Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Food. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Food. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Abril 21, 2013

Tinola

Walang komento:


Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya. Nagluto ang ate ng manok na tinola, sabi sa karoling. Pero ewan ko ba bakit sabi ng mga bata eh manok AT tinola. Dalawa dalawang main course? Party? Sushal? choz

Di ka Pinoy kung di mo alam ang tinola, traditional Pinoy dish yata to. Karaniwang niluluto ang manok kasama ng hilaw na papaya at dahon ng sili. Pero may variation din na ang gamit ay sayote at dahon ng malunggay. Actually mas bet ko ang papaya kasi feeling ko madagta pa rin ang sayote. Anong sahog ba gusto mo, sayote o papaya?

Na-namedrop din ang tinola sa Noli me Tangere. Sa Hapunan, habang kinakain nila Ibarra et al ang hita, dibdib, atay, at balunbalunan, naiwan kay Padre Damaso ang leeg at pakpak. Syempre imbey ang prayle kaya tiis na lang sya sa dinurog na upo at sabaw. I'm sure nabanggit din ang somewhere na merong naglalagay ng dahon ng lotus sa inihahaing tinola. Or somethang to that effect. May paniniwala kasi sila na ang mga dahon ng lotus ay nakakapagpalimot.  Baka nakain ko ang tinolang may lotus. Or talagang di ko nagets ang Noli. Kebs.



~0~


Najanine Tugonon ka na ba?

May bagong salitang biglang pumasok sa radar ng Pinoy vocabulary, Janine Tugonon. Di sya katulad ng "iDawn Zulueta mo ako" na pasweet at paPBBTeens ang effect. Malala ito. I know I'm a bit late sa balita pero ngayon ko lang tlga pinagtuunang pansin ang issue na to. Akala ko joke lang nung una pero totoo pala.

Mga Martes nung mag-ere sa KrisTV ang guesting ni Janine Tugonon at jowang Jaypee something. May cooking section kung saan nagluluto si Janine ng tinola na parang di matapos tapos sa paghahalo ng mga sangkap. Ewan ko pero parang awang awa ako sa pagkamarder ng manok at sayote. Heniweys, so ayun nga iniinnerview ni Kris at Sweet ang magjowa at wala pang 10 seconds, umamin ang Janine na they're "not in good terms."

Nameet daw kasi ng malanding hitad ang vocalist ng The Script sa concert nito just recently sa Manila. At dahil crush nya, walang kaabug abog na inadd kaagad sa Twitter. Nagfollowback naman si The Script (tlgang yanlang tawag ko sa kanya eh di ko naman tlga alam name nya). At dun na nagpalitan ng landian, I mean direct messages. Wala man lang pagpapademure, ayaw ni Maria Clara ng ganyan.

At dahil jan kaya sila naguesting sa KrisTV. Break na sila nung jowa nya. At may-I-announce pa in national TV including ang mga televiewers natin jan sa buong mundo via TFC. As in walang awa si teh. Di lang nya pinahiya yung tao, dinurog pa ang pagkatao nya na parang upo ni Padre Damaso. At di mo mababakas sa mukha nya yung awa. As in straight face, "were not in good terms." Pati naman si Kris inuusisa pa. Parang gusto ko icut muna to. YOU DON'T DO THAT TO ME! Ano to parang Face 2 Face lang? Mabuti na lang andun si Sweet para naman slightly mapagtanggol ang side ni kuya. Pero kulang pa rin yon sa kabalahuraan ni Kris at Janine.

Najanine Tugonon ka na ba? Masakit ba? Wag magluto ng tinola. May nagbreak na dito. Unless may dahon ng lotus of course. Si Boy Logro nga di nagluluto ng tinola eh, si Kris pa tlga?!


____________________
Photo by jb_baker via Flickr.

Linggo, Marso 31, 2013

Mango Rambo

Walang komento:
May tirang cream cheese sila mama na ginamit sa Christmas season na handa. Isang pack na lang natira at irereserve nila for future recipes. The rest kasi ginamit na topping sa carrot cakes ni mama. Infernezz mabenta ang carrot cake nya. Ewan ko nga lang bakit sabi ng iba dapat light color ang carrot cake. That's like racial discrimation... sa cake, I know. Eh ano kung maraming cinnamon, vanilla at  molasses yung recipe nya? Basta masarap sya hahah.

Anyway, tiningnan ko yung pack ng cream cheese and voila, expired na sya nung February pa. Parang nagbabalik sa aking alaala yung nakaain kong expired na salad dressing. "Mejo, maasim nga lang sya," sabi sakin ng flashback. Eh masarap nga naman yung pesto-ish flavor na yun. Di naman nasira tyan ko dun. Malay mo mejo maasim lang din tong expired cream cheese.

Mygass, Philadelphia pa naman ang brand, keh mahal nyan. Bilang practical na ina, inisip nyang gamitin pa rin ito sa isang recipe. Di naman siguro masama yung mga one month old expired cream cheese di ba? Di naman siguro sasakit ang tyan namin? Well, baka makatulong pa yon sa consti ko choz.

Well, ang plan eh gumawa ng cake na may cream cheese na icing with mangoes daw. Naisip ko kagad parang Mango Bravo from Conti's. Pero sushal masyado yun, di pang masa sa taas ng layers ng wafer at mousse. Eh base cake lang namin eh chiffon. Di ko naman favorite ang chiffon, kasi parang mamon lang. Parang puro hangin lang, parang yung projuicer-host lang sa isang variety show choz. Sabi nila lalagyan daw ng pinch of lemon... converted into cheaper version nya na kalamansi. After hatiin sa two layers ang cake, pinalamanan ng cream cheese. Pinagpatong at nilapatan ng top layer ng icing. Syempre di sya mango cake kung walang sliced mangoes. Voila! Mango Rambo cake.

At di naman nasira ang tyan ko. The cake itself is soft and fluffy, the filling and frosting a mixture of sweet and sour, and the mangoes cool enough as it melts on the tongue. Perfect for the summer. Urteh. Sana may reenactment. Pero next time sana di na expired yung frosting para mas yameee.


Sabado, Setyembre 24, 2011

Layshu!

Walang komento:
Hang Them High by edgar j. ediza via Flickr.
Narito ang puso ko


Mangita ta sa Sugbu
(Unabridged version)
08.19-21.11

Nag-umpisa ang lahat sa aking pamimilit kay Arvy na gumora ako sa kanila sa Cebu. Mag-iisang taon na pala sya dun, like last year lang eh palagi ko syang kasama magbijowke sa Cubao tapos Wensha at biglang all of a sudden naitapon sya sa Cebu. And now ako naman ang dadalaw sa kanya (parang preso lang choz).

So naghanap ako ng cheapest airfare na magsasakay sa akin papuntang Cebu sa loob ng tatlong linggong preparation lang. Josko pag ganyan pala katight ng time eh cheapest na ang 999 one way. So ayun hinanap ko pa ang Zest Air sa Makati, tumakas pa ako sa office at nagpakaligaw sa may bandang Bangkal yata. Feeling ko papunta na akong Pasay kakalakad, ayun mahal pa rin naman ang ticket. Walang consolation prize na discount or pampasada showcase para man lang maawardan ang aking pag-eeffort!

At dumating din ang flight date ko. Madali namang nafile ang VL ko kasi most of the time pag midmonth eh petix ako. Magtitipid lang sana ako papuntang airport sa pamamagitan ng pagbabus to Baclaran at jeep somewhere sa area na yun pero pinangunahan ako ng takot na baka maligaw lang ako, malate, maholdap, or worse, magutom! Heniweys nagtaxi na ako from bahay, sabi ko lang sa driver "manong domestic po!" with an air of confidence pa yun aztif matagal ko nang ginagawa yun. Pero wag ka, pagdating ng Parañaque biglang Q&A ni manong driver "bago o luma?" Nawindang ako. Meron palang ganon?! Aba malay ko naman jan. Basta sa domestic po. Iniisa isa pa talaga ni manong driver yung mga airlines para matunton ang tamang airport ko, sa Zestair po!

First time ever ko sumakay ng plane. I know natanga tanga ako, mabuti na nga lang at mabait ang mga tao don, kung nasa government office ako eh baka minura mura na ako ng mga staff dabah. Sa sobrang shock ko sa first time eh di ako masyadong nag observe, para di naman ako magmukhang noob. Josko sa dami ng katangahan kong ginawa sa airport eh ewan ko na lang ba kung di pa ako obvious. Sabi ni Ezz eh parang sumasakay lang daw sa Space Shuttle ang pagsakay sa plane, naiskerd ako pero di naman pala ganong kaskeyri. Mas skeyri pa imaginine yung mga napanood mong aircrash investigation chorvaness at Final Destination.

Nakarating ako pasado alas diez sa Mactan. From there siguro 30-45 minutes ang byahe pa papuntang Mabolo sa Cebu. Yung apartment na tinirhan ni Arvy eh may hotel sa kanto, pinatandaan nya sakin yung place para kung sakaling maligaw ako eh alam ko san babalik. Castlepeak, pero dapat ganito sya ipronounce, Casolpeek. Naabutan ko sa bahay ang ilang housemates na sila Wendell at Lady, andun din si Kel na nameet ko na wayback 2009 papuntang Galera. Wala sa bahay ang Joross dahil lumipad pala papuntang Davao karay karay ang jowa para magcelebrate ng birthday at magfireworks.

Nagkuru kuro pa sila saan daw dapat ako itour. Naririnig kong binabanggit nilang place eh Guadalupe, Ayala at Shangrila. Ano yan, pinapunta nila akong Cebu para gumora sa Makati?! Bakit di na lang kaya sa Buendia or Magallanes tayo pumunta?! Kalurks same name lang pala. Bago gumora eh nakiinnernets pa ako, sa di maipaliwanag na pangyayari eh di ko maaccess ang yahoo mail ko. So worry worryhan ako, buset na buset na pala si Arvy. Akalain mo nga naman, pumunta akong Cebu para mag-ayos ng email?!

Kumulang kulang isang taon na rin si Arvy sa Cebu. Umalis sya one month before his birthday. Di man lang ako nalibre kaya oras na nang pagtutuos. Nagsasalita na rin sya ng Cebuano. Oh dabah andami na nyang alam na languages: Filipino, English, Nihonggo (sukoshi), Ilokano (dijay ti banger), Bikol (pabakal tabe?) at heto nga Cebuano. Gusto ko rin naman matuto magsalita ng Bisaya pero gusto ko Ilongggo, para mas sweet daw choz. Nagpaturo pa ako ng ititweet. Ano ba sa Cebuano ang "kitakits sa Cebu." Sabi nya ilagay ko "Mangita ta sa Sugbu." Tweeted. Tama ba yan? Ibig sabihin pala noon "hanapin natin sa Cebu." Buset, buti na lang nagbuckle ako sa pagtitweet. Expression daw ng mga Cebuano ang "oy" na parang equivalent sa Tagalog at coniotic ng "eh" na wala naman talagang meaning. Meron ding bekinese ang mga Cebuano, at ayon sa claim nila eh mas mahirap daw ang Tagalog version. Sa tagalog bekimon kasi magulo ang etymolgy na may hugot sa Japanese, English, at Ngongo. Sa cebuano bekimon binabaligtad lang daw nila ang words. Like the word sosyal. Sa tagalog bekimon shala. Sa cebuano bekimon layshu. Ewan ko pano naging baligtad yan basta yan ang term nila. Layshu!

Mejo confusing pano magtravel sa Cebu. Pwede mo namang ijeep yung most of the way pero kelangan may lakad involved dahil may certain routes lang na dadaanan. At di uso ang karatula sa mga jeep like Pasig-Quiapo or Stop n Shop-Cubao-SSS Village Marikina. Sa kanila nakalagay lang 4A or 16B. Kelangan alam mo kung san papunta yan. Or else magboboxi ka, which is madalas naming ginawa para mabawasan ang pag-aalay lakad. Sa isang jeep buong pagmamalaki ni Arvy sakin:

ARVY: Oy wag ka, tinanong ako ni manong driver kung estudyante daw ba.

ATHAN: Kung ikaw estudyante eh pano pa ako nyan? Pupil?

ARVY: Pupil?! Akala yan yung nasa mata.

ATHAN: Eh kung sikmuraan kita sa mata jan?

First day eh pinatikim na sakin ni Arvy ang lechong Cebu. Gumora kami sa CnT na dinudumog ng mga tao dahil sa sikat nilang lechon. Kaso sobrang dumog ng mga tao eh lumipat na lang kami ng location sa SM branch. 300 php din sya per kilo ata, bumili pa si Arvy ng puso na parang rice lang na nakabalot sa dahon ng saging or something at parang lasang niluto sya sa kahoy dahil sa parang mala usok na lasa. Naghanap ako ng utensils yah know like spoon and fork pero wala. Ang binigay sakin plastic. Apparently ganito ang pagkain sa Cebu, magkakamay ka pero may lamination involved. Di pa naman ako sanay magkamay, wala ba talagang spork man lang or chopsticks?

Right after lumafang eh inexplore muna namin ang SM Cebu, hondoming taong sumashopping ha at infernezz walang namamaril ng kapwa shoppers. Mukha rin silang Tagalog, iba nga lang ang salita hahah. Iniisip din nila sakin mukha akong Bisaya iba lang ang salita. May mga nanghihila pa sakin, binebentahan yata ako ng credit card o bahay at lupa. Di ko alam, or baka minumura na ako. Then ang IT Park kung saan sya nagtatrabaho, right across ng gate eh meron akong nasight na casol or cathedral, Pagcor lang pala. First day ko pa lang sa Cebu eh inulan na kagad kami. Third pitstop ang Ayala, na mukhang Ayala malls daito sa Manila, like may elements sya ng kisame ng Glorietta, at ng open area sa Greenbelt 3 at gardens ng Trinoma, at a little bit din yata ng Landmark. Fourth pitstop ang Sto. Nino Church, kung saan nagwish ako sa Golden Sto. Nino na dinudumog ng wishers ha. Prayer for world peace naman yon choz. Katabi lang nun ang Magellan's Cross na parang wala lang kasi mas majestic sya sa postcards. Sana naging postcard na lang sya. Next stop ang Fort San Pedro, na parang mini Fort Santiago, azzin enclosed syang fort na parang triangular ang shape. Next pitstop for the day ang Cebu heritage na parang sculptures na nakahambalang ang parke sa gitna ng kalsada. Bago pa umuwi eh naghanap pa kami across Cebu ng mabibilhan ng cheesecake panggift daw. Red Ribbon, Goldilocks, Breadtalk, Starbucks, pati Sbarro pinasok namin pero wala kaming nakitang cheesecake na swak sa budget. Last resort naming nadaanan ang Dessert Factory at wala nang patumpik tumpik na binili ni Arvy ang isang kahon. Bumorlogz na kami after mamaltos ang paa ko kakalakad.

Kinaumagahan tinamad pa akong magkikilos. Nanonood sila ng Myx sa TV nang biglang namangha ako sa music video ni Ely Buendia sa 20/20. Naglalakad sya sa pinakamatatraffic na kakalsadahan ng Maynila at walang sasakyang dumadaan pramis! Atzif nagrapture na at inuna ni Lord ang mga trapikero. Gusto ni Love Añover ng ganyan. Habang manghang mangha kami ni Arvy eh parang walang konek ang video sa mga housemates. Di pa kasi sila nakatapak ng Manila.Pag tinanong nga kami san ba magandang mamasyal sa Manila, clueless ako kung saan ko sila ituturo. Intramuros? Fort Santiago? Nayong Pilipino? That is so elementary field trip. NKKLK yung isang officemate ni Arvy na si Star. Nagpabook daw ng travel to Enchanted Kingdom, with hotel accommodations na daw yun for three days. Pero ang gustong tamblingan after ng booking eh sa Bulacan. Oh dabah ginawa lang nyang piko ang Slex-Edsa-Nlex.

Agenda for day 2 eh ang pakikibirthday ako kay Lady, boodle fight daw. Ang sarap pala ng Battle of Mactan, may kilawin, sugba, mangga at kung anu ano pa yumyum. Dala namin ang blueberry cheesecake from Dessert Factory, na sobrang makacream cheese sa kapal. Favorite cake daw yun ni Lady kahit never pa nyang natikman, weird lang ano. Parang sinabi kong favorite vacation spot ko ang Paris kahit never pa akong nakalabas ng Pinas. Di ko lang alam kung magandang experience yun kay Lady dahil di naman kasarapan masyado ang cheesecake na yun.

Then tambling kami to Mactan ulet para makita ko yung real life Battle of Mactan site hindi yung boodle fight. Katabi lang pala non ang sutukil na akala ko eh bisayang version lang ng shoot to kill pero sabi ng aking source eh abbreviation daw yan ng sugba-tulaw-kilaw. Di ko naman natikman yon dahil busog pa. Then miming na sa Portofino... errr kaso lang nabuset kami dahil nawalan kami ng gana sa place dahil andaming mga tao eh napilitan kaming magchange location.

Tambling kami via habal habal, which is a local term (term daw oh?!) sa may-I-angkas-to-the-motor. Naiskerd talaga ako pero di ko naman naipahalata dahil maayos naman ang pagkapit ko kay kuya. Siguro lang talagang hindi ko pastlife ang pagfa-5-6 choz. Bigla namang nagalit ang kalangitan at umulan, kehlalaki ng patak at ang sakit tumama sa mukha at sa skin, dahil na rin siguro sa epekto ng pagspeed up sa habal habal. Wala man lang kasing helmet. Akala ko nga uso ang hailstorm sa Cebu eh. Lalo akong natakot, naisip ko na lang na buti dala ko yung Maxicare ko para kung sakaling madisgrasya ako eh may sasalo hahah.
Josko kung may mangyayari man sa akin, sana lang eh may accredited na hospital na malapit or papatuloy ko nang mategi ako choz.
Mas layshu ang nalipatan namin sa tumataginting na 750 per pax inclusive ng buffet. Whitesands ang name ng place, although di naman talaga white sands sila dahil di mo maaatim na lumublob sa tubig dahil sa taglay nitong lumot at unknown living organisms. Sa 4 feet pool ka na lang talaga magsiswim swiman. Pagkarating sa place eh hinabol ko talagang makapagbuffet, kasi naman hanggang 1:30 lang. Sinulit talaga, that is so deadhungry of me like an Animal Planet, considering kakakain ko lang nyan sa Boodle fight ha. Nagtataka lang ako bakit andaming Korean sa lugar na yun, although napansin ko naman sa kalakhang Cebu eh merong Korean here and there, dito talaga andami nila. Parang invasion na. Dapat ang motto ng tourism natin: Pilipinas Kay Ganda: South East Korea! I've heard na nag-aaral ng English sa pinas yang mga kimching yan dahil mas mura ang cost of living dito at nakakapaglamyerda pa sila. Ang pinakanakakabuset nilang ginawa eh hinoard na nila ang jacuzzi. Di tuloy kami makapagnyiknyuran don gamit ang layshung underwater cam ni Arvy ang brand Fuji, akala ko nga Kodak.

After ng mimingan sa Mactan, dumaan kami sa isang salon para magpajupit ng nails si Arvy. Eh naisip ko kelangan ko na rin, pedicure lang kasi I'm skerd magpamanicure. Feeling ko paduduguin nila ang kamay ko. Gora kami sa Salon d' Orient, suki na daw don si Arvy. Dalawa lang ang crew that time. Yung isa kayod sa manicure at pedicure, dahil yung isa sa hair lang ata. May nauna sa aming majubang lola nangangamoy layshu. Mejo matagal ayusan si lola kasi umaarte pa sya at more kain muna ng meryenda kaya inuna muna si Arvy. Akala ko ako na ang next pero no, shift back kay lola. Nung di pa rin tapos kay lola, ako na yung sinervicean ni ate. Pero wait there's more singit si lola, andaming arte nya, yun pala pauwi na sya. Jirita! After ng pedicure, tinanong ako ni ate kung go daw ako sa kamot. Buti na lang naalala ko kamot pala is kamay, tiil ang paa.

Madaling araw eh nagpunta kami sa lugar na tawag nila eh Larshan na parang ihawan etc. Since wala akong ganang kumain eh nag isaw lang ako at puso, akswali mejo kaderder yung nakain kong isaw kasi ampait nya. Namiss ko tuloy yung Tusok fried isaw sa Cubao at yung isawan sa UP.

After non eh gora kami sa Mango na parang Cebuano version ng Malate. Pumasok kami sa Numero Doce bar na nag-iisang bex bar sa lugar. Dito ko pala makikita ang bex ng Cebu, pero parang wala akong masyadong bet, siguro di lang talaga ako pang ganitong nightouts. Heniweys, later nagyaya na si Arvy magbijowke. Syempre may tama na ako sa dalawang bote ng Gilbey's (hangweak) at ayun todo birit na ng mga anthems ko: Stitches and Burns, Himala, Before I Let You Go. Si Arvy ashushwal nagblast to the past ng 80s songs. Finale ang Boys Fall In Love. Shett asan ka na ba love? hahah. Last stop for the midnight ang massage spa, minus the extra service ahahah.

Last stops before ako umuwi sa Manila eh namili ng pasalubongs sa SM, imbes na gumora pa sa Shamrock na out of way pa. Nagmeryenda lang kami sandali sa Ayala at what do we have here... may unos na sa Cebu, baha kagad ang kakalsadahan. Dahil jan pati ang flight ko pabalik ng Manila eh nadelay, like 2 hours late.

It was nice seeing Cebu. Third island ko pa lang yan na natutuntungan sa tanang buhay ko, after Luzon and Mindoro. Maybe I'll visit again one time. I love you Cebu, thank you and good night! Concert?!

Akala ko makikita ko ang puso ko sa Cebu, yun pala kanin lang.

Biyernes, Hulyo 22, 2011

Punjeta?!

Walang komento:
(O kung paano naging epic fail ang aking planong magpaliit ng tyan)


 
Photo by stoicsushi via Flickr.
Rice, rice go away
Come again another day.





NASH:
Anong nangyari sa tyan mo?

ATHAN: Kain ng kain eh. Panget ba?

NASH: Sobrang off kaya!

Grabe, matatanggap ko naman siguro kung sabihan akong panget ako, pero kung sabihan naman akong sobrang panget eh nakakahurt na yun talaga ng feeling ha! choz. Lately (quantitatively equivalent to 7 months or so) naging abnormally large ang aking abdominal area causing quite a growing concern sa friends, Romans and contrymen. Ewan ko ba pero parang issue sya na mas malala pa sa tumataas na presyo ng bilihin at world peace. Tinatakot ako ni Chris dahil baka daw inflammation ng pancreas na daw ito at kelangan ko na isangguni sa espesyalista. Pero I thought makukuha sya sa pagdyedyeta lang. I was wrong, so so wrong, the most wrongest.

Nagtry ako ngunit nabigo, well... first week pa lang naman. As of now, minus rice muna ako, not completely yah know pero I'm starting. A journey of a thousand carbs starts with one rice ika nga. Ewan ko ba pag sa bahay parang sinasaniban ang kamay ko na tumakal ng tumakal sa kaldero kahit di ko naman talaga kaya, as if mauubos ko pero pinipilit ko na lang dahil masarap sya, at worried ako sa mga nagugutom na batang Pinoy na pinoproxyhan ko na lang. And now I'm down to one rice, yes itinago ko na ang extra rice cooker pramis!

Pero what's this what's this?! What's the meaning of this?! Kahit bawasan ko ang rice parang inooffset ko naman sa other meals yah know. Like the other day pumasta ako, then pizza, then pancit, then borjer, then popcorn, then Sultana (yah know yung biskwit na may pasas daw pero di ko naman masyadong nadama ang kapasasan). So there, for week one fail ako. Ayheytit! Di bale, pag pumayat ako... maglalaway kayo. Choz, atzif papayat pa ako. ahuhuh

Martes, Hulyo 5, 2011

Slice

Walang komento:
Photo by Some Artist via Flickr.

Hindi lahat ng birthday happy. Minsan sad, minsan hyper, minsan angry, minsan surprising, minsan excited, minsan pre-empted, minsan postponed, at minsan emo. Pero ginigreet pa rin natin ito ng Happy Birthday no no matter what.
Nung isang araw sinabihan ako ni Jheck na magskip na lang daw muna ako ng birthday. Ano yan parang leap year? Kulang kulang ang drama? Well... siguro nga pwede pero di naman ako Februarian hahah. Sabi ko 'No!' Haharapin ko ang taong ito ng walang takot, pag-aalinlangan at pangamba. Dahil yah know nataningan na kaya ako, borderline na ako sa next age group, borderline na sa letrang N sa bingohan.
But it's ok. Age is just a number. At hindi mo naman masusukat ang edad ng isang tao sa isang araw lamang sa buhay nya kundi sa isang buong taong nagdaan. Ok nga naman kasi nagkaron ako ng pagkakataong tumanga at matuto, masaktan at maghilom. So kung tatanungin mo ako kung kamusta naman ang nagdaang taon sa akin, batiin mo na lang ako... happy ako. Happy sa mga opportunities na nag-open up, swerte talaga ang Rabbit sa akin. Happy sa mga friends na anjan para bulabugin ang buhay ko para patawanin ako at pasayahin. Happy sa inspirasyon na nanjan lang sa tabi tabi. Para sa marami pang taon ng pagtanga at pagkarapa, ng pagkatuto at paghilom.
Happy birthday to me.

Biyernes, Abril 8, 2011

Aloe Der!

Walang komento:
 
Photo by magnummavis via Flickr.


First day jitters

04.08.11


Nakakatakot ang first time. Parang berjin lang, touched for the very perstaym ha. Parang naalala ko pa yung unang araw sa kinder, yung unang araw na mag-uuwi ka ng card na may line of 7 sa Filipino, yung unang araw na magbayo ka, yung unang araw ng board exams, yung unang araw sa work... in any work. Kasi naman may suspense na sino kaya ang makakatrabaho ko, mababait ba sila, may bettable ba, may PC kaya sa station ko, sana hindi nakablock ang Facebook at Twitter, sana mura ang food sa canteen. Mga ganong concerns.

First day ko sa Ashenshur April 8 for the New Joiner Orientation. Ewan ko ba bakit Friday nila inisched. Nagworry talaga ako kasi baka mawala na sa akin ang weekends kong mahal. Apparently naisched lang kami dahil sa squeezed orientation for 1 day dahil sa Monday isasabak na daw kami sa client site.

Infernezz early ako nakarating sa office. Almost full na ang room kaya sa backrow na ako umupo at para hindi rin grand entrance. Iniscan ko ang mga future officemates ko... hmmm... isa lang masasabi ko: walang office romance for me. Choz!

Si Karen Mendilla ang speaker namin na parang female version ni Japoy as in singkit at chubby na lalagyan mo lang ng ponytail at nunal sa right side ng lips. First name basis ang peg kaya go lang sa Karen, nasaan si Gina? More on about the company at policies ang discussion, general topics lang walang work specific. At least alam ko na na accent on the future pala ang etymology nila. As if magagamit ko yan kapag sumasakay ng jeep or namimili sa palengke or sa kung ano mang aspeto ng buhay dabah? Choz!

Hondoming free food para sa NJOs. Nakalagay sa plastic version ng styro food packs (di ko alam ang tawag don eh), at pagbukas mo voila: random foodstuffs. For breakfast merong pandesal and pancakes and sandwiches with raspberry tea kapakner. For lunch merong chix and pork and fish fillets with rootbeer na kapakner. For snack merong carbonara and pancit and ginataan with strawberry aloevera drinks. Parang roleta lang sa pagkuha ng food, at sa sobrang dami eh talagang mabubusog ka! Umover pa nga ako dun, muntik masira ang tyan ko. Napigilan ko lang talaga. Feeling ko yung aloevera yun eh buset na yan.

Natapos kami around 5PM. The good news is may Saturdays and Sundays pa rin ako, the bad thing is wala nang puyatan ng Sundays with my friends na may pangkatulong Sun-Mon off. The good thing is morning shift 8-5 ako, the bad thing is forced na mag-business attire kami everyday. The good news is sa Ayala ako mag-ooffice dahil makikita ko na naman ang beautiful people of Ayala kaway tayo jan! The bad news is malayo sya sa Pioneer na isang sakay lang sana. At hello Jollijeep ulet.

At bawal nga pala ang phone, mp3 players at flash drives sa site at blocked din ang Twitter and Facebook. For nine hours para lang akong bilanggo sa hi-tech na kweba. Ahuhuh. Ipagnonovena ko na lang na sana mareverse ang kautusang ito. Choz!

And did I mention wag kayong magtangkang uminom nung Aloe na juice drink?

Martes, Marso 22, 2011

Fairly Oddparents?!

Walang komento:

Cosmo at Wanda

03.15.11

Nagsetup ng mini movie marathon sa unit ni Chris sa Citihomes aka the Lonely Chair Apartment (dahil sa lonely chair sa may sulok malapit sa CR). Ang kitakits sa Jabee sa Boni around 4PM. Nalate lang ako ng konti eh nanggagalaiti na ang Bash. Nakapink sya that time at ako naman green, parang fumfairly oddparents lang. Sya na si Wanda at ako naman Cosmo. Si Chris na lang ang designated Timmy Turner, while si Ef ang designated nagmamalditang babysitter na si Vicky.

Since wala pa si Vicky eh kaming dalawa lang ni Wanda ang umattack kaagad sa Citihomes. Pagdating sa gate may-i-harang si manang laguardia at pinapalog-in kami sa slumbook nya para mamonitor daw ang entrances and exits. Eh wala namang ganitong drama before?! Phone in question

LAGUARDIA: Wer u pfouh?!

WANDA: Sa third floor teh.

LAGUARDIA: Ahhh sa C! Sa C! C!!!

WANDA: Espanyola ka teh?!

COSMO: (Nabibingi?!)

LAGUARDIA: Si! Si! Si!!! Kay madam! Kay madam! Kay madam!

WANDA: Madam na kagad, eh di pa nga tumatakbo sa congreso.

COSMO: Hindi, sa fourth floor po.

Nako parang nag-adik sa snowbear si manang. Pero infernezz kabisado nya ang floorplans at units ng lahat ng buildings yata dito. Alam nya kung sino ang sino at kung san nanggaling at san patungo ang mga sino. Dinedescribe pa ni manang yung mga tao sa unit D418 eh sabi ko nga sa D417 kami, pero alam nya din na galing sa kabilang building sila Timmy. Pinaakyat nya rin kami later sa unit, pero kelangan kumaway pa kami sa kanya bago pumasok.

Binulabog na naman namin ang LCA. Watch watch muna ng ilang palabas sa TV bago magstart. Nagpasundo pa ang Ef sa may Jabee kaya inabot na rin kami ng 6pm bago tuluyang magstart. Dim lights kami while watching, three sa long sofa at si Chris dun sa slightly detached sofa. Of course si lonely chair mag-isa sa sulok.

First movie ang One More Chance ni Popoy at Basha. I'm so sorry pero first time ko pa lang talaga panoorin to. Feel na feel ni Wanda ang pagwatch while kami ni Vicky jinojowk time lang namin yung ilang eksena, imbyerna tuloy ang Wanda. Di natapos ang movie nang hindi namention ni JLC ang Biogesic at least once sa pelikulang ito. Although di ako humagulhol sa panonood nacutean naman ako sa story at sa mga eksena at nafeel ko rin naman somewhere deep within ang drama. SANAY TAYO NA LANG, SANA TAYO NA LANG ULET. Umuulan ng mga quotable emotes itong movie na to. SINGLE BUT HAPPY. Sana lang kaya mo panindigan ang mga linyang yan kapag kinoquote mo dabah. ALAM MO BA ANG THREE MONTH RULE?! Wala naman ganyan sa guidebook ko. Clap clap ako sa casting at acting. Panalo din sa epek si Maja, parang Juris ang itsura nya ha pero Roselle Nava ang drama sa pagka-martyr queen.

Dinner intermission muna sa RJ Bulalohan. Ewan ko ba bakit sa dinami dami ng kulay ng toyo and patis shakers nila eh kulay pink and green din?! Ano to sinadya?! O baka totoong Cosmo and Wanda yan in disguise. Choz! Habang umoorder kami at nagtatanungan kung anong kakainin namin eh biglang sinapian na ang Wanda. Di na sumasagot. Di na makausap ng maayos. May sumpong na naman. Kairita lang. Well, dinedma na lang namin at umorder na kami ng bulalo, tawilis, at ensaladang talong. Sa paligid ligid ay daming tao, imbes na ang mga eyes namin eh nakapako sa plato namin eh kung saan saang direksyon ito naglipana, sa kabilang table na may mga bagets, o dun sa kuyang bet sa katapat, o dun sa magjowa yata at mukhang mas mayaman yung isa (dahil di sya masyadong pinagpala ng ganja). Pati yung anak ng may-ari ng bulalohan bet, si Jaynard. Pag kumain kayo dito just look for him. Extra rice na lang oorderin nyo. Choz!

Before returning sa LCA eh nagdetour muna kami papuntang Barangka sa Boni, dahil talamak dun ang mga may itsura kaya kahit sandali sana ay makapagsight seeing kami hahah. Pero ang Wanda nagrereklamo na naman, keh arte arte at ayaw na maglakad. Napanood mo na ba ang House Bunny?! Homg, di ko rin alam ang movie na yon pero ang Wanda parang di makapaniwala na di namin knows ang pelikulang yon. Kung ano man sya, si Wanda na lang ang makakapagsabi. Choz! Nagdessert muna kami ng icecreams sa isang icecream shop along Boni. Iba iba ng flavors dahil di kami magkakasundo sa taste kung isang galon lang oorderin namin. Nagjeep na lang kami pabalik kasi present pa rin si Bernadette Sembrano.

Bumaba kami ulet sa may Jabee dahil walang direktang way sa Citihomes, more lakad lang ang tanging daan. Patawid na sana kami nang mag-Linda Blair si Timmy sa nakitang kuya nya. Hindi mapakali at cross back kami sa Jabee at sinundan sa loob. Umorder pa kunwari ng sundae eh kakakain lang namin ng ice cream. Paglabas namin andun pa rin si kuya inaabangan ata kami. Balak pa atang isama ni Timmy samin si kuya. Sa totoo lang natakot kami ni Wanda sa mga balak niya kaya tumawid na uli kami para iwan sila. Paglingon namin poof, nalapitan na si kuya para kunan ng number. May puntong bisaya daw si kuya kasi nung kinuha yung number ang sabi ba naman "zero nine one sibin" pagparing nila ng phone sabi ni ateng operada "sorry that number is unattended right now." Buti na lang wrong number hahah.

Sa continuation ng aming movie marathon, ang isinalang namin, due to insisteng public demand daw ohh, eh Serbis ni Coco Martin. Bathhouse sana ang papanoorin namin pero naumay sila nang makita si Rey Pumaloy sa eksena while naglilitanya ng "sa dilim ako ang reyna" or something like that. Kaderder lang. Serbis naman eh naexcite ako dahil andun si Jacklyn Jose and her underacting monotone emotions hahah. Ang ganda sana ng camera nilang gamit kasi napakalinaw kaso masyadong shaky dahil hand carried yata sya all the time. Parang Blair Witch lang, skeri ba tong film na to?  Hindi ba uso ang tripod? Well, kung tititigan mo ang mukap kanila miss Jacklyn at Gina Pareño eh maiisip mong skeri nga tong pelikulang to dahil pilit na pilit silang pinaitim lang. May eksena si Coco na nakipagjerjer dun kay Nita Negrita. May pagslowmo effect pa kami para makita yung junjun nya, na mukhang fake at naman. May isa pang eksena ng best acting by a dragonessa in a nonsimulated BJ role, second award lang sya kay Chloe Sevigny sa The Brown Bunny. After ng mga eksenang yan saka pa lang pauwi si Wanda. So inistop na namin ang pagwawatch. *Change disk

Ngayong wala na si Wanda eh sa wakas makakapanood namin ang In My Life na ayaw ireplay ng Wanda. Mejo confusing pala ano kung papanoorin mo si JLC sa One More Chance na otoko tapos biglang magiging beki sa sunod na film. Parang biglang gusto mo sabihing "inay, jumajohnlloyd po ako and it's not a phase so deal with it." Choz! Nakakaloka lang sa lahat ng magiging pangalan ng character nya sa film na eto eh yung nemsung na parang gusto ko muna imute sa utak (sa utak lang ba?) ko right now. At ang nakakabuset eh kelangang ulit ulitin ni Vicky ang name nya all throughout the movie. Paulet ulet? Market market? In contrast, magkabaligtad talaga sila Miss Jacklyn at Ate Vi ng diskarte sa pag-acting ha pero winner pa rin dahil naitatawid nila ang emosyon sa mga televiewers.

At biglang nagpop-out na naman sa utak ko si Coco Martin at ang kanyang seemingly fake na notnot. LAHAT TALAGA NAKAMOVE ON NA, IKAW NA LANG HINDI! Choz!

Sabado, Enero 8, 2011

Eat. Drink. Blog.

Walang komento:
 
Ladybug Bento by luckysundae via Flickr.
Go, grow, glow ka sa iskargu.
Pero bet ko yung bento ng Teriyaki Boy.
Like complete sya from A-Zinc.


Sa sobrang kabusyhan ko these past days, weeks, months, daylights, sunsets, midnights, and cups of coffee or so eh nakalimutan ko na ang feeling ng nagbablog. Choz! Tinamad lang ako. Akswali naging busy pa nga ako spending time with food. Minsan si Twister Fries, minsan si Rockin Ruby, minsan si Bread Pan, minsan si free ice tea sa pantry, minsan si pandesal may palaman man o wala, minsan si lugaw with egg at tokwa, at minsan si chips at Tanduay Ice. Madalas ang mga lutong ulam ni Aling Manang na litung lito na rin sa ginawa nyang Sinigang at Nilaga.

Si food kasi di nya ako pinahihirapan. Di nya ako kayang saktan. Pinasasaya nya ako. Dinadamayan sa oras ng gutom at pighati. And I had many of those these past
days, weeks, months, daylights, sunsets, midnights, and cups of coffee or so.



Herson: May alam ka bang masayang kainan?

Jeremy: Masaya talaga? Kelangan ba may clown? hahah


Herson: Boring kasi mga kainan dito.

Jeremy: Ang hirap naman kasi ng qualifier mo. Kelangan masaya? Di ba pwedeng sapat lang na saya?

Herson: Kami ni Kat sukatan namin kung masaya o boring ang pagkain. Kung sapat lang pwede iescalate sa masaya.


Ewan ko ba jan sa makabagong criteria nila Son ng food tasting ha. Pero I'll try to give justice. Choz! Imbes na stars, ilalagay ko na lang kung masaya, boring o sapat lang.


~0~



Kabab Part 1
10.23.2010


Nagsimula ang lahat sa yayaan sa Cubao X, tambayan ng mga artsy peeps. Nagkita kami ni Elvin past 12 na yata. Di na kami umabot sa any drinking session dahil may liquor ba na that time for the local elections, though sila Jade umabot sa last minutes at umorder ng My Shirota, na may kahalong Yakult sa gin and/or vodka yata. Di ko sure kung matutuwa ka dahil malinis nga ang intestines mo eh sunog naman ang liver mo dabah. Ok ka ba talaga tyan? Ah-ma-ma-my-shirowtah!

Tumransfer daw kami sa F sabi ni Raf. F Salon ba ito? Malay ko ba kung parlorista si Raf. Choz! Sa Fahrenheit daw, isa sa mga alphabetical nest ng mga beki. Isang bar slash bathhouse yata na maraming dark spots kung san namumugad ang kati. Dapat jan gamitan na ng Canesten at Garnier, arte. Maraming di happy sa paggora dun kaya nagsipagstayan na lang kami sa isang grill named World Class Persian Kabab.

Naupo kami sa isang side dun sa bench na maraming pillows. Enter kagad si ateng may dalang menu. Nagsipag-orderan na, since I liked chicken go ako sa chicken shawarma sandwich which is actually shawarma lang din yun lang ang tawag nila.
Walang pakialaman. It's like my second time eating shawarma evarrr. Yung first time nilibre pa ako ni ate Maricel sa isang stall lang. Gusto ko sana kung galing Dubai pa yung shawarma pero baka mapanis daw. Choz! Pinakner ko ang green mango shake yogurt na akswali green mango shake lang na may more milk at less sugar. May Nido ba ito?! Choz! Kumain ng ox brain at pita bread si Jade, laway na laway ako sa totoo lang. Inabot pa kami til we saw the sunlight, tik tok on the clock. Kung di pa nag-almusal yung cast and crew eh di pa kami lalayas sa place.

Rating: Sapat to Masaya


 

Kabab Part 2
10.26.2010





Meron ding Kabab na mas malapit ng ilang kilometro  sakin, sa Pioneer lang, one ride lang. One time inendeavor kong lumamon uli don at tanging si Herson lang ang available sa nearness yah kaya sya na ang hinaltak ko. At first ayaw nyang itry dahil di sya fan ng Persian cuisine. Inikot muna namin ang Madison square pero hindi nagtutugma ang liking namin sa food like gusto nyang mag-longganisa eh hate ko yun. Until mapagod na kami magrounds sa square (yes round sya pero sa square talaga), napilitan syang pumersian finally. We had Biryani, chicken for me at beef kay Son. Yung meat soaked sa slightly spicy curry sauce.
May kasama ring chopped tomatoes at pipino. Pero bida dito ang kakaibang rice nila, mahahabang butil na yellow, almost noodle-ish sa tingin, at mas malaki pa ata sa Japanese variety. Mabigat din sya sa tyan.

After magpababa ng kinain pinilit ko ang Son na ituloy ang Mud Shake nomoan na matagal ko nang gustong itry, well not alone because that is just sad. Choz! Ginalugad namin kung san pwede makabili non, akswali sa Ministop at 7-Eleven lang naman pero nag-effort pa rin kami kahit papano. Nakabili kami ng tig-isang Mudshake worth 80 paysows. Ayaw magnomo ni Son dun mismo sa store. Ayaw din nya ako dalhin sa boarding house nya. Kaya ayun naglakad lakad kami kung san mapadpad while drinking Mudshake all the way. Akswali mejo mabilis makatama kung umaalog alog ang ulo mo while drinking, pero at least nagbeburn kami ng calorie at liver all the while.

 
Rating: Masaya


Elbertdey
11.13.2010


Ever since magkakasama pa kami sa CKC, si manong Bert na ang pinakakumikitang kabuhayan sa amin. Madami kasing rakets. Gamit na gamit nya ang kanyang lisensya, sumasaydlayn pa syang technician at full time zombie. Nung magkahiwa hiwalay kami ng working enviroment, sya pa rin ang di mareach. Shushal ang phone nyang Xperia, compared sa mga dukha naming Nokia at Eriksson. Ayaw daw nya mag iPhone dahil may some kinda techie stuff syang pinag-eekpleyn na di na namin naabsorb. 

So nung bumertdey sya eh kelangan bongga rin ang celeb. Ang invite eh sa dampa sa may Seaside daw. Nagkita kami ni Lei bandang alas siete sa MoA. Nahiya naman kaming walang gift kaya bumayla na lang kami ng White Forest then tambling na sa seaside area ng Moa. Biglang phone-in ni manong Bert kung asan na kami. Like we're there na already, san ba yan malapit... sa may Padi's point na kami. But no, look do we have here; sa may seaside Macapagal pala, mga tatlumpu't limang tambling sa kinatatayuan namin. Ok fine cab kami. Si manong driver di rin alam yung seaside Macapagal. Dinala lang talaga kami sa intersection ng Seaside at Macapagal, di man lang kami itinawid. Masabi lang na nakaflagdown na sya buset sya. So nilakad na lang namin across the street and across the bridge. Part dalampasigan na yata tong tinatahak namin, may umiihi pa sa tulay. Homg di na naawa sa mga isda. Choz! Sa kabilang side lang ng tulay ang dampa. Say it with me: KALSADA, TULAY, DAMPA! Again! KALSADA, TULAY, DAMPA! Faster! Faster! KALSADA, TULAY, DAMPA! KALSADA, TULAY, DAMPA! Very good!

Aling Tonya yung name nung kainan. Nailuto na kaagad yung mga orders nung dumating kami: seafood extravaganza ng crabs, calamares, lapu-lapu, sugpo, at talaba. Nilalantakan na rin yung food nung mga naunang sila Dex, Dyann, Rona, Athan, at jowang Ayla. Humabol lang si Ace na nakalaya pansamantala sa gapos ng gelpren slash tanod na umuwi sa Baguio. At since allergic pala sya sa seafood, pinagluto na lang sya ng sinigang na baboy. In fact tatlong kaserolang sinigang ang pinaluto for him.

Sa kabilang kainan may nagsushow na pares ng bekis. Nakakainis na sana dahil ang iingay nila at di naman nakakatawa. Pero mejo bumawi naman sila sa swan song nila ng magtry mag-impersonate si bakla ng iba't ibang songers to the tune of Hawak Kamay. Parang sumapi lang si Yeng, Jaya, Ogie, ate Glo, at Sto. Niño. Choz! After ng set nila, saka naman pasok ng magpeperform kay Aling Tonya: isang majubabs na ateng vocalist na nakabraids ang hair into cornrows; isang average looking ateng vocalist na may probinsyana accent kahit sumosong number; at isang kuyang pianist na nakaglasses na slightly matanda na kinda reminds me of the video of Whip It minus the goofy hat. Infernezz magaling si ateng Braidy. Kinda jazzy ang songs nila singing songs like White Flag ni Dido at Don't Know Why ni Norah Jones. At nashock din ako kasi nakanta nila ng maganda yung Suddenly nila ateng Olivia at kuya Cliff. Nainlove tuloy ako sa song na yun bigla. Tapos mamaya sumesenyas na si ateng Braidy at nagsha-charades on stage. Kung gusto ko daw ba jumammer with them. Syempre nahiya akong kumanta ng open mic. Pero gusto ko sana rumequest, since jazzy sila gusto ko iperform nila ang Oo ng Up Dharma Down. Pero I'm not sure kung tumatagalog songs sila kaya iniscratch ko na lang ang tissue.

Rating: Sapat


Banana Leaf
11.14.2010



Some sorta kinda first ever EB ito with Kiko. He invited us over for a lunch date, me and Jay, his sorta kinda crush before (ewan ko lang til now). While ako naman eh sorta kinda crush ko tong si Kikow, which never really happened kasi yah know mejo intimidating ang personality nya like he's so shala while kami ni Jay so poorita
(ewan ko lang kung til now poorita pa rin si Jay eh kumikitang kabuhayan sya sa work nya). Ang usapan sa Banana Leaf sa Powerplant, my first time ever din mapadpad sa area na yun. Hindi kasi sya accessible by public transpo, na ayon sa aking palagay ay jeep, bus at MRT/LRT lang. Although pampubliko ang taxi I don't consider it as a means of public transpo kasi sa lakas nila magcharge; at isama mo na rin ng mga trike at padyak na grabe rin tumaga ng price kapag di ka familiar sa place.

Heniweys, nag-usap na kaming magmeet ni Jay sa may Boni para sabay pumunta dun. Lunch nga di ba so nag-allow na ako ng one and a half hour travel time kahit pa malapit lang yung area via Makati Ave. Quarter to twelve nagtext na si Kikow na on the way na sya. Si Jay di pa rin nagpaparamdam kung asan na sya. So ayun nakatanga lang ako sa may sidewalk kung san kami magmimeet, all the while nagpapaLSS kay ateng Kesha. After ng isang oras saka lang namataan ang Jay, nagkaron daw kasi ng wardrobe malfunction. Kaloka gusto pa talbugan si Janet Jackson at Anne Curtis?!

Supah late na kami dumating sa Powerplant. Si Kikow more than an hour nang nag-aantay. Although yah know na shala sya eh di mo makikitaan ng yabang si Kikow, pero yah know may class talaga sya. Hindi rin sya yung ibang kilala ko jan na pretentious to the point mag-iimbento ng kwento kesyo nagboarding school DAW sya sa Oxford elementary while being a working student. Fumifeeling Sasarah Crewe?! Choz! Heniweys back to Kiks, eh mas madaldal pala sya sa pagkaka-aakala ko. Nasurprise pa sya na first time ko makarating sa Powerplant mall. Pinagwish nya pa ako dahil first time ko daw, ayyy ano to simbahan?! Ako rin kaya nasurprise na nasa Powerplant, after hearing all the tales na pagtitinginan ka ng mga tao pagpasok mo do don at duduruin ka while saying, "eeewww you're like owemgee you're so jologs."  Well wala namang ganung eksena talaga, so ayun nakalampas na ako sa nightmare level.

Go kami sa Banana Leaf as promised. Curry ang specialty ng resto na to. I ordered same as his, since alam na nya siguro ang bestseller, which was Malaysian Curry. Si Jay nagcurry pasta. Infernezz I loved the texture nung chicken saka yung curry sauce, although kinulang lang talaga ako sa kanin. Inexplain ni Kikow na isa ito sa mga favorite restos nila kasi affordable at nakakabusog talaga, like Recipes and Fish & Co. Oh dabah yung tips kung san merong budget meal eh sa kanya pa talaga galing. May alam din naman akong ibang cheap places pero not as classy as his choices yah know. Tipong carinderia lang na bukas sa lahat ng gustong kumain.

Rating: Sapat to Masaya


From Banchetto with Love
2010


Ever since nabalitaan ko tong Banchetto, yah know yung night market ng food stalls along Emerald Ave sa may bandang Ortigas, eh nahook talaga ako for a time. Every Friday lang to kaya I set my weeks ahead na no Bubble Gang muna for me para lang makagora dito. Dito ko rin kasi kameet most friends na nasa callboy industry since bababa lang sila ng building eh Banchetto na.

Bestseller dito yung supah thick burger patty. Minsan wala pang ala una ng madaling araw eh soldout na sila, iluluto na lang. Favorite ko dito yung chicken kebab, minsan sinasamahan ko ng fried rice. Yung ibang friends ko eh tinaste test na yata lahat ng stalls na may marble potatoes mahanap lang ang the best. Minsan naman yung pastas ang nilalantakan ko dito, may kasama pang garlic bread slice at brownies. Ok naman yung pasta dun sa suki ko na binabalikan ko lang dahil bet ko yung nagbebenta hahah. Ok din yung mga cakes dito, like for 185 may small round cake ka na na masarap, although di na sya chilled.
Madalas papakneran kong panulak eh Rockin Ruby or Sting strawberry, or shakes minsan. Favorite ko yung green mango shake syempre. Tinry dati ni Ef  yung banana shake pero kaderder yung tsura nya at lasa. Parang isinama yata pati balat ng saging.
 

Rating: Boring to Sapat to Masaya
(it japens, all encompassing itu! parang chopsuey lang halu halo kasi)



Madison Square
11.21.2010



Fresh pa sa break si Bash that time at although ramdam mo ang hinagpis sa kanya eh nagsuggest syang gumora at magnomo kami sa Central nila Ef, parang bar and resto na maraming braches like the one in Makati. Ang pinili naming destination eh sa may Pioneer lang since sa Mega na kami nagkita kita. Nag-antay na lang kami ng cab sa taxi bay. Walang habas sa pagkekwento ang Bash hindi tungkol sa breakup nya, kundi sa new movie daw ni ateng Xtina. Titled Burlesque, musical daw ito costarring Cher san ka pa! At may pagka-Moulin Rouge meets Dream Gurls meets Chicago meets Coyote Ugly. Fan siguro sya ni Britney? Choz!

Sa loob ng taxi go pa rin si Bash sa pagchikka. Di ko masyadong napansin pero may galit pala sakin yung manong driver, kesyo nabagsak ko daw yung door nya kalurks. Ang sama daw ng tingin sakin, kung alam ko lang makikipag-optic-blastan ako sa kanya. Choz! Nagpahatid lang kami sa Madison Square sa Pioneer, si manong kung san san na pinaiikot yung taxi hanggang mamaya pabalik na sa Edsa, dun daw kasi yung Madison building. Aba marunong pa samin kung san kami pupunta. Kaya para magets nya eh sinabi na lang namin na sa may Rob Pioneer na lang kami dalhin. Ayyy si kuya pumutak putak pa na may pamadison madison pa kaming nalalaman. Ayy oo talaga, kasi mas marami kaming alam sa kanya. Nung at last eh lumabas na kami ng Pioneer eh nasa kabilang side naman kami kaya kelangan pa rumoundtrip, pinastop na lang namin ang cab sa gitna at more lakad na lang kami kesa makaaway pa si nagmamaru na manong driver. Si Ef naman eh mejo immune na yata sa mga crazy drivers, yung last two encounters nya eh may involved na pagjingle sa plastic bottle sa loob mismo ng cab, at may pag-eeksenadora sa lovelife.

Central ang name ng place sa isang liblib na eskinita sa likod o gilid yata ng Madison Square, I couldn't tell kasi wala mang lang sky o compass to determine my location. First group yata kaming dumating don. May mga benches sa left side na tempted kaming kunin kasi by candlelight ang nomohan pero wala namang ventilation. So tumapat kami sa isa sa malalaking ceiling fans. Nagsuggest kagad si Bash na uminom kami ng cocktail named Bad Trip. May promo kasi sila na 2 + 1 daw. Kaso si kuyang server eh di maekpleyn ng maayos ang ending namin eh buy 1 take 1 ang naorder namin.

Sinerve na yung Bad Trip sa table namin, yung isa lang ang may yelo kasi di naman daw namin kagad maiinom lahat, akswali. Umorder na rin kami ng pangdinner. Sakin eh Tapsilog ever, kasi I have to taste the tapsis in town to know which ones are the best bago ako mategi yah know. Si Ef naman nagKobesilog, actually Korean beef yan di ko lang alam pano nila shinortcut. Si Bash naman nag-iinarteng umorder ng Hotsilog, pero ininterrogate nya ng todo si kuyang server na sure na sure bang Tender Juicy ang hotdog nila. Nagpramis naman si kuya, cross his heart and hope to die. Dapat sa kanya choosylog, grabe umarteh! Ako rin isang order non kuya. Choz! Nagtakaw pa sila sa condiments, azz in yung ketchup (must be banana daw) eh hinihigop at yung toyo sinasabaw. Infernezz masarap naman hahah.

Humabol si Herson sa nomohan session. Nagshot shots kami ng Bad Trip, which is a blue colored concoction. Reminds me of Blue Hawaii na natikman ko sa Galera at dun sa Tsunami sa Naga. Well, lahat sila kulay blue at may pineapple yata. Ok naman ang taste nya infernezz. After ng two pitchers ng badtrip eh di pa rin kami badtrip kaya nag-isang round pa kami ng Gilbeys Premium Strength. Yah know di ko rin sure kung ano ang net effect nito sa katawan dahil meron syang ingredients like green tea and ginger extract. Humabol si Chris sa last part pero di na sya nakainom. Nung nagbillout na kami eh akala siguro nung cashier eh lasing na kami, dahil thousand thousand peso pesoses ang chinarge samin. Di ba nya alam dalawa ang mag-o-audit sa kanya?! Ayun chinage ang bill namin, mali lang daw ang pagka-add. Asus adding machine ginamit nila tapos mali ang sum?!

Rating:
Sapat to Masaya


Since gusto pang bumijowke namin that night eh tumambling naman kami sa katabing bar called Kwago Grill. Ok ang ambiance dito dahil wooden ang design nila parang probinsya lang, tapos may live performers pa every night san ka pa?! Pero for that night nagkulong kami sa bijowke room, na nasa loob ng glass partition. May kumakanta nang group ng mga straighties, wala naman bettable kaya wapakels. Umorder na kami ng one bucket ng Tanduay Ice each, para sakin pangset lang yon ng mood sa biritan. Choz!

Three songs for twenty pesos lang ang rate nila not bad dabah. At may pagthetheme pa kami nung start. Round 1 namin eh songs by Freestyle. Since yung two faves ko eh napili na nila namely Before I Let you Go at Once in a Lifetime, sakin na lang yung This Time. Round 2 eh rock songs naman kaya nagHanging by a Moment ako. Round 3 eh birit songs na kaya I picked If Ever You're in my Arms Again, oh dabah
napakababa lang. Yung last round eh songers pick na, in other words bara bara na lang. Gumow ako sa Himala. Nababaan yata ako kay kuyang Peabo? Infernezz

Rating: Masaya

~0~


Oh dabah lumelevelling na kay ateng Julia. Pero walang relate ito sa book and movie of the same rhyming scheme. I just really lurve her ha. Bagay yata sa akin umacting bilang fooooood critic. I can be jell-o, cause I'll never be creme-brulee! Choz! Wala kasi akong pamasahe to Italy, India, Indonesia or even Iloilo at Ilocos.

I'm really being a good, pasweet judge dito ha. Mahirap kaya mag-Paula Abdul noh! Di na ako nagsulat about sa mga boring na kainan, like Mang Inasal sa Tycoon, Ortigas na nagseserve ng puto imbes na kanin at about how slow their service or bakit walang crowd control or bakit hilaw at basa ang puto nila. Hindi ko na sinulat about sa bad customer service ng mga crew nila na sumasagot ng pabalang kapag nacriticize sila. Kasi baka ako pa ang mapulaan na masarap naman ang chicken nila although matigas pa sa tutong ito. Oh dabah biglang nashift sa pagsa-Simon?! Choz! Instead I wrote about the experiences I had sa mga nagustuhan ko, kahit sapat lang.

Proposal pala ni Herson na iendeavor ko rin yung project nya to visit ten of the oldest restos sa Pinas (or Manila area lang yata). Like go dun sa Aristocrat sa Roxas, or dun sa seven or eight of ten sa Binondo. But I have to sample the bestseller at yung resto specialty, siguro at least three dishes each. Yaman ko lang ha?!


Implikasyon:
And it doesn't really matter if like or hate the food dito or doon. Ang mahalaga eh you enjoy what you do, if not stop. Ipabalot at ipakain sa mga nagugutom na bata. Hindi naman sila mabubusog kung pipilitin kong ubusin eh di ko nga bet, di ba? Choz! It would all fall down to personal preference, personal taste. Sabi nga ni Madam SyZyGy, "Meron tayong tastebuds, gamitin natin ito!" or something like that. Mehganon?!

Linggo, Enero 2, 2011

Sisig at Skrambol

Walang komento:
Huy namiss ko yung skrambol sa labas ng mababang paaralan ko noon ha. Since di ko naman natatapos yung mga blog drafts ko eh eto na lang ineenjoy ko pa rin ang paglamon.

From Manila Scramble, mejo corny ang tagline nilang 'It's cool to be Pinoy.' ha. Heniweys meron syang pink crushed ice, na hindi naman lasang strawberry, food color lang talaga which is so beki. Why not purple na lang? Suggestment lang. Tapos meron din syang powdered milk (mula sa dodo ng cow?!) At chocolate syrup, pero concerned ako kasi noon eh Brown Cow ang ginagamit eh ngayong mukhang tinunaw lang sa tablea. Choz! At meron ding pink syrup na again walang strawberry flavor. It's ok naman for 15 pesos.




Chicken Sisig naman to ng Sisig Hooray! May mix mix na chopped chicken bits, green chilli pepper, chicharon, at chopped onions. Pero kelangan iispeysyal request mo yung onions kasi parang masama ang loob ni ateng habang iniiscoopan ako ng onions. Masarap sya with lots of calamansi at toyo. Worth 55 pesos affordable na at nakabubusog pa.

Thanks to my sponsor Herson for treating me ha! Lurvett! hahah

Sayang wala akong pic nung Double Down with rice ko, at yung Tapsilog from Sinangag express pero I expressed my seal of approval via tweets. Yung Double Down eh mas masarap daw kung ipapalaman mo pa sa bread at ididip sa gravy. Yung tapsilog naman sorta kinda like the one from Rodics with the corned beef strips yah know.

I'll get back to my food trip blogs, etal after some time. Pag di na masyadong busy yah know. hahah

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips