Tris, parang Gandalf x Dumbledore lang pero girl power ang peg.

At ayun nga walang pinagkaiba sa local market. Puro mga teenage drama na may halong gangster at kapangitan diaries at kung ano pang kaekekan. Ok, fine. Di ko pa nabasa nagrereklamo na ako. Di ko naman siguro kelangan basahin lahat ng Precious Romance para maappreciate ang love story. I'm sure nareplicate idea na yan. Napapalitan lang ng leads, I'm sure sa dulo ng kwento may kasalan din sa beach man o simbahan o garden. May mamamatay na kontrabida na mahuhulog sa helicopter o sa 17th floor at lalapain ng mga alligators ang katawan nya sa sapa pagkahulog nito.

Di ko naman masisisi ang Wattpad sa pagkunsinti sa ganitong kajologan. At least di mga jejemons ang writers natin ngayon. Baka lumagpas sa -40 ang literacy rate natin. It's all good. Dahil may karapatan tayong makapagpahayag ng sariling pananaw. Magsulat ka hanggang gusto mo. May magtyatyaga naman magbasa nyan.

Gusto ko lang naman eh makabasa ulit ng something original. Kahit hindi out of this world experience. Yung iba naman ang point of view. Hindi yung ang dilemma ni ateng eh kung mas type nya yung zombie o yung leprechaun. Make me believe in magic. Make me fly. Make me fall in love again.

So, kahit sino ngayon pwede na maging reviewer? Sorry naman.

____________________
Photo by Vitto Christaldi via Flickr.

Lunes, Enero 27, 2014

Dumedexter Doria

Walang komento:

Kung may Celia Rodriguez tayo na pang-altasociedad lang ang peg, bihisan mo man ng basahan ay angat pa rin ang kasushalan; at may Lilia Cuntapay tayo na pangmahirap lang ang peg, damitan mo man ng ginto eh litaw pa rin ang kahirapan; syempre papayag ba tayong mga middle class na walang kakatawan sa atin? Not to diss madam Celia and madam Lilia, love ko sila pareho pero di sila ang kampyon naming pang average at 'pwede na' na mga mamamayan. Nanjan naman si Dexter Doria.

Ayon kay ateng Wanda, laging middle class ang role ni Dexter Doria. Teka sino nga ba si Dexter? Nakakalito ang pangalan nya kasi panglalaki pero babae. Anyway, sya nga daw yung laging middle class ang role. Kasi pag yumaman syas duda ka na yumaman siya dahil sa jueteng, sakla o pagbebenta ng mga pekeng ginto at kung anek-anek na klaseng estafa. Kapag naging mahirap naman eh ganon din. Kaya middle class na lang. Madalas sya yung mamasang sa mga chipanggang beerhouse o massage spa na may extra service. Lead majongera o nagpapatakbo ng illegal gambling. Pyramiding queen o di kaya asawa ng goon na smuggler ng fake iPhones. Pwede rin syang malupit na tiyahin. Kung mabait naman ang role nya eh pwede syang kapitan ng baranggay o kaya kumadrona o chismosang guidance counselor. Sa totoo lang, malaki ang playing field nya kung sa dami ng possible roles lang naman ang pag-uusapan. Dahil napakalaki ng middle class.

Noong taong 2012, naitala ng SWS na nasa 69% ng combined number ng families sa Pilipinas ang Class C at Class D. Masasabing masa ang middle class. Ngunit bakit ang 1% lang na altasociedad ang nagpapatakbo sa bansa natin? Powerless ka kung di ka Ayala, Lopez, Aquino o Romualdez. Asan ang demokrasya jan? Asan ang boses ng masa? Napupunta lang sa mga bobong mambabatas at mapagsamantalang administrasyon. Dahil mas bobo ang masa sa pagluklok nyan sa pwesto nila. Wala ka na magagawa. Ginusto natin yan eh.

Nung pumutok ang Napoles pork barrel scam, halos lahat ng tao may sari sariling konsepto. Lahat may masasabi at gustong sabihin. Pero lahat ba may sense? Natatawa ako dun sa mga nainterview na mga squatter. Galit na galit sila kay Napoles dahil ninanakaw daw ni Napoles ang pera nila. Preno muna. Ang pork barrel na pinag-uusapan eh yung allocation ng mga nakolektang buwis. Di ko naman minamata na lahat ng squatter ay di nagbabayad ng buwis. Marami pa rin, indirectly siguro mula sa mga pinapataw na taxes sa bilihin. O di kaya gaya din ng karamihan sa ating middle class na binabawasan buwan-buwan, taun-taon mula sa compensation natin. Napakasakit kaya na nasa 20-32% ng kinikita mo ay inaawas tapos malalaman mo ginagamit lang ng mga senador para sa pansarili nilang gastos gaya ng pagsali ng isang special effects movie sa MMFF. Tapos ang lakas pa ng loob magdrama sa kamara. Ang mga mayayaman lang ang yumayaman sa Pilipinas. Yung bilyun bilyon nga ang kinikita sa sports eh ieexempt pa sa tax. Tapos yung sumali sa singing contest sa ibang bansa eh itatax nila. Double standard. 

Going back sa mga squatter na nagrereklamo. Mabuti pa nga sila nabibigyan sila ng mga housing kahit pa sa labas ng Maynila. At least may sarili silang bahay. Ang altasociedad naglalakihan ang mga mansyon sa kani kanilang mga hacienda. Pero tayong mga middle class eh karamihan nangungupahan sa mga apartment. Walang pambili ng sarili nilang bahay. Ok lang naman kahit sa barung barong ka lang nakatira basta't kasama mo ang pamilya mo. Pero kung susuportahan sana ng gobyerno na makapagpatayo ng bahay ang malaking bulto ng source ng income nila. Parang give back lang ganyan.

Kung di mo naman ikakayaman ang problema, pagtawanan mo na lang. Sabi nga ni Senyora Santibanez, madami na ang mga hampaslupa sa bansa natin. Paboritong show: Be Careful with my Heart. Paboritong perfume: Aficionado. Paboritong fastfood: KFC at Mang Inasal, for the extra rice and gravehhh! National Anthem: Pusong Bato. Hobby: shopping sa 3-day sale, ukays at CD-R King. Paboritong ulam ng hampaslupa: corned beef with patatas daw. Siguro true yung karamihan jan. Dahil isa lang ang totoo, wais tayong mga middle class. Walang masama sa pagiging praktikal. Viva Lumen! Saka masarap kaya ang corned beef na maraming patatas at sibuyas. Lalo na yung Purefoods. Mejo umay na ang Argentina na di ko na mawari kung karne pa talaga. Gutom na ako.

Kaya rin siguro marami ang nagpapakasocial climber na lang. Para makaangat lang sa kinasadlakang lusak hahah. Sila yung umaastang social. Pero bihisan mo man ng ginto ang isang Lilia Cuntapay mangangamoy pa rin ang baho nya. Hoy hindi social climber si lola Lilia ha. Exagg ko lang. Yung mga tipong pag sweldo makatambay sa Starbucks wagas pero pag pecha de peligro half rice at free soup lang ang tinitira. Wag ganon ha. Wag masyadong tatanga tanga sa paggastos. Wala ka mapapatunayan sa Caramel Macchiato mo hija.

Sa hinaba haba ng rant, eh sa hustisya din ang tuloy. Sigaw ng masa, hustisya para sa middle class. Katarungan para kay Dexter Doria! Say no Pusong Bato! Penge ng corned beef! Katarungan kay Dexter Doria! Katarungan!


____________________
Photo by Busog! Sarap!

Lunes, Disyembre 30, 2013

Level Up

Walang komento:

Rizal Day ngayon. Wala naman bumabati ng Happy Rizal Day, kasi hindi naman talaga happy ang occasion. We honor the death of our hero. Happy ba ang death? Anyway, bakit ba sa Pilipinas puro na lang nategi ang mga hero national heroes natin. Puro posthumous titles. Puro sila martir. Pati mga santo natin martir. Pati pambansang videoke song ni Roselle Nava with her carrier single na Bakit Nga Ba Mahal Kita, pangmartir din? Di ba tayo pwede magkaron ng hero na nagtaguyod muna ng isang reporma at nakapagpausad ng pag-unlad bago sya mategi?

2013 has been a bumpy year. Maraming dapa at tapilok na naganap. Sad pero nangyayari talaga. Tatanggapin mo na lang ba? Hindi porke't natumba ka eh maglulupasay ka na lang. Tatayo ka rin eventually. Walang nagtagumpay nang walang natututunan sa mga pagkakamali. To err is human, sabi nga. Mas malaking tanga ka kung mananatili ka lang sa lusak na kinasasadlakan mo. Ang mundo ay isang malaking Battle Arena, lumaban ka! Madedebuff ka!

At dahil close na naman ang new year kelangan nating pulutin ang ating sarili sa lusak at iangat. Ayoko na gumawa ng new year resolution, di ko naman mapapangatawanan yon. Masyado na maraming losses this year, ngunit masaya naman ako dahil marami akong learnings. Natututunan ko na maging patient. Natutunan ko na wag masyadong reactive sa mga issues na tipong one tweet pero topic. Pwede ko naman isummarize sa isang blogpost di ba hahah. Natutunan ko nang magbawas ng selfie dahil di naman ito nakakatulong sa lipunan.

Maliban pa sa mga semiuseful na mga learnings eh marami pa ako gusto matutunan:


  • Magluto. Sinigang, chopsuey, adobo, pasta, at foie gras, to name a few. Ano lang ba natutunan ko sa kusina, pagsasaing. Inferness naman using ng traditional kaldero ang pangsaing ko. Maliban jan, natry ko na rin gumawa ng pasta pero nasa 70% pa lang siguro ang success rate ko. Nagtry ako magluto dati ng giniling pero parang nahilaw sya kaya mejo traumatized ako sa pagluluto ng karne hahah.
  • Foreign Language. Spanish, Nihongo, French, Bisaya, at Ilocano. No hablo espanol. Donde esta Santa Claus? Nihongo ga sukoshi wakarimasu. Saigo no iiwake  Vous parlez anglais? Voulez vous coucher avec moi ce soir? Ambot sa imo! Ngarud. Wala naman ako balak maging interpreter. Maganda lang may alam ka other than English at Tagalog. Baka kasi magbakasyon ka somewhere tapos maibenta ka na dahil lost in translation ka na.
  • Magdrawing. Di ko sineryoso ang drafting dati during college. Ang tanging training ko lang eh magdrawing ng mga Dragon Ball characters. Gusto ko matuto magdrawing ng simple objects muna, like tables at chairs. Sa susunod isang room, isang bahay, isang building. Feeling ko something architectural ang peg ganyan. Parang Basha lang. Baka dumating na si Popoy from Qatar. Hintay hintay lang pag may time choz. Or malay mo maging graphic designer ako choz. Basta matutunan ko pa ang wastong paggamit ng Photoshop.
Yan lang siguro muna. Di ko ineendeavor na matapos lahat yan within the coming year. Unti unti lang, step by step. Because a journey of a thousand mile begins with a newbie step.

#notanewyearsresolutionpost


____________________
Photo by The Purple Crow via Flickr.

PS. Which is which: new year resolution, new years resolution, o new year's resolution?

Huwebes, Disyembre 26, 2013

Simbang Gabi

Walang komento:


Belated Merry Christmas! Actually, dapat walang belated Christmas greeting dahil araw araw naman ay pasko...in our hearts, but not in our wallets choz.


Natapos mo ba ang 9 mornings? Kung isa ka sa milyun milyong umaasang matutupad ang wish mo pag nabuo mo yan ay congratz teh sa effort. Hindi biro kaya ang gumising nang maaga para lang makasugod sa pinakamalapit na simbahan para lang makakinig sa misa. Kahit walang ligo, wisik wisik lang. Kahit walang tutbras, mumog lang. Make sure na sa palad ka kukuha ng hostia lang. Nakakahiya naman kay father kung nganga ka sa kanya habang sinusubuan ng banal na pagpapala tapos may naninigas pang laway sa lips mo. Mahiya ka naman ng konti. 

Pero not everyone eh simba lang talaga ang ipinupunta don. Alam mo na.

Mga Uri ng Tao Tuwing Simbang Gabi

1. Deboto - Sila yung namanata na every year eh bubuo ng simbang gabi, maaaring di lang para sa pansariling intensyon pero para din sa kapakanan ng iba. Parang Wish Ko Lang, or Kapwa ko Mahal ko ang peg. Ikaw na teh ang wagas. Ipanalangin mo kami.

2. Trending Topic - Nakita lang sa Twitter na nagsimba na ang mga tweeps nya eh gora din agad. Di naman taus sa puso ang paggora, pwedeng nahaltak lang or akala nya papunta sila sa JCo ng madaling araw ganyan. Selfie selfie din habang nagsesermon si father. Tapos check-in at Church sa Foursquare. Magtatry lang ng mga once or twice tapus tutulugan na yung ilang madaling araw.

3. Simbang Ligaw - Kasama dito yung mga nagliligawan sa simbang gabi. Yung mga tipong sobra makaPDA habang taimtim na nagdarasal ang karamihan. Makapag-akbayan wagas. Giniginaw ka ba teh? Balutan mo kaya ng wrap around shawl yang pekpek shorts mo. Makapagholding hands akala mo on continuous play ang Ama Namin.

4. Looking for Love - Kasama dito yung mga naghahanap pa lang ng mapopormahan. Takot ba maging malamig ang Pasko? Teh nagGrindr ka talaga sa simbahan? Kaloka. May hinahabol na quota?

5. Jejemons - Mga swaggers, grupo ng mga kabataan na feeling gangster at feeling cool. Ikulong ko kaya kayo sa freezer para mafeel nyo ang kagaguhan na ginagawa nyo. Madalas isang pulutong sumugod sa simbahan. Wala naman talagang balak makinig sa misa. Masabi lang na umattend sila. Maiingay at masasaway kahit pa tunawin nyo ng optic blasts. Ingat lang baka magangbang ka nila.

6. Eat and Run - Umaattend lang ng simbang gabi di para sa misa pero para sa food. Makikita nakabantay sa mga bibingkahan at putu bumbong imbes na hostia ang pinipilahan. Would you like to add agua bendita to that ser?

I'm sure marami pang ibang uri ng sumisimbang gabi.

Di sa nagmamalinis ako, pero yeah sa mga pagkakataon na nagsisimbang gabi ako eh winiwish ko talaga magkajowa sa Pasko. Desperado lang. Minsan winiwish ko na sana magsimbang gabi din si crushie dun sa parokya na pinupuntahan ko. Pero never nangyari naman yon hahah. Inborn na talaga ang membership ko sa malalamig ang Pasko. Pero di ko na napapansin yon. Baka manhid na ako sa lamig. Malamig ang Pasko is just a state of mind.

Twice ko pa lang nabubuo ang simbang gabi. At syempre total boycott ko ang simbang gabi this year. Di dahil wala na akong gana. Wala lang time. Dati kasi I still know the meaning of work-life balance hahah. Well, anyway kung gugustuhin ko talaga kahit zombie gogora ako sa simbang gabi. Pag gusto may paraan.

Kaya congratulations sa mga nakabuo ulit ng simbang gabi this year. Naway matupad ang wish nyo. At sana winish nyo rin ang World Peace. At harsher punishment for parol violators. #mema. Belated Merry Christmas!


____________________

Photo by soul4dgame via Flickr.

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Laglag Brief

Walang komento:

Boxer o brief?

Bilang confused ako, alam nyo ba'ng sa bahay ang ginagamit ko pangtulog ay boxer AT brief. Yes, redundant at overprotected lang. You can never can tell baka magkaron ng intrusion while sleeping choz.

I don't buy my own undies. Pramis! Sa tanda kong to eh di pa ako nakakabili ng sarili kong brip. Natatanggap ko lang to na regalo ng mama ko every two Christmases, or kung mawasak na ng washing machine, whichever comes first.

So mauunawaan nyo naman siguro kung nagbebacon na ang garter ko. Sa mga di nakakaalam, ito yung quality ng garter na nagiging kulubot at slightly brittle na halos di na kayang kumapit sa pagkakapitan. Kinakaya na lang. Its aryt naman kung nasa bahay ka lang using your 2-year-old brip. Walang kaso don. Pero what if may importanteng event sa buhay mo.

Para sa kapakanan ng taong involved, di natin sya papangalanan. Ate Charo, itago na lang natin sya sa pangalang Cameron. Etong si Cameron ay nagkaron ng isang corporate event sa kanyang company. Party party ganyan. Mejo may budjey kaya umEdsa Shangri-la ang event, with matching outfit pa. Strictly formal. You aint in if you aint glam. Shining, shimmering, splendid is the new black. In the most hampaslupa comparison, parang JSProm lang ang peg.

Anyway, kinuhang photog itong si Cameron sa event. At although tinatamad sya gumora, pumunta pa rin sya kahit late. Nakapagsimula na ang event nung makarating sya. Hinaltak agad ng mga tao upang magpapiksur. 

Pose! Hold it! Click! Flash! Perfect!

Naalala nya bigla, umattend kaya si crushie?! Ikot ikot lang hanggang maispottan ang target. Parang ibong mandaragit lang. There, table 18! Para di naman obvious nagpiksur piksur on muna si Cameron sa other tables; papalapit nang papalapit sa table ni crushie!

Can I take a photo? Hold it! Perfect! Thanks! Isa pa. That was so nice. Thank you!

That very instance naramdaman nya may bumagsak. Ang brip nya. Partly dahil sa pagbebacon. Mabuti na lang may pundilyo na sumalo ng brip nya kung hindi mamumulot sya sa dance floor ng nagkalat na undie. I know gross. Pero sure na sure sya iyon ay dahil sa kilig. PBB Teens?

Bakit ba naimbento ang katagang laglag panty/brip? Dahil yan sa asawa ni Marie, one-two-three, araw-gabi walang panty. Natural! Unless that's my tomboy ang asawa ni Marie, malamang walang panty yon.

Pero seryaslee, bakit nga ba? Ayon kay Dra. Margarita Holmes, dahil daw sa heightened emotions, tumataas ang production ng dopamine which makes our bodies tense sometimes causing uncontrollable fits. Choz lang. Di ko nga alam ano yang dopamine, at kung sino si Dra. Margarita Holmes choz. Di naman talaga nalalaglag ang brip o panty kapag may kinikilig. Nalalaglag ito kapag may landi factor. Para go kaagad, sexy time na.

Isipin mo mejo nakakatakot pala kung maging modus ito. Laglag brip o laglag panty gang. Parang laglag barya gang, pag pinulot mo ang barya madudukutan ka agad. Kapag laglag undie gang, pag pinulot mo reyp kaagad. Or gangbang. Skeyri I know.

Pero I'm pretty much sure di naman masyadong magkiclick dahil sa ilang mga rason:
1. Sino sa matinong pag-iisip ang mamumulot ng underwear sa gitna ng daan?
2. That is just eeewww. IKR!
3. Mamumulot ka lang ng something sa daan kung ito ay something na may value, like baryables, or Nokia celphone, or approval rating ni PNOY, or isang sako ng NFA rice, or panyo ng crush mo.
4.  Posible na may sakit ang nakahulog ng undie. Pag sakit HIV kaagad? Di ba pwedeng ketong, bulutong tubig, eczema, or diarrhea muna?
5. Uso ang rayuma dito kaya kebs sa mga tao ang mga ganyang bagay sa daan.
6. Kaderder ito.

Oh did I forgot, kasulasulasok mamulot ng brip o panty sa daan. Unless nga manyak ka, at kahit used panty eh pagpaparausan mo na. Celibacy din pag may time. So sa next time na may nakita kang nalaglag na panty sa daan, smile. Isipin mo na lang, di akin yan. At di ko pupulutin yan ulol ka. Isipin mo na lang, may kinilig ng sobra today, be happy na lang sa trip ng iba. Walang basagan.

Title ng episode: Bacon garter


____________________
Photo by Darius Goins via Flickr

Sabado, Disyembre 7, 2013

Sbux Makati Mug

Walang komento:

Photo from starbuckscitymugscollectors via Blogger.

I saw this at Standard Chartered branch and after a few days it's all sold out. A few days more, they restocked their shelves. The following day half of it were sold again. I have been to other branches from Makati but they don't have it yet, or it's already sold out. I dunno.

Anyway, it's cute, I think. It has the Makati skyline on one side, and the Ayala Museum on the other side. I just don't like the orange theme. I don't find Makati an orange. Maybe a red or a purple, but an orange never. Naga is also orange, although a darker shade of orange, so why pick the same color?

I don't collect their mugs really, but tumblers yes. I'm just wondering if they'll have a tumbler version. And if they can change the color, that would be perfect hahah.

Huwebes, Oktubre 10, 2013

Bahay ni Tih

Walang komento:


"Lumayas ka sa pamamahay ko! You are a disgrace to this family! I don't need a parasite!"

Minsan feel ko lang maglitanya ng ganyan. Para kontrabida lang ang effect. Pang Angelica Santibanez school of acting lang naman. Di ko naman magagawa tlga yan in real life. Dahil wala akong sariling pamamahay. Choz! Pero really, di ko pa naisip gawin yan. Naimagine ko lang tlga.

Nahawaan kasi ako. Meron kasi akong friend na muntik na sa layasan blues ang drama. At dahil ako eh nakikisawsaw sa poot at feelings ng iba eh gusto ko rin magwala, mambugbog, at mag-eskandalo, masabi lang na I feel for you. Mema lang.

Itago na lang natin sya sa pangalang Tih. Si Tih ay isang bex, trending kasi yan. Kahousemate nya ang mga friends from college pa. Heto na enter ang isang hampaslupang Bexfriend nya. Walang trabaho. Walang bahay. Walang pera. Wala. Pero may jowa. At dahil mabuti ang kalooban ni Tih, hinayaan nilang patirahin sa kanilang pamamahay si Bexfriend. Fine. So ngayon mga ang dating kanilang bedroom ay tumi-3-in-1+1 na. But there's more. Si Bexfriend dinadala din ang jowa sa house nila para patulugin. Pumaplus one ang plus one. Taraaaayyy!

After a few months, nagkatrabaho na rin sa wakas si Bexfriend. Nakakahiya naman sa kanya kung tambay lang syang palamunin di ba? Bakla ka na nga, mahirap ka pa? Di yan pwede dahil palaban ang lahi ni Bekimon. Same pa rin ang setup, nakikitira pa rin si Bexfriend pero ngayon naggigibsung na sya ng monet kay Tih. At dinadala pa rin nya ang jowa sa bahay ni Tih.

One night, pumapartey si Tih and other legitimate housemates sa sala nila. Eh puyat ata si Bexfriend, naghahanap ng tulog. Bulabog sa kanya ang party partyhan. May nagstatus post.

"I wanna sleep. <sad face>"

Kebs na sana ang lahat pero nabasa ng mga distinguished guest ang wallpost ni Bexfriend. May nagstatus post back.

"We wanna sleep too. But we want our room back. <annoyed face>"

Kinaumagahan may nagstatus post ulet. Inferness, may wifi ata sila sa bahay.

"Kung ayaw nyo pala ng ganyan eh di sana sinabi nyo. <angry face>"

Boom! Nagalit na lahat ng legitimate housemates. World Warla III na itu. Nagpatawag ng intervention. Usap usap. Kesyo may isang legitimate housemate na nagbigay ng ultimatum. Either bexfriend goes, or we go (kasama ang jowa na legitimate housemate din). In the end nagkasundo na rin sila. Lalayas na si Bexfriend para maghanap ng kahihiyan, I mean apartment pala. May 1 month pa sya bago lumayas.

Sabi nga ni Tih, silang mga legitimate housemates eh magkakakilala na forever. Si Bexfriend eh kilala lang tlga nila back in college. Di nila sya kilala nang lubusan. Nito na lang nakasama na nila sa bahay. Saka mo lang malalaman ang ugali ng isang tao kung matagal mo syang nakasama sa loob ng bahay. Ito nga nagkakilala na rin sila. Panget lang ang kinalabasan. Kung makikitira ka, fine. Makisama ka. Dahil masarap pa rin na may uuwian ka na walang kinikimkim na inis sa kasama mo. Yung tipong makakatulog ka ng walang iniisip, "may inistatus message ba si roommate?"

____________________
Photo by Leigh Ann via Flickr.

Linggo, Oktubre 6, 2013

Patola

Walang komento:

Kundol, patola, upo't kalabasa.... Dati naman di ako kumakain ng gulay. Like feeling rich kid makaarte kumain chumuchoosy pa. "Mommy, I don't like that green slimy stuff. Make luto mo me ng chicken nodols." Ganyan. Nangyari lang akong matuto nung nagtatrabaho na ako at kelangan na bumili ng ulam sa sariling pera. Kelangan sulitin ang lahat ng inorder. Kaya kung dati nakahiwalay ang gulay sa sulok ng plato, ngayon simu't sarap na sya. Makulay ang buhay sa sinabawang gulay sabi nga.

Ano ang Pambansang Gulay ng Pilipinas?

Sa prutas alam ko, mangga! Pero gulay? Di ko talaga alam. Wala pa naman naisasuggest sila na gawing pambansang gulay, pero kung pwede lang ilalobby ko na sa Kongreso na ang gawing pambasang gulay natin ay patola. Uso kasi sa mga Pinoy ang patola. At least nasa bahay kubo pa sya.

Ang mga Pinoy kasi sadyang mapagcomment. Patola. Patol ng patol sa halos lahat ng issues. Ok lang naman kung may social relevance. Gaya ng Pork Barrel scam. Pero yung karamihan puro mema lang. Memacomment lang. Memapost lang. Memasabi lang. Galit na galit kay Napoles, eh narinig lang naman nya sa nagchichismang trike driver eh nakigalit na rin. Ang galit kasi contagious. Tapos makarally sa Quirino at Ayala akala mo naintindihan ng buo ang nangyayari. Yun pala magseselfie lang. Pati yung mga iskwating informal settlers, nakikicomment din. Porket ninanakawan daw sila ni Napoles. Eh teka mawalang galang na po mga manong at manang, nagbabayad po ba kayo ng buwis? Makareklamo kayo eh dapat kami ang magreklamo di ba? Halos wala na kami takehome sa dami ng deductions.

Uso rin sa atin ang Pinoy Pride. Yun bang pag may dapat ipagmalaki eh uber supportive tayo. Kahit pa 1/8 Pinoy na lang yung contestant eh kineclaim pa rin natin tubong Cavite yung lola sa tuhod nyang taong yan. Pero kapag nalait ang pagiging Pinoy grabe makareact. Dudumugin talaga. Angry mob kung angry mob, na sa panahon ngayon eh napalitan lang ng mga tweets instead ang mga araro at itak.

Daming nagsusulputang mga fake accounts sa net at di pa rin natututo ang mga Pinoy paano alamin ang fake sa tunay. History repeats itself. Rereact kasi agad. Akala ko ba think before you click? Like may nagtweet, "sana malunod ang mga Pinoy jan sa Habagat. Poor country eeeww!" React agad tayo. Di man lang chineck kung famewhore lang tong bagong troll na to.

Tapos eto nga nanalo si Megan Young. Congratz bata, kahit mejo nagbuckle ka sa Q&A portion we're proud of you. Anyway, very proud nga ang sambayanang Pinoy. At nagsipagfollowan naman sila sa Twitter account ni Megan para magreet ng kanilang congratulations. Eh mali pala ang nafollow nila, tukayo lang pala. Si ateng naman ang faux pas nya eh nagtweet pa sya: "Dear Asians, I am not the Megan Young who won Miss World 2013 please stop following me." At least, gumamit sya ng please. Pero wag ka, racism daw yan ayon sa mga nakabasa. Ewan ko ba, anong racist kung tinawag kang Asian, eh Asian naman tayo? Hallooo, nasa Astralya ba tayo? Parang Pinoy Henyo lang ni Tito Sen choz. At kawawang ateng, dinumog na ng mga lait ng mga bobong Pinoy. Sino ngayon ang racist? Eh nung sinabihan na mababaho daw ang mga Iranians porket tinalo tayo sa basketball, di ba racism din yan?

Eto pa, may isang Devina Dediva na may-I-comment daw ng ganito: "Miss Philippines is Miss World? What a joke. I didn't know those maids have anything else in them." at may dagdag pa na poor, smelly from cleaning toilets, at uneducated.  Lakas maka-Maricel Soriano ng statement nya ha, ayoko ng mabaho, ayoko ng putik! Pwes, ayaw din namin sayo! Angry Mob Assemble! Inulan ng batikos at lait si ateng. Hanggang sa dulo napatalsik sa trabaho nya si ateng. Apparently, yung boss nya eh Pinoy pala. Eh may antiracism chorva ang Singapore. Ayun natsugi si teh. Ang karma talaga ngayon LTE na.

Walang masama kung maging overreactive ka sa lahat ng issues. Basta nasa tamang lugar ka rin bago ka magalit. Wag padalos dalos. Di masarap kapag laging patola. Dahil ang patola sa miswa lang bumabagay. Ansabeh?


____________________
Photo by joeysplanting via Flickr.

Sabado, Agosto 24, 2013

An Open Letter to...

Walang komento:

Madami na namang galit sa mundo. Madaming affected sa mga bagay bagay, maliit man o malaki. Sa dami ng problema ng mundo like depleting ozone layers, flashfloods, nalulusaw na polar caps, hurricanes, earthquakes, at mga bagyo, iisipin pa ba nya yang problema mo? Kaya go lang daw sabi ni Mother Earth, mag open letter ka na lang sa problema mo. Baka mabasa pa ng pinapatamaan mo. At dahil jan, makikitrending na rin ako.


~0~


An Open Letter to Whom it may Concern:

Teka lang. I changed my mind.

Dear Emiko,

Remember me? Do you miss me? Ako, naalala pa kita. 

1990 kakabili ko pa lang ng bagong bagong Mongol number 2. Wala pang kagat ang eraser at di pa natatasahan ng kutsilyo ang lead. Ipinatong ko lang sa desk ko para kunin ang craypas sa bag ko ng biglang poof. Nalost na sya in mid air.

After a week, pati si Michelle, si Ferdie at si Cherrie nawawalan na rin ng lapis. It's as if may Bermuda Triangle ng lapis dito sa classroom.

Di pa naman uso ang CSI nun kaya siguro very very light pa lang kami sa investigation. Nagkaalaman na lang ng may maka caught in the act sayong dumedekwat ng lapis. Grabe ka! Pero sure na sure ako teh, kung ako ang nakahuli sayo, baka iCalvento Files kita!

Alam mo bang pinaghihirapan ng mga magulang namin na bumili ng lapis, well nagiging every week na dahil sa kagagawan mong gaga ka, para lang maitaguyod ang aming pag-aaral. At para na rin mas makatipid kami sa pagpapaphotocopy ng books. Isipin mo kung ilang pamilya ang sinira mo ang budget sa pagbili na naman ng lapis?

At nung may-I-confront na peg namin, anong ginawa mo? Nag imbento ka pa ng kwento. Kesyo may sumpa sumpa sa iyo ang isang witch na magiging compulsive klepto ka! Bruha ka!!! Hiyang hiya naman sayo si Winona Ryder. Di nya naisip ang ganyan ha. A+ for Originality ka teh. Ngunit walang sumpa. Tayo ang gumagawa ng mga mga sumpa, ng mga himala. Ang sumpa ay nasa puso ng tao!

Kaya kung ako sayo, magbago ka na. Well, sana after 20 years eh nagbago ka na nga. Di ka na pumasok sa next school year eh. Siguro kung makikita kita ngayon, baka rumaraket ka na ng mga 10 billion pesos sa gobyerno. Dahil walang pinagkaiba ang klepto ng lapis sa klepto sa kaban. Magnanakaw ka pa rin, ibang magnitude nga lang. Kahit maging Robin Hood ka pa, the end doesn't justify the means. Magnanakaw ka pa rin.

Lubos na gumagalang,

Anonymous


~0~


Ayaw po magpakilala ng ating letter sender. Kasi hanggang ngayon po affected pa rin sya sa punyetang classmate nya nung elementary. Scarred for life ganyan. Pramis di ko sya kilala. Move on move on din teh. Si Maring nga nakamove on na eh, ikaw pa kaya?

Title ng episode: Mongol


__________________
Photo by Kyle Thompson via Flickr.

Martes, Hulyo 30, 2013

Trainspamming

Walang komento:

Pangarap ko makasakay ng skipping train. Pramis! Alam mo gaano kaweird yan na inuulit ulit ko sabihin kay Carol sa tuwing nagkakasabay kami pauwi via MRT. Werd! Dahil parang sinabi ko na rin na pangarap ko makasagot ng missed call. By default wrong gramming na sya. Well, not necessarily siguro. Dahil skipping train lang sya kung di sya magsasakay sa station nyo. Otherwise, choosy train lang sya choz.

Bakit ba naimbento ang skipping train? Dahil sa limang milyong tao na nakikipagsiksikan tuwing rush hour kinakailangan maserbisyuhan naman yung mga station na siksik, liglig, umaapaw sa pasahero para naman makamove on na sila pauwi. Like Ayala and Guadalupe na overflowing always forever. Buti pa ang Shaw at Cubao, kahit masikip at least sakayan-babaan. Makakasakay at makakasakay ka basta't manalig kang makakasingit ka paglabas ng mga pasahero.

"Ang paparating po na tren ay skipping train. Guard, pakisabihan ang mga tao na skipping train po ang paparating." ang walang kabuhay buhay na announcement ni ate announcer. Well actually di ko pa narinig yan dahil di pa nga ako nakatsamba makasakay ng skipping train. Puro na lang "Alam nyo ba?" o "Wag po tayo tumapak sa yellow platform edge" o "ang susunod na estasyon ay Beki Go Belmonte!" Ampeyr kasi yung mga di naman nangangarap makasakay non eh nakakatiming. Ako na forever na waiting ng skipping train eh nganga pa rin. Para syang unicorn, o holy Grail, o girlfriend nung malansa mong officemate na nagpipilit magpakamacho. Imaginary.

Bakit ka ba kasi hintay ng hintay dumating ang skipping train. Eh meron namang paparating na tren, masikip nga lang. Eh kung ayaw nga eh. Wag mo ipagsiksikan ang sarili mo sa ayaw. Ayoko sa mabaho, ayoko sa masikip, ayoko sa putik.

Eh papaano kung ang eksena, "Ang paparating po na tren ay skipping train. Ang susunod na istasyon ay North Ave na. Skipping train po di ba?" Sana sumiksik ka na lang sa ordinary tren, nakababa ka pa sa patutunguhan mo.


Martes, Hulyo 23, 2013

Before Twilight

Walang komento:

Alam mo yung twilight? Hindi sya yung book o movie series ha. Twilight. Ayon sa wikipedia, is the illumination that is produced by sunlight scattering in the upper atmosphere, illuminating the lower atmosphere when the Sun itself is not directly visible because it is below the horizon, so that the surface of the Earth is neither completely lit nor completely dark. Mejo high falluting sya pero ang ibig sabihin lang naman nyan eh yung time in between sunrise and dawn or sunset and dusk. Mejo confusing pa rin pero kung mapapansin mo kapag lumubog na ang araw di pa rin naman ganun kadilim, tama? Yan daw ang twilight.

Di naman uso ang twilight sa Pilipinas. Basta ang alam ng mga Pinoy, paglubog ng araw oras na ng telenovela. Sa madlang people di naman ganun ka big deal ang sunsets. Unless may kadate ka siguro bandang Baywalk. May pa-holding hands holding hands pag may time pa kayo, sweet sweetan ang evrathang. Walang gumagamit ng salitang dapithapon o takipsilim sa totoong buhay. Unless makata ka, nagmamaru, adik, o may Filipino thesaurus sa PC mo.

I've been in love with sunsets and twilights since I can't remember. Narinig mo na yung term na Magic Hour? Also known as Golden Hour. Sabi nila, ito daw yung last hour before sunset. Yung mga oras na maghahabol ka ng liwanag para macapture yung beauty ng setting sun. Sa photography napacrucial nito, also known as chasing light. Sabi nila one hour pero actually you have only minutes bago tuluyang magdilim ang langit. Habang dahan dahang humahalik si haring araw sa horizon, nagkakalat sya ng splash of colors: oranges, pinks and purples. Minsan fuchsias din pero for simplicity purposes reds na lang. It depends sa altitude mo siguro, sa weather condition, cloud formations and such, how beautiful you can capture twilight.




Kung gamer ka at nalaro mo na yung Kingdom Hearts na game, malamang familiar ka sa world na Twilight Town. Isa sa mga weird worlds na merong eternal twilight. I know chasing light is romantic and all, pero kung kada minuto na dudungaw ka eh puro kulay orange na lang nakikita mo sa kalangitan, mejo nakakasuya naman to. Ok-ish lang naman kasi sa kaweirduhan ng mundong to eh somehow sanay na ang mga citizens nito. There's something about that world na sad. Like a place of lost memories and trying to remember; what it feels, what is lost. Nakakaemo sya pramis. Ooopps, I forgot magdisplay ng geek alert sa paragraph na to.

Noon, pag naririnig ko yung Twilight, ang naiisip ko lang yung Twilight Zone. Yung horror show noong nineteen kopong kopong. Alam ko bata pa ako para maintindihan yun dati, it's in English pa. Alam mo naman pagpang mababang paaralan ka eh mga Regal Shocker lang ang level dapat ng pinapanood mo. Di makakarelate kahit si Mrs. Villavicencio pramis. Basta tanda ko lang horror series sya in black and white. Kaya ang idea ko ng horror movie dati eh dapat monochrome. Natatakot ako sa maputlang show. Wala kasing glamour choz.

Anyway, dati pag binanggit mo ang Twilight, takot ang mananaig sayo. Ngayon pag binanggit mo ang Twilight, love story kagad ang maririnig mo. Yung mga shining, shimmering splendid vampires ni tyang Stephenie. Ewan ko ba anong ginawa ng babaitang ito pero alam mo yun. Yung magsulat ka ng fantasy-romance-porn mo na pinag-aagawan ka ng anemic na vampire (considering umiinom sya ng dugo ha) at balbon na hubaderong werewolf. Ayyy shett ka teh, pang Precious Romance lang yang level mo teh. Hiyang hiya naman sayo si Bram Stoker, Anne Rice at Buffy the vampire slayer.



~0~



A couple of times ko na rin narinig madrop sa usapan nila Jowein and Yves yung movie na Before Sunrise at Before Sunset. So nagtanong ako what's it about and they suggested I should watch it para maimmerse ako sa level nila ng ka-emohan.

Before Sunrise ay lumang luma na, like 1995 pa sya starring Ethan Hawke as Jesse and Julie Delpy as Celine. Tungkol sa isang American at French na nagmeet sa train at nagdecide na magspend ng whole night together sa Vienna. I don't know about them pero turo ng animated bubuyog sa TV nung bata ako eh don't talk to strangers daw at say no to drugs. Although wala naman talagang drugs involved, naisip ko siguro kaya rin wala akong namimeet na stranger na potentially "the one" eh dahil sa pilosopiyang ito. 

Anyway, going back. So the whole movie nag-uusap lang sila while walking around Vienna. Talking about stuff; life and love. Eto yung type ng movie na you should pay attention ala Yuko Yamashita ganyan kasi may mapupulot kang something na magagamit mo somehow sa life mo. And love if applicable. Eventually, kelangan ni Jesse gumora pasakay ng plane bandang sunrise kaya yah know na yun lang ang timeframe ng whole movie. Bago sila naghiwalay, nagpramis sila na magkitakits ulit after six months.

Before Sunset naman ay pinalabas 2004. Di sila nagkita after nine years after nila magkahiwalay. Yah know pramises are meant to be broken. Si Jesse daw ay bumalik after six months pero si Celine injanerang drawing choz. Actually namatay daw yung lola ni Celine kaya reasonable naman ang alibi nya. Nagsulat si Jesse ng book about sa meeting nila 9 years ago entitled This Time, at nung tinour nya sa Europe umasa sya na mameet nya uli si Celine  It worked like magic, or sinadyang screenplay. Ngayon naman yung plane ni Jesse gogora bago magsunset. Parang nangyari na to? Dumedeja vu ang peg. So ayun another timebound pasyal pasyal pag may time sa Paris. At dahil limited time nga, mejo bibitin nila uli ang audience what happened after the last scene.

A few years past at mukhang wala na ngang continuation sa hanging ending. Hanggang sa nagbulung bulungan na naman na may sequel daw ulit! Mygass excited. Ano namaln ang title? I suggested Before Twilight, wordplay sa timeframe at sa recent connotation ng word na twilight. Much better naman siguro than Before Dawn na slightly synonymous sa first movie, or sa Before Dusk na same sa second. Before Noon naman, parang pang variety show lang ang peg. Hanggang sa lumabas ang official title.

Before Midnight.

Nagstatus si Faye na may kalakip na trailer: "Before Sunrise was nostalgic, Before Sunset was poignant. I haven't seen this but I must!" I would say bravo sa tweetish review ni Faye sa two movies. Nagreply ako, "Before Midnight is enigmatic. #mema lang" Ikinatuwa naman ni Faye ang pagmema ko. 

Ang hindi ko ikinatuwa ay ang biglang pag-enter eksena ang isa sa mga tagged sa post nya: "Ahh... pass ako sa movie Faye..  nde ko masyado type.. based sa trailer.." comment ng friend ni friend. No wonder di nya type. Correct use of ellipsis pa nga lang ligwak na sya choz. Sa totoo lang, mejo confusing nga naman ang trailer ni Before Midnight. Given na perstaym narinig ni ate ang movie na to. Pero para magjudge ka agad based sa trailer? Sya yung mga klase ng tao na nauuto manuod ng mga pelikula ni Bong Revilla tuwing pasko. Nadadala lang sa mga special effects o theme songs eh gogora na agad makipagsiksikan sa pinakamalapit na sinehan. Ate, you failed me! At mag-aral ka ng tamang punctuation ha....

Nine years again after ng last movie, nag-open ang movie sa airport. Nine years again, imagine! Parang nangyari na to. Dumedeja vu choz. Si Jesse hinatid ang anak nya sa airport pauwi. After that makikita natin na kasama pala si Celine naghihintay sa labas. At may anak na sila, not just one, but twins! So the usual na minimalist shots na focused sa usapan nilang dalawa sa small island off Greece. I knerr, you know it wouldn't be Greece without her tragedies. At di exception sa movie na to. Though I know you'll enjoy the conversations more. Funny, romantic, bitter and sad. Parang life and love lang. Sa ending mabibitin ka once again.

I know di ganun kalaki ang following ng series na to compared to big budget fantasy films like Harry Potter or Fast and the Furious. But you'll definitely fall in love with this film when you do get to watch it. I know, I was a cynic and skeptic about  this film before hahah. And once upon a time, there was a beautiful story of love and life written before Twilight.


____________________
Photo by Sahil Gupta via Flickr.

Linggo, Hulyo 14, 2013

Escalator

Walang komento:

Or elevator? Minsan nagkakamali pa rin ako ng tawag jan. Elevator ba o escalator? Di lang naman ako. You, them, and the entire human race. Amininnn! Napagpapalit mo ng tawag. Elevator o escalator. Pero sure ka naman kung alin jan ang tinutukoy mo.

Unless ikaw si Bobita Rose. Elevator yung sumasara na box. Escalator yung gumagalaw na stairs. Ewan ko na lang kung di mo pa rin gets. Bobita Rose.

Isang araw sumakay ng escalator si Bobita Rose. Eh nagkaron ng malfunction at napatigil pasada si escalator. Nagsipaglakaran na lang ang ibang pasahero. Si Bobita Rose naiwan sa gitna. Stuck sa sirang escalator. Baka nga naman maaksidente sya kung kikilos sya. Kung kasama ko sya, baka naaksidente sya sa akin ng malakas na sampal. Isip isip din pag may time teh.

May ilang escalators na sa metro na automatic lang gagalaw pag may sumampa. May sensor or something. Nung una ko nakita yun, akala ko nakaoff na or sira kaya nag-eeffort tlga ako sa stairs. Paglingon ko boom naka-on na sya. Kinain ako ng escalator. Bobita Rose. Excuse me, nag-eexercise kaya ako. Stair climber ang peg hahah.

Ewan ko ba bakit may mga taong hirap na hirap sumakay ng escalator. Parang kelangan pa nila tumiming bago maksampa. Teh di mo naman need ng diploma para sumampa. Parang hahakbang ka lang. You put your right foot in, you put your right foot out, and you shake it all about. Ganyan ako katalented sa escalator. Kaya ko pa magtinikling choz. Isipin mo na lang jump rope to kung di pa rin kaya. I-Love-You-Telebird-Telebird. Mamaya your escalatoring like a pro na.

Sa Singapore may scheme silang ipinatupad sa escalators yung isang side (right side ata, di ko sure pero di naman ako nalilito sa right at left pramis) para sa mga patient maghintay sa pagkilos ng escalator. Yung kabila laging moving. So kung sumampa ka halimbawa sa left side dapat lumakad ka dahil aawayin ka ng mga nasa likod mo. Sabi nila, nag-escalator ka pa eh maglalakad ka rin pala. Walang basagan ng trip. Actually napansin ko, inimplement nila yan sa MRT Ayala station. Pero sadyang bulag lang siguro tayong mga Finoy sa mga alituntunin. Walang basagan ng trip.

Nakakaasar ang escalator sa Ayala underpass. Madalas sira. Actually pataas lang naman ang ginawan ng escalator dun, bilang may stairs naman at gravity para sa pababa. Anyways, so ang problema lang eh kung sira ang escalators eh kasiksikan ng pababa ang mga pataas. 85:15 siguro ang ratio ng pataas sa pababa. Imaginin mo ang pila sa morning rush ng mga paahon sa underpass. Ganito kami sa Makati.

Kung ang escalator ay para sa pataas, di ba dapat ang pababa eh descalator? Since wala namang ganung word, ako na lang ang gagamit nito. Ako nag-imbento ng descalator ha. Walang basagan ng trip choz.

Parang mga issue, di ba kapag may problema kelangan iescalate agad pag di maaksyunan. Gusto mo manggulo ng supervisors at managers para maramdaman nila ang sense mo ng urgency. Dahil ang life parang escalator; minsan pataas, minsan pababa, pero dapat laging umaandar. At kapag tumigil na, move on move on din. Wag Bobita Rose.


____________________
Photo by vpickering via Flickr under Creative Commons. Some rights reserved.

Lunes, Hunyo 10, 2013

Review: Juana C

Walang komento:

Sino si Juana Change?

Actually, di ko sya knows. Parang nakilala ko lang sya kanina or kahapon. Dahil sa gapatak na mga status posts ng ilang friends ko sa timeline habang nalulunod ako sa mga tweets about basketball, Superman, at Game of Thrones. Basta may movie daw sya. Comedy.

So dali dalian kong nag-assemble ng friends para manood ng Juana Change sa Glorietta 4 bandang alas siete ng gabi. It's now or never. Di natin kasi alam kelan ito ipupullout sa mga sinehan. Alam mo naman sa panahon ngayon, kung di ka Star Magic, lalangawin ang palabas mo.

So ayun, sex comedy na political ang dating. Mejo sumegue sa religion pero pahapyaw lang. Kumbaga sa chismisan, ang mga topic na dapat iwasan kungdi end-of-friendship na. Pero go lang sila teh. Ang susunod na palabas ay may mga eksenang sekswal at politikal na di angkop sa mga conservative na keber na Pinoy. Pero matapang pa rin sila para talakayin to comically. Sana lang may tumatawa ngayon sa Senado. Oh yes, kasama ka don Nancy choz.

Star studded ang pelikula. Pero di ko tlga knows si teh Mae Paner as Juana Change. Sabi nila mejo patay ang delivery nya ng lines. Pero I think effective naman syang tool paano naitawid ang mensahe. Also starring sila Joel Torre, Candy Pangilinan, Nino Muhlach, Soxie Topacio and meyni more. Sino ba yung majondang sidekick don ni Peachy? Anita Linda? Mary Walter? Basta gusto ko sya dahil skeyri sya kahit wala syang speaking lines hahah.

Madali lang naman sundan ang kwento. Si Juana Change ay promdi na nasilaw sa nightlife ng Maynila at nabaon sa utang, nagpokpok, pinasushal na pokpok, nagkaroon ng koneksyones, may natuklasang sikreto na inferr hindi nasa diary sa ibabaw ng tv, dineath threat, at tinangka pa ring isiwalat ito. And to top it off, dalawa pa ang leading man nya, although yung isa na majubis pwede mo na icount as dalawa choz. Sya na!

Ano bang meron ka Juana Change? Siguro yung drive to make a change. Alam mo naman di mo mababago ang bansa natin ng isang pitik lang. Kahit sa sarili na lang natin, let's find something we wanna change. Kung isang patak lang siguro wala pang impact. Pero kung marami na ang patak siguro naman kakayanin na nating ang sebong sangkatutak. Or kung paano man yan nirephrase ni Sotto kay Kennedy.

Pero ang maganda sa pelikula eh hindi ka naman nila sasalaksakin ng life lessons. Mapupulot mo rin yon habang nakikipagsex, naggagantsilyo, tumatawa or nahuhulog sa building. Pero kids don't try this at home. Pero I suggest panoorin nyo na tong movie na to. Must C.

Miyerkules, Hunyo 5, 2013

Stimulus and R

Walang komento:


Sheilalyn: Panget!

Nanette: Ka!

S: Rin!

N: Pala!

S: To infinity!

N: Period!

S: No erase!

Alam ko may extended version pa yan yung may susi or something. Nakakatawa lang alalahanin ang mga away ng mga classmates ko nung elementary. Eh ano ngayon kung panget tlga si Nanette, o kung natae si Shielalyn sa panty nya. Basta world war na sila forever and ever. Ang mahalaga sa kanila eh makasagot agad agad sila sa pang-aasar ng bawat isa.

Stimulus and response. Ayon sa psychology, kung walang stimulus walang response. Parang cause and effect. Di ka naman makakaramdam ng galit o lungkot kung walang magbibgay ng rason sayo di ba? Mas madalas pa nga na may stimulus na pero walang response pa rin. Either dedma or manhid lang tlga sya.

Pero di lahat ng response ay nararapat. Merong ibang pabugso bugso ang damdamin lang ang nagdulot ng response. Pwede mo syang matawag na reaction instead na response. Yung tipong walang control. Yung tipong automatic. Pag sinampal ka, ang sagot mo sampal din. An eye for an eye. Pero tama ba? Sa teleserye oo siguro, pero sa tunay na buhay aaray ka muna bago ka sumampal choz.

Ang response ay yung planadong reaction. Kumbaga may pagpipigil muna sayo para iassess ano ba ang tamang sagot sa isang action. Hindi yung sampal agad agad. Stop muna, then dadrama ka at maglilitanya ng, "if you want war, I'll give you war." Parehas na bitchy yes pero classier ka jan. Hindu yung bugbugan agad sa airport. Oh dabah natadyakan ka na naligwak pa ang poise mo. Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Nasaktan ka na, nagpafeeding program ka ba. Ibang level ng social responsibility ito.

Ang problema sa atin ngayon, maraming react ng react kesa rumespond. Respond respond din pag may time. Yung tipong nabasa mo lang isang page na may "gates of hell" eh sumulat ka agad ng reklamo sa author. Teh, isang page lang nabasa mo,  try mo yung first page. Nakasaad don: WORK OF FICTION. Kelangan ng dictionary teh? Table of contents? Glossary?

Nanood lang ng portion ng concert megareact na kasi naoffend daw si boss. Well, sa totoo lang kaya naman lumaki ang issue dahil sa dami ng nag-overreact. Mas grabe pa sa biktima. Kung tutuusin parang si Vice ang nangrape kay Jessica sa paraan ng pag-atake nya. Mabuti nga walang tabloid headline na BAKLA NIRAPE BABOY. Siguro naman wala nang maoffend sa kanilang dalawa jan no. "Never forget what you are, the rest of the world will not. Wear it like armor and it can never be used to hurt you." sey ni kuyang Tyrion. Eh ang problema nga yung di naman targeted ng joke mas affected pa. Sa mga di makaintindi, iintindihin ko na lang kayo. Weh?

Yung iba nagpapublic scandal lang sa LRT Santolan station bugso ng damdamin. Di na inalintana ang kahihiyang maaring dulot nito kung sakaling may isang asshole na napadaan at binibijohan ka na pala. May hiya tayo. Gamitin natin ito. Ito ay gabay lamang. Mabuti pa ang mimosa pudica may hiya. Dahil sa lahat ng halaman sa universe, mimosa pudica lang ang may feelings.


____________________
Photo by Jesslee Cuison via Flickr.

Sabado, Mayo 18, 2013

Gowgel

Walang komento:

IGMG!

"Igoogle mo gago!" status ni Jett. Natawa ako sa first time ko naencounter ang abbreviation na yan. Google na yata ang pinakagasgas na search engine. Di ko na ginagamit si Yahoo, may AskJeeves pa ba or Dogpile? Naalala ko ang prof ko nun sa computer class, ang tawag jan sa google eh /gah-gehl/. At inispell pa nya ha. Gee oh gee gee el ee. Goggle. Tama naman pala ang pronunciation nya. Sige teh igoggle mo yan. Baka magkaron tlga ng website na goggle.com pag inulit ulit mo.

Nag-expand na ang salitang google from being a noun. Ngayon commonly accepted na sya as a verb. IGMG! Pag di mahanap san ba ang pinakamalapit na Jabee, IGMG. Anong ibig sabihin ng salitang effervescent, IGMG. May piso fare na ba sa Cebupac, IGMG. Ilan na kaya followers ko, IGMG.

Self-googling is everyone's right.

I remember Jowein used to say she schedules a bimonthly self-googling. Di dahil she's self obsessed like maybe some people. Kanye West, yes? choz. She just checks ang mga lurkers ng kanyang virtual life. Well, di ko naman naconfirm with her about the story. I just know there's this friend or acquaintance. They're no longer speaking I would assume. Pero this girl is like trying to step into her persona. She's like using the same nickname na rin and stuff. Too Single White Female ang peg. Skeyri I know. Ang difference lang pretty si Jowein. I know right teh.


Ever since then, naisip ko na rin na magsagawa ng self-googling habits ko. Not bimonthly rin. Kung kelan lang maisipan. Ginoogle ko na full name at nickname ko. So far, puro public profiles ko naman ang lumalabas. As in I'm so public sa innernetz. I don't know why. Like I'm  a social network whore na hahah. 


Too bad wala pa akong posers. Dahil ang posers ay para lang sa mga kinulang ng self-esteem na nagtatago sa persona ng ibang tao. Well yung iba ginagamit yun to poke fun at other people. Like yung mga fake accounts nila SuperstarMarian, Krissy Kalerqui at Mommy D sa  Twitter. It would be offensive sa side nung totoong tao. Pero yan ang kalakaran ngayon. Beggars can't be choosers, pero posers pwede pa. Choz.


Kung may bet ako, kuntodo gowgel ako sa kanya. A few keywords lang naman kelangan mo eh. Pangalan, workplace, tirahan at suking tindahan. Search google. May lalabas at may lalabas din jan something sa kanya. Kung di sa google, sa FB. I'm sure may lalabas jan. 
Stalking, for me, comes off as a normal reaction to having crush. Happy to see a little bit more than just a pretty face. Sad to see, well, that they're taken. Oh well...


Yeah, nagstalk na naman ako sa aming kapitbahay sa office. Dami kasing crushable dun. Dati nakukuntento na ako sa pasulyap sulyap pa't kunwari patingin tingin. Weh itong si Faye megasuggest kanina na icheck na yan sa Facebook. Ang tanging information lang namin eh workplace. Pag search, boom! May group page sila. Buti na lang at hindi secret group kaya may access kaming mga hampaslupa para icheck sinu sino ang mga members. Tatlo kaagad sa crushables nakita ko ang names. Niview ang private profile. Di ko alam kung bex sya eh so nicheck ko ang likes. Eh merong nilike na page ng "Love Yourself" na may bex na kung makaposing akala mo walang bukas. Alam na! Eh akala ko naman pwede magsubscribe sa profile nya, eh add a friend na pala yun. Mygass, pinangatawanan ko na at di binawi ang invitation. Sometimes, add a friend is an indication of love. Choz! Ngayon pag nakikita ko sya sa floor, nahihiya na ako. Makatitig pa naman si kuya grabe. Cyclops ka ba? Kasi titig mo pa lang nalulusaw na ako. hahah lundeeee

Ito namang si Irah may naging kasomething for one night only. Not supposed to be just one night yun pero ewan umiwas yung other guy, for some reason. Like busy, walang load, wala, tulog, umalis, nagkecandycrush. For what reason yun, bullshit lang. Anyway, bakit ba ako affected choz.

So ayun nga, pinagbubura na nya lahat ng contacts nila. Ymessenger, phone number, etc. Pero ang email di pa mabura. Nakalagay kasi dun ang other contact information. Facebook and Twitter. So nagsearch sya kaagad ng background info. Si other guy kasi like UP grad at executive assistant. Sushal I knerr. Independent at the age of 24, overachiever, career-focused, at ambitious. So dun pa lang mejo tumagilid na sya on his evaluation ng sarili nya. Mahirap daw BumieF ng ganung katalino.

Sya daw kasi happy go lucky guy na relaxed lang at work. Ano ba makikita pag ginoogle mo profile mo? Well, ayon sa kanya ang lalabas daw Google+ account nya with three friends (at least isang social network lang ang nakapublic sa kanya db), pano sya nagtaray sa pagkamatay ni Tyrone Perez (mga three degrees away sya kay Tyrone via his cousins na balo), at ang kanyang fab Barbie collection. Nothing follows. Well, that's you sabi ko. 

Di mo naman kelangan maging poser to show the general viewing public how squeaky clean ang iyong life. There would be people that would appreciate you know matter what you say or do. Or blog. Now, kelangan ko igoogle ilan na ba followers ko dito. IGMG!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips