Sabado, Disyembre 19, 2009

Lantern Around

Walang komento:


Photo by keyjeykey at Flickr.



UP Lantern Parade 09

December 18, 2009


Mula sa paanyaya ni Herson na gumora sa Paskuhan sa UP eh pinagpasyahan namin nila Rai na dumalo nga. So ang set-up kita kita sa may Philcoa ng 3:30 PM. Pero dahil na rin sa maaga kong paggising sa araw araw dahil sa pagsisimba simbahan eh nangailangan ako ng extra sleep at nagulantang na lang ng alas tres ng hapon na ako nagising. Super late na naman. Sabi na eh, masama ang idinudulot ng pagsisimbang gabi choz.

Quarter to four ako nakasakay sa MRT, sumiksik pa talaga ako sa pinto ng pangatlong tren na dumaan. The usual siksikan sa tren, na halos kayakap ko na yung nasa harap ko pero I didn't dare, di ko type eh hahah. Pagbaba ng Quezon Ave, punta naman ako ng sakayan ng jeep. Nasa dulo pa pala ang sakayan ng UP Campus at dahil puno na yung jeep kalahati lang ng pwet ko ang nakasampa. Mali pa talaga yung binabaan ko sa loob ng campus. Sinundan ko kasi yung dulo ng parade, magra-round trip na sana ako nang biglang may kumalabit sakin at si Jackie pala yon. Kasama sya sa parade, sa Babaylan. Nakasuot sya ng red jersey at shorts
na in honor of his basketbolista jowa. Kung nakakapanood ka pa ng back episodes ng NBA circa 70-80s ata, ganun mismo ang outfit nya. Para din syang gym uniform, kinda Taylor Swift-ish with the knee high socks and all. And to complete the ensemble, we top it off with a red bandana. Cute naman sya infernezz. Tinuro nya ako shumortcut kung saang kakahuyan. Napadpad na nga ako sa may Sunken Garden. More lakad pa ako across the campus. Kung san san naliligaw. Pati ang mga tinetext ko di na nagsasagutan kung nasan sila. Nakarating ako sa harap ng Melchor Hall at andun ang pagkarami raming Eng students all in kosa attire, I mean orange pala. Tambling naman sa kabilang side hanggang finally nakarating na rin ako sa likod ng Oble. Kaya naman pala walang nakakareceive ng text kasi blocked sya ng sinet up na signals ng ABS habang nagcocover sila ng event. Nagkita kita kami nila Rai bandang 6:30 na ata.

Mahigit dalawang oras na ang nakalampas nang magsimula ang parada. Lantern Parade daw to pero less lanterns or parol ang nakita ko at more on floats. Ang theme nila "Kapaskuhan, Kalikasan, Kinabukasan." May 5-10 minutes na idadaan ang isang "lantern" sa harap ng stage habang binabasa ng hosts ang background nito. Minsan may production number din na involved. Naabutan ko ang sa CSWCD at ung parol nila isang simple white lang. May angel pa sila in white tapos biglang nagsong number sila, "Ako, Ikaw, Tayo, Pamayanan" masaya yung beat nya. Meron din yung Asian Studies na parang cosplay competition lang. Tapos may pambato din ang Islamic Studies na mejo shocked ako bakit may parol sila, di ko alam nagse-celebrate din pala ng pasko ang Muslim. Ang parol nila may orb at moon, tapos nakapatong sa kumintang. Meron din palang parol na Sarimanok. Sa College of Music nakakatawa lang dahil walang background music ang production nila. Ang parol nila may Ballerina sa ibabaw, panalo sa effort si ateng pero sa parol eh lotlot na yan for sure. Hala dumaan na ang College of Engineering, feeling ko lahat yata ng estudyante sumali na at ginawang alay lakad ito imbes na parada. Meron silang parol daw na mga robot robotan, parang mga puppets sa COD dati. After 40 minutes ata natapos ang walkathon nila. Enter na ang mga Babaylan
, org ng LGBT community. Naka-all red outfit sila, na ayon sa kanila eh mapa-pechay, otoko, beki o lulu, iisa lang ang kulay ng dugo natin at iyon ay pula. Panalo yung kasama nilang ateng kasi ang ganda nya, parang tunay. Di namin talaga sure kung tranny sya o fem lezbo. Pati mga hosts natulala at nainggit sa boobies ni ateng. At last pumasok na ang College of Fine Arts. Meron silang sariling theme na Asian style. Merong Elephant galing Thailand na nagtransform into lotus flower na may dancing-dancingan pang lulurki on top. Merong Chinese Temple na may Qing Long Dragon pa daw na umiistory pa sila kuno ng drama dramahang Chinovela. Merong Buhay na Gubat pero mukha namang low batt yung kasama nya sa parade. Merong Alamat ng Alitaptap float na may giant fez ng fairy daw na kirat. Merong Pandanggo sa Ilaw troupe din. Ang pang finale nila eh ang mag-inang Pacman at Pacmom, buti di sumama si Pacbet. Heniweys, nakakatakot pa rin at mashongetz ever ang fezz ni Pacman kahit sa float. Imagine mo pa na may hawak syang basong may kandila, san ka pa?! Mejo pilipit nga lang yung pagkakagawa nila ng braso. Tapos nasa dulo si Mommy Dionesia. Nakasuot ng ballroom get up ang lantern nya, kaso isa lang ang paa. Lafftrip yung mga hosts pramiss. Biglang may production number pa sila na may mesh ng samples ng voice nyang "Sesaning granyels" at "Ako ang tonay na kampyown."

Natapos din, nag-announce pa sila ng incentive eh as if naman may makukuha kami don, nang inggit lang sila. Innanounce na ang winners sa mga categories. May isang category na 2 lang ang sumali so placers na kagad sila, winner at loser, I mean first at second place pala. May award din para sa carolfest na nagperform ng "Kaysigla ng Gabi." At last winner ng Parol innannounce na rin. College of Home Economics ang nakahakot ng awards ha. Bago matapos yung program, nagvideoke pa sila onscreen ng "Ang Pasko ay Sumapit."

Natapos ang gabi sa Fireworks Display courtesy ng Beta Epsilon yata. Ang sarap panoorin sa open field. Si Lan nga nagka-stiff neck na daw kakatunganga. May ilang mabilis na sparks lang, may ilang mabagal magdissipate habang dahan dahang bumababa. Para syang meteor shower kinda stuff. Imagine Cloverfield. Scary and weird pero may warm feelings ng excitement. Naalala ko tuloy yung conversation ko with Elvin about pyros. Kung walang spark pilitin. Dalhin sa fireworks display. Pero di sya nangangahulugang merong chemistry involved. Minsan lights lang talaga sya. Magandang pagmasdan sa mga sandali.

Habang lahat nakatingala, naisip kong para kaming mga gamu gamong nakapalibot sa mga lampara,
hinahanap ang init, hinahabol ang liwanag. Malamig na ang simoy ng hangin sa field. Ilang araw na lang. Maligayang Pasko sa mga dumalo at sa lahat.

Huwebes, Disyembre 17, 2009

Parusa

Walang komento:

Photo by joiseyshowaa at Flickr.


Buwan

December 17, 2009


After ng daily morning habit ko para sa season lang na to, balik chikkahan ever kami ni Elvin na nag-ooverstay sa office nila dahil natatakot ata mareyp sa daan pauwi or inaaksaya ang company resources. Nako I'm sure imbyernezz na naman si Charinggerzi sa kanya. Sana lang nagbabalik loob na sya sa Dos. Yep kapuso sa puso ng dos ang drama nya. Wak masyado maingay baka mapersecute, maparusahan, masalvage, at matagpuan ang chinopchop na katawan sa kangkungan sa bandang Bulacan. I'm skerd for you teh. Ipinapagpray over kita palagi. Alam mo yan.


Elvin: Musta ang simabang gabi?


Jeremy: Ok naman. Nagconcert si Father. Song kung song, birit kung birit. Ayaw paawat.

Elvin: Ayy, buti di binato ng kamatis from talipapa?!


Jeremy: Mahal kasi ang kamatis this season eh.

Elvin: Eh bulok na kamatis?


Jeremy: Sayang din daw. Mahal ang bilihin ngayon. Kelangan magtipid. Konek? At nga pala, beking beki ka daw sabi ni Juding Charing.

Elvin: Saan naman?


Jeremy: Sabi nya kanina sakin. Dahil daw sa statline mo, "PARURUSAHAN KITA SA NGALAN NG BUWAN."

Elvin: Seylormown?


Jeremy: Yeiz, as if di sya nanood ng Seylormown dabah.

Elvin: I know right. Inggitera lang sya.


Jeremy: Korek ka jan.

Elvin: Di ko kase pinagpapapansin.


Jeremy: Feeling nya sya si Queen Beryl o Peril ba yon?

Elvin: ihihihi. Beryl. Ako rin nalito dun.


Jeremy: Basta magkatunog

Elvin: Or sya nalang si Zirconia. Mas bagay sa kanya.


Jeremy: Ayyy anong season yan? Forgot ko na.

Elvin: Seylormown S yata. You know the one with tigers eye, hawks eye, fish eye.


Jeremy: Sore eye? Third eye? Andami nyang eye ha.

Elvin: Basta sa Seylormown S nga yun. Kase yun yung may Pegasus.


Jeremy: Anong name nung Pegasus na yon? Prince Chorvanesis ba?

Elvin: Ayy di ko lem. Basta Pegasus.


Jeremy: May name daw yun eh. Ewan...

Elvin: Baka naman si Richie lang yun?


Jeremy: Richie ka jan?! Da Horsey?

Elvin: Galing!


Jeremy: Naman! Ex mo yun eh! Choz.

Elvin: Si Jude si Richie da Horsey? hahahahahahahaha pwede. Pero mas bagay yata dun ang Jude, the Problematic Horsey.


Jeremy: May qualifier na "problematic"

Elvin: Of course. Ikaw na ang problemahin araw araw ang buong mundo. Tapos sasabihan pa na beking beki si Seylormown my gass.


Jeremy: Korekted by.

Elvin: Ayy nako, musta naman yung soulmate mo? Wala pa rin? Baka naman si Father talaga yun.


Jeremy: Wala akong soulmate kasi wala akong kaluluwa. Choz

Elvin: Ayy pareho tayo. Wala nga akong mai-barter sa Devil for wisdom and power eh, ya know.


Jeremy: Pwede yung costume mo na ginawa mo daw. Tumatanggap sya kahit second hand.

Elvin: Storm?


Jeremy: Oo naman, matagal na nya pangarap yon

Elvin: Ayy! Sige pag-iisipan ko. Teka, di ba nga ibebenta ko online?


Jeremy: Sya na daw ang highest bidder! Automatic yan, yes effem.

Elvin: Wow, anong level ba ng wisdom and bibigay nya? Dapat yung power ko same levelling ng kay Seylormown para may I-Moon Princess Halation ako!


Jeremy: Why not. Pangarap na Buwan ito.

Elvin: Unti unting mararating kalangitan at buwan....


Jeremy: Baka magalit si Janggeum sa atin.

Elvin: At isumbong tayo kay Lady Han. Kelangan kase galing ka sa kilalang angkan.


Jeremy: Paruhasan kaya kita jan sa ngalan ng Diyos.

Elvin: Chosera.



*Wala na ngang moral, wala pang lesson. More chikka lang talaga.

Miyerkules, Disyembre 16, 2009

Takbo

Walang komento:


Photo by danes96 at Flickr.


Oblation Run 09

December 15, 2009


Pagtapak pa lang ng Disyembre eh more chika na si Herson sa nalalapit na schedule ng events sa UP campus. Eh wala naman akong balak na gumora dun kasi di rin naman kasure-an ang mga tao kung pupunta sila dun at ayoko maiwang mag-isa. Hanggang sa nakakwentuhan ko si AJ na balak daw jumoin sa Obleyshown run. Akala ko nga gusto nya tumakbo pero makikiusyoso lang pala, saka na lang daw tatakbo dun. So inisked ko na ang pagpunta don. Two days before ang actual run, nalipat ng sched si AJ. From graveyard naging mall hours sya kaya zero chances na sya pumunta. Buti na lang at go si Rai kaya may kasama ako. Nagtanong na ako ng directions pano at saan magkikita.

Umaga ng a-kinse, dalawang oras lang ako nakatulog. Di naman sa excited pero alas tres ng umaga kasi ang timeslot ko kadalasan mag-innernet kaya ayun mulat na mulat na kaagad ako. Nagbusy busyhan lang ako sa farm ko at blogs para mag ubos ng oras. Pagdating ng alas siete saka naman ako inantok, kape kape na lang para magising. Shower lang at takbo na kaagad papuntang UP.

Biglang nagtext ang Alex at sabay na daw kami pumunta. Imbes na magMRT ako eh inantay ko na lang muna sya sa may bandang Shaw. After 20 minutes saka pa lang dumating. Nagpaabiso na ako kay Rai ng 20-40 minutes na tardiness yah know. At ang magaling na Rai kakagising lang pala. Ang meeting na 10:30 sa Philcoa inabot ng isang oras pa. Filipino time nga naman. Plus may traffic papasok ng UP. Around 10-15 minutes before actual run ang dating namin para magset-up ng tatambayan. Si Rai na talaga ang sikat sa campus, lahat ng nakasalubong na kakilala may bearhug.

Sa AS kami nag-abang. HQ ata ng APO. May nag-abot sakin ng flier laman ang adhikain nila. Maya maya nagsimula na ang mga streakers. Unang daan pa lang napa-OMG ako. Fully nekkid, may cover lang na mga masks or shirts sa fez, di naman flag ceremony si junjun, at may hawak na rose or banner. Akswali dapat yung statement nila ang binabasa mo eh, pero parang spaghetting pababa ng pababa ang titig mo until poof.
Di ko nga gustong tinititingnan ung sakin, sa iba pa kaya. Kaya buti na lang sa chest na ako tumingin, malaman at maganda kahit papano, laman tyan din yan at di pa ako naiistress below where the belt should be. Pero infernezz magaganda ang butt nila ha. Nakadalawang daan lang sila, to and fro. Ayun na yun. Yung oblation run ganun lang. Wala man lang ako nareceive na rose. Choz. Well, siguro nag-expect lang ako masyado kaya nadisappoint ako.

Ginutom lang ako. Kaya yung next na tindera ng mais binilhan ko kaagad, pati tinunaw na star margarine tinungga. Eh ang kakainan pala namin ng lunch doon pa sa Katipunan. Ride pa ng jeep patungong Manila Water ha. Kumain kami kanila Mang Jimmy. Mura naman at masarap. Parang probinsya nga ang atmosphere eh. Batu bato ang flooring nila. May tumatagas pang tubo ng Manila Water sa gilid, pwede naman nila ireklamo siguro kasi katapat lang nila eh. Akswali di naman sila nakabantay sa gate kaya pwede ka mag 1-2-3, pero mahirap tumakbo ng mabigat ang tyan. Baka pumutok si appendix.

Heniweys, I'll be back na naman siguro for the Lantern Festival sa Biyernes. Sana naman maganda na maisulat ko next time ha. Eto ang first ko, hopefully not last, na usyoso mode sa Oblation run. Baka next time ako naman tumatakbo jan. Hahah asaness.

Martes, Disyembre 15, 2009

Waterrific

Walang komento:


Photo by taylorkoa22 at Flickr.


Wensha Virgin
December 14, 2009


Ewan ko ba pero lately tumatakbo takbo ako sa labas pag madaling araw. Parang sort of jogging joggingan blues. Pero di naman seryosohang jogging kasi nga 10-15 minutes lang ang kinakaya kong tumakbo, at madali ako madehydrate. Every other day lang ito pero naeenjoy ko na rin kasi lagi ko nakakasalubong si crushyness. Buti na lang opposite direction sya at mejo malaki yung circle na iniikutan ko kaya twice ko sya nakakasalubong sa isang ikot. At dahil jan nafoforce ko ang sarili ko makadalawang ikot why not. Kaso ang matinding kabayaran sa kalandian eh ang pananakit ng kasu kasuan. Totoo, feeling ko ngarag to the bones ang legs ko, at di ko pa rin naa-achieve ang pangarap kong calves leche. Di na ko gano tinatablan ng Omega painkiller, Alaxan ip-ar at Salompas. Mabuti na lang talaga at naassemble ko gumora ng Wensha si Warren at Theo. Ang sched Monday (para di conflict sa mga pangkatulong ang day off), alas kwatro sa Quezon ave station ng MRT.

Dumating ang nakatakdang araw. As usual muntikan ako malate pero umabot naman. Ang di ko napaghandaan eh ang battery ng celphone ko. Mega-texting galore pa kasi sa isang friend (nagpapacute kasi choz) ang ending pala di na ako makareply kanila Warren at Theo. Well, nakatext pa naman na wag na sa MRT station magkita, dun na mismo sa Wensha. Pagdating doon, wala pa ang Warren at Theo. Naghintay ako ng 30 minutes tapos pumasok na rin kahit mag-isa lang.

Dahil first time ko magsolo quest sa Wensha, kinakabahan ako syempre. Ang lungkot sa wet area kasi wala ka kasama magrate ng mga tao. Pinapalabas sa TV ang PBB at glued ang mga tao kay Melai. Di man lang ako matawa, nasasad ang puso ko maging loner. Choz. Di lang talaga ako fan ng  Melason siguro kaya di pa ako makaride sa joke time nya.

Kalagitnaan ng aking pagtatampisaw sa kumukulong tubig saka pa lang dumating si Theo. Congratulationsss! Anong petsa na?! Ayun happy na ako, may kasama na magjudge ng mga tao sa pool hahah. Si Theo nga pala ay isang virgin sa spa scene, mas madalas kasi syang matatagpuan sa mga bathhouses. Yes, the notorious bathhouses ng bookingan at aurahan. Dapat yata may baptismal eksena pa sya tapos ilublob sya sa tubig dabah. Naappreciate naman nya yung tiles daw dito kasi rough sya. Well lighted pa yung place, unlike sa bathhouses na struggling ka sa redlight (kung saan ang moon surface ay animo bolang crystal if yah know what I mean.)

Nagtry pala kaming gumora sa steam room pero sobrang init ngayon. Pagpasok pa lang mabigat na talaga sa katawan ang init, heavy breathing ako sa loob. Parang levelled up since the last time. Siguro dalawang minuto lang ako doon, pero naglabasan naman mga pawis ko. Inaya ko si Theo sa sauna. Ekpleyn pa ako na ang sauna eh parang barbecue-han lang minus the marinade, at mas mainit sya sa steam. Well nung last na nagWensha kami ni Warren eh tolerable ang init doon. I'm sure ngayon levelled up din ang init, yung tipong pag pumasok ka na may plastic cup na may water, kukulo yung water at malulusaw yung plastic sa kamay mo. OA lang.

Ireview naman natin ang mga tao sa pool area. Meron mga nag-aassist don sa pool. Yung isa si kuyang nakaplaid na shorts, ang ganda ng legs nya, nainggit naman ako sa calves. Yung iba nya kasama... wala lang. Sa mga customers, karamihan mga thundercats. Meron din majujubabs. May friends na dumating na mukhang mas bata naman sa average age level. Hala, di malaman kung san lulublob. Hot or cold ba koya? Feeling ko lang gusto lang talaga nila magflash, ginagawang dahilan yung pagtransfer ng pool para ilabas si junjun. May dumating na nakaglasses, shett weakness ko yung glasses. Di kaya crush ko lang yung glasses at hindi yung may-ari? hahah. Heniweys, slim sya pero mamaskels kaya maganda yung built ng katawan nya. Shett inggit mode na naman. Kaso nagbababad sya masyado sa steam room. As if may tutunawin pa syang taba di ba? Or nagpapamoist lang talaga ng glasses?! Ewan ko ba dun. Finally dumating si kuya na tatawagin na lang nating JM for Jay Manalo, as per Theo malaki ang future ni kuya JM. Parang si Sid Lucero naiimagine ko sa kanya, sa mata at facial hair, gym buff.
Water water daw ang pekpek ni Theo azz in. Sa sauna naman sya nagbababad. Napapansin siguro nya na pinagchichismisan namin sya ni Theo kaya lingon sya ng lingon sa amin. Kunwari pa kasing nanood sya ng TV eh soundproof naman sa loob ng sauna.

After one hour yata sa pool area nagyaya na si Theo gumora sa massage area. So shower muna then palit na ng robe. Hayyy ang mahiwagang robe, na di pa kasinglevel ng blusang itim at magic kamison. Hindi ko pa rin maintindihan pano itali ang robe na yon. Feeling ko kasi I'm so nekkid pa rin pag suot ko yung robe na yon, dahan dahan akong nagbuburlis habang natatanggal sa ayos ang pagkakatali. Dapat yata maglelecture sila doon how to wear a yukata. Heniweys, kahit di ako makamove on sa robe gumora na kami upstairs. Sign up kami sa front desk. Kinuha yung locker number namin para ilista. At nasa likod na pala namin si kuya JM. Kinuha rin ni receptionist ang number nya. Ibibigay ko sana number ko kay kuya eh pero nasa locker yung phone nya choz. Nung pinapili na kami ng masahista, go kami sa male. Ayyy si kuya JM female ang pinili. Wenkz. Lose a turn, kamay nasa dibdib.

Dinala kami sa isang room na two beds lang ang available. Tamang tama na sana na magkasama kami sa massage area ni Theo. Eh ang kaso nagjinarte pa ang masahista, kesyo it's like OMG it's sooooo mainit here, can we like make lipat to the other room?! So lumipat kami, nagkahiwalay kami ng room ni Theo. Kasama ko sa room isang majubabs na customer. Since virgin nga si Theo sa massage dito, more innerview pa sya kay kuya. Kung first time ba nya, OO. Anong oil ang gagamitin, ayy nagsuggest pa ata ng lavender, pero ang choice lang naman mineral at ginger. Tapos nung kinukuha yung bracelet nya na key sa locker, akalain mo ba naman nakipagshake hands. Azz in, nalurkey din si masahista. Heniweys, hard yung sabi kong massage sakin. Eh dapat yata moderate lang kasi feeling ko nabugbog ako. Pero di ko maikakailang naenjoy ko yung mga padaplis epek around sa pubic area. At I'm sure enjoy na enjoy nung roommate ko. The whole time sya nagmomoan. Ooohhh, aaahhh, ang sarap... repeat to fade. Pramiss! Akala mo jinejerjer sya doon. At ayoko na iimagine yon.

So ang last part ay sa buffet area. Gusto ko sana magshabu shabu kaso walang gana naman si Theo. Kung kasama lang namin si Warren I'm sure gogora kami sa shabu shabu. Kumain na lang kami ng foodstuffs doon. Si Theo go talaga sa pansit, na di ko tinikman kasi akala ko wala akong gana kumain, pero nakaround two ako ng kain hahah. May dessert pang ice cream pero yung Trio lang ng Nestle ang available, so it's either Choco, Cheese at Ube lang talaga. Naghahanap pa naman si Theo ng Anchovy Pistachio flava. Si kuya JM nasight ko pa lumalafangz dun sa smoking area, pero may friend syang kasama na isang super jubabs na gelay. Hayy sayang si kuya hahah.

Baba sa wet area, sinilip pa namin kung andun si Warren pero wala talaga. Akswali di na sya tumuloy sa pagwe-Wensha kasi zombie mode sya after ng Xmas party nila sa office at di na nya kami naantay dumating sa spa, umuwi na lang kagad since di naman ako makatext. Ayun nag-ayos ayos muna sa harap ng salamin, tapos nagsave the world from cavity gamit ang mga disposable na brush na di kagandahan gamitin, quantity versus quality ang overriding factor. Well wala na panahon mag-inarte, free naman sya eh. Later bihis na kami at nagshoes. Dumaan ulit si kuya JM, akala ko uuwi na sya pero di pa pala. Inantay ko pa naman baka makasabay namin umuwi choz.

Sana naman next time maayos na namin ang logistics para the more the merrier kami sa Wensha. At make sure na rin na charged ang battery. Sarap ulit ulitin toh pramiss, ♫yeah you maaaaaahhhke me feel shiny and new.♫

Lunes, Disyembre 14, 2009

Chess

Walang komento:


Photo by »grahamblackall at Flickr.


Check!
December 14, 2009

Nanggaling sa kunsaang rakrakan tong si Friend at kasama daw nya si crushyness nya doon. Akswali ininvite ako pero di ako nakagora kasi kamusta naman nasa Christmas party ako. Chikka chikka sa text hanggang sa nalowbatt na lang ako. Nung makauwi na lang ako the following day sa pamorningang party eh saka ko pa lang nacharge ang battery ko at isang nakapangingilabot na text ang nareceive ko! Chain text, wala daw akong gift pag di ko finorward sa 25 friends. Erase. Next message, ayun ang Elvin nagtext na magkasama sya at si Crushie nya sa house nila. Ang landeeeehhh! Eh kelangan ko na rin magrecharge ng battery ng katawan ko kaya sa sumunod na araw ko pa sya nakumpronta about the issue.



Jeremy: Nako malakas ang kutob ko...

Elvin: Ano?



Jeremy:  Na nakuha mo na ang Christmas bonus mo.

Elvin: Pwede!

Jeremy: Ano nangyari kagabi? Umamin ka!

Elvin: Sekreeehhht!

Jeremy: Cheeeeeeeeehhh! Aminin mo na! Natulog sya sa balur mo!

Elvin: Yeah.

Jeremy: And then?

Elvin: Ayun, hulaan mo!

Jeremy: Naglaro kayo ng chess?

Elvin: Meaning?


Jeremy: Nacheckmate ka! choz


Elvin: Sa palagay mo nagpacheck mate ako?

Jeremy: Malamang! Ikaw pa! Magpapakain ka naman! Ayyy Dama pala yung may kainan.

Elvin: Napipicture mo?

Jeremy: OMG. Wag na lang. Baka masiraan ako ng bait pag piniksur ko sa utak ko.

Elvin: Wag mo kalimutan, BUSILAK AKO!

Jeremy: Weh

Elvin: BUSILAK AKO as always.

Jeremy: Really? Alam ko may bahid ka na, may dungis ka na, may grasa ka na!

Elvin: Pwede, PERO I'VE BEEN REALLY BUSILAK KAGABI!

Jeremy: Wow congratz sayo ha! Banal banalan ang drama. Do you have any regrets?

Elvin: Ang regrets ko... si crushie talaga ang pabusilak kagabi. Asar!

Jeremy: Dapat pag ganon, ikaw na ang gagawa ng move. Kung sa tingin mo eh di naman sya papalag at gusto naman nya.

Elvin: Tulog sya eh. As in antok na antok

Jeremy: Eh di gisingin! Sabihin mo, "Hoy! sino nagsabi sayong matulog dito sa pamamahay ko! Let's doh ett."

Elvin: Well, I kissed him. At talagang hindi sya nagising.

Jeremy: Feeling mo sya si Aurora?

Elvin: Aurora Halili? chos

Jeremy: Aurora Munroe. Si Storm. choz. Ikaw nga pala si Storm.

Elvin: Aksuli, it's an awesome feeling to be with him. Basta't ramdam ko lang yung katawan nya nung natutulog kami.

Jeremy: Teka buti di sya nagtransform sa palaka nung kiniss mo sya. hahah

Elvin: He did, for 3 seconds. choz. Pero weird. I really can't say that I love him. Like  lang talaga.

Jeremy: Oh dabah. Parang di pa sya levelling ng love. Baka it's not meant to be.

Elvin: Magulo...

Jeremy: Sino magulo? Ikaw o sya?

Elvin: Yung nararamdaman ko. At saka pinapakiramdaman ko din sya eh.We both know that he is friendly and inviting. Pano kung ganun lang talaga?

Jeremy: Sabagay masama nga naman maging assuming. Baka talagang flirt lang sya.

Elvin: Yeah, friendly and flirt.

Jeremy: Is that a good thing?

Elvin: Wala naman problema saken kung magsex man kami ng walang love eh. I mean, nakipagsex na nga ako sa strangers. Sa kanya pa kaya?

Jeremy: Ayyy you're so not busilak anymore.


Elvin: I know right. Basta weird lang talaga yung kagabi. Maraming factors kung baket hindi kami nagniig.

Jeremy: Cite an example.

Elvin: Una na nga yung inaantok sya. Then, mukhang hindi sya nililibog like the other times na indirect syang nagyayaya. At mas lalong hindi rin ako.

Jeremy: Frigid ang simoy ng hangin noh.

Elvin: Eto pa nakakatawa, pagkaalis namin sa concert, punta kami Aurora, kain sa Jabee.

Jeremy: Anong nakakatawa sa Jabee?

Elvin: Cheh! Yun nga antok na antok na sya. Sabi nya tambay daw sya sa bahay

Jeremy: Ahhhh para paraan.

Elvin: Eh biglang andun sa bahay yung dalawang kapatid ko, tatanggi dapat ako. Eh kakaawa naman, lalampas lang daw sya sa byahe kung pipilitin nya umuwi.

Jeremy: OMG, pinalayas mo yung kapatid mo?!

Elvin: Hindi! Sa sofa lang kami nagjerjer. echoz

Jeremy: Habang nanonood ang mga kapatid why not.

Elvin: Sa sofa kami natulog. As in yung uncomfy na position. Well yun nga, I liked the feeling na katabi ko sya matulog. Pero going back sa Jabee, nung pagkalabas pala namin, sabi ko na lang, dyan lang sa banda dyan yung SOGO! At sya ang tumanggi.

Jeremy: Ayyy may SOGO nga dun sa Cubao.

Elvin: Yeah dun mismo sa street namin. At meron pang Mariposa Lodge. Eh yun nga, ako na halos ang nag-invite. Eh sabi nya mahal daw pag weekends. Malamang wala lang talaga sya sa mood.

Jeremy: Nako boborlogz lang naman kayo dabah. Same lang ang epek, di pa kayo nagkaencounter sa mga kapatid mo. hahah

Elvin: Eh siguro nanghinayang sya, kung boborlogs lang kami. Nagsawa na rin siguro ang loko sa pag-indirect invitation saken. Pero seriously, had he invited me, sasama NA talaga ako.

Jeremy: Nag-iinvite sya dati sayo?

Elvin: Dati? Mga 2 or 3 times yata. Plus pa yung first meeting namin na halos nasa pinto na kami ng SOGO talaga.

Jeremy: Well kasalanan mo yan, pinalampas mo ang chance. Opportunity knocks only once on your door, rings on your bell, and knocks on your window sill. Ano daw?!

Elvin: Yun talaga busilak pa ako nung mga panahon na yun no. Tapos yun nga may tao sa kwarto so nasa couch lang kami. Kung nasa kwarto man lang kami, posibleng ako na nagfirstmove.

Jeremy: Ayy ikaw ang na ang White, ikaw talaga first move. Ingat lang ha, touch move.

Elvin: Wala din naman ako sa mood maging dirty. Kahit tamang cuddling lang at halikan. Pero seriously... yun.

Jeremy: Kiniss mo lang sya nung tulog na sya?

Elvin: Smack lang, panggising. Kase mataas na araw at magbababaan na mga housemates kong echosera.

Jeremy: Di pa rin naggising dabah?

Elvin: Yeah. Kahit nga hug, yung matagal ko ng pinapangarap na mahigpit na ultra electro magnetic hug ko, di ko pa nagagawa eh. Mejo malaman pa naman sya ngayon.

Jeremy: I-Laser Sword kaya kita jan?

Elvin: Pwede rin.



~0~


Oh dabah kung ang love parang game, siguro parang Chess nga ito. Di lahat may gusto maglaro nito dahil natatakot matalo or talagang di marunong. May nakakacheckmate in four moves or less. Kelangan protektado mo si King. Dalawang kulay lang ang pagpipilian mo, either black at white. Ganun sya kasimple, ganun ka-exacto. Black or white lang. Wala nang iba. Walang gray. Dahil kung gray ang bet mong kulay, baka hindi love yan. Baka Scrabble yan.

Biyernes, Disyembre 11, 2009

Values

Walang komento:


Photo by trini_naenae at Flickr.



Lessons from Yesteryears

December, 2009


Naabutan nyo ba yung subject na CBA? It stands for Character Building Activities. Yan yung subject na pangkabutihang asal nung grade one kami. May pray pray pang nalalaman si teacher at uma-Alive Alive pa sya paminsan minsan. Pagtapak ng grade two biglang napalitan sya sa curriculum at simula noon ay tinawag na syang GMRC, o Good Manners and Right Conduct. Araw araw may pinapasulat sa blackboard sa class secretary at kokopyahin naman namin. Syempre nakakaawa naman kay Sec pero kasalanan nya yan eh, pinangalandakan nyang maganda ang handwriting nya kaya magdusa syang magsulat sa pisara at notebook sa araw araw na ginawa ng Diyos. Ang nakakatawa lang eh may quizzes at exams talaga tong subject na to. Isa to sa pinakamadaling ipasang test, akswali more than 95% siguro ang makakakuha ng mataas na marka dito, yung natitirang 5% talagang pinanganak na kampon ng demonyo. Basta't alam mo lang magbait baitan school of acting eh sure na sure na papasa ka dito kahit di naman iyon ang ginagawa mo sa tunay na buhay. Alam mo naman pala ang tama bakit di mo pa ginagawa?

Dahil nasasakop ang aming mababang paaralan ng malapit na simbahan, pinapadalhan nila kami ng mga Katekista upang magturo samin about Papa Jesus. Nung grade one si Ate Chat, mataba sya pero lively. Nung grade two si Ate Lolit, masungit at mukhang tatandang dalaga (kung di pa sya hanggang ngayon ha.) At nung grade three si Ate Rose. Loves na loves namin si Ate Rose. After nya magturo, laging meron syang ministories; minsan horror, minsan comedy, minsan musical. Palakanta rin si Ate Rose at minsan jumajazz danz sya, nilagyan nya ng interpretative dance yung mga songs sa Church. Tapos bigla na lang syang nagpapaalam na di na daw nya maipagpapatuloy ang pagtuturo sa amin. Pinagtugtugan pa nya kami ng "Hindi kita Malilimutan" sa casette tape at biglang umagos ang luha sa room namin. Hindi ko pa sya nalilimutan hanggang ngayon.
Mayroon syang sinunod na ibang panawagan, ang tawag ng laman. Choz. Tawag ng pag-ibig. Happy naman kami ang jumojowa pa sya, di naman sya madre eh. Nagkaroon kami ng replacement katekista. Nung grade four si Ate Nieves na masungit. After noon, di ko na masyadong natandaan ang ibang katekista. Natraumatize na ba ako sa paglisan ng naging close sa puso ko o sa pagdating ng terrorista?

Paggradweyt doon eh sa highschool na ang next tambling mo. Di tulad ng ibang highschool eh di kami nagkaroon ng subject na Values Education, at ito na marahil ang dahilan kung bakit wala akong kavalue value, well meron naman slight nga lang. At bilang kapalit nito ay nagkakaroon kami ng weekly Homeroom meeting sa aming Adviser. Dito nagkakaroon ng discussion ng mga attitude problems, encouragement sa mga honor students, extracurricular activities, at sanction sa mga pasaway. Di ko malilimutan si Mrs. Whatshername, nagbirthday sya at pinaghanda talaga namin complete with cakes and balloons. Nagsong number pa nga yung love team sa class namin na sina Maureen at Bjorn ng "One Sweet Day" na at that moment akala namin love song. Leche. Tapos megasing na rin si Ma'am ng favorite song nyang "Refrain." Showdown ito, ayaw paawat ni Ma'am.

Ngunit bago pa namin naging adviser si Ma'am, nagdaan kami sa kamay ni Mr. Pechardo, ang adviser ng first year. Isa syang masungit at perpeksyonistang teacher. Dahil first year pa lang kami noon, di maiiwasan ang pagiging maingay at pasaway. Maingay dahil kakahakbang pa lang ninyo mula elementary at di pa nawawala ang pagiging makulit at pilyo. Pasaway dahil feeling nyo nakakataas na kayo mula ng maging highschool kayo. Ayun na nga at nareport report na kami na worst section sa first year. At dumating ang homeroom meeting bandang November. Galit na galit si Mr. Pechardo.

"Boolshett! Di ko kayo minumura! Yung pader ang minumura ko para tumigas!"

Ramdam mo ang poot sa tono nya. Nagpatuloy sya sa mga litanya nya. Wag na lang daw kami magsabit ng decoration para sa Pasko. Ang gawin namin daw punuin ng kulay itim ang classroom, at magsabit ng mga bungo. Azz in Tim Burton mode si Ser. Di daw bagay samin ang makulay.

"Boolshett!"... another one. "Ang dapat nyong gawin, pumasok kayo sa loob ng basurahan. Doon, tanggalin nyo lahat ng dumi sa katawan ninyo para paglabas nyo malinis na kayo."

Hindi ko alam kung tatawa ako sa sinabi nyang yon. Hindi ko alam kung may seseryoso din nyan, magfeeling pangscavenger o magbobote why not. Pero kung hihimayin mo yung sinabi nya, may maaaninag kang katotohanan somewhere there I'm sure of it. Wala kami sa loob ng silid ng panahon iyon, nasa loob kami ng basura. At ito ang cleansing na ginawa nya samin. Sa hinaba haba ng lecture, di na nakapagturo yung next subject sa amin. Wala ring umiyak sa amin, kahit alam namin na verbally abused na kami, di namin magawa kasi alam din naming may mali kami doon. Hindi nabutas ang pader sa mura, bagkus tumibay nga ito gaya ng sabi nya. Isang beses lang namin ginawa ang murahan session na yon thank God. Lumabas kaming animo mabubuting tupa, at mula ng araw na yon di na nareklamo ang section namin. Tinuruan nya kaming maging responsable. Kung di sa araw na yon, kailan pa?

Maraming salamat na lang sa mga naging teacher namin ng values, kahit wala akong ganung subject talaga, at mejo matino ang aking kautakan. Naputol ang sungay bago pa umusbong ng bongga. Good cop o bad cop man ang drama nila may matutunan ka rin.


P.S. Please Save!!!

Martes, Disyembre 8, 2009

Something

Walang komento:


Photo by shim + sons at Flickr.


Exchange Gift
December, 2009

Malamig na naman ang simoy ng hangin. At alam na natin kung ano ibig sabihin non, nakabukas ang ref. Pasko na. Shett ilang days na lang ba?! Nagka-countdown ang mga tao sa pasko at pati sa pagsisimbang gabi. Uso na naman ang Christmas Parties, yung iba nga last month pa nagparty para di na sumabay sa rush, at least na two-in-one combo nila ang Halloween at Pasko dabah. Bongga siguro ang get up mo kung makakapagdress ka ng Jack Skellington. Sya ang perfect Christmas-Halloween crossover character.

Syempre di mawawala ang exchange gift. Ito ang pinakahetted part ko sa panahong ito, kasi: una di ako marunong mamili ng gift (dahil wala naman ako pambili at wala ako pagbibigyan, friendship lang ang gift ko... and world peace!) at ikalawa di ako marunong mag gift wrap. Well kung pwede naman nakalagay na lang sa yellow celophane why not. Ang di ko makakalimutang gift na natanggap ko sa exchange gift eh noong grade 3 ako, safeguard at bimpo. Azz in parang sinasabi sakin ni classmate na "maligo ka naman minsan please lang." I'm so offended pero smile na lang and walk away. Buti nga hindi kalendaryo at piksur frame.

Syempre di rin mawawala ang variant ng exchange gift na Kriz Kringle, na minisize version at madalas daily edition, basta mas mabilis ang frequency nito. Madalas na category: something soft, something hard, something white, something sweet, at kung anu ano pang something something. Naalala ko nung one time nagpapasuggest si Irene ng something scary daw worth 30php. Nagbrainstorming pa kami ng kung anu anong scary, nasama na pati mga ipis nilang kulay magenta sa bahay. Ang ending wala ako nasuggest. Bumulaga na lang sa kanya ang gift na DVD direct from Carriedo ng "The Mirror." Scary film daw ito pero parang ang pinagduduldulan ni mommy nya eh scary ang fezz ni teh. Nyahahah

Ngayon ang problema ko eh bibili ako ng gift sa nalalapit na Christmas party. As usual di ko alam ang gagawin. Nag-ask na ako directly dun sa nabunot ko ng wishlist nya. Sabi nya nung una, "anything useful at galing sa puso." Wow di ko kineri ang ganyan ha, so profound. In the end nagsuggest sya ng something black. Ayun naman pala eh, nakukuha sa pakiusapan.

Sa exchange gift di mo pwedeng ibypass ang something category, kaya nga nagset ng theme eh. Pero nasa iyo naman yan kung go ka lang maggibsung ng regalo sa isang tao, pwede na sigurong anything basta't bukal ito sa puso and you're expecting nothing in return. Christmas should be all about sharing. Pero uulitin ko ha, exception to the rule ang exchange gift dahil dito required na meron kang ibibigay na kapalit, at kung hindi magagalit si teacher. Nagkakaintindihan ba tayo, Lemuel Ababa ng grade 4 section 1 class of 1993. (May poot?)

Sabado, Disyembre 5, 2009

MMXII

Walang komento:







2012 Review?!
November, 2009


Nagset-up ang aking group of friends for a movie date supposedly ng New Moon. Since I'm not a fan ng Twilight series eh wala na sana akong plan to go, at yung date pa na parang mandatory part eh nagpapataas ng stress level para sa akin kaya no no no way na talaga ako manonood. Kaso may I invite ako ng isang friend sa group at ito akswali ang initiation nya kaya napilitan na rin akong pumunta para lang isupport si friend. Gusto talaga ng mga tao magwatch ng New Moon sa opening day nya ha! Sayang nga lang di nila tinaon sa new moon ng November which was on the 16th. Ang shunga talaga ng planning nila, winning moment na sana yun ohh. Hooooweeeell.



New Moon?! No, 'Mon!
November 18 6:00 PM


So nung Martes pa lang nagpareserve na ang mga tao ng tickets ng pupunta sa New Moon. Kinse katao ang nabilang na dadalo. Pero kung sino ang bibili ng tickets, walang nagpresenta. At naiutos pa talaga kay Ms Jackie ang pagbili kasi sya ang may pangdown. We're so majiraffe we know. Gabi ng Miyerkules eh tinext ako bigla ni Ezz na gumora sa UST para makipagmeet kay Jackie. Akala ko naman simpleng kain sa canteen lang to pero no, dederecho kami straight to Shang para bumili ng tickets after. So ayun kami sa kahabaan ng Forbes nag-aabang ng taxi going to Arrheneo, nang biglang nagpresenta si manong tryke driver na ihatid kami. Gudlak naman di ba sa polusyon ng Maynila. Baka pagdating namin don eh balot na kami ng alikabok at nanigas na ang hair namin. After 23 taxis pa ata kami nakasakay. Dumirecho na kami sa house ni Jackie then lipat sa ride nya going to Shang.

Sa Shang dumirecho kagad kami sa Cineplex ticketing area. Si Jackie ang pumila at chikka kami ni Ezz sa bandang likod. Biglang dumaan si friend ni Ezz na si Archie. Kilala daw nya yun from church, surprised ako na nagsisimba pala sya. And it turned out na may past sila ni Jackie. Exit stage left kagad siya sa awkward moment. Tinangka pang habulin sya ni Jackie para mag-usap at magkaron ng closure pero huli na ang lahat, pahabol effect si mokong. After non kumain kami sa Tender Bob's. Actually natagalan kami umorder kasi more chikka and emote kami don. Finally we decided to go for Meat and Seafood platter. Ako lang ang kumain ng tahong, ayaw itouch ng dalawa. Well si Jackie kasi allergic sa shrimp, pero nag-uuminarte talaga ang Ezz. Masarap kaya sya kahit na it's so lezbo I know.


Twenty Twelve
November 20 8:00 PM


Dumating na rin ang inaabangang New Moon. Ang screening ay 10:15 PM pero alas ocho na ako dumating. May tatlo pa palang humabol para manood, at dahil wala nang seats para sa kanila, ang nabiling ticket sa kanila eh 2012. Biglang nagkaroon ako ng urge na ang magpapalit ng tix to 2o12. And after a few negotiations, ako, si Dolph friend, at si Jackie ang manonood na ng 2012.

Since hindi naman talaga ako nagrereview ng movies, magbibigay na lang ako ng highlights ng film kay? Basta ang bida dito si John Cusack bilang Jackson. I'm sure na kung napanood to ni Bakex (sister ko) eh Team Jackson na sya kasi crush na crush nya si John. Isa syang manong driver dito kasi floptsina ang kanyang writing career sa book na taytold "Farewell Atlantis" azz in 422 copies lang ang bumenta, at I'm sure karamihan nyan nasa Recto na or sa Booksale. Basta magugunaw na daw ang mundo yun ang story at kelangan nila umabot sa China para makasakay sa Ark. Akswali before nadurog ang California nagcameo pa si Arnold Schwarzenegger, Hasta la vista baby. More on CG etong film na to. Pinakitang gumuho ang ilang famous landmarks like Yellowstone park, Golden Gate Bridge, Saint Peter's Square, Eiffel tower, at Christ the Redeemer. At ang movie pala more on driving galore: sa limousine, sa trailer truck, sa charter plane, sa jumbo jet, at sa Porche. Sayang yung pilot ng jet na si Sasha, he didn't make it, sana si Gordon na alng naiwan sa plane. Team Sasha ako pero slight lang. Pagdating sa China pa nila nameet si Nima, friend ni Dalai Lama. Team Nima forever. Dapat mameet mo sya, inadd nya ako sa facebook pramiss. Choz. Sya ang nagpalusot sa kanila from China papunta sa Ark. Infernezz kahit made in China ang Ark mukhang matibay ha. Nagcameo naman dito si aling Queen Elizabeth II with her two dogs, inantay ko talaga kung magpapakita si Prince Andrew pero no show sya. Tapos continue na naman sa loob ng Ark. Tumaas ang water levels at may diving scenes na. Natapos yung movie sa paglamyerda ng Ark patungong Cape of Good Hope kasi dun na daw ang highest point geographically. At wag ka mag-expect na may dove at may olive leaf tapos production number with rainbow sa background dahil walang ganon. Inexpect ko lang talaga pero walang ganon. At may chumikka pa sa akin na ang ending daw may alien na nagligtas sa Earth, leche naniwala naman ako. Ano to, Close Encounter of the Third Kind?!

Well, yung movie parang pinaghalu halong eksena sa iba ibang movies. Merong Titanic, Deep Impact, Independence Day, Armageddon, The Day after Tomorrow, There's Something about Mary, at Inday Bote. Ewan ko pero kahit bits and pieces lang may ganung feel sa movie eh. Natatawa nga ako dun sa kwento ng friend ni Joross na naiyak daw sa pagwatch, akala ko nga nadamay yung barangay nila sa nasalanta ng 2012 kaya naiyak. Pero nung megawatch na ako nagpipigil ako sa emotional parts ng film. Eh biglang naiyak si Jackie kaya ayun umiyak na rin ako.



~0~



Natutunan ko na para makaligtas ka eh kelangan marunong ka magdrive, magswim,  magChinese, at magpray. Rosaryo na nga lang ang kaligtasan ko pero di ko pa kabisado. At natutunan ko rin na wag kang mawawalan ng pag-asa. Tutulungan ka ng Diyos, Siya ang direktor, ngunit ikaw ang scriptwriter, at ikaw rin ang actor. Kahit di ka nominated eh winner ka pa rin sa sarili mong pelikula. Kahit magunaw pa ang mundo wag mawawalan ng pag-asa at pananalig ha, makakaligtas ka rin dahil masamang damo ka!

Linggo, Nobyembre 29, 2009

Five

Walang komento:

Photo by ozgurmulazimoglu at Flickr.


Same same

November 27, 2009


Nagkita kita na naman ang Power of 5 para sa monthly celebration ng kung ano mang walang katuturan sa global economy, syempre para sa videokehan sa Cubao. Kelan pa ba ako naging videoke-whore?! Parang dumadalas ang paglabas upang magbirit biritan. Heniweys ang Power of 5 ay binubuo dati ni Ezz, Ken, Pau, ako at isang standby member, pero simula nang magseason 3 kami eh naging mainstay na si Lee. At simula naman ng season 4 eh naligwak bigla si Pau dahil sa pagjijinarte nyang pumunta galing sa work nya from Cavite. At dahil di pwedeng masira ang circle of five, kinakailangan namin punan ito lagi. So ngayong season 5 nagbeg-off uli ang Pau kaya nagpacontest bigla si Lee (also known as Willian Hung daw) ng Search for the Next Power of 5 Filler. Heniweys si Lee may hirit na kami daw ang 2ne1 featuring Susan Boyle, pero si Ezz na ang nakakaalam kung sino si Susan Boyle di ba? Si Jan ang next candidate at wala nang iba pang dumating kaya by default sya ang filler. So waiting galore kami sa may KFC sa may Shopwise sa palate masyadong si Jan  (birthday nya non kaya reasonable ang lateness, di katulad ni Pau na sobrang pa-late effect kasi bawat MRT station yata na may SOGO binabaan, amininnn) nang biglang ask ako:

Athan: Di ba pupunta si MJ?

Ezz: Nag-eemote na naman.

Athan: Emote ever na yan di ba? Akala ko pa naman pupunta sya, nagpractice pa naman sya ng mga songs sa FB, napunuan ako ng tags ha.
Ezz: Si Mj kung anong idinaldal online, sya namang tahimik in person.

Athan: Spooky lang ang saylenz dabah, parang makakapatay ng tao pa tumitig.
Ezz: Di katulad ni Lee.

Lee: Oh ano na naman?
Ezz: Kung anong tahimik mo online, syang daldal mo in person.

Athan: Puro tawa lang ang comments noh.

Lee: Eh ikaw ano ka? Wag mo sabihin...
Ezz: Tseeeee! Ako tama lang, kung ano ako online, ganun din ako in person.

Athan: Pano naman nangyari yon, eh di ka naman pwede kumain online?
Ezz: Pota ka!

Athan: Love you teh!


*Based on a true story. Some words were changed to protect the memory of the one typing this right now.*



Why not mag-ala Muses na lang kami? Parang bagay naman oh. Infernezz I lurve the song "I won't say I'm in Love" sa Hercules. Kaso dapat jan may pumapel na soloistang si ateng Megaera, at syempre si Pau na naman ang papapel jan for sure. hahah

Oh ayan Ezz nagawan ko na ng blog ang group natin, baka naman magreklamo ka na naman na di ko bina-blog ang mga ginagawa natin. Di ka naman kumakanta ever sa videokehan. Pano mo mapapangatawanan ang pagiging Susan Boyle?! Heniweys, habang nagbibiritan kami eh nagdream a dream ka naman eh, azz in borlogz kung borlogz wiz na checking kung may dream sequence. Sabi nga nila, its not over until the fat lady sings. Well, wag ka na nga lang magsong number, ituloy lang ang pagdream ha. Baka mapaaga ang pagkagunaw ng mundo, sayang ang pag-uumeffort ng 2012 kung di naman aabot ang daigdig sa year na yan dabah. Susunod na talaga ang review nyan. Pramiss.

Biyernes, Nobyembre 27, 2009

Bleeding Love

Walang komento:
 
Photo by ♥Missy T♥ at Flickr.



Pain in my heart
November, 2009 - 2012?


I'm scared yah know. Ilang sleep deprived na mga gabi ang nagdaan, una dahil sa Tootsie Guevarra moments (yah know, di makatulog sa gabi sa kaiisip...) at ang ilan eh dahil sa paglalagalag sa mga nomohan with friends sa kalakhang Maynila, from QC to Metrowalk. Maswerte na ang makatatlong oras. Feeling ko rin nagiging mahihiluhin ako lately. At dahil jan nararamdaman ko ang paulit ulit na acid reflux. Well, nung una akala ko nasusuka lang ako sa kakainom. Pero kanina kanina lang pinilit ko ilabas yung  nasa dibdib ko. At sa sobrang shock ko, ayun sya. Drops of blood, sa may lababo. Kinabahan ako. Matagal ko na rin nararamdaman na may angina ako, akala ko lang dahil sa kakainom ng carbonated drinks kaya may heart burn. Pero ito mejo seryoso na yata. I'm scared.

Aabot pa ba ako upang makita ang 2012? Hindi yung movie kasi nawatch ko na yun at gagawan ko ng review pramiss. I mean yung year na 2012, kung saan si Ate Glo ay magkakaroon ng sarili nyang talkshow sa NBN 4 titled "Gloprah", at si Charice Pempengco ang itatanghal na American Idol. Nasa hula yan ni Nostradamus, igoogle nyo. Speaking of hula, hinulaan ako ni Bangs sa palm, sabi nya putol daw ang Life line ko, that means di ako pwede mag-ask a friend or ask the audience? Pero ang available lang talaga eh ang 50/50 na sure na sure na! At iconsistent daw sya dahil sa right palm ko eh tumuloy naman ang life line. Nagkaroon lang talaga ng skip sa life line sa left palm, kaya ang interpret sa akin naman ni Jomz eh mabubuhay daw uli ako ohh. That is so Merryweather noh, doncha think? Comatose lang ako for a hundred years hanggang may kumiss sakin why not, goodluck na lang sa morning breath. Pero scared pa rin ako.

Scared ako, nasabi ko na ba? Di ako nag-eemote, serious na to pramiss. I'm scared. At first I was afraid, I was petrified... nung una talaga I'm scared that I'm about to lose one person, but now I'm scared I might lose everyone. I love y'all.  (Bumi-Britney mode lang.) Mahaba pa ang 2012, I wanna outlive December 21. I need to change my priorities ata. hahah. Skerd ako talaga.



So much time, and so little to do. Strike that, reverse it.
~Willy Wonka, Charlie and the Chocolate Factory

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips