Martes, Marso 22, 2011

Fairly Oddparents?!

Walang komento:

Cosmo at Wanda

03.15.11

Nagsetup ng mini movie marathon sa unit ni Chris sa Citihomes aka the Lonely Chair Apartment (dahil sa lonely chair sa may sulok malapit sa CR). Ang kitakits sa Jabee sa Boni around 4PM. Nalate lang ako ng konti eh nanggagalaiti na ang Bash. Nakapink sya that time at ako naman green, parang fumfairly oddparents lang. Sya na si Wanda at ako naman Cosmo. Si Chris na lang ang designated Timmy Turner, while si Ef ang designated nagmamalditang babysitter na si Vicky.

Since wala pa si Vicky eh kaming dalawa lang ni Wanda ang umattack kaagad sa Citihomes. Pagdating sa gate may-i-harang si manang laguardia at pinapalog-in kami sa slumbook nya para mamonitor daw ang entrances and exits. Eh wala namang ganitong drama before?! Phone in question

LAGUARDIA: Wer u pfouh?!

WANDA: Sa third floor teh.

LAGUARDIA: Ahhh sa C! Sa C! C!!!

WANDA: Espanyola ka teh?!

COSMO: (Nabibingi?!)

LAGUARDIA: Si! Si! Si!!! Kay madam! Kay madam! Kay madam!

WANDA: Madam na kagad, eh di pa nga tumatakbo sa congreso.

COSMO: Hindi, sa fourth floor po.

Nako parang nag-adik sa snowbear si manang. Pero infernezz kabisado nya ang floorplans at units ng lahat ng buildings yata dito. Alam nya kung sino ang sino at kung san nanggaling at san patungo ang mga sino. Dinedescribe pa ni manang yung mga tao sa unit D418 eh sabi ko nga sa D417 kami, pero alam nya din na galing sa kabilang building sila Timmy. Pinaakyat nya rin kami later sa unit, pero kelangan kumaway pa kami sa kanya bago pumasok.

Binulabog na naman namin ang LCA. Watch watch muna ng ilang palabas sa TV bago magstart. Nagpasundo pa ang Ef sa may Jabee kaya inabot na rin kami ng 6pm bago tuluyang magstart. Dim lights kami while watching, three sa long sofa at si Chris dun sa slightly detached sofa. Of course si lonely chair mag-isa sa sulok.

First movie ang One More Chance ni Popoy at Basha. I'm so sorry pero first time ko pa lang talaga panoorin to. Feel na feel ni Wanda ang pagwatch while kami ni Vicky jinojowk time lang namin yung ilang eksena, imbyerna tuloy ang Wanda. Di natapos ang movie nang hindi namention ni JLC ang Biogesic at least once sa pelikulang ito. Although di ako humagulhol sa panonood nacutean naman ako sa story at sa mga eksena at nafeel ko rin naman somewhere deep within ang drama. SANAY TAYO NA LANG, SANA TAYO NA LANG ULET. Umuulan ng mga quotable emotes itong movie na to. SINGLE BUT HAPPY. Sana lang kaya mo panindigan ang mga linyang yan kapag kinoquote mo dabah. ALAM MO BA ANG THREE MONTH RULE?! Wala naman ganyan sa guidebook ko. Clap clap ako sa casting at acting. Panalo din sa epek si Maja, parang Juris ang itsura nya ha pero Roselle Nava ang drama sa pagka-martyr queen.

Dinner intermission muna sa RJ Bulalohan. Ewan ko ba bakit sa dinami dami ng kulay ng toyo and patis shakers nila eh kulay pink and green din?! Ano to sinadya?! O baka totoong Cosmo and Wanda yan in disguise. Choz! Habang umoorder kami at nagtatanungan kung anong kakainin namin eh biglang sinapian na ang Wanda. Di na sumasagot. Di na makausap ng maayos. May sumpong na naman. Kairita lang. Well, dinedma na lang namin at umorder na kami ng bulalo, tawilis, at ensaladang talong. Sa paligid ligid ay daming tao, imbes na ang mga eyes namin eh nakapako sa plato namin eh kung saan saang direksyon ito naglipana, sa kabilang table na may mga bagets, o dun sa kuyang bet sa katapat, o dun sa magjowa yata at mukhang mas mayaman yung isa (dahil di sya masyadong pinagpala ng ganja). Pati yung anak ng may-ari ng bulalohan bet, si Jaynard. Pag kumain kayo dito just look for him. Extra rice na lang oorderin nyo. Choz!

Before returning sa LCA eh nagdetour muna kami papuntang Barangka sa Boni, dahil talamak dun ang mga may itsura kaya kahit sandali sana ay makapagsight seeing kami hahah. Pero ang Wanda nagrereklamo na naman, keh arte arte at ayaw na maglakad. Napanood mo na ba ang House Bunny?! Homg, di ko rin alam ang movie na yon pero ang Wanda parang di makapaniwala na di namin knows ang pelikulang yon. Kung ano man sya, si Wanda na lang ang makakapagsabi. Choz! Nagdessert muna kami ng icecreams sa isang icecream shop along Boni. Iba iba ng flavors dahil di kami magkakasundo sa taste kung isang galon lang oorderin namin. Nagjeep na lang kami pabalik kasi present pa rin si Bernadette Sembrano.

Bumaba kami ulet sa may Jabee dahil walang direktang way sa Citihomes, more lakad lang ang tanging daan. Patawid na sana kami nang mag-Linda Blair si Timmy sa nakitang kuya nya. Hindi mapakali at cross back kami sa Jabee at sinundan sa loob. Umorder pa kunwari ng sundae eh kakakain lang namin ng ice cream. Paglabas namin andun pa rin si kuya inaabangan ata kami. Balak pa atang isama ni Timmy samin si kuya. Sa totoo lang natakot kami ni Wanda sa mga balak niya kaya tumawid na uli kami para iwan sila. Paglingon namin poof, nalapitan na si kuya para kunan ng number. May puntong bisaya daw si kuya kasi nung kinuha yung number ang sabi ba naman "zero nine one sibin" pagparing nila ng phone sabi ni ateng operada "sorry that number is unattended right now." Buti na lang wrong number hahah.

Sa continuation ng aming movie marathon, ang isinalang namin, due to insisteng public demand daw ohh, eh Serbis ni Coco Martin. Bathhouse sana ang papanoorin namin pero naumay sila nang makita si Rey Pumaloy sa eksena while naglilitanya ng "sa dilim ako ang reyna" or something like that. Kaderder lang. Serbis naman eh naexcite ako dahil andun si Jacklyn Jose and her underacting monotone emotions hahah. Ang ganda sana ng camera nilang gamit kasi napakalinaw kaso masyadong shaky dahil hand carried yata sya all the time. Parang Blair Witch lang, skeri ba tong film na to?  Hindi ba uso ang tripod? Well, kung tititigan mo ang mukap kanila miss Jacklyn at Gina PareƱo eh maiisip mong skeri nga tong pelikulang to dahil pilit na pilit silang pinaitim lang. May eksena si Coco na nakipagjerjer dun kay Nita Negrita. May pagslowmo effect pa kami para makita yung junjun nya, na mukhang fake at naman. May isa pang eksena ng best acting by a dragonessa in a nonsimulated BJ role, second award lang sya kay Chloe Sevigny sa The Brown Bunny. After ng mga eksenang yan saka pa lang pauwi si Wanda. So inistop na namin ang pagwawatch. *Change disk

Ngayong wala na si Wanda eh sa wakas makakapanood namin ang In My Life na ayaw ireplay ng Wanda. Mejo confusing pala ano kung papanoorin mo si JLC sa One More Chance na otoko tapos biglang magiging beki sa sunod na film. Parang biglang gusto mo sabihing "inay, jumajohnlloyd po ako and it's not a phase so deal with it." Choz! Nakakaloka lang sa lahat ng magiging pangalan ng character nya sa film na eto eh yung nemsung na parang gusto ko muna imute sa utak (sa utak lang ba?) ko right now. At ang nakakabuset eh kelangang ulit ulitin ni Vicky ang name nya all throughout the movie. Paulet ulet? Market market? In contrast, magkabaligtad talaga sila Miss Jacklyn at Ate Vi ng diskarte sa pag-acting ha pero winner pa rin dahil naitatawid nila ang emosyon sa mga televiewers.

At biglang nagpop-out na naman sa utak ko si Coco Martin at ang kanyang seemingly fake na notnot. LAHAT TALAGA NAKAMOVE ON NA, IKAW NA LANG HINDI! Choz!

Martes, Marso 8, 2011

Padlock

Walang komento:
 
Keypad by nectarous via Flickr.
Just in case I forget


I haven't been blogging since eternity na yata. Naging busy kasi sa kodak kodakan (although wala naman akong talent kumodak yah know) at ito napabayaan ko na si Multi. I have like 10 drafts pero 2 or 3 lang ang gusto ko tapusin at ipublish don.

On a slightly pilit related note, sira na ang keypad ng phone ko. Nasira bigla yung number five. Yung pinakacenter yah know. Di ko lubos maisip paano mangyayari yon eh minsan ko lang nagagamit ang letters JKL. Well, kung sa tagalugan siguro nga talamak kapag bawat sennence eh punctuated ng NKKLK!

Heniweys, nagwoworry lang ako kasi mukha akong j3j3mOn sa mga friendships at new acquaintances ko. Diz key nat be! Nasisira ang reputasyon ko! Choz. Ang currently gamit kong cipher eh J = dy, K = x, at L = 1. Example: Naxaxa1oka ang mga dyedyem0n. pfouh. So kuntodo ekpleyn ako sa mga tinetext ko kung bakit ako nagkakaganyan at di po ako sinapian.

Naalala ko lang last year nung masira naman yung keyboard namin. Ewan ko ba bakit ang affected letters lang eh C, D, E lang. Di ko na matandaan pano ako nakasurvive noon sa pag-eekpleyn kung anong machine language ang tinatype ko online. Mas maeffort naman kasi kung gagamitan ko pa ng character map or virtual keyboard dabah. Narealize ko lang na gamit na gamit ko pala ang aking left middle finger. hahah

Heniweys wala namang konek ang pagrarant about sa unti unting pagkawasak ng aking keyboard at keypad. Dumadahilan lang ako dahil di ako nakakapagblog. Wala namang update sa akin at wala naman akong iuupdate so yeah paraan ko lang to para bumlog.

This blog entry is brought to you by the letters J. K. And L. And by the number 5. Buset effort yan kung tinext ko. NKKLK!

Lunes, Enero 24, 2011

Post It

Walang komento:
 
Rainbow Stickies by zephyrusborealis via Flickr.
Remember M, remember E.


Si Roseann ang nagsabi sa akin noon na pinupuno nya yung wall nya ng post-its not as reminders ng stuff to do pero ng stuff to achieve at may timeframe pa syang nilalagay. CPA 2007. CPA 2007. CPA 2007. Paulit ulit daw nya yang nilalagay araw-araw. Totoo nga at naging CPA sya nung October 2007. Ako naman minalas that time dahil di ko yan ginawa, choz. Siguro kung magsusulat din ako sa post-its ng parang ganyan eh magkakatotoo din sya. Parang Trevi fountain kahit walang coin, parang Neverland kahit walang pixie dust, parang lampara kahit walang genie. Lablayp 2011. Lablayp 2011. Lablayp 2011.


OMG
01.02.11


Alas dos ng madaling araw. Malate. Dalawang oras na ang nakalipas ng maging kalabasa ang ride ko. Dapat nakauwi na ako pero yah know pinili kong magstay muna para samahan ang friends, para magsunog ng atay, at para magpapilit pumasok sa bar. Though di ko talaga bet ang mga bars, it's not a generation thing, it's a lifestyle thing yah know. Kung bijowkehan pa yan go ako pero ang magsayaw?! Definitely no, my left feet agrees with me. Pero since andun na rin at minsanan lang talaga to, ok fine go lang.

Sa loob ng Che'lu di mahulugang karayom. Siksikan ang mga beki sa loob. Nagform a circle na kaming mga friends para walang maleft out naman. Sa ledge nagsisiksikan lalo ang mga tao, kapansin pansin ang sobrang tabang pechay na naninigarilyo on stage. Ewan ko anong mapapala ni teh dun dahil wala namang mag-iinterest sa kanya kahit maging lalake pa sya. Pero di yon pumigil kay teh na manigarilyo onstage. Nakamove up na sila Joms nung may ilang bumaba sa stage. Pinapaakyat din nila ako pero sabi ko I don't likey.

Naiwan ako sa baba sa gitna ng naglalaplapan at naglalampungang crowd na pilit akong sinisiksik. Until may biglang tumugtog na familiar song... Oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh may gawd. Hindi ko kinaya ang pressure ng nadarama ko. Kelangan ko iwalkout ang buong eksena. Parang ang arte ko lang masyado that night pero I can't help magflashback....


~0~

Dancefloor
09.17-18.10

Setyembre ng nakaraan taon, sa loob ng bar na ClubM8, habang tumutugtog OMG sa random playlist ng DJ, tandang tanda ko pa ang eksena. Nagsasayaw si Raf ng naaayon sa choreo, infernezz magaling sya talaga ha. Sa kabilang gilid namin ang dalawang lalake na dumidikit sa amin kahit sang side ng stage kami mapadpad, mukhang magjowa sa unang tingin. Nafirst crush ko yung isa kasi singkit and I really like chinitos, yung isa naman mukhang siga sa kanto. Nung makita ko nga may ring si chinito eh mejo nasad ako. Tiningnan ko yung other guy at di rin sya tumitingin, mas mailap pa sa mata ko.

Sumiar lang ako sandali pagbalik ko kausap na ni Raf yung dalawa, si Gerald daw yung chinito at si Noel yung mukhang siga. Nagpalitan ng numbers at FB accounts, then kasama pa naming nagmorning mass sa Cathedral hanggang hinatid pa talaga kami sa tinutuluyan naming mansion ni Jack. Nung hapon kasama rin namin sila sa festivities ng PeƱafrancia til maggabi na sa Basilica. Si Raf and Gerald eh naglalandian na that time. Si Noel naman di ko malandi kasi I knew that time na may jowa na sya kaya napakanta na lang ako ng isang Itchyworms song, alam mo yan. Nagparamdam lang sya ng gusto nya ako that night nung magtext syang mamimiss nya ako kung sakaling di na kami nagkita ulit. Nireplyan ko naman kaya nagpakita talaga sya ulet.

Nagbar muna kami that night, two rounds ng Tsunami each kaya mejo tinamaan na ako. Bumalik din kami sa ClubM8, this time pakner ko na sa dancefloor si Noel, sa gitna ulit ng pawisang dance floor habang tumutugtog ang random playlist ng DJ.
I was really happy that time sa dancefloor na parang kaming dalawa lang, pinost-it ko na sya sa heart and mind ko. Sinusubukan kong makipagtitigan sa kanya pero lalong mailap na sya ngayong closer na kami, at madalas pa yata syang nagchecheck ng phone nya. Nasad ulit ako. Bumaba na kami sa dancefloor at napabeer na lang ako.

Iniwan na namin ang bar para magMcdo. Sa kalasingan ko eh pumayag akong iuwi sya sa mansion para masolo, hindi naman para magmilagro pero para makapag-usap ng masinsinan. Nag-explain sya bakit di sya nakikipagtitigan dahil daw baka di nya mapigilan ang sarili nya sa dancefloor. I did like him that night pero my mind is clouded with doubts yah know.


~0~


My Amnesia Boy

01.17.11

Months later nang mapagtanto ko na gusto ko nga talaga sya. I had refused him several times before on account na wala ang initial spark at meron syang jowa nung makilala ko sya (eventually binreak din nya yun but still my empathic-esque-self had sided with the jowa how it hurts at paano kung gawin nya rin yung sakin). I know I've been serially overanalytical with potential relationships. What can I do? Mabagal ako mainlove, dahil di naman ako nagmamadali. Sya lang kasi ang nagrarush. I wanna take it nice slow at ngayon napag-iwanan na ako, meron na naman syang iba. Ambilis lang makamove on. Totoo ba talagang nagkagusto sya sakin o spontaneous emotion lang yun?

I left my head and my heart on the dancefloor. Funny I'm quoting kaGaGahan, but I did. I couldn't take it back at Che'lu. One reason bakit ako pumayag pumasok sa hellhole na yun eh I'm wishing I'd meet him there, to reenact the scene
kaming dalawa lang sa gitna ng pawisang dancefloor. I told myself I can probably wait, again, like I did with Eric before him until mapanis na lang yung feeling at madetach ang mga postits na dinikit ko.

And yeah may moral lesson ditong tumataginting, I don't have to rely everytime with sparks. Chemisty will ignite spark. At overanalysis will just leave more questions so better risk now. We had SMSed recently after I had reminded him hu b me. Mukhang happy na talaga sya sa present lablayp nya pero ayon sa kanya happiness is ideal. At pinatulan ko talaga 'yon saying happiness is relative. Heniweys
him texting back made me happy though. Sana lang wag na sya um-Irene sakin, we can still be friends di ba?

In closing Iko-quote ko lang yung recent pacute romantic comedy. Nope hindi Dalaw o Super Inday ito.


Sabi sa census mahigit eleven million ang tao sa Metro Manila. Sa dami ng taong yon, pano mo kaya malalaman kung sino sa kanila ang para sa'yo. Pano kung nakasalubong mo na sya, kaya lang di mo pinansin. Dumaan na pala sa harap mo nung yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Katabi mo na pala kaya lang lumingon ka para tingnan yung traffic light. Baka andun na sya, humarang lang yung pedicab. Sa dinami dami ng tao, merong maseswerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero ang pinakamasaklap sa lahat yung nasa yo na, pinakawalan mo pa. Pero pano nga noh kung isang beses lang dumarating ang para sayo. Palalampasin mo pa ba kahit nasa harap mo na?

~Apollo

Biyernes, Enero 14, 2011

Geminified

Walang komento:
 
Character and design by Sanrio.
Sic itur ad gemini astra.



Little Twin Stars

01.13.2011


Starting this very day, the star gods namely Leia and Luke, had ordained that the stars make room for one more creature, yah know the snake. Dahil jan eksena na ni Opiuchus, the snake bearer daw. Although I've heard about it before through other astrological references (lalo na sa Final Fantasy world ng Ivalice calling it originally Serpentarius), di ko maiisip na magagawa nilang maisingit pa ito ha. Dami lang nilang free time ha! Pwede paki-fax na rin yung mga invoices jan sa gilid ng table?

Heniweys, di ba nila naisip ang mga signs regarding Opiuchus. Like anobeh, snake ang symbol nya, almost synonymous kay Lucifer. Ikonek talaga?! Tapos number thirteen pa sya sa zodiac, like konek naman kay Judas. Isa na lang bibiyahe na tong Inferno. Choz!

Heniweys, wala naman talaga akong pakialam kung isa man o tatlumpu ang idagdag nilang zodiac sign. Gusto ko lang umangkas sa trending topic hahah. Pero ang talagang concern ko eh bakit all of a sudden hindi na ako Cancer?! Ok nagfall na sa Gemini ang sign ko starting today thank you lang ha!?! Di ako masyadong related sa Gemini, in some cases lang siguro. Ok lemme enumerate how, let me count the ways.

Cancer
1. I am a pure water sign. Water ang elemento ng Cancer. At Water Dog naman ako sa mga Chinese. And I can store up to  two gallons of water a day. Choz!
2. Hard shelled daw ako. Azzin matigas siguro mashadow ulo ko. Although alam kong emotero ako, sabi nila di daw nila mabasa emotions ko or something. Like I'm some kind of zombie or sum'in. Like I'm numb, ako na siguro ang sensitive insensitive. Like I'm so nonchalant and all. (Pangarap ko mause in a sennence yan, nonchalant. Bow!)

Gemini
1. May twin ako, for real! Fraternal nga lang. Tawag ko sa kanya Bakex, choz lang.
2. Nung bata pa lang kami, nakatadhana na kaming fan ng Little Twin Stars ng Sanrio at nila Susie and Geno, at nila Hansel and Gretel. Kambal ba sila?

So there. Two versus two ang tapatan kung ano ang mas karapat dapat kong sign. Choz. Di naman sa mahirap mag-adjust sa new chart nila ha. Kelangan ko ba iupdate ang mga slumbook entries ko? Sana nga napunta na lang ako sa mga borderline dates para possible na Gemini at Cancer ako yah know. Ibig sabihin ba nito magbabago na rin ako ng ugali para maging stereotypical Gemini? Magbabago ba ang compatibility ko with other signs?

And one last thing. Pano na si Madam Zeny? Hahabaan ba ang airtime nya para maibigay ang forecast sa mga horoscopes? Buti na lang tinext ko na sya para mahingan ng views about this. May nagtext, si Madam Zeny: "Opiuchus, hu u poh?" Walang powers si madam ngayon. Mehganon?!

Miyerkules, Enero 12, 2011

Gagon Rapper feat Kyla

Walang komento:
 
Electric wire by ChiemiFromTokyo via Flickr.
Ikonek ang piksur.


12.07.10
Super delayed post ito. Natabunan na ng pasko at bagong taon.



Maricel: Napanood mo yung sabunutan sa Market? Scandalacious teh.


Jeremy: Pinapanood ng kapatid ko. Di ako nakarelate eh. Parang may kabet daw


Maricel: Oo kabit nga. Sabunutan sa Market Market. Nakakaloka!


Jeremy: Anong ending?

Maricel: Ayun sinipa sa mukha yung kabit tapos nung inawat ng guard nakatakbo si ateng at sinundan nung lalake.


Jeremy: Sino yung lalake? Yung asawa?


Maricel: Oo. Akala ko sino as in sino. Eh aba malay ko di kami close.


Jeremy: Si Fred Arcilla yon. Di mo ba knows?



Maricel: Hindi. Knows mo?


Jeremy: Choz. Umiimbento lang ng name.


Maricel:  Dapat ba pag kabit di lumalaban?


Jeremy: Hmmm... sige magroleplaying na lang tayo teh.


Maricel: Ikaw ang kabit. Ako ang asawa.


Jeremy: Kung andun ka sitwasyon na yon, sisipain mo ba ako sa mukha?


Maricel: Hindi. Pero sa totoong buhay eh ewan ko lang hahaha. Kase last time na mali yung part na binigay saken sa KFC, nang-away talaga ako ng bongga. hahaha


Jeremy: Homaygawd kabet yung crew ng KFC?! Sabi k na ba eh! Sinipa mo ba sya sa mukha?


Maricel: Hindi naman. Bunganga lang.


Jeremy: Sinipa mo sa bunganga maygass?!


Maricel: Pero kabit kase ako eh kaya ewan nakakatakot yung eksena hahaha.


Jeremy: Ang tanong: lalaban ka ba teh ng sipaan sa fez?


Maricel: Oo teh. Lalaban ako. Di lang naman ako yung may gusto nun. Pero sana wag sa mall hahaha


Jeremy: Choosy ka pa eh kung sa 5-star hotel pwede na?

Maricel: Wag naman sana kame lumevel ng ganyan. Mga hampas lupa lang yan mga nag-iiskandalo hahaha. Sana parang Gretchen Baretto lang.


Jeremy: Ooohhh you want war, I'll give you war. Rampahan battle teh? Keri?


Maricel: Di ba teh si Gretchen eh kabet lang din naman ng mayamang asawa asawahan niya?


Jeremy: Shhh wag ka maingay baka di pa nya alam yan. Choz!


Maricel:  Sabe ng friend ko sa Bible nakasulat daw na pag di nagagampanan ng asawa ang pagiging asawa nya eh pwede silang maghiwalay. Dahilan ng haliparot na kabet hahaha.


Jeremy: Di na kayo nahiya ginamit pa talaga ang Bibliya.


Maricel: Sana may part two ang istorya ng buhay nila. Dalawang version na kaya meron nung bijo nyan teh. Yung unang version kase sabunutan lang talaga. Yung version ng friend mo edited na. Pero nakita ko na ulet kaya dalawa post ko ng kabit sa wall ko.


Jeremy: Di ko pa napapanood to talaga teh. Di ako makarelate. Kelangan ikwento mo sakin hahah.


Maricel: Alam mo yung video sa MRT ng babaeng nagtatatalak?


Jeremy: Oo. Luma na yun di ba


Maricel: Kumonek yung friend mo sa video na yun sa sabunutan. What if same girl daw ung nasa MRT saka yung nananabunot na babae. Pero yung orig na napanood ko yung sabunutan lang.


Jeremy: Ayyyy so dapat bang murahin ko si friend dahil sa pag-eedit nya? Konek? Choz!


Maricel: Sabunutan kita jan eh!



Ngayon naman i sing-along ang lyrics sa baba habang nagpapasabunot. Choz!

Sa puso ko'y nag-iisa
kahit mayrong iba
kahit hindi tama
ang ginagawa, sinta
basta ba'y makasama lang kita
kahit kapiling mo pa sya


I do not support this message. Pero since friend ko sya hayyy... matanda na kayo alam nyo na ang TAMA at MALI. Matutong sumagot ng HINDI kahit OOng OO ka na. Hindi laging pwede ang PWEDE. May mga LABAN na dapat kang BAWI. At laging tandaan ang laman ng BAYONG ay hindi PERA. San naman nanggaling yon? Magagalit si Pepe Pimentel nyan.

Sabado, Enero 8, 2011

Eat. Drink. Blog.

Walang komento:
 
Ladybug Bento by luckysundae via Flickr.
Go, grow, glow ka sa iskargu.
Pero bet ko yung bento ng Teriyaki Boy.
Like complete sya from A-Zinc.


Sa sobrang kabusyhan ko these past days, weeks, months, daylights, sunsets, midnights, and cups of coffee or so eh nakalimutan ko na ang feeling ng nagbablog. Choz! Tinamad lang ako. Akswali naging busy pa nga ako spending time with food. Minsan si Twister Fries, minsan si Rockin Ruby, minsan si Bread Pan, minsan si free ice tea sa pantry, minsan si pandesal may palaman man o wala, minsan si lugaw with egg at tokwa, at minsan si chips at Tanduay Ice. Madalas ang mga lutong ulam ni Aling Manang na litung lito na rin sa ginawa nyang Sinigang at Nilaga.

Si food kasi di nya ako pinahihirapan. Di nya ako kayang saktan. Pinasasaya nya ako. Dinadamayan sa oras ng gutom at pighati. And I had many of those these past
days, weeks, months, daylights, sunsets, midnights, and cups of coffee or so.



Herson: May alam ka bang masayang kainan?

Jeremy: Masaya talaga? Kelangan ba may clown? hahah


Herson: Boring kasi mga kainan dito.

Jeremy: Ang hirap naman kasi ng qualifier mo. Kelangan masaya? Di ba pwedeng sapat lang na saya?

Herson: Kami ni Kat sukatan namin kung masaya o boring ang pagkain. Kung sapat lang pwede iescalate sa masaya.


Ewan ko ba jan sa makabagong criteria nila Son ng food tasting ha. Pero I'll try to give justice. Choz! Imbes na stars, ilalagay ko na lang kung masaya, boring o sapat lang.


~0~



Kabab Part 1
10.23.2010


Nagsimula ang lahat sa yayaan sa Cubao X, tambayan ng mga artsy peeps. Nagkita kami ni Elvin past 12 na yata. Di na kami umabot sa any drinking session dahil may liquor ba na that time for the local elections, though sila Jade umabot sa last minutes at umorder ng My Shirota, na may kahalong Yakult sa gin and/or vodka yata. Di ko sure kung matutuwa ka dahil malinis nga ang intestines mo eh sunog naman ang liver mo dabah. Ok ka ba talaga tyan? Ah-ma-ma-my-shirowtah!

Tumransfer daw kami sa F sabi ni Raf. F Salon ba ito? Malay ko ba kung parlorista si Raf. Choz! Sa Fahrenheit daw, isa sa mga alphabetical nest ng mga beki. Isang bar slash bathhouse yata na maraming dark spots kung san namumugad ang kati. Dapat jan gamitan na ng Canesten at Garnier, arte. Maraming di happy sa paggora dun kaya nagsipagstayan na lang kami sa isang grill named World Class Persian Kabab.

Naupo kami sa isang side dun sa bench na maraming pillows. Enter kagad si ateng may dalang menu. Nagsipag-orderan na, since I liked chicken go ako sa chicken shawarma sandwich which is actually shawarma lang din yun lang ang tawag nila.
Walang pakialaman. It's like my second time eating shawarma evarrr. Yung first time nilibre pa ako ni ate Maricel sa isang stall lang. Gusto ko sana kung galing Dubai pa yung shawarma pero baka mapanis daw. Choz! Pinakner ko ang green mango shake yogurt na akswali green mango shake lang na may more milk at less sugar. May Nido ba ito?! Choz! Kumain ng ox brain at pita bread si Jade, laway na laway ako sa totoo lang. Inabot pa kami til we saw the sunlight, tik tok on the clock. Kung di pa nag-almusal yung cast and crew eh di pa kami lalayas sa place.

Rating: Sapat to Masaya


 

Kabab Part 2
10.26.2010





Meron ding Kabab na mas malapit ng ilang kilometro  sakin, sa Pioneer lang, one ride lang. One time inendeavor kong lumamon uli don at tanging si Herson lang ang available sa nearness yah kaya sya na ang hinaltak ko. At first ayaw nyang itry dahil di sya fan ng Persian cuisine. Inikot muna namin ang Madison square pero hindi nagtutugma ang liking namin sa food like gusto nyang mag-longganisa eh hate ko yun. Until mapagod na kami magrounds sa square (yes round sya pero sa square talaga), napilitan syang pumersian finally. We had Biryani, chicken for me at beef kay Son. Yung meat soaked sa slightly spicy curry sauce.
May kasama ring chopped tomatoes at pipino. Pero bida dito ang kakaibang rice nila, mahahabang butil na yellow, almost noodle-ish sa tingin, at mas malaki pa ata sa Japanese variety. Mabigat din sya sa tyan.

After magpababa ng kinain pinilit ko ang Son na ituloy ang Mud Shake nomoan na matagal ko nang gustong itry, well not alone because that is just sad. Choz! Ginalugad namin kung san pwede makabili non, akswali sa Ministop at 7-Eleven lang naman pero nag-effort pa rin kami kahit papano. Nakabili kami ng tig-isang Mudshake worth 80 paysows. Ayaw magnomo ni Son dun mismo sa store. Ayaw din nya ako dalhin sa boarding house nya. Kaya ayun naglakad lakad kami kung san mapadpad while drinking Mudshake all the way. Akswali mejo mabilis makatama kung umaalog alog ang ulo mo while drinking, pero at least nagbeburn kami ng calorie at liver all the while.

 
Rating: Masaya


Elbertdey
11.13.2010


Ever since magkakasama pa kami sa CKC, si manong Bert na ang pinakakumikitang kabuhayan sa amin. Madami kasing rakets. Gamit na gamit nya ang kanyang lisensya, sumasaydlayn pa syang technician at full time zombie. Nung magkahiwa hiwalay kami ng working enviroment, sya pa rin ang di mareach. Shushal ang phone nyang Xperia, compared sa mga dukha naming Nokia at Eriksson. Ayaw daw nya mag iPhone dahil may some kinda techie stuff syang pinag-eekpleyn na di na namin naabsorb. 

So nung bumertdey sya eh kelangan bongga rin ang celeb. Ang invite eh sa dampa sa may Seaside daw. Nagkita kami ni Lei bandang alas siete sa MoA. Nahiya naman kaming walang gift kaya bumayla na lang kami ng White Forest then tambling na sa seaside area ng Moa. Biglang phone-in ni manong Bert kung asan na kami. Like we're there na already, san ba yan malapit... sa may Padi's point na kami. But no, look do we have here; sa may seaside Macapagal pala, mga tatlumpu't limang tambling sa kinatatayuan namin. Ok fine cab kami. Si manong driver di rin alam yung seaside Macapagal. Dinala lang talaga kami sa intersection ng Seaside at Macapagal, di man lang kami itinawid. Masabi lang na nakaflagdown na sya buset sya. So nilakad na lang namin across the street and across the bridge. Part dalampasigan na yata tong tinatahak namin, may umiihi pa sa tulay. Homg di na naawa sa mga isda. Choz! Sa kabilang side lang ng tulay ang dampa. Say it with me: KALSADA, TULAY, DAMPA! Again! KALSADA, TULAY, DAMPA! Faster! Faster! KALSADA, TULAY, DAMPA! KALSADA, TULAY, DAMPA! Very good!

Aling Tonya yung name nung kainan. Nailuto na kaagad yung mga orders nung dumating kami: seafood extravaganza ng crabs, calamares, lapu-lapu, sugpo, at talaba. Nilalantakan na rin yung food nung mga naunang sila Dex, Dyann, Rona, Athan, at jowang Ayla. Humabol lang si Ace na nakalaya pansamantala sa gapos ng gelpren slash tanod na umuwi sa Baguio. At since allergic pala sya sa seafood, pinagluto na lang sya ng sinigang na baboy. In fact tatlong kaserolang sinigang ang pinaluto for him.

Sa kabilang kainan may nagsushow na pares ng bekis. Nakakainis na sana dahil ang iingay nila at di naman nakakatawa. Pero mejo bumawi naman sila sa swan song nila ng magtry mag-impersonate si bakla ng iba't ibang songers to the tune of Hawak Kamay. Parang sumapi lang si Yeng, Jaya, Ogie, ate Glo, at Sto. NiƱo. Choz! After ng set nila, saka naman pasok ng magpeperform kay Aling Tonya: isang majubabs na ateng vocalist na nakabraids ang hair into cornrows; isang average looking ateng vocalist na may probinsyana accent kahit sumosong number; at isang kuyang pianist na nakaglasses na slightly matanda na kinda reminds me of the video of Whip It minus the goofy hat. Infernezz magaling si ateng Braidy. Kinda jazzy ang songs nila singing songs like White Flag ni Dido at Don't Know Why ni Norah Jones. At nashock din ako kasi nakanta nila ng maganda yung Suddenly nila ateng Olivia at kuya Cliff. Nainlove tuloy ako sa song na yun bigla. Tapos mamaya sumesenyas na si ateng Braidy at nagsha-charades on stage. Kung gusto ko daw ba jumammer with them. Syempre nahiya akong kumanta ng open mic. Pero gusto ko sana rumequest, since jazzy sila gusto ko iperform nila ang Oo ng Up Dharma Down. Pero I'm not sure kung tumatagalog songs sila kaya iniscratch ko na lang ang tissue.

Rating: Sapat


Banana Leaf
11.14.2010



Some sorta kinda first ever EB ito with Kiko. He invited us over for a lunch date, me and Jay, his sorta kinda crush before (ewan ko lang til now). While ako naman eh sorta kinda crush ko tong si Kikow, which never really happened kasi yah know mejo intimidating ang personality nya like he's so shala while kami ni Jay so poorita
(ewan ko lang kung til now poorita pa rin si Jay eh kumikitang kabuhayan sya sa work nya). Ang usapan sa Banana Leaf sa Powerplant, my first time ever din mapadpad sa area na yun. Hindi kasi sya accessible by public transpo, na ayon sa aking palagay ay jeep, bus at MRT/LRT lang. Although pampubliko ang taxi I don't consider it as a means of public transpo kasi sa lakas nila magcharge; at isama mo na rin ng mga trike at padyak na grabe rin tumaga ng price kapag di ka familiar sa place.

Heniweys, nag-usap na kaming magmeet ni Jay sa may Boni para sabay pumunta dun. Lunch nga di ba so nag-allow na ako ng one and a half hour travel time kahit pa malapit lang yung area via Makati Ave. Quarter to twelve nagtext na si Kikow na on the way na sya. Si Jay di pa rin nagpaparamdam kung asan na sya. So ayun nakatanga lang ako sa may sidewalk kung san kami magmimeet, all the while nagpapaLSS kay ateng Kesha. After ng isang oras saka lang namataan ang Jay, nagkaron daw kasi ng wardrobe malfunction. Kaloka gusto pa talbugan si Janet Jackson at Anne Curtis?!

Supah late na kami dumating sa Powerplant. Si Kikow more than an hour nang nag-aantay. Although yah know na shala sya eh di mo makikitaan ng yabang si Kikow, pero yah know may class talaga sya. Hindi rin sya yung ibang kilala ko jan na pretentious to the point mag-iimbento ng kwento kesyo nagboarding school DAW sya sa Oxford elementary while being a working student. Fumifeeling Sasarah Crewe?! Choz! Heniweys back to Kiks, eh mas madaldal pala sya sa pagkaka-aakala ko. Nasurprise pa sya na first time ko makarating sa Powerplant mall. Pinagwish nya pa ako dahil first time ko daw, ayyy ano to simbahan?! Ako rin kaya nasurprise na nasa Powerplant, after hearing all the tales na pagtitinginan ka ng mga tao pagpasok mo do don at duduruin ka while saying, "eeewww you're like owemgee you're so jologs."  Well wala namang ganung eksena talaga, so ayun nakalampas na ako sa nightmare level.

Go kami sa Banana Leaf as promised. Curry ang specialty ng resto na to. I ordered same as his, since alam na nya siguro ang bestseller, which was Malaysian Curry. Si Jay nagcurry pasta. Infernezz I loved the texture nung chicken saka yung curry sauce, although kinulang lang talaga ako sa kanin. Inexplain ni Kikow na isa ito sa mga favorite restos nila kasi affordable at nakakabusog talaga, like Recipes and Fish & Co. Oh dabah yung tips kung san merong budget meal eh sa kanya pa talaga galing. May alam din naman akong ibang cheap places pero not as classy as his choices yah know. Tipong carinderia lang na bukas sa lahat ng gustong kumain.

Rating: Sapat to Masaya


From Banchetto with Love
2010


Ever since nabalitaan ko tong Banchetto, yah know yung night market ng food stalls along Emerald Ave sa may bandang Ortigas, eh nahook talaga ako for a time. Every Friday lang to kaya I set my weeks ahead na no Bubble Gang muna for me para lang makagora dito. Dito ko rin kasi kameet most friends na nasa callboy industry since bababa lang sila ng building eh Banchetto na.

Bestseller dito yung supah thick burger patty. Minsan wala pang ala una ng madaling araw eh soldout na sila, iluluto na lang. Favorite ko dito yung chicken kebab, minsan sinasamahan ko ng fried rice. Yung ibang friends ko eh tinaste test na yata lahat ng stalls na may marble potatoes mahanap lang ang the best. Minsan naman yung pastas ang nilalantakan ko dito, may kasama pang garlic bread slice at brownies. Ok naman yung pasta dun sa suki ko na binabalikan ko lang dahil bet ko yung nagbebenta hahah. Ok din yung mga cakes dito, like for 185 may small round cake ka na na masarap, although di na sya chilled.
Madalas papakneran kong panulak eh Rockin Ruby or Sting strawberry, or shakes minsan. Favorite ko yung green mango shake syempre. Tinry dati ni Ef  yung banana shake pero kaderder yung tsura nya at lasa. Parang isinama yata pati balat ng saging.
 

Rating: Boring to Sapat to Masaya
(it japens, all encompassing itu! parang chopsuey lang halu halo kasi)



Madison Square
11.21.2010



Fresh pa sa break si Bash that time at although ramdam mo ang hinagpis sa kanya eh nagsuggest syang gumora at magnomo kami sa Central nila Ef, parang bar and resto na maraming braches like the one in Makati. Ang pinili naming destination eh sa may Pioneer lang since sa Mega na kami nagkita kita. Nag-antay na lang kami ng cab sa taxi bay. Walang habas sa pagkekwento ang Bash hindi tungkol sa breakup nya, kundi sa new movie daw ni ateng Xtina. Titled Burlesque, musical daw ito costarring Cher san ka pa! At may pagka-Moulin Rouge meets Dream Gurls meets Chicago meets Coyote Ugly. Fan siguro sya ni Britney? Choz!

Sa loob ng taxi go pa rin si Bash sa pagchikka. Di ko masyadong napansin pero may galit pala sakin yung manong driver, kesyo nabagsak ko daw yung door nya kalurks. Ang sama daw ng tingin sakin, kung alam ko lang makikipag-optic-blastan ako sa kanya. Choz! Nagpahatid lang kami sa Madison Square sa Pioneer, si manong kung san san na pinaiikot yung taxi hanggang mamaya pabalik na sa Edsa, dun daw kasi yung Madison building. Aba marunong pa samin kung san kami pupunta. Kaya para magets nya eh sinabi na lang namin na sa may Rob Pioneer na lang kami dalhin. Ayyy si kuya pumutak putak pa na may pamadison madison pa kaming nalalaman. Ayy oo talaga, kasi mas marami kaming alam sa kanya. Nung at last eh lumabas na kami ng Pioneer eh nasa kabilang side naman kami kaya kelangan pa rumoundtrip, pinastop na lang namin ang cab sa gitna at more lakad na lang kami kesa makaaway pa si nagmamaru na manong driver. Si Ef naman eh mejo immune na yata sa mga crazy drivers, yung last two encounters nya eh may involved na pagjingle sa plastic bottle sa loob mismo ng cab, at may pag-eeksenadora sa lovelife.

Central ang name ng place sa isang liblib na eskinita sa likod o gilid yata ng Madison Square, I couldn't tell kasi wala mang lang sky o compass to determine my location. First group yata kaming dumating don. May mga benches sa left side na tempted kaming kunin kasi by candlelight ang nomohan pero wala namang ventilation. So tumapat kami sa isa sa malalaking ceiling fans. Nagsuggest kagad si Bash na uminom kami ng cocktail named Bad Trip. May promo kasi sila na 2 + 1 daw. Kaso si kuyang server eh di maekpleyn ng maayos ang ending namin eh buy 1 take 1 ang naorder namin.

Sinerve na yung Bad Trip sa table namin, yung isa lang ang may yelo kasi di naman daw namin kagad maiinom lahat, akswali. Umorder na rin kami ng pangdinner. Sakin eh Tapsilog ever, kasi I have to taste the tapsis in town to know which ones are the best bago ako mategi yah know. Si Ef naman nagKobesilog, actually Korean beef yan di ko lang alam pano nila shinortcut. Si Bash naman nag-iinarteng umorder ng Hotsilog, pero ininterrogate nya ng todo si kuyang server na sure na sure bang Tender Juicy ang hotdog nila. Nagpramis naman si kuya, cross his heart and hope to die. Dapat sa kanya choosylog, grabe umarteh! Ako rin isang order non kuya. Choz! Nagtakaw pa sila sa condiments, azz in yung ketchup (must be banana daw) eh hinihigop at yung toyo sinasabaw. Infernezz masarap naman hahah.

Humabol si Herson sa nomohan session. Nagshot shots kami ng Bad Trip, which is a blue colored concoction. Reminds me of Blue Hawaii na natikman ko sa Galera at dun sa Tsunami sa Naga. Well, lahat sila kulay blue at may pineapple yata. Ok naman ang taste nya infernezz. After ng two pitchers ng badtrip eh di pa rin kami badtrip kaya nag-isang round pa kami ng Gilbeys Premium Strength. Yah know di ko rin sure kung ano ang net effect nito sa katawan dahil meron syang ingredients like green tea and ginger extract. Humabol si Chris sa last part pero di na sya nakainom. Nung nagbillout na kami eh akala siguro nung cashier eh lasing na kami, dahil thousand thousand peso pesoses ang chinarge samin. Di ba nya alam dalawa ang mag-o-audit sa kanya?! Ayun chinage ang bill namin, mali lang daw ang pagka-add. Asus adding machine ginamit nila tapos mali ang sum?!

Rating:
Sapat to Masaya


Since gusto pang bumijowke namin that night eh tumambling naman kami sa katabing bar called Kwago Grill. Ok ang ambiance dito dahil wooden ang design nila parang probinsya lang, tapos may live performers pa every night san ka pa?! Pero for that night nagkulong kami sa bijowke room, na nasa loob ng glass partition. May kumakanta nang group ng mga straighties, wala naman bettable kaya wapakels. Umorder na kami ng one bucket ng Tanduay Ice each, para sakin pangset lang yon ng mood sa biritan. Choz!

Three songs for twenty pesos lang ang rate nila not bad dabah. At may pagthetheme pa kami nung start. Round 1 namin eh songs by Freestyle. Since yung two faves ko eh napili na nila namely Before I Let you Go at Once in a Lifetime, sakin na lang yung This Time. Round 2 eh rock songs naman kaya nagHanging by a Moment ako. Round 3 eh birit songs na kaya I picked If Ever You're in my Arms Again, oh dabah
napakababa lang. Yung last round eh songers pick na, in other words bara bara na lang. Gumow ako sa Himala. Nababaan yata ako kay kuyang Peabo? Infernezz

Rating: Masaya

~0~


Oh dabah lumelevelling na kay ateng Julia. Pero walang relate ito sa book and movie of the same rhyming scheme. I just really lurve her ha. Bagay yata sa akin umacting bilang fooooood critic. I can be jell-o, cause I'll never be creme-brulee! Choz! Wala kasi akong pamasahe to Italy, India, Indonesia or even Iloilo at Ilocos.

I'm really being a good, pasweet judge dito ha. Mahirap kaya mag-Paula Abdul noh! Di na ako nagsulat about sa mga boring na kainan, like Mang Inasal sa Tycoon, Ortigas na nagseserve ng puto imbes na kanin at about how slow their service or bakit walang crowd control or bakit hilaw at basa ang puto nila. Hindi ko na sinulat about sa bad customer service ng mga crew nila na sumasagot ng pabalang kapag nacriticize sila. Kasi baka ako pa ang mapulaan na masarap naman ang chicken nila although matigas pa sa tutong ito. Oh dabah biglang nashift sa pagsa-Simon?! Choz! Instead I wrote about the experiences I had sa mga nagustuhan ko, kahit sapat lang.

Proposal pala ni Herson na iendeavor ko rin yung project nya to visit ten of the oldest restos sa Pinas (or Manila area lang yata). Like go dun sa Aristocrat sa Roxas, or dun sa seven or eight of ten sa Binondo. But I have to sample the bestseller at yung resto specialty, siguro at least three dishes each. Yaman ko lang ha?!


Implikasyon:
And it doesn't really matter if like or hate the food dito or doon. Ang mahalaga eh you enjoy what you do, if not stop. Ipabalot at ipakain sa mga nagugutom na bata. Hindi naman sila mabubusog kung pipilitin kong ubusin eh di ko nga bet, di ba? Choz! It would all fall down to personal preference, personal taste. Sabi nga ni Madam SyZyGy, "Meron tayong tastebuds, gamitin natin ito!" or something like that. Mehganon?!

Linggo, Enero 2, 2011

Sisig at Skrambol

Walang komento:
Huy namiss ko yung skrambol sa labas ng mababang paaralan ko noon ha. Since di ko naman natatapos yung mga blog drafts ko eh eto na lang ineenjoy ko pa rin ang paglamon.

From Manila Scramble, mejo corny ang tagline nilang 'It's cool to be Pinoy.' ha. Heniweys meron syang pink crushed ice, na hindi naman lasang strawberry, food color lang talaga which is so beki. Why not purple na lang? Suggestment lang. Tapos meron din syang powdered milk (mula sa dodo ng cow?!) At chocolate syrup, pero concerned ako kasi noon eh Brown Cow ang ginagamit eh ngayong mukhang tinunaw lang sa tablea. Choz! At meron ding pink syrup na again walang strawberry flavor. It's ok naman for 15 pesos.




Chicken Sisig naman to ng Sisig Hooray! May mix mix na chopped chicken bits, green chilli pepper, chicharon, at chopped onions. Pero kelangan iispeysyal request mo yung onions kasi parang masama ang loob ni ateng habang iniiscoopan ako ng onions. Masarap sya with lots of calamansi at toyo. Worth 55 pesos affordable na at nakabubusog pa.

Thanks to my sponsor Herson for treating me ha! Lurvett! hahah

Sayang wala akong pic nung Double Down with rice ko, at yung Tapsilog from Sinangag express pero I expressed my seal of approval via tweets. Yung Double Down eh mas masarap daw kung ipapalaman mo pa sa bread at ididip sa gravy. Yung tapsilog naman sorta kinda like the one from Rodics with the corned beef strips yah know.

I'll get back to my food trip blogs, etal after some time. Pag di na masyadong busy yah know. hahah

Biyernes, Disyembre 24, 2010

Ham

Walang komento:

Ham Yumminess NYCviaRachel by via Flickr.
Isipin mo na lang ham yan.


Ang tagal ko nang di nakakausap si Eile. Last time nagkachat kami eh puro IQ test ang pinagsasabi nya. Ngayon naman naninikluhod kaming humihingi ng awa na limusan kami ng pang-Noche Buena. Kelangan Purefoods quality or above. Choz! Marami kasi umaarte this time of the year yah know. Si kuya niregaluhan ng ham ang comment ba naman nya eh yung ham daw galing lang sa bangketa. Kalurks. Pasalamat ka na nga lang at may umiistar of the noche buena feast ka samantalang yung iba walang makain.

Eile:  So saan ang inuman ngayong pasko?

Athan: Wala nga eh.
Liver lover muna ako. hahah

Eile: Ikaw na!
Athan: Eh ikaw san ang inuman?

Eile: Di ako umiinom eh... strict ang parents ko. Hanggang Tang lang.
Athan: Tang?! Nako nakakalasing kaya yun. Lakas tama. hahah

Eile: Oo nakakakulay pa ng dila.
Athan: And in many colors pa. May violet, may red, may blue, at pinakamatapang ang orange. hahah

Eile: Anong flavor ang blue? Lysol naman ata yun.

Athan:  Antibac flavor daw.

Eile: Sarap at healthy pa! Handa naming pasko eh ginayat na ampalaya. Andame kaseng bitter eh. So there.

Athan:  Kesa naman ginisang pechay. Gusto mo ba kumain ng pechay? Paskong pasko. Josko! hahah

Eile: Ano ito yung pechay na inasinan lang? Ano ba yan! Sana yung may flavor naman bago ginisa.

Athan:  Ibababad muna sa Tang para may tama. hahah

Eile: Sabi na eh. Nasa bahay ka niyan? Ako nasa opis pa. Kakagalit! Parang computeran lang naman dito. Pinapasok pa ko.

Athan: Oh gudlak naman sayo. Kelan kayo pauuwiin? Pag tapos na magslice ng ham? Mehganon?!

Eile: So wrong. Luluwas pa nga ako ng Tuguegarao eh. Mahuhuli na ko niyan ng bus.

Athan:  Seryoso? Ang lapit lang ha.

Eile: Sana pwede mong isulat at isend sa MMK

Athan:  Oo. Tapos may eksena sa CR na umiiyak ka sa tapat ng urinal kasi naubusan ka ng ham.

Eile: Sana naman na-flush yung urinal.

Athan:  Akswali may sumuka sa urinal ng ham kaya ka naiyak.

Eile: Dapat manalo ako ng award nito grabe ang pagtulo ng luha ko dito. As in pang Cannes!

Athan:  Hindi lang Cannes pati Grammy makukuha mo. Kasi may musical number sa urinal habang umiiyak ka.

Eile: Duet kame ni Charice! Hello hello baby you called I can't hear a thang...

Athan:  Tamaaaa. Nasa urinal din si Charice. Umiihi ng patayo. Homg.


Hulaan ang title ng MMK episode na ito. Just type in MMK <space> <answer> at isend mo lang yan sa 2366. Promo runs til December 24.


~0~


Hindi sa handa sa iyong hapag, o sa mga regalo sa Christmas tree, o sa dami ng ribon, eskoses at bumbilya (wala yata kaming eskoses... ano ba yun ha?) ang sya'ng mahalaga sa araw ng Pasko, kundi sa love na maiseshare mo. Kaya give love on Christmas day. Pero nakakain ba ang love? Meron ba syang pineapple sauce? Isipin mo na lang ham yan, and it will keep you alive. Mehganon?!

Merry Christmas!

Lunes, Disyembre 20, 2010

Mystletainn

Walang komento:

Mistletoe by ahmet.surucu via Flickr.A kiss under the mistletoe. Yah know, mistletoe can be deadly if you eat it.
But a kiss can be even deadlier... if you mean it.
~Selena and Bruce

December, 2010


Nagkakantahan na naman ang mga bata sa kalsada. Sa neighborhood nila ate Sha sumising and dance ang mga bata to the tune of All I want for Christmas is Yoohoohoo babeh. Sa kabilang barangay namumudmod na ng mga sobre ang mga choir para daw mahiya ka naman magbigay ng below twenty paysows (kahit below par lang ang singingness nila). Enter si hija with matching kubyertos

Hija: Sa maybahay

Me: Wala, tulog, umalis.
Hija: Eh ikaw po.
Me: Wala nga sabi eh. Single ako lech. Wala akong maybahay. Kelangan ipowerpoint mo ito?! Ayheychu!
Hija: Loser!
Me: Patawaaaaa... on second thought! Shooo! Bumalik ka pag may pitch sense ka na. Your singing is just awful! It was excruciating the whole time, dawg! Choz!

Pasko na naman o kay tulin ng araw. Di na ako nakakapagblog lately. At di na rin ako nagsisimbang gabi. Tama na siguro yung nabuo ko sya last year. Wala naman ako napala. Pinaasa Niya lang ako. Choz lang po! Dapat kasi merong kalakip na caveat ang bawat wishes yah know: BAWAL ANG IMPOSIBLE! Bawal ang world peace, bawal ang condo unit, bawal ang Audi, bawal ang iPad, bawal ang lovelife, bawal ang gamot sa certain Cancers at alcoholism. Wag na makulit. Pag sinabing imposible wag na iwish. Pwede lang NFA rice, sardinas, noodles, Good Morning towels, kalendaryo, at picture frame.

Uso na naman ang SMP dahil kay ibowtomless-ang-saya-boy. Di yan yung samahan ng malalanding pechay, I can still remember nung bata pa ako referred yan as SMC, as in Christmas yah know wag shushunga shunga. Di ko naman pinalaminate ang certificate ko sa lifetime membership dun, pero ang uber korni lang talaga mag-emote na ng iba. Itigil na yan teh, naiimbernez na ang universe. At marami rin ang humahabol jumoin sa club yah know, mga recently singlefied. Cheers to us all!

Well di ko naman kinoconsider na malamig ang Pasko ko, although physically yes malamig na sya pwede nang matulog ng walang bentilador. Di sya malamig kasi I have my friends and family, and they are... omg I'm so nervous... the most important persons in my life yah know.

Kapag winter wonderland ang December mo eh di painitin mo. Kaya nga may chimney eh, magsunog ka ng sinibak na kahoy. But wait there's more, baka di ka na mabisita ni Santa nyan. And I've been a very, very, bad boy this year. Before mag-end ang taon ako naman ay humihingi ng taos pusong I AM SOWRI <in Ate Glo tone> sa mga taong sinaktan ko, yes including you hija sa monologue. Naway mapatawad nyo ako, at ilift na ang seven years curse. Di na po ako magbabasag ng salamin. At di na po ako magpapout. I pramis! At di na ako titikim pag lasing. But I won't do that!

Martes, Nobyembre 2, 2010

Naga Express

Walang komento:
 
Bicol express by Lawstude via Flickr.
"That's hot." ~ateng Paris

PeƱafrancia 2010
September, 2010

August pa lang nagplano na ang FSR ng byahe papuntang Naga. Doon isang umaga sa isang sulok ng BeckDo, may hangover pa ang lahat sa inuman, si Herson ang nag-organize kung sinu sino ang gusto gumora. Napasign-up na ako, si Son, si Ian, si Ef, si Chris, si Bash, at si Jomz. Nagset-up na sa last day kami magkikita kita. Si Red lang ang kaisa isahang gustong magpunta doon sa 10 para sa start ng festival, tapos gora sa Donsol in between the fiesta season then balik sa 18 sa last day. Sya na! Kami pang budget meal lang eh. Kaya nga makikisquat lang kami sa house nila Jack, sya bilang hostess of Naga for FSR.



Reservations

08.16.2010


August 16 nang magpunta kami ni Ef sa Isarog Lines para magpareserve. At dahil wala kaming shala powers eh forced ka pala'ng magpay as you reserve. Pinagtatawagan pa namin sila Herson at Red para lang magconfirm kung go talaga sila para mapaysung na rin namin yung tix. Etong Herson umaarte pa, ayaw ng likod na bahagi kasi daw shaky daw. At mejo natagalan pa kami kumuha ng confirmation sa mga gogora talaga kasi ba naman busy busyhan pa sila. Ang target date eh September 16 ang trip from Manila to Naga. Everytime na may papasok sa door na nagtatanong ng byahe sa 16 eh kulang na lang dukutin namin ang mga mata para lang pigilan or something like that. Narealize ko na 16 din nung araw na yon at baka nga naman chumachance passenger sila that night. Ang ending nakuha namin yung second to the last row para sa aming apat nila Ef, Son at Red. The rest eh bahala sila magpareserve.

A week before our trip to Naga, minessage ko ang mga jumoin para iconfirm kung gogogo na sila. Si Herson di daw pinayagan ang leave. Si Red may thesis. Si Jomz sasamahan ang jowa sa DFA. Si Ian training pa lang sa new work. Lahat na talaga may dahilan para umabsent at wala man lang duly notarized excuse letter as proof. Ok fine, pupunta pa rin ako whatever it takes. Omg, go din pala si Ef. At least may nag-iisa sa kanila na sasamahan ako by hook or by crook. Choz!

Flash back: A year ago, tumawag si Jack para pickup-in ko lang yung tix from Isarog. Nakareserve na sya. Expected ko eh same bus ako with teh Ezra pero no. Isinama ako sa Lazyboy with Red, my then errr crush....



 

Road to Naga
09.16.2010


Tuesday lang ako nagpass ng leave at dali dali namang naapprove since done na ako sa bulk ng paperworks. Thursday morning dinala ko na papasok ng office yung big bag ko. Plan ko sanang mag-casual na sa office pero I thought NO kasi birthday ng president namin kaya I'm sure mag-ii-standout ako sa corporate attire ng lahat. (Heniweys side note lang: ewan ko ba dun sa nagcater ng food, parang gustong kumain ng tao yung mga waiters at sungit sungitan silang magserve ha. Ayaw yata ibigay yung food at halos tunawin ka sa titig kapag humingi ka ng second serving.)

Umuulan na sa labas nang mag-out ako sa office at mapagkakamalan mong lotto stand yung taxi bay. Nag-offer naman si Ms. Helen na isabay ako papuntang Cubao, idadrop na lang nila ako sa may Tuazon. Actually sa may Baltimore lang yon, yung site ng dating Makro na ngayon Hypermart na. (Speaking of Hypermart, bawat kanto yata eh balak nang tayuan ng grocery nitong SM ha!) From there more lakad na tawid ng Tuazon, papasok ng Farmers at derecho na to Ali Mall. May nagcall, si Ef: "Tuloy ba tayo? Akala ko hindi na kasi umayaw na yung iba." Pakshett! Iiwan nila akong lahat?! Jumojowk lang pala sya at nasa may KFC na naghihintay.

Dumirecho kagad kami sa bus company para ipaopen ticket yung kanila Son at Red supposedly. Pumasok na rin kami sa bus para iwan yung gamit sa loob, then nagdinner sa KFC. Since nagdinner na si Ef eh iniwan nya muna ako para bumili ng water. Out of stock ang mga chicken steak kaya napa-one piece chix tuloy ako, plus one big bucket of fries. Kitang kita ko na tinimbang ni teh yung fries sa minibucket, nung nakita nyang tama na ang timbang saka nya tinaktak yung ilang pieces pabalik sa strainer. Kaloka, sana tinimbang nya ulit dabah. Sa dami ng tao that night na nakatambay lang eh forced akong makisiksik dun sa maliit na closed area ng mga crew mostly. Di masyadong malinis yung tables doon at walang aircon na umaabot. Dali dali kong inubos yung food in fear of viral infection. Choz!

Fifteen minutes before travel time eh almost full na yung bus. Yung seat reserved for Red and Son eh tinubuan ng mga pechay. Yung seat ni Ian, since di sya nagpaopen ticket, eh bakante at di man lang sila nagbother alamin kung pupunta pa si Ian. Heniweys may cutie sana syang katabi at tinitigtigan namin ni Ef, dun sa reflection sa window behind a dark background na animo'y mirror effect. Ang yummy nya, ang yummy nya, ang yummy nya... repeat to fade ko habang nilalantakan ang bucket of fries. May girl yata syang kasama na kinakausap nya kapag umiistop over kami. Pero sabi ni Ef may pagsulyap daw sa direksyon namin na di ko naman nakita kasi malabo ang mata ko. More chikka kami ni Ef from Cubao (kami nga lang yata ang majingay habang bumoborlogz ang lahat) hanggang nagkapaguran na lang bandang SLEX yata yon.


Flash back: 830 ang call time ng bus to leave for Naga. Si Red out of sight pa. Tumawag at ininform akong nasa LRT na daw sya, J. Ruiz station. Keh layo pa pala. Nagagalit na si manong driver, si manong konduktor at ilang manong and manang passengers. Napilitan tuloy akong magtrade ng tix, 2 lazyboys for 2 2x2 tix scheduled for 930. Feeling winner na yung nakakuha ng lazyboy tix. Kami feeling loser sa barter (pero parang winner na rin ako kasi nakasama ko sa bus si Red...)

 

Welcome to Naga
09.17.2010


Nagising ako nang sumisigaw si Donna Cruz. There'll be no summer, spring or fall, each time is like winter time. Chosera ka teh, ang klima lang sa Pinas eh sunny at monsoon daw ayon kay Charice. Bagong bago ang mga music na pumeplay sa radio: may Andrew E. at Renz Verano, kakastress! Tinext ko na si Jack na malapit na kami, yun pala Naga na pala yon. Nagsipagbabaan na ang mga tao at kami naman hintay galore kay Jackie. Karamihan ng mga bumababa may dalang pasalubong na Krispy Kreme. Move over na pala ang mga lata ng biskwit dahil ito na ang bagong pasalubong ng bayan. Choz!
Naghihintay din sa station si cutie kasama ang kanyang gurlfriend. Maya maya iniwan sya ni gurl, friend lang pala sila. Biglang enter frame yung isang pasahero sa bus na mukhang pamintang di mapakali. Friend din yata nya si ateng. Omg baka nga beki talaga si cutie. Hayy. Bigla na lang sya naglaho nung sinundo ng dad nya.

Since wala na kami masight ni Ef eh umupo na kami sa bench para more waiting galore. Nakaidlip ako akswali. Pagmulat ko akala ko iniinvade na yung terminal ng mga kaGaGahan. Azz in mga nakacostume yung mga babaita ng di maiexplain na uniform made of black leather and silver palara or something. Eventually malalaman namin na para sa military exhibition exercises daw yon. Tumawag na rin si Jack na kakagising lang kasi bumorlog pala uli sya nung nagtext ako na malapit na kami when in fact nasa Naga na pala kami. Quick drive at nasa mansion nya na kami.

Akala ko mag-ii-squat talaga kami sa may garden nila Jack. Masaya sana yon nakatent lang kami, parang camping lang pero ang difference eh may access sa running water and toilet. Supposedly eh dun kami sa boarding house na nibuyout ni Jack since lumalaki na ang family nya. Eh under construction pala kaya dun na kami nakisquat sa mismong room ni Jack. May queensize bed for the duchess, may plasma tv na di ko napansin nung una, fully airconditioned at wifi ready. May bundy clock pa sa gilid san ka pa?! Ayy para san yung bundy clock?! Choz! Fax yata yon inechos lang ni Ef. May detached na bath sa may gilid na may shower at take note may heater din. May medicine cabinet, at meron ding tissue, although nalito ako bakit baligtad ang pagkainstall ng tissue tuloy lumalaylay yung loose end. Walang bidet ang toilet pero meron namang tabo, you can never go wrong with a tabo alam mo yan. Pero ang very very wrong eh walang timba. I can't live without timba yah know, nagpapanic ako pag walang timba. Choz.

Pagkasettle down ng mga gamit doon eh nagbreakfast lang kami at natulog na maghapon. Nung magising ako eh nagfacebook kaagad. Oh dabah pumunta lang sa Naga para matulog at magfacebook eh pwede ko naman gawin yan sa bahay ng walang involved na kapal ng mukha. Tinawag kami for merienda. Kakauwi lang galing sa mimingan sa CWC ang mga pamangkin ni Jack at namiss namin ang chance to make lublob to the water yah know.

Everyone is like making salita na in Bikol. Wala na kami magets ni Ef. Kami na ang na-alienate. May napipickup na words si Ef, mayo daw. Infernezz kay Ef eh magaling sya sa context clues. Wala daw equals mayo. Pero gudlak pa rin, pwede pa rin kami maibenta as aliping saguiguilid pag walang translator noh. In my 28 years of existence, I have never ever had any major major, I mean difficulties understanding yah know. Bumalik na lang uli kami sa room para magmukmok at magfacebook.


Flash back: Kumuha ng isang room sa hotel si Jack. Since anim kami eh talagang di kami magkakasya sa two single beds. Kumuha sya ng another room at itinransfer lahat except for me and Red. Habang yung apat nagshare sa two queen size beds, ayun kami tig-isa ng bed. I remembered sleeping that night, si Red naka sando at boxers habang ako nakapants at polo at jacket at three layers ng kumot. Sobrang ginaw. Wala man lang kayakap....

Late afternoon gumora na kami sa bus terminal para pick-up-in si Raf. Yes, parang callboy lang ang drama choz! Paikot ikot muna kami para umiwas sa traffic, all the while nirerate namin ni Ef ang percentage ng cute sa Naga. One time 1/500, the next 1/3700, then 1/1600... kaloka di masyado maraming cute pero meron din naman naambunan ng cuteism kahit papano. Pagdating sa may university, may pinahanap si Jack na maintenance person. Sabi nung kuya eh tatawagin pa daw nya sa kabilang building. Biglang senyas ni Jack dun sa driver na sundan. Aba ang bright na driver biglang inopen ang door at akmang patakbo nga. Kalurks, akala ko sa pelikula ko lang mapapanood ang ganung eksena. Pinigil ni Jack ang galit nya. Pinigil ko ang tawa ko.

After that derecho na kami sa estasyon. Akswali nagparebook na rin kami ng trip back to Manila using Red and Herson's open ticket. Nakabalik na kami sa entrance nang biglang may kuya at ate na nagpapamudmod ng Rite Med samples. Ayaw sana ni Jack kumuha pero ano naman masama sa libreng gamot (unless expired na to). Enter frame na rin ni Raf, tapos pinakuha rin ni Jack ng meds. Then ride na kami back to the manor. Di namin masyado pinagkakausap si Raf sa ride kasi di naman talaga namin sya close. Bulungan kami ng bulungan ng mga inside jokes ni Ef sabay tawa. Ayy kalurks ang Raf nakikilaffin, may alam? Close? Choz!


Flash back: Last year  sobrang lala ng traffic. Pagkarating pa lang namin sa Naga eh bumabackroads na kami at may I daan sa kabukiran para lang makarating sa centro. Pati ang university ginawang parking lot. Lahat ng kalsada at eskinita eh siksik sa mga trikes at pedestrian....



 

Naga Night Out
09.17 c. 10:00 pm


After dinner nagyaya kaagad si Raf na gumora kami for the night para mafeel namin ang night out sa Naga. Nagprepare kami santagal sa mga susuotin. Since pasyal lang naman ang habol namin ni Ef eh nakashorts lang kami. Biglang pasok ni Jack sa room, tuliro. Apparently may friend syang doc na namurder, azz in sinunog daw ng callboy na nakikitira. Hinayaan namin muna syang gumora sa presinto para iconfront yung killer. Bumalik sya an hour or so later at mejo mahinahon naman pero ramdam mo ang kalungkutan. He was never someone na nanghahawa ng bad vibes kaya he invited us out to experience the Naga night scene.

Drive kami sa Avenue square. Performing on-stage si Nyoy Volante, kahit di ko sya masight sa layo eh narerecognize ko naman ang voice nya at nasasight pa rin naman ang eyeballs nya yah know. Infernezz gusto ko ang theme nya tonight, blast from the 80s. Pumasok kami sa Little Adam Sia resto, na akala ko same sa Little Asia resto or feeling ko lang nagtatawag sya ng tradename cases yah know. Di ako nagbeer that time at pasweet na nag-red iced tea lang. Maya maya nagyaya si Raf na gumora sa bar, sa may Club M8 daw. Ayaw ni Jack sumama, since may reputation syang pangangalagaan sa hometown nya, at baduy daw yung place. Umoo na lang kami ni Ef para lang maplease si Raf.

Across Magsaysay lang and down a few blocks ang bar. Andaming grupo ng kabataang lumiligid sa area. Pumunta na kami sa door pero biglang naharang kasi nakasinelas si Raf at Ef. Paglingon namin yung grupo ng kabataan eh nakatitig kay Ef at yung nasa gitna dinuduro sya parang sinasabi, "Eh sya nga umiislippers din ohh look oohhh look! Look sabi ehh look!" Sabay pulot ng sinelas at parang aktong nilalamukos. Sarap sinelasin! Pikon na pikon si Ef don. Kaya lumipat kami dun sa kabilang bar named Molino. Mahirap makakuha ng spot dahil fully booked din at wala pang Tanduay Ice my gawd. Walk back kami sa resto with Jack. More kain si Jack don ng pesto. Nagyaya uli si Raf na bumalik dahil may fixer na daw sya, este insider daw. Di sumama si Ef dahil galit galitan pa rin sya.

Napapasok kaagad si Raf kahit sleepers. Powerful pak! Hawi ng herr pak! Sya na pak! Parang sinasampal ko lang sya noh pak! Imagine ang look ko sa loob ng bar: lumang ordinary brown shirt, shorts, sneakers at bag. Kulang na lang ng monkey at bunot na herrstyle eh pwede na ako umexplorer. One free beer lang ang covered ng entrance, isang sapat lang ang pagkaukewarm na Stallion may gawd. Sa gilid gilid lang sana ako pero mapilit si Raf na lusubin ang dance floor. K fine. Uber random din ang playlist, buti pa ang local radio stations eh nakaarrange sa degree ng jologness pero ito walang patawad sa panglilito at panghihilo sa dancers. Ilang beses natatabig ang bag ko, magdala ba naman ng bag dabah tapos rumereklamo?! Yung magpapartners ginagawa ba namang magsweet dance eh hiphop ang now playing?!

Then enter sa aking peripheral vision ang isang pares ng dancers, mga boys papalapit nang papalapit. At di talaga kami nilulubayan ha. Baka magjowa. Sumiar lang ako sandali, pagbalik ko kausap na ni Raf yung dalawa. Plus may ateng din na umaaligid, mukhang kasama nila. Sila pala si Gerald at Noel, yung umaaligid na ateng di namin pala knows fumifeeling close at ishogo na lang natin sa namesung na Trixie Log. Nilalandi ako ni ateng, di ko tuloy nakabonding kagad nag new friends. Bulong ng bulong si ateng in a naghihingalong English. Pwede magtagalog teh, walang fine! May pag-eexplain pa syang kaya sya lumalandi eh para daw maappreciate ng mga visitors. Ako ba si Amy Perez? Bakit ka umaapila teh?

Napagod na kaming sumayaw (or in my case, magtry na magmukhang di inaatake ng epilepsy) bandang alas kwatro na. Nagpalitan ng number at nag-addan sa facebook kaagad. Nagpakilala at nagkwentuhan. Si Geh single daw, akala ko parang union ring yung suot nyang college ring. Si Noel naman may partner daw na naiwan sa Manila. Nagpaalam na sana kaming umalis pero hinatid pa nila kami sa may Avenue Square. Closed na pero may nag-iinuman pang natira, umuwi na daw sila Jack. Nagkayayaan na lang na magmorning mass. More lakad kami pabalik sa mansion. Di na sumasagot ng phone sila. Mabuti na lang at pinagbuksan kami ng guards. Nagbihis lang tapos go na kami sa centro.

Flashback: Last year ang nightout lang namin eh yung stay sa sports bar ni Jack eponymously named JAQ (magamit lang ang word ohh). Nagvideoke at nakipag-agawan sa mic, nakisayaw sa crowd sa likod ng tabing, at natulog sa sofa....


Di lang Bongga, Fiesta!
09.18 c. 5:00 am


Since ala sais pa ang mass na pupuntahan namin eh nagpaumaga pa kami sa McDo. Kape kape lang ako for instant boost ng energy, one creamer and two sugar. After nyan eh nagawa ko pa talagang hilahin ang aking half-zombiefied brains sa Cathedral. Sa gitna ng plaza nakalabas ang Divino Rostro kasama ng makeshift altar. After ng mass, hinatid uli kami nila Noel at Geh sa mansion. Haba lang ng herr? hahah

Di pa rin kami natulog nila Raf. More kwento pa at surf ng pornies. Homaygawd. Bumalik balik na si Jack para pabangunin kami. Nakaidlip lang ako siguro ng mahigit isang oras. Naglunch lang kami pero this time kajoin na si Chris na rumoadtrip with friends ng mahigit kalahating araw para lang makarating sa Naga. Nagisa pa ako sa lunch na yun ha, naging topic ang latak ng feelings ko, at ang di maekpleyng love triangle chismess na parihaba daw ang shape ayon kay Jack. Pano naman makakabuo ng square ang three points?! Josko magaling lang sa english at finance pero sa geometry ligwak. Choz!

First stop namin eh sa Mud Bugs para manood ng fluvial, thinking patapos na ang parade pero wala pa. Nilakad namin papuntang centro at wala pa ring kaganapan. Lakad uli at nasa cathedral na kami. Kakatapos lang ng misa at palabas pa lang ang Divino Rostro. Namili kami ni Chris ng souvenir hankies para sa tercentennial anniv. Namili pa ako ng color at pati yung mga tastas di ko pinatawad. Sa totoo lang parang inspired sya sa mga El Shaddai hankies ha. Kebz. Nakisway sway na lang kami sa crowd at nakishout ng Viva El Divino Rostro!
Viva El Divino Rostro!

Tapos back to chikkahan at camwhoring muna kami while waiting sa next procession. Nagtext si Noel na susunod na lang samin kung saan man kami. Sa tagal ng antayan blues eh pati nose hairs ko pinagtitripan na nila... boom! Nabunutan kagad ako ng tatlo yata, in the middle of the crowd, sa plaza, sa Naga, sa 300th year ng fiesta ng PeƱafrancia. Omg! After thirty minutes ayun dumungaw na rin si Nuestra SeƱora. Nagpaulan pa ng confetti ang hovering choppers. Infernezz di sya shredded yellow pages gaya nung tambling ni Tita Cory sa Ayala last year. Sumunod na rin kami palabas right after. At sobrang daming tao ha, azz in nakakalunod makisabay sa agos. Hinanap namin yung shortcut pabalik ng Mud Bugs. Saktong dating nila Geh at Noel, saktong iwas ni Chris. Apparently, mga students sila sa school na pinagtuturuan ni Chris at ayun nga Sir na sila ng sir sa kanya.


Flashback: Last year nagtago lang kami sa second floor ng isa sa mga buildings around the centro. Makikita mo ang dami ng tao. Color coded ang mga tao at nakikita mo ang pagsway ng mga kulay sa tulakan at sa pagtatangkang akyatin yung domelike structure ni Our Lady. Skeyri lang, parang Nazareno ng Bicol lang sa dami ng tao....

Parang lumang building ang tinatayuan ng Mud Bugs, isang sports bar of sorts sa tabi ng pampang ng ilog ng Naga. Naging business na nito ang magpaentrance sa mga gustong manood ng pagdaan ng Nuestra SeƱora. Kahoy ang sahig nila na parang nasa barko lang ang feel. May mga videoke at mga billiards table at syempre alcohol. Sa backdoor ang entrance. Tama, eenter ka sa labas, or was it lalabas ka sa entrance? Heniweys 100 PHP para sa seat sa harap ng fluvial procession. Nagnomo muna kami ng Tanduay Ice while waiting. Sila Ef at Chris lumabas naman para bumili ng food. Wrong move kasi wala pang ten minutes anjan na ang fluvial. Nangunguna ang mga supporting stars, mga endorsers, mga color-coded na deboto, at last ang barge ng Nuestra SeƱora at Divino Rostro. Mapapansing walang gurl sa barge, bawal daw. Selosa si Our Lady, linulunod nya ang barge kapag merong nagtatangka. Ok lang naman kasi ayaw nya lang sa natural-born pechay so yung mga nagbabalak rumampang mga beki eh keribelles lang daw. "Gora!" text nya. Mehganon?! Tumagal ng five to ten minutes ang fluvial procession. Sa loob ng mga oras na yun eh di man lang nakabalik ang dalawa. Sayang namiss nila.

After ng fluvial lumabas na kami papuntang Basilica para sa mass ng Nuestra SeƱora. Malayong lakad pala yon pero wala namang magagawa kasi wala talagang masasakyan papunta don sa sobrang traffic jam. Lakad, stop, piksur, lakad, liko, lakad until poof andun na kami sa kalsadang straight ahead lang papuntang Basilica. Bumperrr to bumperrr ang sitwasyon sa dami ng tao. Tulakan ang mga tao, maya maya kabangga mo na rin yung mga pabalik kasi naman di naiayos ang traffic flow. May malalaki pang mga military truckies na nakahambalang sa daan. Kiskisan at punasan ng pawis talaga hanggang lahat kayo malagkit, nanlilimahid at pare pareho na ng amoy. Nagchoochootrain kami para di magkawalaan.

After like twenty minutes na usad pagong eh finally nakapasok din kami sa gates ng Basilica. Yung mass ginawa na lang sa yard mismo para maaccommodate ang crowd. May stage at powerpoint presentation pa talaga pero sorry di ko pa rin makita ang effort nila. May hundred or so priests na nakikicelebrate at iniluklok talaga sila sa pedestal malapit sa makeshift altar. Paypayan ang mga tao, at yung mga kandilang itinulos eh nagsilbing light source sa madidilim na sulok. Ilang beses na pumapatay sindi ang kuryente. Fail ang CaSurECo, sana nagUPS na lang sila. Fail din ang mga beki na tumitili kapag bumablackout at umiispark ang livewire. Nairaos naman ang misa ng matiwasay pero di ako nakakiss sa Nuestra SeƱora or nakapagwish sa Basilica. Fail ang attempt na to.

Naglakad na rin kami pauwi pabalik sa mansion, sila Geh at Noel naman pabalik pa sa Baao. Text text na lang daw sa Saturday nightout. Back at Wayne manor, nagsipagshoweran, nood noodan ng tv at more innernet nang bigla bulabugin kami ng mga kasambahay. Kumain na daw kami. Omg, I can't believe it. Pinupuyat pala namin sila kasi di pa kami nagdidinner. Lipas na nga kami sa gutom kaya di na namin ininda ito mehganon?! Pero wag ka pagkaserve ng food, lamon, lantak, lafang at laklak ang naganap. Simut sarap talaga.

Nagpaturo kami kay Raf ng ilang Bicol words. Naituro lang nya ang meron at wala na igwa at mayo. Si Ef nagturo din ng malalim na Pangasinense: tweet weet twee teet weet. Choz! Parang tunog ibon na daw kasi yung ibang salita doon. At syempre ang ever dramatic na Carlo Aquino moment na natutunan namin don: Huna mo lang mayo, pero igwa, igwa, igwa! PAK! Isinapuso namin yan para magamit one time while nasa Naga. Choz!

Bumalik na kami sa kwarto at more TV mode. Wala pang paramdam sila Geh at Noel kung what time kami magnonomo. Biglang may nagtext, si Noel sabi nya baka di na daw sila makasunod kasi wala nang masakyan pabalik ng Naga, at may sinasabi pang mamimiss daw ako. Omg, flirt signal yata yon. Pinilit ko na lang na pumunta pa rin sila. Before an hour dumating din sila, pinapasok pa ni Raf sa room... without Jack's permission ha. Tumabi pa si Noel sakin sa matress sa sahig... well dun ang pwesto ko kasi ayoko ng may katabi sa bed. Si Chris dumating din later then go na kami sa nomohan. Since walang baon na shoe si Raf, balak sana nyang makihiram ng shoe ni Jack. Binalaan sya ni Chris to wear the cheapest kasi baka madamage pa nya. In the end di na rin sya humiram, nagbaka sakali na lang na makakapasok.

First stop namin sa Molino bar. Sa loob kami pumwesto kung saan kinuha umeHH kami ni Noel sa ilalim ng table. We had to transfer later sa labas dahil nonsmoking sa loob duh. So ayun mas exposed ang seat kaya naghesitate sya humawak this time. Umorder na rin kami ng shots ng Tsunami, a blue colored concoction na may traces ng vodka or something. Curious naman sila sa Blow Job pero takot magtry. Naground two na lang kami ng Tsunami the tambling na sa Club M8. Akswali ayaw na namin pumasok don nila Ef at Chris pero mapilit yung tatlo. In the end go na rin kami.

Wala yung backer ni Raf pero napilit pa rin nya yung bouncer na papasukin kahit nakasandals lang sya. Sa loob eh puno na naman ng mga tao, mostly kiddies na parang pakawala sa out of control na prom night. Basang basa din ang dance floor that night. Di ko alam kung yung aircon nagleleak sa ceiling, may banyo sa room above na tumatagas ang water, or yung pawis na nag-evaporate eh nagpeprecipitate kaagad. Nagsipagpartneran na rin kami. Si Geh at Raf, si Ef at Chris na parang naglalaro lang, at kami ni Noel. Ilang beses ko hinuhuli ang mata nya pero mas mailap pa sa akin. Hayyy doncha know yun ang attraction factor ko, yung kayang makipagtitigan sa akin?! Nakaatensyon pa sya dun sa celphone nya eh. Pinanood ko na lang sila Ef at Chris na pinagtitripan yung ibang dancers. Umenter frame din yung isang celeb celeban na sigaw ng sigaw sa mic ng Kapuso! Kapuso! Stress si kuya, lalo pa't nakasuot sya ng sando at vest na outfit na very very wrong sa paningin ko.


Flashback: Nakijoin kaming lima nila Ezz, Ken, Pau at  Lee. Eh biglang hinila si Lee nung isang pechay. Hala si ateng pinilit talagang ipasok yung kamay ni Lee sa loob ng pukersia nya. Yaaakkks....

Napagod ako at rumetire na sa isang sulok ng bar habang nilalaklak ang free beer. Niyaya ako ni Noel na lumabas, sabi nya gutom daw sya kaya niyaya na rin nya akong iwan na yung bar para magMcDo. That time sobrang bangag na ako. Tinanong pa nya ako kung ok lang bang magstay dun kanila Jack, sabi ko ok lang. So ayun dumirecho na kami from McDo to the mansion. Halfway sa byahe nagising ang diwa ko at kinabahan sa ginawa kong magyaya ng stranger sa house na sampid lang din ako. Omg! Tumatakbo sa isip ko sangkatutak na negative thoughts pero di ko napigilan din ang sarili ko dahil ginusto ko rin naman ito.

Pinagbuksan lang din kami kaagad ng guards at dumirecho sa room. Binuksan ko kaagad ang aircon habang naghubad na ng shirt si Noel. Ako rin naghubad na ng shirt at nagpalit sa shorts. Tapos humiga na kami sa matress. Ayun lang magkasama, just the two of us, magkayakap. Ganun din nila kami naabutan nang umuwi na sila Ef, Raf with Geh. Natulog na magkayakap sila Raf at Geh. Si Ef naman nasa kabilang side para pwede syang tumalikod sa mga kalapastanganan nasa loob ng silid.

Kinaumagahan inaya kaming lahat sa breakfast ni Jackie. Hiyang hiya ako sa nagawa ko. Pero he was in a light mood naman. Inintro na namin yung dalawa sa kanya at sya naman ay proud to accept them in our FSR family. Umalis din kaagad yung dalawa before lunch para mag-ayos ng mga gamit nila.


Legaspi
09.19.2010


Bumalik ulit kami sa bus terminal to reserve our seats. Ang byahe namin alas ocho ng gabi. Mahaba pa ang time namin para maglagalag sa Legazpi. Dun na rin namin sa terminal pinickup sila Noel at Geh. Si Chris namaalam na rin samin sa terminal dahil papunta pa daw syang SM.

Mejo mahaba ang byahe from Naga to Legaspi. Nasa passenger seat umupo si Ef para bigyang room kami sa likod. Si Jackie ang designated driver para magkasya kaming lahat. Another round of HH moments ng dalawang pares. Nakikinig ako nung una sa Sunday radio ni Jackie nang biglang pasakan ako sa tenga ng playlist ni Noel. Nakakabingi sya, azz in high level ang volume tanggal ear drums ko. May stopover pa kami sa Baao para magpaalam si Geh na magstay sa Legaspi. From then on, kwentuhan na along the way. This time si Noel na mismo ang nagkekwento kay Jackie. Yes kelangan talagang ligawang ang inay para pumabor sa anak. Choz!

Dumating kami sa may Cagsaoa bandang alas dos ng hapon. Di na sumunod si Jack sa loob since resident na naman sya. More camwhoring kami doon, pero nakakarindi yung mga batang nag-ooffer na sila daw ang kukuha ng pics. Mas marunong pa sila sa amin ha. Di rin ako nakakakagat sa maswerteng bato ng lumang simboryo, forfeited na daw ang chance ko since my last visit. Doon na rin ako naghanap ng mga ipapasalubong sa bahay, since super tipid mode ako puro cheapness lang ang pasalubong ko.

Next stop namin eh sa house nila Raf. Nagprepare pa sila ng merienda. Spaghetti, buttered bread, shanghai, macaroni salad, at iced tea. More chikkahan ulit hanggang sa nagkalimutan na kami ng oras. Past five na nung bumiyahe kami pabalik ng Naga. Naiwan na sila Raf at Geh sa Legaspi. Kinabahan talaga ako sa byahe namin kasi baka maiwan ng bus. Nilalandi ako sa likod ni Noel pero ang utak ko nakapako sa time. Bakit pa kasi namin iniwan yung gamit namin sa mansion kung pwede naman kaming tumuloy na ng derecho sa station. Grabeh may once or twice din tumama yung side mirror ni Jack. Napaseatbelt bigla si Ef.

Nakarating kami sa station past 8pm na. Hindi pa makaalis yung bus dahil may pito pang inaantay, kami ni Ef yung dalawa don. Hinatid pa talaga ni Noel yung mga gamit ko at yah know sweet naman talaga na inantay nya pang umandar yung bus bago sila umalis. Hayun ako nakatanaw sa kanila habang papalayo ang bus....



Implikasyon: What happens in Naga stays in Naga... or so I thought. Mauunawaan naman siguro kung meron reservations on my part, may jowa sya that time. Ayoko makientra yah know.
Akala ko simpleng landian lang yon pero parang merong something yah know, pero hindi ba spark yung something na yon? Di ko sure.

Huna ko lang mayo pero igwa, igwa, igwa!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips