Huwebes, Mayo 7, 2009

Angel Locsin: Marian Rivera a good choice for ‘Darna’

Walang komento:

Posted by Lyka from PG4M threads


Popular actress Angel Locsin said Tuesday that Marian Rivera is a “good choice” as popular TV and movie heroine “Darna,” a role she herself once played when she was still with GMA-7 Network.


Locsin, in an email interview, said she is not concerned about comparisons between her and Rivera’s portrayal of the Mars Ravelo character, saying she is secure and happy with her own career.

The actress is the female lead of ABS-CBN’s remake of the Korean soap opera “Only You,” opposite actors Sam Milby and Diether Ocampo.
`
She did caution Rivera to make sure that her underarms will be in their best condition once she dons the sexy costume.

“I suggest she use Rexona. And she should undergo laser treatment by Facial Care Center. Hihihi!” Locsin said.

Locsin’s email to Good Times Manila is reproduced in full below:

“There is no problem naman po with her playing Darna. SHE’S a good actress and a good choice for Darna. So there’s NOTHING wrong with it po. BUT I suggest she use Rexona. And she should undergo A laser treatment by Facial Care Center. Hihihi! There’s no problem naman po if you’re the first or SECOND or third choice for a role, basta you perform it well. Hindi naman po mahalaga kung mag-RATE ba o hindi ang series, as long as you do your best po and you’re secure with your career. We’re all TRYING HARD our best po to be good actors. Kaya wala po talagang makapagsasabi na Marian Rivera is just a COPYCAT. Thank you po.”

Reached for comment, Rivera replied, via a text message:

“leche sya! maputi pa ang singit ko sa kili-kili nya! at anong copycat copycat, e sya nga ang mukhang pusang gala. tarantado kang reporter ka, wag mo nga akong istorbohin sa text.”

Linggo, Abril 19, 2009

Excursion

2 komento:


Outing!
April 19, 2009



Photo ni Yotsuba by
Dreaming Magpie sa Flickr



One time, sumakay kami ng taxi papuntang Ayala lang. Eh hindi masyado kabisado nung kasama ko yung building so sinabi na lang namin sa driver. Nung maalala nya, nakalagpas na kami sa unloading area. Mega-talak talak ever ang driver na baka sya daw ang mapahamak dahil sya daw huhulihin, kawawa naman daw ang pamilya nya, hindi pa bayad ang kanilang upa sa bahay, wala silang pang-ulam sa linggo, at may sakit daw yung lola ng tita ng ninang ng bunso nya. Feeling yata nya nasa Wowowee sya at bibigyan ko sya ng Pangkabuhayan Showcase. So para hindi na maging malaking issue eh sinabi namin na iikot na lang yung taxi para bumalik sa Ayala. Akalain mo ba naman na iikot nya sa delaCosta, to Makati Ave, to Paseo, and back to Ayala. Wow fieldtrip ito! Ok sana kung may baon akong chicha at hindi jologz to the max yung pinapakinggan radio station. Hayz!


~0~


Naalala ko nung elementary days ko eh isa sa mga inaabangang extra curricular activity, na akswali eh compulsary talaga ito, ay ang excursion. May ilang alias din ito, also known as field trip, or Outing. Yeiz, outing nga! Naexcite ka ba o kinabahan? Outing din ang isa sa mga hobbies ng classmate ko na inilalagay sa slumbook. Yah know yung PEDROS?! Playing, Eating, Dancing, Reading, Outing, at Singing. Kelan pa naging hobby ang outing?! Ano yun everyday eh pumupunta sila ng Fort Santiago, Nayong Pilipino, Luneta at Bahay ni Rizal, Aguinaldo at Kris Aguino?! Meganooon?! Sosyal lang di ba?

Ikaw? Ako? Tayo? Kelan ang grand launching natin? Kelan ang press release? Kelan ang outing?


~0~



Kung si Sir Elton John ay nag-skyline pidgeon fly at iniwan si Olivia Newton na hopelessly devoted. Hindi ko malaman anong sumanib jan sa Elizabeth na yan pano sya ginawang Sir eh Dame sya noh! Dame! Sana tinawag na lang syang MamSir ala fastfood lang para safe dabah.

Kung si George Michael ay nagwake up before he go-go, azz in go outside na ang beki. Sawa na siguro gumawa ng mga milagro sa mga public toilets.

Kung si Rustom Padilla ay nagspread your wings ang prepared to fly, for he has become a Maripoza, azz in transform kung transform. Tinalbugan ang sequence ng Sailormoon, from Mista naging Miss Taruzh! Parurusahan kayo sa ngalang BB Gandanghari! Go lang!

Gusto nyo sumama? Sakay na! Taraletz!

Lunes, Abril 13, 2009

Itsapwera

Walang komento:

Pag-iisa
April 10, 2009



isinulat ni Hannah Roque para sa MFA, Byernes Santo 2009

photo by David Nicolai at Flickr




Nakaranas na ba kayo na parang walang pumapasin sa inyo? Yung parang kahit anong gawin nyong tama sa tingin ng taong mahal mo eh mali pa rin? Sa tingin ng taong pinagmamalasakitan mo eh wala paring kwenta? Yung kahit ang gusto mo lang naman eh lambingin siya, lapitan at alagaan? Na katulad nung iba na kapag lalapit ka eh yayakapin ka. Hindi yung parang nandidiri sayong hindi mo malaman. Ganun nga siguro kapag ikaw lang ang nagmamahal. Yung walang ibang nakakaintindi sayo kundi sarili mo lang. Well heto ang kuwento ng isang nilalang na nakakaranas ng ganoong kalungkutan...


"Mahigit isang taon na tayong nagsasama sa iisang bubong pero kahit kailan hindi ko man lang naramdaman na minahal mo ako. Bakit? Ano ba ang mali sa akin? Kapag breakfast, lunch, at dinner nauuna kang kumain... ako tira-tira lang. Parang ayaw mo pa nga eh. Lumapit lang ako sa lamesa nadilat na ang mata mo, sumisigaw ka na. At kapag pupulot lang ako ng pagkain mo tinataob mo na ang plato. Ayaw mo nang kumain. Bakit ganun? Nung una naman ok ka ah. Hindi ka man malambing, hindi mo naman ako kinasusuklaman. Ganun na ba talaga kapag nasasanay ka na? Nagbabago ang ugali? Sa pagtulog kailangan pa kitang intayin na maging mahimbing bago kita malapitan at mahawakan, at syempre mahagkan. Pero kapag naalimpungatan ka bigwas at mura ang nararanasan ko sayo. Alam ko naman na wala akong naitutulong sayo. Wala akong trabaho. Iniwan na nga ako ng pamilya ko ng pinili kita. Hindi ako nakakatulong sa gawaing bahay sapagkat sa amin hindi naman din ako kumikilos. At yun pa, ni ayaw mong pahawak sa akin ang gamit mo. Kahit naman siguro pagtiklop makakya ko. Kahit medyo mabibigat ang damit mo kakayanin ko kaso ayaw mo. Feeling ko tuloy meron akong nakapanghahawang sakit kaya ayaw mo akong lapitan. Kung hindi lang kita mahal iniwan na kita dahil lagi mo naman akong pinagtatabuyan eh. Pero sayang din kasi ang pinagsamahan natin tsaka anong sasabihin ng pamilya ko? Sesermunan nila ako na tama sila at hindi ako nakikinig.

Pero siguro nga lahat ng pagdurusa may katapusan. Lahat ng pagtititiis eh may hangganan. Kahit na ayaw kitang iwan mapipilitan akong gawin. Kasi pati ang sarili kong buhay eh nanganganib na. Nung bigla mo akong nahuli na pumasok sa kuwarto at nagulat ka, nagdala ka ng isang pamalo. Bakal yun, bakal! Hinabol mo ako. Iyak ako ng iyak nun. Humihingi ako ng tulong sa kapitbahay pero hindi nila ako pinansin. Buti na lang nakatago ako. Siguro napagod ka din kaya binaba mo na ang pamalong bakal. Ilang minuto inantay kong kumalma ka. Pumasok na ako sa iyong silid para sa huling pagkakataon masilayan kita at makapagpaalam na. 'Paalam na,' yan ang huli kong nabanggit bago ako umalis sa bahay mo. Kung naiintindhan mo lang sana ako na hindi ko naman gusto na magalit ka sa akin eh. Sa ganito lang talaga ako pinanganak. Marunong din naman akong magmahal ah??? Kahit na magkaiba tayo, kasalanan ko bang maging isang IPIS?! Kahit na ang ipis may puso't damdamin din!"


Linggo, Abril 12, 2009

Lucky Strike?!

Walang komento:

Signos
April 8, 2009


photo by Adrian Energy at Flickr


Miyerkules ng gabi bago kami umalis ni Diosa sa client eh nagliligpit ligpitan na kami kasi megaparamdam na yung mga tao dun na overtime na daw kami. Megakatok ng sapatos at lapis na parang biglang nagflashback sa aking alaala yung unang vid ni ate Britney. Tapos nagdance number kami ni Diosa sa may gym at nung aktong mag-iisplit na sya eh saka ako natauhan na nagde-daydream na naman ako. Pero feel ko lang talaga eh gusto nila akong i-hit me baby one more time sa katagalan namin sa owpis nila.

Maya maya nung aktong isinukbit ko na yung bag eh biglang may nahulog na kulay itim sa mesa. Pagtingin ko eh nagulat ako. Yun palang pendant ng Nazareno na nabili ko pa ng di sinasadya dahil sa pagpupumilit ni aling manang nung one time na napadpad ako sa Carriedo para kumuha ng NBI Clearance. Hindi ko kagad sinuot to nun kasi feel ko naloko ako ni aling manang. Pero heniweyz after a year eh ginamit ko syang lucky charm kumbaga, at suot ko na to eversince... until nga mangyari ang insidenteng ito.

Di naman talaga ako magpapanic masyado kung di lang din OA ang Diosa. Sabi ba naman eh naputol lang daw yun ng basta ng di man lang nadidikit dun sa bag. Ano kaya yun?! Miracle?! Mga gawa ng kampon ni Lucifer?! Grabacious ha! So ayun nga nakiride naman ako, pero slight eh kinilabutan din ako, slight lang talaga. Kesyo bad omen daw yun.

So ayun nung naglalakad kami pabalik sa office, talagang ingat na ingat kami tumawid at baka masagi kami ng bus, taxi, kotse, o padyak. Tingin ko nga parang ilag na ilag si Diosa sakin at baka madamay ko daw sa kamalasan. OA na ha!

Nasa aktong naglilitanya sya ng mga dos and donts ng biglang nagring ang phone ko. Wag ko daw sagutin at baka masnatch-an daw ako, tapos gilitan ako sa leeg at pagsasaksakin ng tatlumpung beses, cha-chop chopin ang katawan ko at ihahagis daw sa Pasig River. Josko, nag-aadik manood ng SOCO ang babaeng to, sobrang namurder naman ako. Ang worry ko naman eh baka pagsinagot ko yung phone may magsasabi sakin ng: "You'll die after seven days! I mean the dead skin cells just after seven days after using Ponds pinkish white chorvaness..."

So pinickup ko na yung tawag. At surprising sa lahat ng surprising eh may phone patch ako from Derek from Chino Roces (ang layo noh), mga labinlimang tambling lang sa kinatatayuan ko. So kinamusta ko lang naman sya at sabi nya malapit nga lang daw sya, dun sa pinapasukan nyang hotel yata. Inaantay daw nya dumating ang boylet nya kaya nagtatawag lang sya. Hindi daw sya nakakatext kasi busy masyado, ako rin naman kasi wala akong load, eh sino ba itetext ko noh?! Kinamusta nya yung mga friends namin sa threads na nawipeout nang lahat. Kahit na mejo namizz ko sya eh di naman ako makabati masyado kasi nga within hearing distance pa ang Diosa at baka ichismis pa ako sa barangay.

Natapos yung tawag after 3 minutes at 1 second, chineck ko talaga sa timer ng phone. Ok naman at naalala pa nya ako, at kahit sampung piso lang eh napagaksayahan nya ako ng sandali. *kilig mode* Syempre happy naman ako dun sa lablayp nya at totally move on na ko dun. Kung ako tatanungin sa lablayp eh happy naman akong single noh. Wala pa yung taong hinahanap ko. Choozy ba masyado?! Heniweyz at least dito pa rin me sa mga naghahanap ng aliw, tulad nung friend ko kakabreak lang nila kaya mega tambling muna ako para lang walang mag-emo masyado sa kanila noh. Buti na lang at ambilis din magmove on nitong dalawang to.

Nakauwi naman ako ng buong buo, walang galos o pasa, at pagkatapos ay nakatulog ng matiwasay. Pagkagising nagdasal dasalan ng thanks at binuhay nyo pa ako. Hindi ako umalis ng bahay ng buong Huwebes at Byernes Santo. Nag-aabang pa rin baka may mga bad things lurking yah know. Nung magsawa na ako eh inistop ko na kakaplay ng morbid scenes sa utak ko. Maayos pa naman ang takbo ng kautakan ko for now yah know.

Hindi naman pala ganun kamalas ang araw ko. Hindi mo naman pwede sisihing laging nag-iistrike ang swerte sayo kaya ganyan ang mga pangyayaring bumabalot sa buhay mo at kaya nagkakandaleche ka ngayon. Walang swerte at malas, tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, at sumusunod lang ang mundo sa ikot. Wala rin namang masama kung tumingin ka sa mga signs yah know, kung makakabuti ba ito sa pagpapasya natin kung san ang mas angkop na daan para sundan.

Huwebes, Abril 9, 2009

Fezzbook

Walang komento:

Lets fezz it
April, 2009


photo by Liesje at Flickr


Nakadekwat ako ng isang supot ng mangga sa pinsan ko na pinamili pa daw para dun sa ate nyang buntis buntisan. Nasa panahon pala yun ngayon, yung mga buntis, hindi yung mangga noh. Yung classmate ko nung highschool buntis, lima sa kapitbahay namin buntis kasama yung aso at pusa, yung katulong ng ate ng pinsan ng officemate ko buntis. Shocking lang at parang Village of the Damned ang drama. Iskeyri dabah. Heniweyz biglang tambling si ate Marya sa harap ng gate habang parang namimilipit ang mukha ko sa asim ng manggang binabad sa bagoong.


Maricel: Samahan mo ko lumarga mamaya at may booking ako sa Lets Face It dahil tingnan mo naman at tinadtad ng pimple ang pagmumukha ko.

Jeremy: May Fezzbook ka? Meganoooon?!

Maricel: Yes may ganun at dahil dyan close na tayo. Anoneh sumama ka na!

Jeremy:
Alam mo ba yung pinsan ng friend ko nagwowork dun sa Lets Fezz It na yan sa may Mega yata.

Maricel:
Cynthia?

Jeremy: Weird naman kung kakilala mo rin sya noh.

Maricel:
Malay mo.Meron lagi gumagawa ng mukha ko dun.

Jeremy: Parang constru lang itu! Heniweyz si Ate Ydol yung sinasabi ko. Baka kilala mo nga noh

Maricel: Ayy iba yung name nun. Nakalimutan ko na pero di Ydol yun.Hmm... kasi yung gumagawa ng aking fezz eh nanganak last year so di ako nakapagpaderma.

Jeremy: Kelangan talaga sa kanya ka lang magpapagalaw noh. Choozy mo lang.

Maricel: Basta magaan kasi ang kamay nung ateng yun kaya dun kami nagpapaderma, saka makwento.

Jeremy: Nako yung chikkaness lang naman talaga ang habol mo weh. Parang mga labandera lang sa batis.

Maricel:
Tangertz! Sobrang dami ng pimples ko dati, azz in super covered with pimples ang fezz ko eh di ko nga maimagine na hinahalikan ni Don yung pisngi ko nun. Pero ngaun sa baba na lang. Kelangan ko talaga ng di masakit pumiga.

Jeremy: Piga talaga is da term. Parang meh pigsa lang. Yikes! Naalala ko tuloy yung kapitbahay namin nagpaderma. Grabe nangyari sa mukha nya.

Maricel:
Bakit?

Jeremy: Nagkabeke sya!

Maricel:
Whhhhhhaaaaaaaat??? Yikes naman yun.

Jeremy: Honga eh dami na nya pimples ngayon. Pero naalala ko nung Grade 3 nagkabeke sya. Grabeh noh.

Maricel: Dahil sa pimples?

Jeremy: Hindi. Wala lang konek. Naalala ko lang ngayon at sineshare ko sayo. Ayomo ba nun?

Maricel:
Cheh! Ayoko nga magkabeke noh! Di pa nga ako binubulutong eh. Ayoko ng mga ganun.

Jeremy: OMG! Dapat nung bata ka pa nagkabulutong. Ampanget pag matanda ka na nagkaron non.

Maricel:
Oo noh pero di ako magkabulutong.

Jeremy: Balita ko deadly yon habang tumatanda. Naalala ko yung isang kapitbahay ko namatay sa bulutong.

Maricel:
Taena naman. Ang panget na cause of death naman yun.

Jeremy: Nahulog kasi sya sa puno ng bayabas nung kumukuha sya ng panglanggas ng bulutong.

Maricel:
hahaha

Jeremy: Di ka ba naawa sa kapitbahay ko?

Maricel:
Hindi! Tanga sya eh!

Jeremy: Wala kang awa. Inuubos ko na sila isa isa.

Maricel:
Oo nga noh.

Jeremy: Di bale next time bongga na ang death scene.

Maricel:
Para ka lang yung teacher natin sa Health nung highschool.

Jeremy: Ano nga ba nangyari sa kanya?

Maricel:
Lahat ng kinuwento niya eh kaibigan ng kaibigan niya. Nakakatakot siya maging friend kasi yung friend ko magkakasakit pag naging friend ko siya gets?

Jeremy: Laging more than second degree ang kwentuhan noh.

Maricel:
Oo kaloka si mam noh.

Jeremy: Pwes wag i-frenster noh! Pag nalaman laman ko lang na nifrenster mo yang si mam magsolian na tayo ng kandila.

Frappes

Walang komento:

Props
April 16, 2009





Photo ni Josh shineshare ko lang


After ng isang nakakapagod na linggo eh naaya ako makibonding ni Art aka JR sa Sbux sa may People Support, na infernezz eh kinapa ko lang talaga ang way mga two weeks ago lang ng makipagmeet ako sa mga Lonerz ng threads. Akswali nung Saturday pa yata naiset na namin yung kitakitz. Since Monday to Wednesday eh nakaleave sya tapos off nya ng Thursday at Friday eh go daw kami magkita. Last na magkita kami sa may Pioneer pa yun last year, siguro August non. During the review ko pa that time after namin magmeet ni Jude dahil may pinaburn sya na game CDs tapos ang bayad lang eh spag at chicken sa Mcjo?! Bakit walang extra rice?!

Heniweyz, fast forward tayo, hindi ako pwedeng lumarga til Wed kasi nga supah hectic sa sked with the BIR and everything. So Thursday nga ang setting. Biglang mega text din yung friend kong si Robb na kakagradweyt lang. Congratz, alam ko Summa ka, sumasampung taon! heheh. Magpapakaon daw sya sa Dampa, at Thursday din, eh kasi paalis na ng Japan Japan yung mommy nya by Saturday kaya dapat talaga Thursday. It's now or never ang drama. Eh mejo naipit ako. Food o coffee?

Dakong alas singko ng magtext si Art na baka daw maleytt sya. Eh hindi pa rin ako tinetext ng Robb. Text uli si Art na kung ok ba na i-cancel na lang yung meet up. So tinawagan ko na ang Robb, eh wala pala sa house nila dahil kasama ang mom nya. So tinext ko na si Art na green light pa rin ang meet up.

Dahil nagpahinga na lahat ng tao sa office eh nagsipag-uwian na silang lahat dakong alas singko y media pa lang. Andun pa naman yung supervisor namin kaya nagpaalam ako na kung pwede mag overstay. Ok naman daw, at buti na lang nasa may pader yung PC ko kaya hindi nya masisilip na kung anu ano lang naman pinagse-surf ko na hindi work-related.
Alas siete lumarga na ako. Dumaan pa ako ng Powerbooks para bumili ng Bakit Baligtad Magbasa.... Nagtext na rin sa wakas ang Robb na di nga tuloy yung eat-up. Maya maya nagtext na rin ang Art na sa Glorietta na lang daw kami magmeet. Ok lang naman kasi mas malapit ng mga kwarentang tambling yun kesa sa PS.

Nagkita kami sa may cinema ng Glorietta, bago ang herrstyle ni Art. No comment. Sa totoo lang inaantay nya pala ang comment ko, I refuse to give a comment noh. Baka hunting-in pa ako nung herr nya at ipakain sa bwaya. Heniweyz, inantay namin dumating classmate namin sa college na si Josh na akswali di ko kilala, other than naririnig ko yung name nya kasi nga the time na magkaklase kami eh wala na ako gana sa course na yun at balak ko na talagang lumipat.

Nagsipag-order-an na kami ng mga frappes, at surprisingly iba iba kami ng colors. Sakin pinkish white ala Ponds, kasi Strawberry and Cream na narinig ko lang naman sa Loner friendz ko na ang sarap daw, worth na makipagshare ka ng straw ba? So ayun nacurious ako sa taste. Kay Art naman Green tea yata, at kay Josh eh latte or whatever. Hindi ko talaga alam. Hindi ako expert sa ganito. Tanungin mo na lang ako sa 3-in-1 baka masagot ko pa.

May dalang cam si Josh at pinagpipicture-an ang mga frappes. Ayun may formation talaga ala Charlie's Angels. Syempre sya ang bida kaya nasa harap yung sa kanya. Wish ko lang may cam din ako at baka magka-career din ako sa photoblogging. Hayz. Yung isang officemate ko merong cam na Sony, na same nung kay Maureen, kaya tinanong ko yung price at lumalabas na mas mura pa yung nahablot, este yung nabili pala ni Mau. Sana bumili na rin ako non. Napicture-an ko pa sana yung across the table na ang cute magsmile.

After ng inuman, manonood na kami ng movie. Since napanood na nila yung Slumdog Millionaire eh ayaw na nilang maulit pa. Traumatic experience siguro. Ayaw ni Josh yung Dragonball, ok naman samin ni Art sana. Naalala ko yung vid ni kevjumba sa Youtube na bakit nga naman daw hindi Asian ang na-cast bilang Gokou?! Heniweyz, megasuggest naman na T2 daw, na buong pag-aakala ko eh kay Juday, parang yun kasi yung naalala kong sinabi ni Diosa na artista daw dun. Kay Marya pala, sorry naman, pero ayoko rin panoorin yun. So ang napili ay ang Monsters vs Aliens. Cute at funny movie, pero kids talaga ang main target nila, yung ibang jokes kelangan pa talaga ulitin four times para masulit ang script?! 

Meganon?!

Ang moral lesson: wag kang pipikit pag pinipiktyuran ang drink mo. Behave lang kayo mga children! Wag manungay sa picture kung ayomong sungayan ka ng iba. At wag assuming na laging bida si Juday sa lahat ng pelikula. At kung kinakailangan magpaalipin ka para lang makabili ng camera eh di go lang, basta galing sa pawis, dugo, luha, at laway mo yang inaasam mong camera pampiktyur dun sa cute sa kabilang table.

1-2-3-Sey Chezz!

"CHEZZ!!!"

Linggo, Marso 29, 2009

Lights, Camera...

Walang komento:

Photo by mysunnysideup at Flickr.

Earth Hour?!
March 28, 2009


March 25, Wednesday
12am. Nagpuyat sa paggawa ng bank recon na di pa rin tapos til now kasi andaming ginawang ritual muna, chat, unyt confe, ehem, etc.
3am. Lights out.
10pm. Nagmamadaling maglakad sa kahabaan ng Paseo kasi naghahabol si Diosa ng last bus papuntang Maynila. Nadaanan ang marquee ng Insular promoting Earth Hour.


Diosa: Yan yung dapat magpatay kayo ng ilaw for one hour.

Athan: Sabagay malaki na ang kuryente sa bahay. Teka para san to?

Diosa: Parang vote mo yun against global warming. Bale Earth versus Global Warming daw ito. Nagstart ito nung 2007 sa Sydney. And has already taken place in New York, San Francisco, Paris...

Athan: Parang google ka teh! Teka kelan ba to?

Diosa: Sa Sunday yata, ay hindi pala. Bukas yata.


10pm. Tingin uli sa marquee, Saturday daw eh. Baka naman jinojowk lang ako ni Diosa.
11pm. pagkauwi lumamon, check mails.
12am. Lights out.


March 26, Thursday
10pm. Late na naman ang uwi pero kasabay namin ngayon si Gerald na naiinis kasi di makaporma daw kasi naman super fastforward ang inaasahan nyang long walks on the beach, or Paseo if applicable, and stuff yah know. Daan na naman sa Insular at meh ad pa rin ng Earth Hour. So ayon sa aming debate, Saturday nga talaga. Akala ko mali yung marquee eh, ipagrarally ko sana si Diosa sa Ayala.
Pagkauwi lumamon, check mails.
12am Lights out.



March 27, Friday
6pm. Maaga ako umalis ng office kasi nga meh miming sa Laguna.
7pm. Nasa Buendia na wala pa ang BSrecon Band headed by Mama Zen, leche late sila! Wori worihan pa naman ako na maligaw at mahuli sa byahe.
8pm. Dumating na sila, umarkila ng van at go na sa Laguna.
10pm. Nasa Sun city na kami, lumamon, nagkodakan, tapos nagbihis na ng swim suit, nagkodakan ulit.


March 28, Saturday
12am. Nasa pool pa. Naghahanap ng aura. hahah. Akswali meron dun pasulyap pa't kunwari patingin tingin sa akin, the feeling is mutual naman eh pero may jowang supah chakka.
3am. Umahon na sa pool. Nagshower at nagbihis.
4am. Nakipagumpukan sa Starbuko with Alvin, Kath, at Jack nagkekwentuhan, nag-eemohan, nakikivideoke sa mga sintunado't lasing na swimmers ng kabilang cottage.
5am. Lights out.
6am. Nagising sa kodakan sa kama. Nag-almusal, nagkodakan uli.
8am. Lumusong na naman sa pool, ang bewang ay nabasa, ngunit ang kanyang... buhok di pa rin nababasa.
9am. Umahon na sa pool. Nagshower at nagbihis.
10am. Pauwi na kami pero nagkodakan muna uli. Nakipag-away sa driver si Mama Zen. Bumili ng pasalubong. May nakasakay na mute nagturo samin ng sasakyan pamaynila. Sana tinuruan nya rin kami ng sign language kasi hindi namin gets yung ibang sinabi nya, at magagamit ko rin yun kung sakaling mag-apply ako sa Kapwa ko Mahal ko.
11am. Lumipat ng bus papuntang LRT Buendia. Nung nasa Alabang na, nagkodakan uli. Bumaba sa Magallanes, nagMRT. Umulan. Nagpatila sandali. Nagjeep.
12pm. Pagkauwi lumamon, nagcheck ng mails.
2pm. Lights out.
8:30pm. Earth hour na! Sana makakuha ng magandang kodak moment, pero wait lang hindi pala ako nag-alarm.
8:31pm. Earth hour na!!! Earth to Athan! Gising na!
8:32pm. Earth hour na!!!
Earth to Athan! Huyy!!! Bahala ka nga.


March 29, Sunday
4am. Nagising sa gutom. Shett lagpas na sa Earth Hour! Kainezz namiss ko. Pero I'm sure naman na nakiramay ako dun, in spirit nga lang at accidentally pa. Nako next time na may ganitong event di ko na kakalimutang mag-alarm. Amfufu talaga.

Kung minsan naiwan ka sa dilim, wag mag-alala dahil may bukas pa naman naghihintay para umulit. At kung mahaba man ang panahon para maulit ang lumagpas na sandali, maaari kang mag-abang ng may buong pasensya sa tamang oras, o maglibang sa mga nakakalibang na gawain tulad ng panonood ng Wowowee o Daisy Siete, pagko-cross stitch, paglalaro sa PSP, paglalaba ng brief at panty, pagbabadminton,
o di kaya'y pagba-bubblebath. Sana sa susunod mas nakapaghanda ako ng maayos, magsusuot ako ng black polka dots at maglulusis! Go Earth Hour go!

Lunes, Marso 23, 2009

Sugpo!

Walang komento:

Usapang Hipon
March 16, 2009



Photo by
geckobob on Flickr


Monday evening makikipagmeet ako with friends sa matagal nang napromise na kainan namin. Last Christmas pa sana at sa Don Henrico's pero dahil napush forward ng ilang milyong beses eh naisip naming bumalik sa Dampa sa may MetroWalk. Nakakain na kami dito before at the last time eh solb na solb kami sa food.

So ayun pagdating namin dun, pinaupo na kami sa isang table kasya sa apat eh tatlo lang naman kami kaya enough na yun. Akswali inooffer samin yung for 8 persons yata, akala naman nila eh madami kaming oorderin. Heniweys tingin na sa menu si Pol, pero akswali alam na nya oorderin nya, same nung last time: One kilo ng Chili Garlic Shrimp at half kilo ng Tempura. Take note ang inorder namin yung Sugpo.

Maya maya lang anjan na ang first Tempura. Malalaki talaga kaya inupakan na namin. Shortly anjan na rin yung Chili Garlic. Pero nashock kami kasi parang mas maliit yun kesa sa tempura. Sabi ni Pol di daw kaya Suwahe lang yun? Hindi naman siguro arina kaya mas malaki yung tempura. Kaya pinatawag ni Pol ang punong tagapagluto Janggeum para magpaliwanag:


Pol:
Pwede pakicheck yung order namin kasi inorder namin kanina sugpo.

Jang:
Sugpo nga po yan!


Pol:
Ha?! Eh bakit mas maliit sya dito sa tempura!

Jang:
Eh kasi po sir hindi yan sugpo, Giant Hipon yan.

Pol: Anong pinagkaiba?

Jang:
Darker po sya at ching chong wang shing nya lang si kwong...


Hindi na namin naintindihan yung explanation nya pero ang labo talaga. Dumadahilan pa talaga eh. Ano ba ang tawag sa malaking hipon? Di ba Sugpo?! Ayoko naman na ginagawa kaming walang laman ang ulo eh, paikut ikutin pa kami. Kahit itanong mo pa sa google eh yan daw ang largest species of prawn.

So ayun nga tyaga na rin kami sa Giant Hipon nila. Akswali wala naman problema kasi one kilo din sya, pero kung alamang na yan at one kilo rin naman eh parang nagkakalokohan na masyado. Buti na lang masarap ang luto nila. Saka nakadiscount naman kami dun sa levelling ng hipon.

Wag mo sabihin kaya malaki lang yun eh dahil lang sa ulo? Eh aanhin ko naman ang ulo noh. Sabi sakin ni Robb masarap daw yun, maraming laman daw yun basta sipsipin ko lang. Tinry ko nga. Malasa nga, pero nung nahulog yung mga ibang laman laman dun, naisip ko mukha syang galamay ng ipis. Yikes! Ayoko na sumipsip ng ulo. Choosy ko lang?!

Sabi nila ang tao pag naikumpara sa hipon ang ibang sabihin non ay ang katawan lang ang maganda pero yung ulo tinatapon na, pwedeng ipakahulugang chakkaness ang mukha o di kaya'y walang laman ang utak. May counterpart naman tong lollipop. Ano ba mas gusto mo hipon o lollipop?


~0~


Ayon sa sawikain, "ang natutulog na hipon tinatangay ng agos." Napaisip tuloy ako, paano kung pilitin mo mang labanan ang agos ay masyado pa ring malakas ito para pigilan mo, ipagpapatuloy mo bang lumangoy palayo? Paano naman kung simula pa lang ay di mo na kayang salungatin ang agos, magpapadala ka na lang ba? Naniniwala ka ba sa tadhana? Maari kayang maraming daluyan ka mang languyan, sa nag-iisang tadhana ka rin lang patungo? Matutulog akong marami pang tanong sa aking isip.


*EMO MODE OFF*

Linggo, Marso 22, 2009

Marte Ka!

Walang komento:

MRT Episodes
March 12, 2009



Photo by nOnOn_5 on Flickr


Hapon na nang nagmamadali akong tapusin ang mga reports ko for the day nang maagang makalarga dahil may bondingang magaganap. Magkikita kita daw kami ng alas siyete sa may Shangri-La. Alas sais pa lang nakaready na ako kaya biglang shoot na kagad sa pinto. Since nasa Ayala lang naman ako eh hindi naman ganun kalayuan sa Crossing yun kaya naisip ko magMRT na lang.

Ayala Station ~ second stop after Magallanes galing Taft Station. Nasa tabi lang ng SM ang entrance dito. Pagpasok ko pa lang sa station eh di na maganda ang naramdaman ko. May masamang aura ang lugar, may di kaaya ayang magaganap, I can feel it. One day before Friday the 13th na naman, nakakadalawa na ngayong taon ha! OA na! Heniweys punung puno ng katatauhan ang lugar. Yung pila nakapulupot na dun sa may tapat ng KFC. After ten minutes di pa rin kumikilos ang pila. Nakakainis pa kasi yung mga taong patawid lang naman sa kabilang side ng EDSA eh kelangan magsingitan pa sa pila namin. Wish ko talagang mamatid ng isa, matry ko lang kung magdodomino effect kaya dun, pero pati yun nawalan na ko ng gana gawin. *tingin sa relo* Twenty minutes na! Sobra na to! Tiningnan ko ang mga taong nakapila, tila may gustong sabihin sila.


Jeremy: Bakit di gumagalaw yung pila?

Gelai:
It's so tagaaaahhl na nga eh yah know!


Jeremy: Really?

Gelai:
Yah it's like I'm so pagod na to make pila here.

Peachy:
Yes friend kanina pa ako! Super! Eh kayo po gano katagal na?

BiBoy:
Dude six months na, sa isang buwan lalaya na ko!

Jeremy: OA naman, wala pa tayo thirty minutes dito.

Gelai:
You look so wafu noh! Look! Look!

Becky:
Winona ryder, maaura-han nga!

Peachy:
Super cute nga, pero super katakot naman ang tattoo mga friends.

Becky: Akin sya!

Peachy:
Di mo sya mahal, kailangan ko sya!

Jeremy: Pang Wowowee ang acting! Bravo!

Lulu: Shut up!


Becky:
Taray ng lollerz! Feel mo bang tapyasin ko yang plaster mo? Bet mo?

Peachy: Boy Friend, number mo?

BiBoy:
Huh?!

Peachy:
Yes friend, can i get it?

BiBoy:
Sureness! Here, pasaload me nyong lahat dudez!

Becky:
Ayy ACDC ata ampotah! Kaancha!

Jeremy: Pano ba kayo napadpad dini?

Gelai:
I'm just making punta to my BF in the QC thru the MRT before we make nood to the DVD and then...

Becky:
Yeah yeah next!

Peachy:
Ewan ko rin ba friend, pero pinabili lang ako ng suka ni inay! Super!

Jeremy: Sosyal naman kasi bakit dito ka pa bumili ng suka?!

Becky:
Wala sigurong suking tindahan sa bundok nila. Ateng di aabot ang MRT don ha!

Gelai:
You're all so maingay you know loud!

Jeremy: Next! Ikaw na koya!

BiBoy:
I'm going to Baclaran bro.

Becky:
Ayy sali na ko jan. Take me I'll follow.

BiBoy:
Nope, I'm meeting someone dude.

Becky:
Anong dod ka jan?! May booking ka lang eh! Panalo!

Peachy: Hoy friend, uuna ka pang umeksena sakin bruha ka!

Becky:
Padadalhan na lang kita ng isang box na suka, galing Japan!

Peachy: Unang syang naging akin!

Becky: Ayy toyo pala ang tinutungga ni ateng!

Lulu:
You're all such losers! Shut up!

Becky
& Peachy: You shut up!!!


Tapos nagkaron ng sampalan, natumba na nga ang dalawa at gumulong gulong sila don. Nagsisigawan na ang mga tao. Maraming batang umiiyak. Sa pula, sa Puti! Logis! Logis! Logis! Biglang bumukas ang lupa at kinain sila ng dilim. Tapos nagising ako. Nasa pila pa rin. Thirty six minutes at 47, 48, 49 seconds na ang nakakalipas.

Nakakainis pa minsan pagdating mo sa checkpoint merong ale na may limang supot na groceries yata, o kaya batang may malaking Bekpek Bekpek at may Monkey stuffed toy pa at feel na feel talaga, o kaya manong na may dalang kahom ng naglalaman ng
kwarta, reams ng kukumban, dried mangos, o danggit. At lahat ng yan ay aantayin mong inspeksyunin kuno ng manong gardo. Wish ko lang walang bomba jan. Naalala ko tuloy yung tito ko na bumili ng pump dun sa nasirang poso sa probinsya namin. Nakakatakot lang pag tinanong ng manong gardo kung ano ang laman ng kahon, baka sumagot sya ng Bomba. Malintikan pa sya. Pag Christmas season, di mo wish magMRT kasi hassle na buksan mo pa yung pinagift wrap mo. For safety reasons naman na pabuksan nila yon pero kung celophane lang naman ang balot eh bakit pa nila kelangan bulatlatin.

Sa loob ng MRT siksikan din. Sardinas mode! Di katulad sa bus na merong gumagawa ng standing arrangement or maeexpel ka sa bus ni koya. So kanya kanya talaga ang diskarte: kung san ka kakapit, kung sa ka sasandal. Maraming beses na akong napwesto sa pinto. Mahirap sa pwestong ito kasi pag may bababa kelangan mo lumabas, at pag may sasakay eh napagtutulak-tulakan ka ng mga tao. In short, doormat ka! Kulang na lang may spiel ka pang "Thank you mamsir for riding. Please come again!"

Isa pang nakakaloka eh meron na ngang sariling mundo ang mga babae eh bakit nakikipagsiksikan din sila sa mga lalake. Yung iba gusto talaga nila sa Women only train, pwedeng dahil angkan sila ni don Tiburcio at checking out the gels, or yung mas normal na ayaw nilang nahihipuan. Kaw ba naman magsuot ng plunging kung plunging na top at ubod ng iksi na skirt eh hindi ka pa isipang nag-iimbita ng mga demonyo? So ayun nga merong mga gels na nakikisiksik sa other trains, ewan ko lang din kung tinatamad lang silang maglakad ng konti forward, ayaw nyo ba non parang jogging lang ng konti para di nyo na kelangan magkunwaring diet dietan pagkauwi. O talagang naghahanap sila ng hihipo sa kanila. Isa lang ang solusyon jan, laklak kayo ng Caladryl. Try nyo lang one time.

Habang ang mga lalake ay nagpipilit abutin ang mga bars sa taas ang mga babae naman ay kontento na lahat nakahawak sa vertical bars. Ayaw kasi nila masyadong mag-effort na itaas ang kili kili. Mahiyain lang talaga sila yah know. Nung isang beses may nakita akong kuntodo effort, nakasuot pa naman sya ng sleeveless, ayun nasilayan ko tuloy ang kanyang hacienda. Sa isang banda may plantation ng buhok na di pa naani o nakalimutan lang siguro, sa isa pa mamasa masa na siguro ay may natural aqueduct, at all around the place ay ang nagbibitak bitak at naglulupang kayamanan. Kaya naman pala nasa-shy sila.

After four stations, pababa na ako at last. Feeling ko talaga jabar jabar na ako sa place azz in. Akala ko naman kung maaga akong makakarating don kung magMRT ako. Wrong move! Dapat nagbus na lang ako. The shortest distance between two points is a line, but surely not in Line-2 if one of those two points is named Ayala. Di lahat ng matulin na paraan ay mabilis na daan.

Lunes, Marso 16, 2009

Big Yellow Taxi

Walang komento:

Taxi Episodes
March 9, 2009



Mula nang mapahanay ako sa mga Makati-ists eh kelangan makisabay na rin ako sa flow nila yah know. So sa pagbibyahe eh kelangan limitahan ko na ang pagsakay ng padyak at trolley na makikita lamang sa Maynila, Mandaluyong, Pasig, at sa buong kalakhang Metro, well out of the boundaries of Makati. Ang biyahe na ngayon eh dapat Taxihan, mejo sosyalan na. Well slight shalaness lang sakin kasi naman for reimbursement pa to. Heniweys everytime meh byahe sa clients eh kelangan magboxi para naman hindi jabar jabar ka or haggardness pagdating dun.

Kadalasan kasama namin si Nuestra Senyora at sya na bahala sa fare namin. Nung isang beses eh matanda yung Manong Driver. Akalain mo ba naman na idaan kami sa lahat ng kata-traffican. Parang sinabi na nya na "if you look to your left you can see the traffic going to Ayala, and to your right is the one going to Buendia, going forward well see the traffic on EDSA." Kainis lang di ba?! Pero matanda na kasi kaya pinagbigyan na lang namin.

Pag kaming dalawa lang ni Diosa ang nagfifieldwork eh nagcocommute na lang kami. One time galing kami sa client sa Pasong Tamo at saya saya naming nakahagilap kagad ng fx na dadaan sa Don Bosco Makati kasi nga traffic lagi don. Heniweys, naglalakad na kami papunta ng office ng biglang naalala ko yung ID namin naiwan pa sa client. Nakapagtaxi pa kami ng wala sa oras at dahil don hindi pa reimbursible to. Nung tinanong namin si Manong Gardo eh sabi nya ok lang daw pala na maiwan yung ID don kung babalikan sa following day. Nako nagsayang lang kami ng pamasahe. Paglabas eh wala na masakyang fx kasi lahat sa EDSA na ang daan.

Nag-enjoy na lang kami ni Diosa kakatingin ng mga kotseng dumadaan. Nagtutorial muna si Diosa ng logos at models. Halos lahat pala ng taxi eh Toyota Corolla Altis? Sa Singapore nga daw Chrysler ang taxi eh. Sosyal lang dabah. At kadalasan white na, obsolete na ba ang yellow na R&E taxis? Infernezz kahit wala akong alam sa car, love ko na ang Mazda. Di ba official sponsor yun ng Maskman? Tapos minsan sinusundo pa nga ni Michael Joe si Rio sakay ng ride nya tapos mag-iikot sila sa Baywalk.

Nung one time eh pinayagan kami ni Nuestra na magtaxi on our own kaya ayun nawili naman. Yung client namin eh sa malapit sa EDSA sa Mandaluyong, my home base, pero mahirap padaanin sa EDSA ang taxi kaya nagcommute kami papunta, anyways magtataxi na lang kami pabalik. So jeep, MRT, at tricycle kami. Nung pabalik na taxi na kami. Si Manong Driver eh mukhang thundercats na pero surprising kasi rocker sya. Nagconcert kaya sya: "Sweet Child o' Mine" at "In the End". Kaso nung sabi namin lumiko sa Buendia hindi kami pinansin. Hindi ko sure kung yung hearing nya dala lang talaga ng old age o kakapakinig sa loud speaker ng malapitan. Dapat may megaphone kami. Pinadaan naman nya yung taxi sa may Pasay Road via Dusit. 120 inabot ang fare namin. Nung isubmit ko ang reimbursement eh biglang talak talak everlou ang inabot ko kay Admin Marissa. Nung pinapagexplain si Nuestra eh biglang linya nya na wala daw sya sa scene of the crime. Feel ko talaga magwala non, baka man lang mafeature ako sa SOCO. Sino kaya gaganap sa role ko if ever maisapelikula to? Nagbehave behave-an na lang ako kasi sila naman ang mananalo weh.

Nung next na client namin eh nasa HV dela Costa na walang malapit na way sa pamamagitang commuting kaya dapat taxi talaga. Ewan ko ba bakit ko pinayagang madala ako ni Diosa sa pag aalay lakad. Dala ko pa kaya yung lappy at working papers kaya mejo mabigat ang dinadala ko. Heniweys bumawi naman kami sa lunch pero walkathon uli pauwi. Tour guide na tour guide ang drama ni Diosa, o di kaya sa MMDA nagtatrabaho nung past life nya? Pagpapareimburse eh nilagay namin Zero sa fare para ipakitang hindi na kami magtataxi kaya wag ka na umapila jan na magastos kami. Eh umapila pa rin si Nuestra, mali daw yung dinaanan namin kasi. Ayyy walang puso! Ikorek pa talaga kami eh we're just proving a point na not all of the time susundan mo na lang ang byahe ng jeep, minsan kelangan mo mag-iba ng path at taxi lang ang makakadaan dun. Minsan kailangan mong lakarin ang malayo at pasikot sikot na daan para mas makita mo ang tama.

Nung last time na kasama namin si Nuestra eh nag-abang talaga kami ng taxi. Excusable ang 120 fare pag kasama sya eh. Fifteen minutes kaming nakatayo sa Buendia eh laging puno yung mga katataxihan. Lumipat pa kami ng pwesto, wala pa rin. Sa malayo akala mo walang laman pero pag malapit na meron pala. Minsan mag-isa lang, sa passenger seat or sa backseat, natatago kasi sa anino or talagang madilim lang sya. Minsan magjowa ang sakay at kitang kita mo na naglalandian sa loob. Forty five minutes yata bago kami makasakay. Pagpasok sa loob pagod na kami kaya bagsak na. Ngawit na ang kamay ko kakakaway. Sumilip ako sa bintana, ngayon ko lang napansin na may mga taong nagpipilit pumara ng taxi namin. Tatlo na kaya ang laman?! Pero dati di ko naman napapansin na may mga pumapara pa rin. Pag ako ang nasa labas alam na alam ko kung may laman o wala ang taxi, pero pag nasa loob na ako ay wala na akong pakialam kung may pumapara pa nito. Ambilis ng gulong ng pangyayari noh?


"Don't it always seem to go
That you don't know what you got till it's gone
"

Joni Mitchell, Big Yellow Taxi

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips