Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Derek. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Derek. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Abril 20, 2010

Tofu

Walang komento:
 Photo by keemberly at Flickr.



"Soy un perdedor."

~Beck, Mellow Gold (1993)


Usapang Soy

04.15.2010


Una kong namaster na crop sa Farmville ang Soybeans. Nagtataka pa nga ako bakit mukhang sitsaro o ipil ipil yun. Akswali di pa ako nakakakita ng soybean in real life. Well jan kaya nagmula ang tokwa or tofu. Di ako fan ng tofu dati kasi maarte ako noon sa food pero ngayon kahit ano yata kakainin ko na.

Ang salitang tofu eh Japanese word na ang meaning ay fermented beans. Pinauso nung mga Chinese sa cookingan. Color white sya kasi nga gawa sya sa soy milk. Although may napanood ako dati sa anime na Chuuka Ichiban kung san si Mao nagprepare ng Tofu Panda recipe using white and black tofu. Yung black tofu sweet flavored kasi cooked using black soy beans at brown sugar, parang taho lang why not.
Yung wet variant ang ginagawang taho dito sa Pinas. Lagyan lang ng arnibal at sago eh go na. Meron din strawberry flavor sa Baguio. Nagbebenta rin ng ganito sa mga canteens ng elementary school. Naalala ko nung grade 2 yata ako non, nagpunta sa school namin yung Nestle para magpafreetaste ng soya-flavored milk nila. Sila Richard at Raymond pa nga ang endorser non eh. Hindi ko gusto yung lasa nya.

Yung dried variation naman ang tawag eh tokwa. Nung time na nagrereview ako sa may bandang Sampaloc, ginagawa kong meryenda yung lugaw sa katabing karinderya. Kelangan ko lang talaga ng pampainit sa sikmura, masarap na at mura pa sya. Favorite sidedish ko don eh yung tokwa nila, malutong at maasim din yung suka nilang gamit.

Sa mga japanese resto, nagustuhan ko yung Tofu Furai ng Sushiya. Crunchy yung outer part na nabalot sa breading, pero soft yung inner part. Plus pa yung sweet sauce dip. Ang maganda pa nyan eh part yan ng bento nila. Ewan ko bakit sa ibang japanese fastfood chains eh di sila nag-ooffer na may kasamang tofu. Nakakasawa na kaya yung Yakisoba DAW nila na parang made of togue lang.




~0~


Kwago Island
04.16 00:00~04:00


Nagsimula sa pagpopost ko ng pic ng reading queue ko: isang malaking pile ng novels at nasa ilalim si Bob Ong. Nagcomment si Derek something about it at eventually eh gusto nya hiramin daw yung Libro ni Hudas.

Fast forward Byernes ng maghahating gabi. Nagtext na sya na magkikita kami sa Pioneer, dun kasi yung suggestion kong place. Pagbaba, nakauniform pa sya ng orange-ish yellow (or marigold according to Blue). Inaya ko sya to Madison Square, kasi nga he was looking forward to drinking that night.

We got to Kwago's Island Grill, my second time going to this bar. First time way back August with ex-officemates nung kasagsagan ng office politics. The bar is designed with wooden ornaments para i-emulate yung island feeling. Sa may second floor kami pumwesto bandang back sa tapat ng live band. They're named JJMomo, a brother and sister soulful acoustic duo. Si ateng Mommy (i forgot her name) nasa guitars, while si kuya Joey nasa beats. They play pop, rnb, and some alternative music. Chinito si kuya, number 17 makinis! Flawless ang legs, shett fetish ko pa naman yun. hahah

Umorder na kami ng drinks. Sanmig Light kay Derek at RedHorse sakin plus fries. Pagdating ng fries, dinip ni Derek yung finger nya sa mayo-ketchup substance tapos sinet aside. Nanghingi ng ketchup sa waiter. Apparently, they're using cheap generic mayo galing sa palengke daw. Pagdating ng ketchup, dinip uli yung finger para lasahan. Sinet aside din. Di ko na tinikman yung ketchup, feeling ko Papa Ketchup eh ewkie yung last na natikman kong banana ketcup. Nagpa-add ng order pa si Derek ng Tokwa't Baboy na suka ang sawsawan. Di masyadong crunchy yung tokwa, mala-goma na nga ata sa kakunatan. Ako na ang nag-iinarte dahil tinitinidor ko pa ang food, samantalang nagkakamay lang si Derek. Imagine Nigella Lawson.

Tuloy sa pagperform ang JJMomo. May ilang jammers na umakyat. May magjowa ata, si kuya nagguitar tapos si ateng sumong number. Nakakahighblood kasi ang OA lang ni teh, parang nagpipilit magpaka-operatic. Meron pa nagkaraoke version ng Ako'y Sa Iyo tapos kung makafalsetto naman nakakastress lang. Kinanta ni kuya Joey yung Wag na Lang Kaya, feeling ko naman ako ang kinakantahan. "Nais ko ay magpakilala sa iyo at ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko... wag na lang kaya *whistle*...." Nahiya pa si kuya, dinaan pa sa kanta. Nako ok lang yan sa akin, I wouldn't mind really [Feelingero mode]. Yung last na jammer eh close friend yata nila JJMomo, kinanta ni ate yung Oo ng Up Dharma Down.

Eh favorite ni Derek, nag-offer pa nya ng complimentary Cosmopolitan sa jammer. Ang weird nga lang sinerve yung cosmopolitan on a tall glass, at more orange than cranberry actually. Hindi pa marunong yung nagserve kasi madaling naignore ni teh yung cocktail. Hooowell, pang pilsen lang ang beauty ni teh. Bago pumack-up ang JJMomo, nakita ko may kasamang gurl si kuya Joey. Sad but its ok cause I know si teh na talaga ang award for best actressa in a beard role.
Kaloka lang ang music ng DJ when the band stops, kasi may halong pop, dance, at house music na di akma sa island setup ng bar.

Nagkaroon pa kami ng bonding time ni Derek. Nabrought up yung perpetual statline ko na "Waiting for Autumn to arrive." which is an allusion to 500 Days of Summer, my current favorite emo movie of all time. May-I-ekpleyn pa ang konek ko don, kesho nga nakarelate ako on both characters. Kay Tom dahil sa paniniwala sa destiny and love, at kay Summer sa paniniwala sa intuition about love. Biglang cutoff si Derek na sya rin at one point naniwala sa destiny. Ako rin naniwalang si Derek ang destiny ko, pero matagal nang panahon iyon at nagmove on na kami sa crossroads na yon. Yah know, parang the feeling is there, it's sweet and warm pero you want to keep it as is para di masira.

Tinext ni Derek si Jade, ang plan is to abduct him and take him to the nearest nomohan. Packup na rin kami from Kwago's. Ang tally: Derek~7-8 SanMig Light at ako~3 RedHorse. Slightly tipsy pero go lang.

We took the bus to Ortigas. Sakto pagbaba ng Galeria may nagbebenta ng taho. Bumili si Derek para breakfast at pampababa ng amats. Mainit pa yung taho but not boiling, kulang sa arnibal pero pwede na rin kesa tasteless. Tinungga ko lang yung taho. It feels warm inside but not too sweet, parang emotions lang?! Arte.

YooHoo
04.16 05:00~09:00


Ayaw pa sana maglakad ni Derek from Edsa to Emerald pero napilit ko rin sa wakas. Pagtapat sa ADB biglang juminggle pa sya doon! Buti di kami nahuli ng tanod. Sa may Wynsum ang office ni Jade. Ten minutes before five eh tawag ng tawag na si Derek para mangulit. Nag-uuwian na rin ang ilang katauhan galing sa building. May mga umaaura pa nga daw na umaaligid pero di ko napansin.

Enter stage si Jade wearing a bonnet, dark blue sweater, and a rainbow belt. He suggested na sa YooHoo sa Metrowalk na lang kami pumunta.

Sa second floor ang drinking area. Nagkalat ang ilang group of lasenggero't lasenggeras, probably call center agents. Tuwang tuwa naman ang Derek dahil makakainom sya kasabay ng pagsikat ang araw ala agent. Sa harap ko lang may umpukan ng mga di mawari. Nakatalikod sila at mukhang cute naman. Ayy pagharap gusto ko igreet sila ng Happy Foundation Day! Sana nakatalikod na lang sila forever.

We started with one bucket ng San Mig light na may followup later, and a platter of fries as requested by Jade for a starch-based pulutan. Same procedure sa pagdip ng finger ni Derek sa mayo-ketchup substance. This time highly recommended ang dip, siguro branded ang mayo nila.

Mixed ang playlist ng YooHoo. Nakarelate kami sa mid 90's pop-rock songs  like One of Us ni Joan Osborne, I'm a Bitch ni Meredith Brooks, at Thank U ni Alanis Morrissette. Biglang change playlist to 00's pop rnb era nila Rihanna, Chris Brown, and Lady GaGa. At ang di inaasahan ni Jade, biglang um-Empire State of Mind. Kung araw araw mo ba naman maririnig yan sa kapitbahay mo eh baka mabaliw ka talaga. Pang-asar pa si Derek na dahil may pagrereenactment ng Alicia Keys standing while piano-ing. At di pa jan nagtapos ang hinagpis ni Jade dahil fumallowup bigla ang Tik Tok ni ateng Key dollar sign Ha! Not just one but two LSS! Imagine!

Half bottle lang ininom ko for fear of impending basagness. Si Derek todo nomo pa rin. Alam ko lasheng na sya kasi may pagrereplay ng ilang stories nya, parang sirang plaka lang. Additional 7-8 bottles ng SanMig Light sa tally nya. Clap clap, ikaw na ang basag.

Isinabay namin papuntang sakayan ng bus southbound. Natulog na sya sa byahe at di ko alam kung ano ang kapalaran nya kasi bumaba ako ng Boni while si Jade naman sa Guadalupe bumaba. Sabi naman nya eh pagmulat ng mata nya eh naglaho na lang daw kami.

At talagang lakad pa ako kinahapunan ng araw na ito. Shett puyat na naman. Kamusta na naman sa eyebags. Anak ng tokwa!


Implikasyon: Kung ang soybean ay ang puso, ang tofu naman ang emosyon. Sa umpisa ito ay puro at puti at maaaring mabahiran. Maaring din itong tumigas. Tumatamis sa arnibal, at minsan nanabang sa paglipas ng panahon. Mas masarap ihain kapag mainit. At kung manlamig man, iyon ay dahil nilagay mo sa freezer. Ano daw? Basta alam ko kung nasan ang tofu ko: nasa freezer lang. [Emo mode sa tokwa]

Linggo, Abril 12, 2009

Lucky Strike?!

Walang komento:

Signos
April 8, 2009


photo by Adrian Energy at Flickr


Miyerkules ng gabi bago kami umalis ni Diosa sa client eh nagliligpit ligpitan na kami kasi megaparamdam na yung mga tao dun na overtime na daw kami. Megakatok ng sapatos at lapis na parang biglang nagflashback sa aking alaala yung unang vid ni ate Britney. Tapos nagdance number kami ni Diosa sa may gym at nung aktong mag-iisplit na sya eh saka ako natauhan na nagde-daydream na naman ako. Pero feel ko lang talaga eh gusto nila akong i-hit me baby one more time sa katagalan namin sa owpis nila.

Maya maya nung aktong isinukbit ko na yung bag eh biglang may nahulog na kulay itim sa mesa. Pagtingin ko eh nagulat ako. Yun palang pendant ng Nazareno na nabili ko pa ng di sinasadya dahil sa pagpupumilit ni aling manang nung one time na napadpad ako sa Carriedo para kumuha ng NBI Clearance. Hindi ko kagad sinuot to nun kasi feel ko naloko ako ni aling manang. Pero heniweyz after a year eh ginamit ko syang lucky charm kumbaga, at suot ko na to eversince... until nga mangyari ang insidenteng ito.

Di naman talaga ako magpapanic masyado kung di lang din OA ang Diosa. Sabi ba naman eh naputol lang daw yun ng basta ng di man lang nadidikit dun sa bag. Ano kaya yun?! Miracle?! Mga gawa ng kampon ni Lucifer?! Grabacious ha! So ayun nga nakiride naman ako, pero slight eh kinilabutan din ako, slight lang talaga. Kesyo bad omen daw yun.

So ayun nung naglalakad kami pabalik sa office, talagang ingat na ingat kami tumawid at baka masagi kami ng bus, taxi, kotse, o padyak. Tingin ko nga parang ilag na ilag si Diosa sakin at baka madamay ko daw sa kamalasan. OA na ha!

Nasa aktong naglilitanya sya ng mga dos and donts ng biglang nagring ang phone ko. Wag ko daw sagutin at baka masnatch-an daw ako, tapos gilitan ako sa leeg at pagsasaksakin ng tatlumpung beses, cha-chop chopin ang katawan ko at ihahagis daw sa Pasig River. Josko, nag-aadik manood ng SOCO ang babaeng to, sobrang namurder naman ako. Ang worry ko naman eh baka pagsinagot ko yung phone may magsasabi sakin ng: "You'll die after seven days! I mean the dead skin cells just after seven days after using Ponds pinkish white chorvaness..."

So pinickup ko na yung tawag. At surprising sa lahat ng surprising eh may phone patch ako from Derek from Chino Roces (ang layo noh), mga labinlimang tambling lang sa kinatatayuan ko. So kinamusta ko lang naman sya at sabi nya malapit nga lang daw sya, dun sa pinapasukan nyang hotel yata. Inaantay daw nya dumating ang boylet nya kaya nagtatawag lang sya. Hindi daw sya nakakatext kasi busy masyado, ako rin naman kasi wala akong load, eh sino ba itetext ko noh?! Kinamusta nya yung mga friends namin sa threads na nawipeout nang lahat. Kahit na mejo namizz ko sya eh di naman ako makabati masyado kasi nga within hearing distance pa ang Diosa at baka ichismis pa ako sa barangay.

Natapos yung tawag after 3 minutes at 1 second, chineck ko talaga sa timer ng phone. Ok naman at naalala pa nya ako, at kahit sampung piso lang eh napagaksayahan nya ako ng sandali. *kilig mode* Syempre happy naman ako dun sa lablayp nya at totally move on na ko dun. Kung ako tatanungin sa lablayp eh happy naman akong single noh. Wala pa yung taong hinahanap ko. Choozy ba masyado?! Heniweyz at least dito pa rin me sa mga naghahanap ng aliw, tulad nung friend ko kakabreak lang nila kaya mega tambling muna ako para lang walang mag-emo masyado sa kanila noh. Buti na lang at ambilis din magmove on nitong dalawang to.

Nakauwi naman ako ng buong buo, walang galos o pasa, at pagkatapos ay nakatulog ng matiwasay. Pagkagising nagdasal dasalan ng thanks at binuhay nyo pa ako. Hindi ako umalis ng bahay ng buong Huwebes at Byernes Santo. Nag-aabang pa rin baka may mga bad things lurking yah know. Nung magsawa na ako eh inistop ko na kakaplay ng morbid scenes sa utak ko. Maayos pa naman ang takbo ng kautakan ko for now yah know.

Hindi naman pala ganun kamalas ang araw ko. Hindi mo naman pwede sisihing laging nag-iistrike ang swerte sayo kaya ganyan ang mga pangyayaring bumabalot sa buhay mo at kaya nagkakandaleche ka ngayon. Walang swerte at malas, tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, at sumusunod lang ang mundo sa ikot. Wala rin namang masama kung tumingin ka sa mga signs yah know, kung makakabuti ba ito sa pagpapasya natin kung san ang mas angkop na daan para sundan.

Linggo, Pebrero 22, 2009

coRazon

Walang komento:
AntiValentine
February 14, 2009

Leche patapos na ang February. Tigang na lupa na daw ako, pero for a cause naman. Hindi to pang charity noh, I mean its all because of Derek. Shettness naman hanggang ngayon eh can't get over him parin ang drama. The last time na nagkita kami eh last Christmas I gave you my heart ang drama. Nagpainit kami ng malamig na gabi together forever and ever to come. But forever only lasted approximately 23 hours 16 minutes and 33 seconds. Hindi pa ginawang whole day noh. Hindi kasi ako daw ganun kaassertive. Leche!

So ayun parting ways kami. Naalala ko pa nung patawid ako sa kahabaan ng Taft, sya naman papuntang net shop. It's sad to belong to noone else comes close dabah. Magmula noon eh lumaki na naman ang gap namin. May bago na kasing jowa ang Derek.

Akswali may bago syang phone galing sa jowa. Nagtataka pa sya bakit daw hindi ko sya tinetext. EH MAY JOWA NGA EH! Yah know itz hurtz! Nagmukmok kaya ako. Mga one week yata yun. Everyday meron akong theme song. Di ko makalimutan na nagpaLSS pa ako ng Mr. Brightside. Nasa status message ko kaya, "Swimming through sick lullaby." na actually one line dun sa song. NagPM bigla ang Derek kung ano daw ibig sabihin non. Nako ha, kung talagang gusto nya magreach out sakin eh iresearch naman nya.

Ayoko sa lahat yung kelangan pa akong mag-explain ng mga bagay bagay. Sa mga nangungulit eh napapataas talaga ang dugo ko. Sa mga nagtatanong eh pinaiikot ko lang sa mga dahilang sobrang labo ang konek. Sabi di ba ni Fatima kay Santiago, "Love needs no reason." or something like that.

Martes, Hulyo 15, 2008

Coffeemate

Walang komento:

Plus 2 sugar
July, 2008


Everyday since May eh part na ng daily diet ko ang coffee.
Kelangan kasi super groggynessism na lang ako pagdating sa gabi when I need to study. Gusto ko brewed, pwedeng may creamer, plus 2 sugar. Ayoko ng mapait, gusto ko sweet. Kelangan merong 1 cup sa morning as breakfast, optional yung sa hapon. Compulsory sa gabi.

Sila Ferdie ang nag-introduce sa akin sa shala shalahang coffeeshops. Ayoko nga pumunta dun kasi I know it's so expensive. Eh minsan lang naman daw yun, saka may sweldo na naman ako so why not? I've had my first cup, a Brownie Javakula, kaya lang puro reklamador sa spot ang mga kasama ko. Porket walang aircon, malamok, at walang music! Mas maeenjoy ko sana kung ang topics eh more on serious stuff. Tapos mega reklamo pa tong si Kip na kadiri daw ang Chocomint nya. Next stop ko nun eh malapit sa may Podium, ibang brand naman. Si Ferdie pa rin ang nagorder para sa akin kasi naiba ang menu. We spent time playing Texttwist kasi walang wifi ang primitive laptop ni Reden.

My first time na mag-order by myself eh dun sa Adriatico. Ibang set of friends kaya wala sa akin magtu-tutorial. Nakalimutan ko pa ang order ko kasi wala yung script. I had to inquire pa kung ano ba ang choco-based drinks. Suggestments ni ate ang Mocha Frappe daw. So since then favorite ko na rin sya, madali pang tandaan.

Since the day my work ended, namimiss ko na ang coffee bud kong si Maureen. Pagdating ng around nine eh kelangan nang kumuha ng hot water. Madalas eh sinasabayan ko yun ng cup ng lugaw, champorado, macaroni soup, arrozcaldo, goto, or lomi ni ate Junalyn. Pagbalik sa cubicle eh todo chismisan na kami ni Mau. Etong si Mau eh minsan nagbabaon din ng cocoa na may mini marshmallows plus hazelnut na creamer pa, shoplift nya sa Shopwise. Yummm! Confidante ko na tong si Mau, alam na alam na nya lahat ng kadramahan ko, mga crushes, mga number 17s, mga inokray ko, at mga emo mode sa love.

Nakilala ni Mau yung current lovadubbadoo nya thru me, crush ko yun na tinuro ko sa kanya, agawera! Parang gusto ko mag-ala Cherie Gil! "You're not but a second rate, trying hard copycat!" sabay buhos ng kumukulong kape! Pero it's all OK now, phase ko lang yun. Excited din ako sa mga developments ng love istowri ni Mau. Nashare ko na rin sa kanya mga concepts ng open relationships sa kanya na isa rin pala sa mga concept nung ex nya. Di bale next time eh sana makapaglevelup na kami ni Mau at magshala shalang coffeeshop naman somewhere in Cubao, at makagraduate na rin sa 3-in-1.

Nakakadalawang beses na kami magcoffee nitong si Derek. The first time eh walang seat kaya standing room kami. Hindi ko naman alam na napipikon sya sa look nya nung tinanong nya ako. Just being honest lang. Ayun walkout kagad. The second time eh nakahanap kami ng seat, nakishare lang kami sa isang thundercat kasi wala naman sya kasama. Serious ang usapan, about his life, his work and such. May freebie pa ako pag-uwi, one hot Jamaican pie! Yehh mon!

Bagong friend ko tong si Serge pero hindi sya mahilig sa coffee. Sasabihin pa nya sayo, "Yuck ang cheap! Tara magsago tayo!" Kinekuwentuhan ko sya ng mga drama drama, syempre sa mga tindahan ng samalamig at shake... yung mocha flavor nga po, may sago saka penge ng straw! I have to admit na naging crush ko naman si Serge pero sa isang pic lang talaga. Promise! Gusto nya ilapit ako dun sa isang crush daw nya para daw magkalove life na ako. Meron na ako love noh! Sabi nya ang crush daw eh para sa mata lang, ang love eh para sa puso. Eh pano naman kung isa nga ang nasa mata at puso mo, pero sa iba namang puso yata nakatuon ang mata niya?

Isa pa tong si Shane. I have to admit na wala talaga sparks sa kanya. Sinabi nya na committed na rin sya cause he found na after two meetings eh wala daw reaction sa akin. Hmm.... bakit ako nag-aabang for almost five months na at wala pa rin reaction sa kanya. Shett! Lahat na ng tao sa paligid ko nakahanap na ng Fairy tale love nila... si Elvin, si Serge, si Warren, si Shane, lahat sila, kami na lang ni Maricel at Maureen ang hindi pa! Tagay nga jan! Isang barrel pa ng kape!

Nagkita kami just the other day nung highschool friend kong si Rex at ininvite ako magcoffee. Since callcenterboy sya eh mayaman na sya kaya nagpalibre na ako noh. Barya barya na lang sa kanila to. Dati daw hindi rin sya in favor in spending money to drink coffee, pero narealize din daw nya na it's not really the coffee you're paying for, but the time you spend to be able to talk, plus factor yung atmosphere. Naikwento nya ang kanyang mga past relationships with 4 Js! Merong experimental lang, merong kindred spirit, merong lust lang, at merong love din. Iba ibang aspect ng personality nya ang nakilala nya pero each circumstance eh nauuwi rin sa separation. What if you find what you're looking for in one person, kung saan mag-aagree ang mind, body and soul?

Kahit anong gawin ko, hanggang pangarap na lang ako. Sabi nga ni Shane dapat 2nd meetup pa lang alam ko na. Sabi ni Serge baka residue lang ako ng feelings nya for another. Sabi ni Mau hindi nya kaya yung mga tae-taeng konsepto kong napupulot. Sabi ni Rex I don't deserve this. Sabi ko lang, so what? Kahit ilang galon ng kape pa inumin ko hindi na siguro ako magigising sa bangungot na ito. Nasan na ang focus ko? Kape pa nga!

Huwebes, Hulyo 10, 2008

Chiffon

Walang komento:

Let Them Eat Cake
July 9, 2008



Everytime na may birthday eh cake ang isa sa mga hindi dapat mawala. Parang hindi buo ang essence ng celebration pag walang cake.... Ako naman eh kahit cupcake lang pwede na, basta Lemon Squares ba. Namiss ko na yun ah, masarap yun talaga.

Kung sa brands ng cake eh anjan naman lagi ang Goldilocks. Kung mejo pashala ka eh meron namang Red Ribbon. Kung kulang ng konti eh di Jonis (meron pa ba nyan hanggang ngayon?) Or kung talagang wala, meron mga slice cake sa suking panadero, cheap nga lang ang icing at cocoa na gamit.

Yung momey ko mahilig magbake ng cake, before. Nasira na kasi yung oven namin, parang naalala ko pa nung binili namin yun sa Greenhills nung bata pa ako. Mejo shala naman kasi La Germania yun, nga lang eh luma na yung mga pipes, baka kinalawang na rin kaya nakakatakot naman at baka magka-gas leak pa.

Pero gusto ko yung mga binebake ni momey. Natry na nya yung Milestone cake, fruitcakes, cinnamon rolls, ube cake, cheese cupcakes, at choco custard. Palpak nga lagi sa cheesecake pero ok na rin, masarap tikman yung fruit of labor nya. Hayz nakakamiss talaga yan.

Dati ang binebake lang ni momey eh puro chiffon cake. I used to hate it kasi its tasteless. Pero over the years it kinda grows on you. I miss the softness and the drops of lemon (sige na kalamansi gamit namin) put into it to give it some taste.

Pero generally ang fave ko talaga eh Blackforest at Blueberry cheese cake. Nung magbertdey ako eh gusto ko talaga bumili nyang blackforest, eh kaso pagcheck sa Red Ribbon, isang shocking 530 PHP! Shett! Ang mahal na ng gasolina! So I decided na ang ipabili na lang eh Blackforest log na lang sana, yung roll version nun. Kaso wala rin, so naging Mocha roll na lang, nagdagdag din si Bakex ng Strawberry Cream Fudge. Syempre surprised ako nung si Derek naggift ng cake din. Butter yung icing at choco marble yung cake. Syempre delicioso, yum yum yum yum yum!



~0~



Derek
: Ayaw mo yung cake?

Athan: Ang sarap nga eh, I loved it! Basta galing sa iyo special sa akin yun. Sweet and soft, kinda like you. Naks!

Derek: Thanks. Eh bakit gusto mo shawarma?

Athan: Hindi ko pa kasi natitikman yun.

Derek: Ows?

Athan: Si Maricel kasi eh sabi nya bibigyan nya ako eh hindi pa rin nya binibigay hanggang ngayon. Nung time naman na mag-uso yun eh hindi ako nakisawsaw sa bandwagon.

Derek: E di try mo, daming shawarma and kebab.

Athan: Ok lang kahit next time ko na matry yung shawarma, basta I can have a slice of your cake for now.

Derek: Hindi pa ubos?

Athan: Yup inuunti unti ko.

Derek: Heheh

Athan: You can never have too much sweets, everything must be in moderation.

Derek: Ganun?! hahahhahahah

Athan: Tinatawanan mo na ako! May moral lesson jan. Lesson: magtoothbrush pagkakain ng sweets.

Derek: Meaning????

Athan: Joke lang yung sa toothbrush. Pero I believe na life isn't all filled with sweets, sometimes God gives us other things besides sweets that we may not forget to be thankful for His blessings, and strong and faithful through adversaries.

Linggo, Hulyo 6, 2008

Assignment

Walang komento:

Incomplete
July, 2008



Nakakainis ka na! Pinagsawaan ko na yung "Hate that I love you", anjan ka pa rin. Ano ba talaga gusto mo mangyari? Naglalaro lang ba tayo? Tama na ang laro, tapos na ang recess, gusto ko na umuwi at magpahinga. Pero sagutan mo muna ito:


1. Ano ba tayo?

2. Sino ba ako sa iyo?

3. Bakit hanggang dito na lang palagi?

4. Hanggang kailan tayo maghihintay?

5. Hanggang saan tayo maglalakbay?

6. Papaano na ako? tayo?


Incomplete answers will not be accepted. Late papers will be severely punished.

Linggo, Hunyo 29, 2008

Tameme

Walang komento:

Tameme
June, 2008


Shett! Nanahimik ang aking blogging days sa kabuwanan ng June. Supergroggynessism ako lagi kasi. NakakapagOL lang ako sa loob ng 1-2 hours sa gabi. Wala nang update update ng mga blogs. Laging check mails na lang, kadalasan pa puro erase lang ng erase galing sa mga spammers. Leche!

As usual naman eh tameme ako in person, pero lately eh dumadaldal na ko. Hindi naman araw-araw ang kabilugan ng buwan. Ang daldal kasi ni Maureen. Kung sinu sino ang tinuturong mga "number seventeen yung makinis". Enjoy naman kami. Madalas hindi kami nagkakasundo ng type, pero sure na kami na gusto namin kumain ng Sisig. Nitong huling araw eh parang nagpapractice ako pumasok sa Comedy bar, grabe ang pang-ookray ko sa mga tao. Madalas ko naasar tong si Jupit (hindi tunay na pangalan). Kulang na lang saksakin nya ako ng gunting weh. Pati ba naman si Ms. Aida eh inookray ko na rin, well kasalanan nya kasi sumasakay naman sya eh. Hindi rin nakakatakas si Piolo sa mga chismax namin ni Mau.

Dumami rin mga crazzness ko this June. Nameet ko yung crush ko na jowaerz na ngayon ng friend ko. Pero sa isang picture ko lang sya crush promise. Anjan din si Teacher Ariel Romulo, ang galing nya magturo ng Physics. Shett! Kahit dati eh hate ko tong subject na to, gets ko kagad sa kanya. Kakainspire lang. Mejo chubby nga lang tong si 'cher Ariel, pero ok lang, ang sarap naman nya. Meron pang isa, yung classmate ko. Hindi ko pa alam name nya, balitaan ko kayo ha. Nagkakangitian lang kami at titigan pero wala talagang conversation. Shett ang cute ng mata nya pag nakangiti, kakabusog.

Syempre anjan ang MU number one kong si Nash. Sweet sweetan kami pag solo solo na. Sarap pa ng kiss nya. Pero sa totoo lang eh walang feelings. I just made up the story about dun sa spark between nung first meeting pero wala talaga. At ang mga turnoff moments from him are just piling up. Tsk. Nakakaguilty lang kasi baka he's expecting something beyond. Pero parang hindi ko kayang sabihin...

Si Derek naman eh tinry ko na kalimutan at magmove on, pero hindi talaga kaya. We're still friends now, until the other day he just went telling me kung ok lang ba maging kami after his means permit him to do so. Oong oo naman ako, kahit alam ko marami syang kinakarir jan na mas nakakaelya ang katawan sa kanya. Nahihiya lang daw sya sa akin kasi he thinks mabait ako at direct opposite sya.


"Bakit mo ba sya gusto?"

Hindi ko alam ang sagot....


Last day na ng June, bukas July na, tapos isang taon na naman ang nagdaan sa buhay ko. May natutunan ba ako? Unti unting nauubos ang panahon.

Lunes, Hunyo 9, 2008

Slash

Walang komento:

Cuts Like a Knife
June, 2008


Matapos magsurf surfan at wala na ako madownload na mp3, patulog na sana ako. Dakong alas onse ng gabi na. Biglang kumukuliling ang telepono, ayoko na sana sagutin kasi nga groggy na ako...



Warren
:
Hello!

Jeremy
:
Sino 'to?

Warren
:
Warren.


Jeremy
:
Ha? Eh tumawag ka pa eh sa kabilang kanto ka lang. Adik ka?


Warren
:
Baka mareyp ako pagpunta jan.


Jeremy
:
Tara magpareyp tayo!

Warren: Pakshett ka!

Jeremy
:
Bakit ka ba tumawag? Matutulog na ako. Bukas na lang tayo magkwentuhan.

Warren: May ipaparesearch ako na song sayo, anong title nung kay Lou Pardini? Pakidownload na rin.

Jeremy
:
Nako tama na ang mga research-research, nagparesearch na si Derek kanina noh. Saka kakashutdown ko lang ng PC.


Warren
:
Ano pinaparesearch ni Derek sayo?

Jeremy:
About slashing your wrist. Gusto mo ba itry?

Warren
:
Ano na nga?

Jeremy
:
Tinanong lang nya yung "tamang procedure".

Warren: Okay mukhang masaya.

Jeremy: The general rule is "along the road not across the street."

Warren
:
Paano yun?

Jeremy
:
Along the arteries.

Warren
:
Di ko alam anatomy eh. Left hand o right hand?

Jeremy
:
Kahit ano. Malamang left kung kanan gamit mo. Right kung kaliwete. Both kung ambi ka.

Warren
:
Alin ba dito ang arteries ko?

Jeremy
:
Yung nakalitaw na ugat noh. Basta dun lang.

Warren
:
Okay dalawa nakikita ko eh.

Jeremy
:
Sa akin nga andami eh, sanga sanga sila dito oh. Pwede mo i-slash lahat.

Warren
:
Paano yan?

Jeremy
:
Isa isa lang muna.

Warren
:
Masakit ba?

Jeremy
:
Gamitin Gillette ha, kasi mapurol yung ibang brand eh.

Warren
:
Kelangan ba mag emote?

Jeremy
:
Sure, sumulat ka muna ng suicide note noh.

Warren
:
Ano sasabihn ko?

Jeremy
:
Yung mga ipapamana moh

Warren
:
Pwede ba parang naka-recieve ng award... parang "I would like to thank my outfit. Thank you, outfit!"

Jeremy
:
Ahhh maganda gawing parang acceptance speech.

Warren
:
Magconcentrate tayo sa procedure. Makalat ba ito?

Jeremy
:
Ok gusto mo ba yung whole procedure?

Warren
:
Step by step please.

Jeremy
:
Wag ka sa kusina magslash, baka may madulas sa dugo.

Warren
:
Maglalatag ba ako ng dyaryo?

Jeremy
:
Maghanda ka ng extra dyaryo pambalot sa iyo afterwards. Wag din sa banyo, baka mabagok ang ulo mo sa toilet.

Warren
:
Okay ano ba ang objective ko? Di ba mamatay?!

Jeremy
:
Ampanget naman kung may bukol ka sa coffin noh. Wag mgslash sa living room, mahirap magtanggal ng bloodstains sa carpet.

Warren
:
Wala kami carpet. Pwede na ba don?

Jeremy
:
Wag nga kasi baka may madulas. Wag din sa bedroom kasi magagalit ang mommy mo kasi hindi nalilinisan yung alikabok sa ilalim ng kama, dagdag pa yang dugo.

Warren
:
Pwede din. May fengshui ba na dapat sundin?

Jeremy
:
Hindi ko sure eh. Magpaconsult pa tayo sa fengshui expert. Anyway, kung may bathtub ka dun maganda. Kelangan warm yung water. Warm lang, kung gusto mo pde rin boiling. Pero sana nagmuriatic ka na lang di ba.

Warren
:
Di ba malapnos ang balat ko don at yun pa ang ikamatay ko.

Jeremy
:
Oo nga, so unfabulous!

Warren
:
Pwede ba may background music ako, like 'Jump' by Madonna?

Jeremy
:
Pwede rin 'Hindi Kita Malilimutan' o kaya 'Anak', o kaya 'Low.'

Warren
:
Chaka, Low na lang.

Jeremy
:
Heniweys pag nakababad ka na sa warm water, slash along the arteries daw. Step two ka na ba?

Warren
:
Wett lang. Kahit anong arteries ha?

Jeremy
:
Kahit ano. Tapos wait for five minutes lang.

Warren
:
Takot ako baka masakit. Mahapdi ba afterwards.

Jeremy
:
Magdrugs ka muna.

Warren
:
Anong drugs? Loperamide pwede?

Jeremy
:
Robitussin.

Warren
:
Two teaspoon?

Jeremy
:
Up to one bottle.

Warren
:
Okay.

Jeremy
:
Add salt, sugar, and pepper to taste.

Warren
:
Feeling ko di ako ma-high non.

Jeremy
:
Ikaw bahala, kung may chongke jan why not!

Warren
:
Lumalamig na yung tubig sa bath tub.

Jeremy
:
Magpakulo ka ulit.

Warren
:
Mabusisi pala no.

Jeremy
:
Anong step ka na ba? Kanina pa ako sa step three.

Warren
:
Step two.

Jeremy
:
Wala pa rin nangyayari?

Warren
:
Well me dugo na step three na ba yun? Ilang dugo ba dapat mawala? Isang litro?

Jeremy
:
1.5 liters. Ipunin sa bote afterwards.

Warren
:
Five minutes yun? Naku di mo sinabi kaagad. Umapaw na sa bath tub.

Jeremy
:
Shett! Kumuha ka ng sponge dali!

Warren
:
Naku magma-mop pa tuloy ako.

Jeremy
:
Dapat mategi ka na para hindi ka na maglinis jan, or at least mawalan ka ng malay.

Warren
:
Nahihilo na nga ako. Pero kelangan linisin ang kalat.

Jeremy
:
Maglagay ka ng bawang sa kilikili mo at maglagnat-lagnatan.

Warren
:
Pwede ba stop na?

Jeremy
:
Bakit?!

Warren
:
Eh nagkakalat lang ako eh!

Jeremy: Ok lang yan, tulug-tulugan ka na lang.

Warren: Dapat ba sumisirit yung dugo ko?

Jeremy
:
Oo pwedeng sumisirit! Depende yan sa blood type ng tao.

Warren
:
Eh ang messy na! Di ba ko mamatay sa lunod sa dugo instead?

Jeremy
:
Hindi naman basta keep your chest up tapos kick mo lang yung feet mo.

Warren
:
Bakit me kick pa?

Jeremy
:
Para magfloat ka.

Warren
:
Di ko na kaya to. Bebendahan ko muna to. Bukas na lang ulit. Magagalit mama ko. Sobrang kalat!

Jeremy
:
Nilagyan ko na ng band-aid yung sakin eh.

Warren
:
Nakakahilo ang process. Gaano katagal ang bleeding? Kasi akin ayaw tumigil. Lagyan ko ba ng cebo de macho?

Jeremy
:
Baka maging kadiri ang langib eh pag may sebo de macho. Five minutes lang dapat yan. Tapos either apoy o ulap na ang next scene.

Warren
:
Ayy di ako naka-reach don.

Jeremy: Ako rin eh, nakakita lang ako ng tunnel, tapos may ilaw sa kabilang side...

Warren
:
Gano kahaba ba yung slash mo? Kasi ako from end to end. Mga two inches deep.

Jeremy
:
Up to elbows lang yung cut ko eh.

Warren
:
Ang haba! Ganon kahaba arteries mo sa arm?

Jeremy
:
Oo, pumuputok na nga eh, pasmado kasi.

Warren
:
May iba bang paraan na it won't include having scars?

Jeremy
:
Nako ewan. Pwede lason.

Warren
:
Kakasuka naman yun.

Jeremy
:
O kya manunod ka ng mga celebs sa Lifestyle Network.

Warren
:
Meron ba ibang techniques don?

Jeremy: Wala lsng, mamamatay ka lang sa inggit.

Warren
:
Sa Vogue magazine kaya?

Jeremy
:
Pwede rin siguro sa vogue.

Warren
:
Hay nako wag na nga yan.

Athan: Nako hindi mo naman pala itutuloy, matutulog na ako.

Warren: Good night. Bukas na lang ulit.



~0~



Don't try this at home (without adult supervision). Government warning: Slashing your wrist is dangerous to your health. Keep blades out of children's reach. Batteries not included.

Hindi sagot ang suicide sa mga problema. Kahit madalas akong nag-eemote sa dami ng iniisip na kung anu anong problema, hindi ko naisip na magpatiwakal. Lately eh naging problema ko yang love love na yan. Kahit masakit at pawang nasasaksak na ako sa puso, tinatatagan ko ang loob ko. Di ganun kalayo ang puso sa bituka. What doesn't kill you only makes you stronger. Survival of the fittest ika nga.

Linggo, Hunyo 8, 2008

Let Baygon be Baygon

Walang komento:

Shoooo
June, 2008

Ilang araw ko ring di nakakausap si Warren dahil busy busyhan pareho kami sa mga buhay buhay. Tapos na ang summer vacation, pero di pa tapos ang init. Global warming pa rin! Gusto ko sana magbeach eh wala namang nagyayaya. Malamok pa sa tindahan ni Aling Janna. Walang effect ang katol na nakadisplay lang. Naadik na ako sa amoy. Wow, pare heaven. Maya maya dumaan si Warren para bumili rin ng katol.



~0~



Jeremy
:
Wag ka na bumili, walang epek yan.

Warren
:
Hindi nga? Pakshett ka pag niloloko mo ako. Hoy isipin mo kelan tayo magga-Galera!

Jeremy
:
Pwede ba next month kasi naubos ko na budget ko.

Warren
:
July?

Jeremy
:
Yeah.

Warren
:
Keri lang. Okay, sino sino tayo?

Jeremy
:
Ikaw kaya magorganize noh!

Warren
:
Nye! Bakit naman ako.

Jeremy
:
Eh ikaw ang aming leader.

Warren
:
Isasama ko officemates ko.

Jeremy: Ayyy, nakakahiya.

Warren
:
Anobeh!

Jeremy
:
Hindi ko sila knowingz galore.

Warren
:
Kelangan may leader! Si Tyler? Si Elvin? Ang hirap maging leader, ikaw na lang kaya.

Jeremy: Ayoko maging leader noh! Pwede one day lang? Yung Sunday lang?

Warren
:
Sige Sunday, Monday morning tayo uuwi.

Jeremy
:
Hmmm... ok lang siguro.

Warren
:
So ikaw na leader

Jeremy
:
Hindi nga ako leader.

Warren
:
Leader! leader! leader! All hail!!!

Jeremy
:
Isama natin si Lola Madonna?

Warren
:
Sino yun?

Jeremy
:
Yung teacher natin nung grade 2!

Warren
:
Ayoko nga ng aalagaan pa dun!

Jeremy
:
Si Kenneth malabo sumali yan. Si Elvin baka magjinarte.

Warren: Pakshett naman yun.

Jeremy: Si Tyler go yan kasi maglalalanji.

Warren: Okay si Tyler.

Jeremy
:
Si Reese malabo kung andun si Tyler, baka mag-away. Si Derek malamang, kung buhay pa sya by July.

Warren
:
Oh yah, yung sa prediction naten.

Jeremy: Hindi lang dahil dun noh. Alam mo ba nung isang araw, nagpaparesearch sakin about slashing his wrist.

Warren
:
Suicidal na ba sya?

Jeremy
:
Yes he is suicidal, sabi nya sa akin. Kung hindi daw ako mgreresearch, itutuloy daw nya.

Warren
:
Seryoso?

Jeremy
:
He has tendencies. At emo rin daw sya...

Warren
:
Emo meaning?

Jeremy
:
Emotionally disturbed.

Warren
:
Pagbigyan mo na kasi sya.

Jeremy
:
Anobeh! Hindi naman ako yung type nya.

Warren: Sino ba?

Jeremy
:
Mas type pa nya si Tyler, or si Reese, pati si Aling Janna. Imagine that! Saka he's sad kasi lumipad na ang uwak.

Warren
:
Tagal na noon ah!

Jeremy
:
Yah, I mean for good.

Warren
:
Maghanap kaya sya ng therapist.

Jeremy
:
Sabi nya depressed daw sya.

Warren
:
Di ba paulit ulit ko nga sinabi sayo yun.

Jeremy
:
Honga eh. He feels empty.

Warren
:
Walang makakapuno non, so he's reaching out to friends.

Jeremy
:
Wow, may ganung drama? Kaya ba pag nakaunli sya eh send to all ng "hi sexy"?

Warren
:
Naiinis na ako sa mga text nya.

Jeremy
:
Nako kanina lng ako naalala itext, send to all pa! "Di na ko aasa pang muli, kung ikaw ay babalik, saka na lamang ngingiti..."

Warren
:
Well try to help him as much as you can. Wag mong ignoramus.

Jeremy
:
Anobeh, naging guidance counselor na lang ako sa lahat... forever. Pero sarili kong problems eh nasa backlog pa rin.

Warren
:
Well sabi nga nila, "Silent water breeds mosquito."

Jeremy
:
Hindi ko lubos maunawaan ang kalaliman. Maglilimas muna ako ng tubig.

Warren
:
Okay eto na lang, "Ang buhay parang gulong, minsan nasusunog."

Jeremy
:
...Minsan nilalagyan ng plapla, lolothunder, at watusi? Anobeh, hindi ko pa rin magetz! Groggy ako weh! Please explain!

Warren
:
Wala lang. Gusto ko lang masabi kahit walang relation. Bakit? Is it a crime?

Jeremy
:
Alam ko kasi stagnant water breeds mosquito, kaya nga may 4-o' clock habit ang DOH di ba?

Warren
:
Anobeh!

Jeremy
:
Che! Akala ko naman deep deep-an ka.

Warren
:
Galing yun sa quote.

Jeremy
:
Galing naman yung sa akin sa infomercial, kasama ng TKO!

Warren
:
Anobeh! Galing sa quote. Chorva! Ang gulong minsan nasa taas minsan nasa baba...

Jeremy
:
Eh kasi hindi ko marelate yung mosquito eh.

Warren
:
Walang relation ang mosquito!

Jeremy
:
Hinahanapan ko ng metaphor, wala ako maisip. Ispreyan na lang kaya kita ng Baygon jan ng manahimik ka!

Warren: Wala naman eh, kaya ka nga nagtitiis sa katol eh.

Jeremy: Leche!



~0~



Sa mga nakakaalam ng kahulugan ng quote ni Warren, parang awa mo na, isend mo ang salmong tugunan para maibsan ang paghihirap ng aking kautakan sa pagtuklas ng implikasyon nito sa ating buhay, sa ekonomiya, at sa mga pangyayari sa mundo.

Ang mga masamang nakaraan na lumilipad sa iyong isip ay parang lamok na nangungulit at dumadapo sa iyong katawan. Kung hahayaan mo lang, makakagat ka nito, maaring mamantal lang, magkasugat ka, o di kaya'y magkasakit ka, o mamatay kung sakaling may sakit na dala ang mga ito. Kung di pupuksain kaagad, ikaw lamang ang mapapahamak.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips