Linggo, Hulyo 1, 2018

Am I MIA?

Walang komento:


I miss blogging. Miss mo ba ako? I haven’t written in the last 48 years na yata (9 or 10 months in straightie years) hindi dahil wala na ako maisulat kung hindi wala na akong drive para magsulat. Mabuti pa kung broken-hearted ako eh napakadali maglabas ng sama ng loob akala mo pinainom mo ng pampurga, taeng tae sa emosyon. Jusko walang drama ngayon si Jonathan. At dahil dyan wala na ako masabi kahit mema lang. Silence. Na-shutup lang ako habang maingay na umiikot ang mundo. Yung tipong may maiisip ako na uyyy magandang topic to pero walang nitro para ipagpatuloy ko isulat ito.

Bakit pa nga ba ako magbablog? Dahil ba pinauso ulit ni Mocha Uson kahit technically di naman sya nagbablog at makamandag na fake news lamang ang kaniyang ipinagbubureche. (Bumalik ka na lang sa pagbukaka teh at baka mapacha pa’delante pa kita). Ang gusto ko lang naman talaga ay marinig at pakinggan. Ngunit dahil wala ako kahit piso para makausap, nagpepretend lang akong may bumabasa nito at nakikinig sa akin. Sagot ka naman fren please. Malungkot mag-isa pero masaya magpanggap na may concerned sayo.

These past couple of days I just feel tired kahit wala akong ginagawa masyado sa work. Hindi naman sa tamad ako, tinatamad ako. There’s a difference. Yung task ko na pwede matapos sana in 45-75 minutes pinapaabot ko ng isang araw. Kung may AHT QA kami malamang PIP na ako. (That’s a mouthful of abbreviations pero keep up with the program na lang aling Oprah) Alam ko naman kaya ko gawin agad para mas marami ako matapos. Wala lang talaga dun yung drive. Ang utak ko ay tumatakbo sa emosyon. Hindi ako robot na isang pindot lang tapos na ang trabaho; kailangan ko nito bilang baterya. 

May nagtanong sakin dati bakit daw ba pagod ako kung lagi naman ako nakaupo. Akala yata nya pahinga lang yung nakaupo ka. Mag-iisip ka rin, at mas nakakapagod mag-isip pag wala kang maisip. Parang pinipiga mo yung last patak ng alak sa bote. Parang nagsalsal ka ng ideya pero nangalay ka lang wala pa rin lumabas. Pagod ako dahil wala ako maisip, wala ako maisip dahil pagod ako. Vicious cycle.

Kahit papaano ay nilabasan ako ngayon. Mga ilang araw na rin itong nakadraft. Nais kong bumalik ang aking sigla. Sana mainlab uli ako at masaktan. Choz lang, gusto ko lang ng makausap sa ganitong level. Pero Lord, gusto ko rin mainlab, separately. Lord naman, I am jowable hahah.

Miss mo na ba ako? 

Miss Vangie!

____________________
Photo by maindo007 via Flickr.

Lunes, Setyembre 18, 2017

Kwarto

Walang komento:
Magpapaalam na sayo ang aking kwarto
Na punung-puno ng galit at damit


Magdodownsize na kami ng bahay dahil kukunin na ng isang tito ko ang share nya sa bahay. Ang weird nga kasi may bahay na sila sa Houston pati sa Davao pero bet pa rin talaga nya ng masisiksikan sa Maynila. Wala kami magawa dahil bunso daw sya... yung paniniwala ng mga matatanda na bahay daw dapat ang mana ng bunso or something to that effect.

Anyway, tinamaan ang dalawang kwarto kasama sa akin sa mga madedemolish pag natuloy na ang hatian ng bahay. Nag undergo ng renovations ang bahay recently at ako'y naglipat na sa smaller room na kashare ko sa kapatid ko, pawang plywood lang ang pagitan namin. Well meron naman visual privacy pero not audio so kung gagawa ako ng himala, kelangan muted.

Wala namang aberya sa paglilipat ng gamit. Nakakalungkot lang na sa loob ng sampung taon ko ginamit na silid yun. Siguro dapat na rin kasi di ko naman nililinis yun pero naimmunize na yata ako sa alikabok nun, actually minahal ko na bawat butil ng alikabok dun choz. Bawat libro at damit at abubot pawang napakabigat buhatin dahil may dala silang mga alaala kung paano at saan ko sila ipinatong. May mga ilan ding nakalimutan na sa panahon, may picture pala ako na ganyan, may keychain sa kung saan probinsya, mga bagay na nilamon na ng sapot at dumi. Like yucks, I don't know if I'm bringing them pa ha choz.

Ngayon eto nasa half-room na ako. Mas maliit ang kama ko dahil di kasya yung dati kong kama. Ok lang naman kasi di naman ako sanay talaga matulog ng may katabi. May half-window din ako, half lang kasi yung isang half nandun sa side ng kapatid ko. Actually, lahat ng bintana nasa kanya, pati ba naman kalahati nito kinuha pa. Parang gusto ko magbutas ng pader para may fresh air mag-isip. Di ko akalain pati pala kwarto pwede ka magkaroon ng sepanx.

Since nasa topic na rin tayo ng lipatan, parang nais ko na rin bumukod ng bahay. Condo talaga ang gusto ko, yung para sa akin lang. Damot ano? Nakakatakot mag-isa nga lang pero ang tanda ko na, nakakahiya naman na di pa rin ako independent. At sanay na rin naman ako mag-isa emotionally, bakit di ko pa itry idetach ang sarili ko sa bahay na to physically.


Di ko na kayang mabuhay sa kahapon.
Kaya mula ngayon, mula ngayon....


ps. I'm semi-emotional right now. Refresh lang muna ako sa pagsusulat bago ako bumongga ng word vomit. Pro-tip: wag kayo masyado mag-adik sa Sugarfree, nakamamatay. Ang sakit sakit na bes eh.

____________________
Photo by Ken Bosma via Flickr.

Linggo, Pebrero 19, 2017

Cubao Fastlane

Walang komento:
 

I'm afraid of Cubao. And I don't know why. Alam mo yung feeling na minsan nakakainis yung isang tao kahit wala syang ginagawa sayo. Parang ganun, palitan mo lang yung inis ng takot at si Chona ng Cubao. Nakakatakot ang Cubao. Para sa akin, at least. Sa aking pakiramdam ay mahoholdup ako sa Cubao anytime. Kahit umaga at maraming tao, o gabi at maliwanag. Yan ang sinasabi ko sa sarili ko at sa mga nagtatanong bakit ayaw ko sa Cubao.

Hindi naman sa matapobre ako or something. Hello, pobre din ako pero iba talaga ang feeling ko sa kanya. May mga magaganda naman kaming pinagsamahan pero baka hanggang dito na lang. Pero minsan di mo maiiwasan tatawagin ka nya sa kanyang kandungan.

Noong bata ako dinadala kami ni mama sa Fiesta Carnival. Nakapanood pa nga ako ng Christmas show sa COD, although wala akong idea anong kwento nun basta mukhang masaya sya. Pag namimili kami ng school supplies, sa National Bookstore sa Cubao kami pumupunta.

Ngunit ang Fiesta Carnival noon ay Shopwise na ngayon. Ang Christmas show nasa Greenhills na. Ang mga books ko sa Fully Booked or Power Books ko na lang hinahanap ngayon. Wala nang babalikan ang nakababatang sarili ko sa Cubao.

Sa Cubao ko rin naman nakakasama ang ilang kaibigan ko para mag-inuman at magvideoke. Sa Cubao ko rin mineet ang first ever hook up ko hahah.

Hindi na kami ng vivideoke at umiinom sa Cubao dahil you know life, we felt too old for that na at may sari sarili na kaming kabusyhan sa trabaho at buhay. Nagkikita pa rin kami para magfoodtrip na lang dahil mas masarap ito kesa magsunog ng atay at pera. At hindi na ulit ako nakipaghook up dahil natakot na ako mainjan muli. Wala nang babalikan ang nakababatang sarili ko sa Cubao.

Sa Cubao parang last year lang nang may nagdala sa akin palibot sa mga kainan at mall. Sinabi kong ok lang naman basta kasama ko sya; kumain sa Cafe Maria Jerica (na pinilit kong sulitin ang buffet), naglaro ng uno stacko sa Appraisery sa Cubao X, nagmass sa Ali Mall, at nagshopping sa ukay ukay sa Farmers. Masaya at nakalimot ako ng takot at pangamba.

Ngunit di na nya ako kinakausap. Walang restaurant o turo turo akong kayang puntahan na di ko malalasahan ang pait ng alaala. Walang tawanan at musika na papawi sa kalungkutang nadarama ko sa paglakad sa mga kalsada sa loob ng Cubao X. Walang hiling na natupad na makita syang muli. Wala na akong babalikan sa Cubao.

At sa kakatwang pagkakataon ay tinawag nya muli ako sa kanyang kandungan. Sa Gateway kami nagsama sama ng ilang kaibigan para manood ng sine, dahil dito na ang midpoint namin kung saan available ang movieng Sakaling Hindi Makarating; kumain sa Mister Kabab, na ikinatuwa dahil may new food akong nasubukan; uminom ng Irish coffe sa Cab Cafe (sabi ni ateng cashier may lehkor daw yun at mejo nagbuffer pa ako bago ko nagets yung sinasabi nya); at uminom  ng craft beer sa Fred's Revolucion. Sa aking pakiramdam ay unti unting nagwawarm up muli ako sa Cubao. Pero sa pagsulyap ko sa Appraisery parang nanumbalik ang mga emosyon, ang mga paghahanap at paghihintay ko na walang sagot. Gusto ko pa maglasheng pero mejo mahal kasi ang craft beer--180 PhP mygass?! Putangina naman Bash, bakit ba ang tigas tigas mo?!

Mabuti na lang nagpasya lumipat ng Starlites ang mga kasama ko for more booze and videoke. Gusto kong magwala din at salinan ng excitement ang kakulangan na nadarama ko. Ngunit wala akong lakas ng loob. Bakit walang lumalandi sa akin ngayon sa punto ng aking kahinaan? Panget ba ako, kapalit palit ba ako? Wish ko lang nasa level ako ni Liza, male version of course, pero pang chuwariwaps lang ako. I would never be kahit second rate, hanggang trying hard lang.  Tinapos namin ang gabi sa session ng lugaw. I have high expectations for lugaw, you know. Lugaw lang sa akin sapat na, laman tyan at di ako iiwan. Baka may pag-asa pang balikan ko ang Cubao.

Ang Cubao para sa akin ay parang kape--minsan bitter, minsan sweet, minsan life. Minsan masaya, minsan malungkot. Pagpapasyahan ko lang kung daraanan ko lang, iiwasan, o tatambayan ko for the rest of my life. Ngunit ang mga byaheng fastlane paabante ay pawang puno at siksikan at wala nang puwang para sa akin.


____________________
Photo by Mark Sherwin Manansala via Flickr.

Miyerkules, Enero 25, 2017

Titanap

Walang komento:
 

Na-titanap ang tita kong balikbayan at di pa rin sya natatagpuan. Kasalukuyan syang nasa poder ng mga pinsan nyang tita ko sa father side at malamang busy mag mahjjong o mamili ng tela sa Divisoria or something. Ewan ko. At isa ring ezcuse para magblog ako dahil di nagkasya sa 140 characters ang titanap punchline ko sana. Tita, asan ka na? Ubos na ang chocolates.

Auntie actually ang tawag ko sa kanya, kasi it's more sushal pakinggan kesa tita. Kakaluwas lang nya from Sheekahgo you know, from Ilinoise yah know. Edad 80 yata or something at every year naman nakakaluwas sya para mag medical mission with her amiga doctores. Anyway namimiss ko sya pero kapag nandito sya parang may machine gun ganyan.

Kung titas of Manila are like awkward and manang state of mind, titas of America be like "kaya kayo di umaasenso kasi ang tatamad nyo. Pumunta ka sa America, mag aral ka don!"

But I don't wanna Auntie! Mamamatay ako! There's like no adobo and kare kare and sinigang there. Actually I don't know pero kebs makadahilan. I don't see myself sa ibang bansa. Pwede tourist lang siguro, pero manirahan dun? Mamamatay ako! Wala si crush/es dun. At di ko yata bet ang mga afam. Basta mamamatay ako. At like trenta na mag-aaral pa ulit? Ayoko na. Di pa nga ako quota sa life lessons, aral pa more? No! Mamamatay ako.

Tapos yung presidente nyo parang walang pinagkaiba sa presidente dito. Kayo na ng gumagaya sa Pinas. Kahit bulok dito feeling ko di ko pa oras ma-EJK.

Anyway tita, kung nasan ka man, umuwi ka muna dito sa bahay. Magrefill ka muna ng chocolates. Saka natin pag-usapan ang Chicago.

Cue: You're the meaning in my life. You're the inspiration.


____________________
Photo by Mario Güldenhaupt via Flickr.

Huwebes, Agosto 25, 2016

DD Iced Coffee

Walang komento:

What's the difference between ice-blended coffee and espresso blend?

"Hot po eto."

Bakit kasi blend tawag nyo? One iced coffee. Large.

Tumambay muna ako habang nagchacharge ng phone sa sulok malapit sa pinto. Yung bakanteng store sa walkway sa second level ng Dela Rosa Carpark paglingon ko humaba na ang pila. Sabi nila hindi na daw sya "pasalubong ng bayan." Umagaw na sa market at trono ang Krispy Kreme at J.Co.

May promo pala ng combo ng donut at coffee. Sayang pero ok lang, di pa naman ako gutom. Yung mga bumibili halos copy paste ng order sa nasa unahan nya, "choco butternut." Mabenta pa rin sya. Or bestseller pa rin rather. I like it pero nasa iba yata ang puso ko.

Black raspberry filled. May nakakaalala pa kaya nun? Favorite ko yun. If I have to replay episodes of my childhood, yun yata yung namimili kami ng babaunin sa field trip. Dalawang blackraspberry-filled donuts for me. Phased out na yata sya. Buti pa yung Bavarian, Boston Kreme, at Choco Butternut nakasurvive sa agos ng panahon. Ngunit si Dunkin Donut mananatili sa aking alaala. Ang dating pasalubong ng bayan sa aking gunita mananatiling paboritong baon.

Ipagpatawad napasenti ako sa playlist nilang hugot sa alternative rock ng 90s at 00s. At ngayon, si Charlie Puth na ang pineplay nila at paubos na rin ang iced coffee. Maraming salamat sa mga alaala. Babalik ako promise. You're only one call away.

Miyerkules, Agosto 17, 2016

Lakad/Hakbang/Takbo

Walang komento:

Lakad. Hakbang. Takbo.

Di malaman saan patungo. Mga paa'ng hindi mapakali, hindi mapirmi. Nais lang kumilos dahil ayaw tumigil, maghintay, maiwan. Ano nga ba'ng hinahanap sa lugar na ito? Hanggang ngayon, hinahanap pa ang sarili? Dahil kung alam mo kung sino ka marahil alam mo na rin saan ka tutungo. Sa lugar na ikaw ang hinahanap at inaantay, sa lugar na magpapasigla ng puso'ng pagod.

Ngunit wala kaya't patuloy ka'ng lalakad paalis. Tatakbo sa takot ng kawalan at pag-iisa; sa takot maiwan muli.

Lakad. Hakbang. Takbo.

Sa paghangos mo nalagpasan mo na pala ang hinahanap mo: ang sarili mo'ng kuntento, isang pusong payapa, isang pag-ibig na lumalapit nang kusa. Kung natuto ka lang sanang tumigil at maghintay.

Tatakbo ka pa ba?

Lunes, Agosto 8, 2016

The Elder Scrolls: 34

Walang komento:
 
Nasa bingo ka na ba?

Pwede lotto muna? Yung megalotto pa para todo na sa bracket. Josko kaka trenta kwatro ko pa lang iniisip ko na agad ang digits.

Does age matter?

Nung mejo bata pa ako ng konti--a few weeks ago ganyan--iniisip ko lagi na ang para sa akin ay dapat older bilang childish ako, para man lang macompensate sa maturity. Yung tipong mag-aaruga sa akin at gagabay. Guardian lang ang peg. Pero mukhang walang katuparan ito. Ang tanda ko na para patulan ng mas matanda sa akin. At kung may magkakagusto man sa akin, nasa senior citizen level na siguro.

At ngayong nasa edad na ako (di ko na uulitin dahil mejo masakit tanggapin choz) parang nafoforce na ako mag mature dahil sa natural order. Growing up is an option daw pero sa ngayon parang wala na akong choice but to comply. Nakakahiya naman sigurong damulag ka na pero isip bata pa rin.

Like sa office, I am given supervisory role, kahit mejo labag sa umpisa sa aking code of ethics dahil naniniwala akong ako ay born individual contributor as opposed bilang people developer. But it's a challenge I'm willing to take. Fighting spirit y'all! Work in progress but I know I'll get there soon. Ano pa't may maximizer akong strength sabi ni Gallup, kung di ko naman magagamit sa aking nasasakupan. Feeling ko sabog pa kami as a team dahil sabog pa rin ako maglead pero pinaplantsa naman natun ang mga gusot. Go for stable to capable to optimized. Saka na ang plans for gen4.

Sa aspetong pag-ibig naman, feeling ko hindi pa rin talaga ako matured. Yung tipong parang highschool pa rin ako mafall; sa mga taong nagpapakita lang ng kaunting atensyon ay humaling na humaling na ako. Ok, I feel like an attention-whore. Gusto ko sa akin lang makikipag-usap. Clingy much? Kasi kung magkakaroon man tayo ng deal, dapat exclusive ang usapan. Di yung tipong kadate kita pero may tatlong tao kang kachat. Eenie, meenie, mynie mo lang? Di naman sa magbabawal akong makipag-usap ka sa iba, pwede namang maging open. Wag lang yung usapang gaguhan.

At dahil jan ayoko ng mas bata. Well, pwede naman up to minus 4 years siguro sa akin, pero ideal yung my age up to plus 4. Feeling ko kasi pag mga bata nakikipaglaro pa. Well, meron ngang nasa kwarenta na pero puro laro pa rin ang gusto. Fling dito, sex diyan. Kayo na ang bachelors. Basta play safe.

Pero nakakagulat din makakilala ng mga batang mature na mag isip sa edad nila. Nakakahiya sa kanila sa totoo lang. Marunong na sila mamuhay independently. Samantalang ako ang alam ko lang na gawaing bahay ay magsaing ng kanin (without using rice cooker mind you) at maghugas ng pinggan. Pag bumukod na ako, siguro de lata ang papatay sa akin, or yung chemicals at cholesterol content nila. 

Going back sa mga young matured ones, I've met at least two people. Sila yung ngayon pa lang marunong na mag invest para sa future nila. Yung isa naghuhulog na para sa condo nila ng jowa nya para sa settling down. 21 nagsesettle down na? Mygass nung edad ko nyan nasa college pa ako. Yung isa naman ang nagturo sa akin paano magmove on.

Minsan kasi hopia ka sa buhay. Feeling mo yung taong nakilala mo sya na ang forever. Tapos iiwan ka lang sa ere ng walang paramdam. Asan ka na ngayon? Nasa stratosphere kasi ginusto mo yan. Umasa ka. Pero sabi ni young one, mahigit 90% (di ko alam san nya hinugot ang statistics) ng mang iiwan sayo ay aalis na lang nang walang pasabi. Walang closure kasi wala naman silang ininvest na feelings. Bato lang talaga sila. Yung nasa 10% naman nagparamdam naman kaso sa text lang idinaan ang breakup. Yung feelings mo piso lang ang halaga. Wala ka na magagawa. Move on na lang. Nawa'y sa susunod wiser ka na. Wag na tatanga tanga.

Kaya sa life dapat matuto ka talaga mag mature. Kung di kakainin ka ng buo. Sabi nga ni Carmi Martin, ang buhay ay isang malaking Quiapo. Lumaban ka, maaagawan ka. Lumaban ka para sa sarili mong survival hindi para sa labang alam mo namang lotlot ka. Pwede ka naman magconcede at sa susunod na laban sana ikaw naman ang winner. Dahil minsan ang mga nanlalaban natetegu na lang sa lipunan.

Matanda ka na. Alam mo na ang dapat mong gawin.


____________________
Photo by Denise Mattox via Flickr.

Biyernes, Hunyo 10, 2016

Tindahan ni Aling Yolly

Walang komento:

San tayo? Dun sa masarap!

Sa araw araw na pagpapagod mo sa opisina, ang iniisip mo na lang parati ay kung anong oras ka na naman makakarating sa bahay. Sa mga may sariling bahay here in the Metro, iniisip mo na lang ano kayang ulam na daratnan mo? Bibigyan ka nito ng sigla na sana sinigang o tinola ang luto ni inay. Eh paano naman kung bumukod ka na ng bahay, ikaw pa rin pala ang mag-iisip ng lulutuin mo.

Sa mga nangungupahan naman maghahanap ka pa saan makakakain ng mura. Minsan yung lasa di na mahalaga. Laman tyan din yan, basta sng mahalaga ay busog ka man lang bago nawalan ng malay. Or kung petsa de peligro, tubig na lang at pumikit ka na lang ng matindi baka makalimot ka sa gutom, at sa panaginip ka na lang mabusog.

Sa mga officemates ko na nagrerent sa Makati, mejo nakakatipid naman sila sa byahe pero tinataga naman sa upa. Tapos kung saan saan lang napapakain ng mga putsu putsung meals, mairaos lang ang gutom. Buti na lang may nakadiscover ng tapsihan ni aling Yolly.

Nasa tapat lang ng Citiland sa may Dela Rosa/Buendia, patok na patok sa mga yuppies ang karinderyang ito. Sa umaga laundry sya pero sa gabi nagtatransform sa karinderya. At bukas sya sa lahat ng gustong kumain, except late night (mga 11PM siguro) at Sundays. Syempe kelangan din ni aling Yolly magpahinga. Buti nga di lasang sabon ang foods nila, or amoy ulam ang nilabhan nila. 

Mag-asawa ang may-ari nito. Inassume ko si aling Yolly yung name ni ate, pero baka minana lang nya yung pangalan ng store o baka name ng lola nila yun, I dunno. Basta alam ko masarap kumain dito. At mura pa. Winner talaga. Typical Filipino silog yung menu nila: may tapa, may daing na bangus belly (bestseller), may siningang na hipon o bangus, fried chicken, porkchop, adobong pusit, pancit bihon, at spicy tofu. So far, yan pa lang natry ko pero lahat winners in their own right. Sapat lang ang serving at minsan nagsesharing pa kami. Korek, dahil sadyang mga dukha kami nagagawa pa namin maghati hati sa bill; tig 80 PhP max siguro pero sulit na sulit ka na.

Nagkakayayaan kaming mag oofficemates dito pag stressed sa work, gusto magrelease ng konting sa paglafs ng something mesherep. Mejo maglalakad ka nga lang from office, mga 15-20 minutes from Rufino papunta dito. Tapos maglolongtable kami kahit nga 6 lang ang table dun. Masaya na kami. Busog. Napagchismisan si kuwan at yung ano ni kuwan2.

Pero after ng kainan, maghihiwa-hiwqlay na ng landas. Yung iba jan lang sa Citiland umuuwi kaya pahinga agad sila. Yung iba naman babyahe pa papuntang LRT Taft. Ako lang ang babyahe pa Edsa. Wala naman kasing northbound na mga officemates, iniwasan na nila ang sumpa ni Edsa kay nangupahan na sila sa Makati. Wala namang kaso pero naiisip ko lagi kahit masaya kayong magkakasama, uuwi ka pa rin mag-isa.

Tapos ngayon magkakaiba na kami ng mga teams and roles. Iba iba na ang uwi kahit pare parehas pa rin naman ng shift. Kanya kanyang overtime sa kanya kanyang kabusyhan. Namimiss ko na silang makasama ulit kumain. Kahit pa  uuwi rin ako mag-isa. Namimiss ko lang siguro yung pagsasamahan namin. Nasa iisang palapag lang ngunit walang makuhang oras na magkasama sama. Kinain na ba ng responsibilidad ang pagkakataon para sa amin?

Namimiss ko yung mga asaran at tawanan. Namimiss ko yung agawan sa ulam pero pagkakahiyaan sa tirang piraso. Namimiss ko yung spicy tofu. Namimiss ko si aling Yolly.

San tayo? Dun sa masaya....

Biyernes, Hunyo 3, 2016

Divine Dramedy

Walang komento:

Laging bigo. Laging sawi sa pag-ibig. Minamalas, o kay sakit. May balat nga ba ako sa pwet? sabi ng Mojofly. Holds true hanggang ngayon. Hopelessly romantic ba talaga o hopeless lang?

Magdamag na yata ako nagmumukmok sa kwarto. Walang tubig. Walang pagkain. Eh di magsayaw na lang tayo choz. Pero seryoso wala naman akong gana kumain. Siguro liliit na tyan ko nyan. Wala rin akong tulog. Nakahiga lang at patuloy na sumasakit ang ulo. Kumakabog kabog ang dibdib na lalong dumadagdag sa sakit ng ulo. O may kumakatok ba sa pinto? Di ko na alam. Naghahalu halo na ang katotohanan at panaginip sa utak ko.

Bakit ako iniwan? Di ko maunawaan. Naging mabait naman ako ah. Mapagbigay sa kanya. Pati yung oras ko na pinagkakadamut damot sa iba maliban sa sarili ko ay ibinigay ko na sa kanya. Ngunit wala pa rin, di pa rin sapat yun. 327 missed calls ni walang sagot. Missed nga eh, paano magiging missed call yun kung nasagot di ba? Buti pa ang call namimiss, ako nganga.

Ang sakit talaga sa dibdib. Shett sobrang sakit. Parang di ako makahinga. Akkhhh. Hindi nga. Waahhh. Tulong. Asan ka na? Akkkhhhh.

Kadiliman.

Asan ako? Where na you, here na me. Pero where is here.

"Huy."

Mamaya na. Hinahanap ko pa ang sarili ko.

"Huy sabeh!"

Galit ka ba teh? Teka lang sabi. Ayyy wait, ikaw alam mo ba asan ako?

"Yiz mem. Nasa Netherworld ka na tih. Welcome!"

Potah ka. Nasa kwarto lang ako kanina nag-eemote. Wag mo nga ako inaano. Iba na lang.

"Oo nga maniwala ka. Imulat mo kasi ang mata mo!"

At biglang lumiwanag. Nasa kwarto pa nga rin ako. Echosera talaga yung voice over. I'm still here. Mejo umangat nga lang yung bed. Or bumaba ang kisame. Anyare?

"Lumulutang ka tih. At naririnig ko ang iniisip mo. Potah ka rin."

Omggg this cannot be! Wag mo sabihin?

"Yiz mem."

Pero marami pa akong pangarap. Gusto ko pa magpuntang London, Paris, Tokyo, at Binangonan.

"Boring don. Pero pwede naman tayo magtour if you want."

Go parang bet ko yan pero wait. Anyare sakin?

"Tegibells madam. Nakakamatay pala ang sobrang pag-eemote. I should know. Been there, done that."

Nakita ko na lang na nakahilata pa rin ang aking katawan habang hawak ang dibdib. Eto siguro yung nagsisikip ang dibdib ko. Akala ko tutubuan lang ako ng muscle ganern pero no. Tapos ang chakka ng mukha ko sa pagkangiwi. Parang nakasipa ang porma ng mga binti ko na di ko maintindihan ang ayos. At naninigas na. Pero seryoso, tegs na ba talaga ako?

"Yiz mem. Ulit ulit?"

Di kita kinakausap. Nag-iinternal monologue ako.

"Pero sabi ko nga dinig lahat ng thoughts dito sa Netherworld."

Bakit di ko marinig yung sayo?

"Di ka pa properly trained."

Kilala ko tong hitad na to. Mejo mabilog at smiling face na bex. Direk?

"Yiz mem."

Pero ang tagal mo nang patay?

"Mga ilang buwan lang matagal na agad? Saka pwede naman mag move on. Matagal ko na tinanggap sa sarili ko ito. Now I am at peace. Kaya ikaw kailangan din magmove on."

Pero ayoko. Alam mo ba yung three-month rule?

"Hindi sakin yung linyang yan pero bet ko ang movie na yan ni madam. Walang three-month rule dito. Wala nang konsepto ng time and space. Pwede tayo mag move forward at back or magstay lang dito sa moment na to. Would you like to have any last words?"

Ano papatayin mo ako sa sindak dito? You got the wrong Barbara. Saka ano yan double dead?

"I mean baka may lingering thoughts ka pa jan sa katawan mo na gusto mo habilinan. Although I would suggest kalimutan mo na sya. Shell lang yan ng past mo. Ang kasalukuyan naririto kasama ko, kausap ko."

Pwede ko ba ipossess muna katawan ko? Parang yung ginawa ni Patrick Swayze kay Whoopi Goldberg?

"Move on na teh. Alam mo naman acting actingan lang yon. Walang possessiong magaganap ngayon, bukas, at magpakailanman."

Eh bakit ikaw nandito?

"Ako ang iyong konsensya. Charot. Guide mo ako dito."

San mo ako dadalhin? Networking ba to? Di ako open minded. Wala na ba others jan?

"Wala na iba. Gusto mo ako palitan?"

Sana. Di ko naman bet mga pelikula mo eh. Actually mejo corny naman talaga.

"Narinig ko yun!"

Ayyy sorry. Paano ba i-off tong mind reading na to ha. Buset. Wala akong privacy.

"Potah ka. Aminin mo na kasi nagustuhan mo rin naman. Nanood ka nung Petrang Kabayo di ba at nakarelate ka!"

Naaya lang ako ng friends. Ok fine nakarelate ako sa sarcasm.

"See. Tapos nanood ka rin nung Private Benjamin."

Hoy hindi ahh. Napanood ko lang yun sa bus yun pati yung isa na kasama si Kris. Irita much. Ha ha ha.

"Eh yung kay Zanjoe. Uyyy gusto nya yun."

Haynako kung di pa si crush nagpumilit nun. Sayang nga eh. Na-turn-off tuloy ako kay crush after nun choz.

"Eh yung kasama si Lucky at Toni Gonzaga."

With friends ulet. Sayang lang di masyado naexplore ang concept.

"Eh di ikaw na. Di naman ako gumagawa ng indie film para may ipush na concept. Mag uusap lang ba tayo ng accomplishments ko o magbaback track ng mga accomplishments mo?"

Yung request ko nga kanina. Wala na bang ibang guide? Si Virgil?

"Shala! Busy sya ngayon. Saka may language barrier kayo."

Di ka ba marunong magtranslate?

"Yiz mem. Nagcrash course na ako ng Speaking in Tongues 101. Actually I can speak 17 languages pa lang ngayon."

Pak! Ayun naman pala eh. Baka marunong na magtagalog si Virgil.

"Offline pa ngayon ang Tagalog module so sorry di kayo magkakaintindihan."

Eh si Britney Spears na lang kaya. Avail ba sya?

"Gaga buhay pa sya."

Patay na yung career nya, di ba?

"Ewan ko sayo. Ako na lang. Ako na lang ulit."

Si Kuya Germs?

"Busy may production number silang pinapractice mamaya."

Wala na talaga?  Sige na nga.

"Napilitan? Ako na mag-aadjust para sayo."

O san na tayo gogora?

"First, kailangan mo matutunan mag navigate dito."

Wala ba instruction manual?

"Ako na nga. Halata ka. Ayaw mo sakin."

Hindi na. Ok na ako. Ok paano na?

"Pwede ka magfloat float lang. Pwede pataas. Pwede pababa. Pwede bumilis at bumagal. Pero dahan dahan ka lang baka mahulog ka bigla."

Kaya nga ako nandito kasi ambilis kong nahulog.

"Tama na hugot. Sabi ko nga dahan dahan lang."

Opo. Ayan pwede na ba?

"Fast learner check."

Pero sabi nila ambagal ko daw matuto. Bakit daw lagi na lang ako nauuto.

"Tama na sabi eh. Sa impyerno kita ihuhulog jan eh."

Kaya mo yun?

"Hindi. Si Lord lang ang pwede magjudge kung san nararapat ang isang kaluluwa."

Wow mejo deep na yata tong usapan.

"Well kung di ka magtitino, dun kita dadalhin sa rehab. At hindi yun crash course lang. Para pwedeng hanggang eternity ka matututo."

Ang harsh pero at least may forever pala talaga. Sige na po. San mo ba ako dadalhin?

"Meron ka bang any regrets sa buhay mo?"

Wala!

"Okay nung highschool ka."

Wala akong sinabi o inisip!

"Pero nagsusumigaw ang damdamin mo."

Unfair.  Paano tayo pupunta dun? Teleport?

"There's no such thing as teleport. Isang kathang isip ng siyensya para paniwalain ka na pwede ang lightspeed travel."

Pero paano ka ba makakalipat ng lugar o oras kung di sa teleport?

"Makakabalik ka dahil iisa lang naman ang time and space dahil lahat naroroon si Lord. Omnipresent sya remember? Kelangan mo lang puntahan ang isang punto nito. Parang bookmark. Isipin mo lang mabuti at madadala ka dun."

So pwede ba ako magfast forward sa future?

"Hindi dahil Sya lang ang maaari makakita nun. Parang flash lang sya ng pure light pag pinilit mo pumunta dun teh. Ano na, ikaw na ba ang babalik sa highschool? Kaya naman kita dalhin dun if you want. Nireview ko na ang files mo."

Parang di ko kaya.

"Taralets."

Taong 1995. Masipag pa ako mag-aral. Pero iniwan ako ng mga friends ko dahil gusto nila magfocus sa mga extracurriculars. Naging loner ako at weird.

"Pero naging focused ka sa mga passions mo sa buhay."

Di mo ba narinig naging friendless ako at antisocial at introverted. 

"Pero inborn ka nang ganyan. Kahit di ka nila iwan magiging ganyan ka pa rin."

Pero dahil dun naging tamad ako sa pag-aaral.

"Wag mo isisi sa friends mo bakit ka naging tamad. Sabi ko nga it was bound to happen anyway. At saka di ba nga naenjoy mo ang mga trips mo sa buhay. Yung smarts mo eh based sa arts."

Sayang. Sana pala nagfocus ako lalo dun kesa nagmumukmok sa present ko.

"Ehem. Past. Tense. Tegi ka na teh. Review lang to ng mga regrets mo para mas maaccept mo asan ba nakaturo ang moral compass mo at san ka dadalhin nito for all eternity."

Tinatakot moko Direk. Baka sa super south mo ako dalhin ha. Ok na pala ako sa forever rehab.

"Shut up ka na lang, let's move na."

Taong 2007. Meeting room. Nagtataasan kami ng boses ng boss ko. Paano naman hindi eh napaka incompetent sya.

"Naisip mo ba anong feeling kung ikaw nasa pwesto nya?"

Malamang I can do my job way better than him.

"Kaya mo mag manage ng tao habang nagrereview ng mga files at nagrereport sa manager nyo?"

Well, I think I'm more than qualified.

"Sure ka? Ano ba mga nagawa mo na?"

Well... Teka I'm not the one under investigation here. Sya. Incompetent sya.

"Look again. Kanino bang past ito? Yang boss mo na pinahirapan mo ng ilang taon ay hanggang sa ngayon masayang nabubuhay pa, kasama ang pamilya nya, at naggrow sya at natuto sa mga pahirap mo. Eh ikaw?"

Sige ipamukha mo pa na single ako since birth at single til death.

"Hindi yan ang issue."

Ok fine. I know mahirap akong makadeal dahil ang dami kong frustrations sa buhay. Di ako UP grad, di cum laude, di nga ako natanggap sa dream job ko.

"Remember nag ugat yan sa high school mo?"

Ok fine. Kung ininternalize ko ang loneliness ko dati you think I'll be more adjusted?

"Yiz mem. Naman."

Hindi rin siguro ako naging harsh sa mga tao sa paligid ko. I wouldn't think of them lesser than me but equals.

"See, now we're getting somewhere."

Somewhere na nga ba?

Taong 2008. Sa isang chatroom. Kausap ko sya at masaya kami nag uusap. Tapos tumigil. Taong 2009. Bumalik ulit at masaya ulit kaming nag uusap. Stop ulit. Taong 2010. Nagdedate na kami. Meet up once a month. Magkikita sa Greenbelt, at Mall of Asia, at Fairview, at Pasay. Tapos stop ulet. Di na nya ako pinapansin.

"Ano sa tingin mo nangyari?"

Di ko alam. Dahil asshole sya? Gusto ko magreach pero ayaw nya. Ang hirap hirap. Naghihintay. Umaasa.

"Naging super clingy ka kasi. Hello, may normal bang tao nagmimissed call ng 327 times? Pinaasa ka ba talaga nya?"

Well, wala naman kaming pinagkasunduan technically. Pero soulmates kami.

"Soulmates? Kung soulmates kayo bakit parang disconnected sa kaluluwa mo dito?"

Dahil di pa sya tegs kaya wala pa sya here. Pwede ba antay lang tayo ng konti. Wait lang ha.

"Sabi nya sayo chill lang kayo. No pressure. Pero ano ginawa mo? Pinressure mo sya."

Ok ako na. Natatakot ako iwan nya. Naenjoy naman namin yung companionship. Ayoko naman jowain talaga agad agad ano. Natatakot ako sa commitment.

"There is no fear in love. But perfect love casts out fear."

Ayyy may pagku-quote na naganap.

"Mahal mo ba talaga sya?"

Oo naman.

"Why?"

Love doesn't need reason. All you need is love.

"Baka naman mahal mo sya dahil lang sa atensyon na binigay nya?"

Mahal mo ba ako dahil pinapansin mo ako, o pinapansin mo ako dahil mahal mo ako?

"Very Claudinistic I love it."

Cheh ka. Ok makasarili siguro ako na hinahanap ko ang atensyon nya pero di yun rason para mahalin ko sya. Mahal ko sya dahil lang naramdaman ko na lang yun. Hindi dahil hiningi nya ito o sinabi nya. At kahit pigilan nya ako, mamahalin ko pa rin siguro sya.

"Very Roselle Nava. I love love love it.  Meron ka bang regrets na nakilala mo sya?"

Alam mo sa totoo lang hindi ko alam bakit dinala mo ako dito. Dahil I don't regret the very first  moment na nakilala ko sya at I won't ever regret na minamahal ko sya. Sorry, I mean minahal pala. Past. Tense.

"Tama naman ang tense. Ang tunay na pagmamahal hindi namamatay. So minamahal mo pa rin sya mula noon hanggang sa forever. Kahit sya ang dahilan ng pagkategs mo?"

Well, at least namatay ako nang may pagmamahal. Hindi man ito nasuklian pero at least ibinuhos ko ang akin, siksik, liglig, umaapaw.

"And world peace. Winner ka teh. Gusto mo ba makita anong nangyari sa kanya sa future?"

Akala ko ba bawal? Akala ko flashlight lang makikita ko dun?

"Pure light. Wala si Jessie J dito teh. Pinaalam ko na kay Lord at sabi nya pwede ka daw mag sneak peak."

Really? Gora. Baka may jowa na syang iba. Baka masaktan lang lalo ako.

"Gaga di ka na masasaktan. Patay ka na. Isaksak mo mga yan sa kokote mo!"

Sorry na. Sorry na. Tara na.

"Kapit ka lang sakin mabuti ha. Baka maligaw ka."

At nalunod ako sa liwanag. Dahan dahang pumupusyaw ang sinag at tuluyan nang maaaninag ang iba't ibang hugis at kulay. May mga kurtina. At bintana. May laptop at electric fan. Parang familiar place. Nasa kwarto ko ako.

Kanina lang kasama ko si Direk pero nalost na sya. Eto ba ang future? Parang past ko to. Past tense na ako di ba? Unless....

May pulso! Omggg I'm alive! May kumakatok sa pinto.

Bukas ang pinto! Di naman nila binubuksan. Bukas sabi ang pinto! Di ako marinig?

"Bukas yan!"

"Por Dios por Santo. Nag aalala kami sayo. Akala namin nasa galaan ka kaya walang naghahanap sayo dito. Kumain ka na ba?"

Parang gutom na nga ako eh. Anong food ba jan?

"Bakit tinitignan mo lang ako ng ganyan? Di ko alam ano iniisip mo. Bumaba ka na jan at kakain na tayo ng dinner para makapagvitamins ka na rin. Namumutla ka na."

"Thanks Ma. Love mo ako di ba? Mamimiss mo ba ako pag nawala ako?"

"Lintek ka. Wag ka nga mag salita ng ganyan. Bumaba ka na. Love you."

Wala pa ring message sa phone. Dedma na. Ako naman ang worried anyare sa kanya. Baka nategi na pala sya nang di ko man lang nalalaman pero wag naman sana.

Parang totoo yung mga nangyari kanina. Isang mahabang dream sequence na mahihiya sa akin si Lav Diaz. Paano kung nadeds talaga ako? May makakamiss kaya sa akin? Pero mabuti pa siguro mamatay na ako ngayon kesa mabuhay nang wala sya. Choz lang. Pero namiss ko tuloy si Direk.

Parang ang daming realizations. Hindi ko alam kung madadigest ko lahat yun. Focus on my strengths rather than my frustrations. Treat everyone with respect. At love unconditionally. Ang dami ko natutunan pwede na akong mamatay. Joke lang, Lord.

Kung panaginip lang lahat yun sana naman nagkatuluyan man lang kami kahit sa panaginip. Pero paano magkakatotoo ang pangarap kung di ka magsusumikap. Tatawag ulit ako kahit 327 times pang missed calls. Effort kung effort. Malay mo minsan magbunga ang efforts.

Ringing....


____________________
Photo by YUKIHAL via Flickr. https://flic.kr/p/nQwyk3
Crosspost from Wattpad here. http://my.w.tt/UiNb/oClyw9llUt

Sabado, Mayo 28, 2016

Pagasaness

Walang komento:

Heto na naman nag-e-emote ako. Pinaasa nang paulit-ulit. Sabi nya hindi daw sya magpapaasa. Sabi nya laging nanjan lang sya. Mga pangako ng mga paasa. Putang ina!

Hindi ako magsosorry sa foul language. Pero kung first time mo mababasa tong blog ko, sorry po. Putang ina po. Ok ka na? Well ako hindi pa. Quits lang.

Actually wala pa namang finality. Hinihintay ko pa pero lahat ng clues nakaturo na dun. Paasa. Atsaka kelan pa nagkaron ng closure sa mga paasa? Dapat jan sinusunog ang tulay, kasama silang lahat actually. Pero hindi naman ako arsonista. Hayaan ko na lang si karma makahanap ng kerosene at posporo.

Di ko alam kung ano masakit, etong umasa na naman o yung magreminisce ng lahat ng paasa sa buhay ko? Tendency ko kasi pag nasasaktan ako ay alalahanin kung sino yung mas masakit ang ginawa sakin. Para may ranking ng pain ganyan. Pakisampal na lang ulit ako sakaling makasalubong mo ako sa kanto. Mas matatanggap ko pa yata yung ganyang pain kesa ganitong patuloy na nagpapakatanga.

Mabuti na lang talaga wala akong suicidal tendencies. Baka yung pain 10/10 nategi na talaga ako, pero no. Naalala ko pa na binabaybay ko ang tulay ng Guadalupe that time. Madaling araw, pasado alas tres ata yun. Sumilip ako at napag-isipan ko agad-agad na nakakahiya mamatay sa ilog Pasig. Kaya nag emote na lang sa pag lip sync sabay sa aking emo playlist. Kahit puro breakup songs ito at least nauplift ang mababa pa sa putik na feelings ko.

Gaya ngayon pumeplay ang Jackson 5 ng I Want You Back. Seryoso, I want you back, but you ruined it. Kahit pa gusto ko, di naman lahat ng gusto nasusunod. Tayo'y pawang mga utu-uto sa tadhana. Ang mga stars gabay lang daw; pero tandaan mo: sa umaga walang stars. Kaya nagkakanda leche leche tayo sa free will na yan.

Lord, nagpakabait naman po ako di ba? Bakit po pagsubok na naman? Quotang quota  na ako sa mga paasa. Siguro kaya Niyo lang ako binubuhay physically kahit murder na murder na ako emotionally dahil alam Mong malaki ang paniniwala ko sa pag-asa. Na bukas may darating para sa akin, para sa lahat, na magtatama ng mga mali sa buhay natin. Sige po go lang push. Aasa na naman ako. Mawala na lahat sa akin wag lang itong pag-asa.

PS. Infer ambilis ko magsulat pag galit/nasasaktan. Pain pa more?


_____________________
Photo by Andrey Nelepa via Flickr.

Huwebes, Mayo 26, 2016

Crayola Zobel

Walang komento:

Mula pa lang nung elementary days gustung gusto ko na ng maraming colors. Naaalala ko pa na naiinggit ako dun sa bestfriend ko kasi ibinibili sya ng mama nya nung 64 colors na crayola. Di ko alam saan ko gagamitin lahat pero gusto ko lang. Tititignan ko lang, pagmamasdan ang isang makulay na mundo. 


Since mahirap lang kami nagtyaga na ako sa 8 colors. Di naman ako nagreklamo kasi nagagamit ko naman lahat yan. Lalo na yung black yata. Di ko rin alam bakit may mga coloring books pa na nagpapacolor ng black eh di sana sinama na rin sa printing ng black ink yun di ba. Habang lumelevel up ng baitang sa elementary ay nadadagdagan naman yung set ng colors ko. Nakakabili na kami ng 16 colors, at sa wakas nabigyan ako ng pagkakataon makagamit ng pink at white. Lumipas uli ilang baitang hanggang sa umabot din ako sa 24 colors. Mga 40 colors short pa rin sa wishlist ko pero chuchoosy pa ba ako?

Ngayong may trabaho na ako, di pa rin ako makabili. Actually 200 paysows lang naman sila. Kaso di naman ako makadecide kung anong brand ang gusto ko. Maging Crayola pa rin ba at loyalista na pangmasa o magpaka sushal at mag Faber Castell? Choz lang. Kuripot lang talaga ako. Saka na lang ako bibili pag may SM Bonus equivalent na choz. 

Nauso naman ngayon ang adult coloring books, pati apps gaya ng Colorfy sa mobile kung barat ka ng taon na walang pambili ng crayola. Yung designs come in different shapes: florals, mandalas, animals, famous paintings, at kung anu ano pang paandar. Nakakarelax daw kasi mag color sabi nila. Eh bakit ako naiistress? Feeling ko kasi dapat may special pattern din ako sa pagkukulay at di ako happy pag di ko pinlano nang maayos san ko pupunan nang ganito at ganyan. Coloring should be artistic, pwedeng abstract and random or detailed and elegant. Pero paano kung lahat na lang random? Artistic pa rin naman pero ewan ko jan sa lion mong kulay pink at green.

Paano kung mapudpod na ang crayons? Mas maganda kasing tingnan yung buo pa sila at matulis. Pero kung nangangalahati na minsan gusto na agad pabili kay mommy ng panibagong box. Yung pudpod sinasantabi na lang, nakatambak sa sulok na inaalikabok. Dahil kahit gaano pa kakulay ang mundo mo pag napaglumaan mo na ang silbi mo, maghahanap din sila ng bago, ng buo, ng matulis. May nag aampon ba ng lumang crayons?


____________________
Photo by Carrie Barbash via Flickr.

Sabado, Mayo 7, 2016

Tula Jours

Walang komento:


Ako'y tutula, makatang makata.
Ako'y uupo, tapos na po.

Magmula pa noong elementary school days, alam ko nang hate ko ang tula. Hindi kasi ako makapagsulat nang may tugma dun sa mga composition notebooks. Kahit anong gawin ko, nagmumukhang pilit at korni ang aking akda.

Napasugod kami ni Jhen sa Ayala Triangle nitong Huwebes lang dahil sa Open Mic session. Teka mommy, what's open mic ba? Yun yung may mic tapos people will like make salita in front to say any topic. At dahil poetry reading ito, I expected the likes of Francisco Balagtas, Geoffrey Chaucer, Robert Browning, or Mark Logan. But no. Hugutan pala ito. Wala ngang tugma karamihan ng nga lumahok. Mga sawing humihiyaw ng kanilang mga poot sa mga nang-iwan at nagpaasa. Wala naman sigurong maiiwan at aasa kung walang nagpahintay at nagpaasa. Sabi nga ni Ted Failon, walang manloloko kung walang magpapaloko. Hoy, gising!

Well, hindi naman sa binabash ko ang sining na ito. In fact, nainspire pa nga ako eh. Kung ganito lang pala ang poetry ngayon, matagal na pala akong makata. Kayang kaya ko rin ang ginawa nila. Magsusulat din ako. Di ko lang sure kung kaya ko basahin in front of the madlang people yah know pero I know there was a time na nagtangka akong magparej at basahin ang isang blog ko sa open mic sesh. But no. Let us leave the night sa mga nasasaktan at di pa nagmumove on. (Wow ha, lakas magsalita kala mo madaling makamove on. Alam mo ba ang three-year rule? Choz)

Ngunit paano ako magsusulat kung walang magbibigay meaning in my life, you're the inspiration. Sino ba ang aking muse?

ME: Sino ba pwedeng maging muse?
ME2: Anong tagalog ng muse?
ME: Ewan ko. Myus ganyan?
ME2: Lakambini o paraluman na lang sana.
ME: Eh di ikaw na Google translate.
ME2: Ok sino na lang kilala mong muse sa literature?
ME: Ayyy graded recitation? Di ako nainform. Di ako nagreview.
ME2: Answer the question, are you packing my hasban?!
ME: May sapi ka na naman ni Terry.
ME2: Wag mo akong ma-Terry Terry! Enumerate muses in literature.
ME: Ok meym. Si Pia Wurtzbach.
ME2: Hindi sya muse. Saka pang classroom officer yang context mo ng muse. At saka Miss U sya. Saka contemporary din sya, gusto ko classical.
ME: Ayyy may ganyang requirement pala.  Si Melpomene. Sushal di ba.
ME2: Muse of Tragedy. Umayos ka kungdi saksakin na kita. Next.
ME: May pagbabanta. Akala ko isa lang?
ME2: At least 2.
ME: Kulang kulang ang panuto mo. Si Thalia?
ME2: Muse of?
ME: Akala ko ikaw na magfifill-in the blanks.
ME2: Muse of?!
ME: Muse of Telenovelas.
ME2: Bagay ka jan. Maraming internal monologues.

Sorry nadistract lang ako. Nag-iisip isip lang. Nakipagchikkahan with myself pero I'm good na. Going back. Sino nga ba ang aking muse? Ang aking inspiration? Para kanino ka fumifeelings? Gusto ko kasi pag nagsulat na ako yung damang dama ko ang sinusulat ko.

Pero kailangan ba lahat ng sinusulat na tula ay malungkot at bitter? Hindi ba pwedeng masaya naman? Yung makakapag-inspire ka rin ng positive vibes sa ibang tao.

Malay mo nanjan lang sya sa tabi tabi. Naghihintay. Nanunuod. Nagbabasa. Nakikiramdam. Lumapit ka na at bigyang sigla ang aking nahihimbing na diwa, paagusing muli ang nagsebong ilog ng sanlaksang emosyon. Narito lang ako, o aking paraluman. Maghihintay. Aasa.


____________________
Photo by Sourodeep via Flickr.

Lunes, Nobyembre 30, 2015

Swipe Right at the Wrong Time

Walang komento:

Sawang sawa na akong mahalin ang sarili ko. Ngunit bakit sa tuwing nais ko magbahagi ng aking puso, pilit nila itong inaagaw, dinudurog, iniiwan. Sa lupa. Sa putik. Sa dumi. Sa kung saan mahirap na naman itong pulutin, tipunin, at buuin mula sa punit-punit at tagni-tagning mga piraso. Sana tinigasan mo na lang ang puso mo at di inalay sa mga pangako ng emosyon. Hindi ka na sana nagsusulsi jan.

End drama.

Wag na kasi magswipe swipe nang madaling araw. Para di ka na makakita ng mga nagpapaalaala ng hinagpis mo. Wehanongayon kung nagswipe right din sya?  Nothing is certain but death and taxes. Mamamatay din sya. Magbabayad din sya.

Alam na kasing emotero ka eh lalo pa't holiday na naman, kesehodang legal sya. Makuntento na lang na magkumot at akap akap ang sarili. At least di ka namaluktot.

End of the world. Choz. Agad agad?


____________________
Photo by Shinichi Higashi via Flickr.

Linggo, Nobyembre 15, 2015

Blogsilog

Walang komento:

Five blogs for 2015?! Partida hanggang November pa yan ha. Parang super tamad mode lang talaga ako this year. Anyare? Walang gana. Wala kasing nagmamahal sa akin choz. Wala naman talaga ever since bakit ngayon lang nawala sa eksena?!

Parang di na ako relevant sa mainstream. Or rather di na relevant sa akin ang mainstream? O wala lang masabi. Dahil kung may sasabihin man ako, malamang nasabi na yun ng milyun milyong netizens, also known as Aldub warriors choz. Malamang may nakapagpahayag na rin ng sarili nilang pananaw na mejo similar sa naiisip ko. So why make sulat pa ulit that. Para lang akong parrot nun.

Ayoko namang balikan ang taong nagdaan para lang mag top ten trending  topics para lang excuse ko sa long overdue social commentary. Kaya na ni SpotPH yan. Ayoko na makisawsaw sa showbiz dahil I'm sure inispluk na yan lahat ng PEP o ng tsismosa mong tita na manikurista ng buong barangay. Ayoko na magsalita pa tungkol sa eksenang political sa bansa. Anjan naman ang Rappler at si Professional Heckler at yung manong taxi driver na may kuda sa lahat lahat na lang.

Nakakapanghinayang lang na baka sana ngayon sa alternate universe eh may volume 2 na yung libro ko. Or may nagsampa na ng kaso sa akin dahil sa freedom of speech, also known as right to cyberbullying. Orkot lang. Hayaan na lang natin yan sa alternate universe.

Ang mahalaga ay ngayon. Dito. Gusto ko pa rin naman mag express. Kung paano ko pa mailalabas ang mga saloobin ko. Pwede naman ako magtweet. Kaso parang ako at tatlo pang iba lang ang nagbabasa ng tweets ko. At very challenging ang 140 characters ha. (Buti nga wala si George Martin sa Twitter baka mabawasan pa ng characters). Kailangan ko lang ilabas na to. Puputok na eh. Ang sakit sakit na. Urteh.

Parang nainspire ako sa paandar ni Jade. 30-day writing challenge. Parang yung 365 days of happiness ko dati sa Tumblr pero ngayon eh anything under the sun na. So more emote na to, wala nang happiness eh. 

Matry nga at least one blog sa isang araw. Parang breakfast lang. Dahil mahalaga ang almusal sa tao. Dun ko ipepeg ang importance ng adhikaing ito. One blog plus sinangag at itlog. One blog to rule them all choz.

Pero paano pag wala maisulat. Ok lang. Minsan naman nagskip ako ng breakfast eh. Magkape na lang. Para magising sa katotohanan.


____________________
Photo by don via Flickr.

Sabado, Nobyembre 7, 2015

Belated Halloween sa Puso kong Sabik

Walang komento:

"Baka kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may darating na mas ok, na mas pinalaki, mas pinafortified, yung hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung magtatama ng mga mali sa buhay mo." Or something like that ansabeh ni Popoy na incidentally ay may part 2 ang movie nila this month! Success kaya ito gaya ng Before Sunset, o flop gaya ng Temptation Island 2.

Anyway, ayun na nga going back. Drama mode on. I'm so sad today. Nategs kasi ang pusa namin si Harley. Ang sad kasi napamahal na kami dun kahit six months old pa lang sya. Ang cute cute pa nya. Ang sad really. Sad. Nasabi ko na ba na sad sya. And sad talaga. Sayang nga eh di pa sya umabot sa Halloweeen. I mean umabot naman sya kaso kung nategs sana sya nang mas maaga eh di sana naisama ko sya sa pagtirik ng mga kandila. Ang morbid lang.

I know it's weird. Bakit attached tayo kahit pet lang sila. Ang pets ay may kaluluwa din, may puso din sila. And in that short time nagbahagi na ako ng parte ng puso ko sa kanya.

And then biglang may dumating. At biglang nawala. Kaya ayoko nagkakaganito eh. Again and again. Minsan na nga lang makaramdam ang manhid na damdamin. Magseshare ka ng parte ng puso mo at anong mangyayari? Three business days ang SLA ng reply sayo. Tapos Deadmadela na.

Hinukay, niresurrect, tapos pinatay mo ang puso ko. Sana pinatay mo na nang mas maaga para naipagtirik ko ng kandila. Para naibaon ko sa tabi ni Harley. Ang sad sad lang talaga. Ang sad di ba. Ang sad.

Nagkamali na naman ako sa buhay ko. Nasaan ang darating na mas new and improved. Na magtatama ng mga mali na mas effective pa sa Snow Peak. Na hindi magpapaasa at mananakit. Na hindi mang-iiwan ano mang season o piyesta opisyal ang magdaan.

Ang sad. Sana maayos ang sequel nila Basha para man lang maging happy ako ngayong buwan. Pakshett magpapasko na naman. Ang lamig. Ang sad.


____________________
Photo by Ian Steinback via Flickr.

Linggo, Hunyo 7, 2015

Application Denied

Walang komento:

Lumandi ka na parang wala nang ibang mas malandi pa sayo.

Yan siguro dapat ang mantra ko kapag nakikipagdate ako, which is very rare na nga nagmamakipot pa ako. Kumbaga iniaalay na ng oasis ang tubig nya, naghihintay pa akong maging purified sya. Gondolong. Walang bahid. Banayad ganyan.

Unfortunately hindi ganyan ang kalakaran. Noong nagpasabog ng landi ang Pandora's box sa mundong ibabaw, ako naman ay busy yata manood ng Sesame Street or something.

Choz lang. Hindi ako naniniwalang merong taong walang landi. Meron tayong lahat. Ang landi ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat. Different levels at stages lang. Yung sakin internal at personal lang. Parang ang sad lang ano. Bakit ba di na rin ako gumawa ng imaginary jowa?! That's the most saddest of them all!

Kaya nga ang landi ko contained. As if ako ang hiyang hiya pag nailabas ko to. Like I'm so prude. Malandi kayong lahat and I'm not. You hypocritical bitch! Yes apparently inaaway ko rin ang satili ko.

Which leads me sa dating. Actually I don't date. Kasi takot ako. Takot makipagmeet. Different story why pero maybe I'll share with you soon. Exceptional circumstances lang kung malapit or along the way. Di mo ko mapipilit puntahan ka, sadyain ka lalo pa't di ka naman yummy. Choicy di ba? Gondolong.

Pero may mangilan ngilan na makulit, mapilit. Sila pa mismo ang dadayo. 5 points for persistence. Go!

Tapos manonood kayo ng sine na baka ikaw lang ang may gusto tapos makakatulog ka pa midway. Tapos antok antok ka na at bago natapos ang gabi iniinvite ka na nya to stay the night. Kayo lang dalawa sa pad nya, alone. Almost like an invitation for... Omg. I don't kiss on the first date eh. I don't fuck either. Strict ang peyrents ko. Maghihiwalay kayo ng daan uuwi ka mag-isa. After ng ilang araw wala na. Di man lang kayo naka one night chorva.

Tapos biglang: "You're a good person but I don't think I like you enough."

What the hell happened?! Ano gagawin mo magpapaexplain ka. Manghihingi ng acceptable reason? Manghihingi ng closure?! Gaga, nagdate lang kayo. 

Pak! Ayan na naman sa magmamalinis. Naintindihan nya ba yun? Nasaad mo ba sa disclaimer somewhere na kasal muna bago invite sa pad? Otherwise, mukha syang rejection.

So ano ba talaga dapat ang bantayan sa first date para di sya maging last date evarrr?

Dapat kasi ang date tinuturing mo na job innerview. Pag di mo masyado bet ang kadate mo, decline na agad sa preliminary assessment. Pag bet mo, magpakabibo ka na. Show off kung show off. Lumandi ka na parang walang bukas.

Imaginin mo na lang may point system. Minus 20 sa chakang movie na pinili mo. Minus 5 nung matulog ka sa sinehan. Plus 5 for pinaupo mo sya sa chair. Minus 25 sa foodcourt mo sya dinala para kumain. Plus 25 treat mo yung dinner. Plus 10 may free alcohol pa. Minus 90 di ka sumama sa pad nya. Up to you pano ang scoring. Pero kung magpapakabibo ka at lalandi ka, I'm sure maiuuwi mo ang embotido.

Landi pa more.


____________________
Photo by merly via Flickr. https://flic.kr/p/62KLsV

Martes, Mayo 19, 2015

Tagtuyot

Walang komento:

Sa pagdaan ng panahon, may paglimot. May pagwaksi ng nakaraan, ng mga alaala, ng sakit at pighati. 

Choz lang. Ngayon lang ulit ako bumalik sa pagsusulat. Namiss ko ba? Siguro. Hindi ko na nga matandaan: paano nga ba ulit ito? Parang reset lang. Round 1 start.

Nasan ba ako sa loob ng mahigit tatlong buwan? Hinahanap ang sarili. Choz, wala nga ako panahong makabuo ng walong oras na tulog eh. If this is what you call a sign of aging... tigil tigilan mo ko. Magwawalis pa ako ng bakuran later.

Choz. Napansin ko lang andami kong choz sa sinusulat ko. Nawawalan ng sinseridad. Napapabuckle ako sa katotohanan eh. Yung tipong sasabihin mo "I love you" biglang sabi agad ng "joke lang" baka di ka na pansinin tapos iunfriend ka at iblock/delete sa lahat ng social networks. Hypothetical situation lang yan. Choz.

Bakit nga di ako nagsusulat? Feeling busy sa buhay. Pero parang di naman umikot ang gulong. Ganern pa rin. Mas mabuti pa nga siguro kahit patweet tweet lang eh nagshare ako, nagrelease ganyan. Kaso nanatili akong tahimik. Nagsarili ganyan.

Isa pa, walang wala ako. Walang Calliope para gumabay at uminspire. Walang Tinkerbell para lumikha ng imahinasyon. Walang creative Hi-C. Tagtuyot. Drier than the Sahara. Mas dry pa sa skin ni mommy D. So ano na isusulat ko? Eto nga walang direksyon. Wala na masyadong proofreading. Mema lang. Me mablog lang. 

Gusto ko lang magsulat ngayon kahit mejo dinudugo na kakaisip ng isusulat. Gusto ko lang ipaalam sa kung sino mang madarapa sa blog na to na buhay pa ako. Care ba nila? Care ko rin sa kanila. Choz. I care for you ser, like a Carebear cares.

Hanggang dito na lang... muna....


___________________
Photo by Moyan Brenn via Flickr. https://flic.kr/p/a4Whit

Martes, Enero 27, 2015

RE:Solution

Walang komento:

Ohh nag new year na pala. Di ko man lang masyado napansin ang pagdaan ng panahon. Choz lang. Pansin na pansin ko syempre. Wala lang ako siguro time na idocument.

At dahil new year parang required na maggawa ng resolution. Ngunit hindi totoo ang mga resolution dahil hindi naman ito natutupad. Gaya ng mga pangako ng forever: HINDI ITO MATUTUPAD. WALANG FOREVER!

Pero ok fine. Pagbigyan. Magdraft ka ng resolution para sa mga plano mo sa buhay. Baka maka 10% ng resolution mo this year. Malay mo next year 11.57% naman. Nakabenchmark at least.

Paano ba magsimula? Mahirap na bagay. Gaya ng intro ng blog. Mahirap simulan. Pwede naman sa baby steps muna. Pero hindi ka na baby, damulag ka! Tumalon ka na lang pasugod sa gulong ng buhay. Go!

Naniniwala din naman kasi ako na ang mga umpisa ay dapat magmula sa mga pagtatama. Andami kong semplang last year at I'm sure there's many more to come pa. Hindi naman pwedeng clean slate na lang agad. Maraming lessons pa. Ayun na nga, sa dami ng lessons eh tatanga tanga pa rin. Naniniwala din naman ako na darating ang nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo. Parang personification lang ng snowpeak ganyan. Tama ba, Popoy?

So saluhan nyo ako sa pagtatama ng mga mali. 27 days na ang nakalipas. Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede pa rumesolution. At ang first ko ay bawasan na ang pagpapakatanga. May 32 years of existence ko na namaster yun. Nakakapagod na.

Sabi nga nila the first step is acceptance. I accept this mali mali award award. Pero izz time na baguhin yan. Turo sa amin ng aming tagapayo sa homeroom nung high school na si ginoong Ambrocio T. Pechardo: "Boolsett kayo! Pumasok kayo sa basurahan. Doon magtanggal kayo ang mga duming nakakapit sa inyo. Boolsett!" Very inspiring di ba? 

First step ko siguro ang pumasok sa basurahan. Para magbura ang mga bakas ng kahapon.


____________________
Photo by Junzhe Wang via Flickr.

Linggo, Enero 4, 2015

English Only, Please

Walang komento:

Usually, inuulan ang pasko ng mga fantasy at horror films. Minsan may ilang naliligaw na drama at period/historical ang peg. Pero rare yata na may romantic comedy sa MMFF. Nirereserba ng big production outfits ito para sa Vday. Kaya nasurprise ako sa English Only, Please entry.

Ang plot isang englishero na Derek as Julian naghahanap ng magtatranslate ng hate letter nya. Enter ang Jennilyn as Tere na English tutor kaya madali lang sa kanya. Ewan ko ba sa dami ng applicants nya eh bakit si Tere ang napili. Mejo ok naman yung isang teacher dun, or yung konteserang dragonessa na nakagown pa sa Skype innerview nya choz. Pero syempre kung di si Tere ang napili, eh di wala nang screenplay. Predictable ang ending, yes. Pero aminin mo ginusto mo rin naman ng fairy tale ending di ba? Wala nga lang kasal-sa-beach-tapos-song-and-dance-number-then-jump-shot-fade-to-black ending. 90s pala yun.

Umikot ang story sa katangahan sa pag-ibig at sa pagmove-on. Si Antoinette Jadaone ang co-writer kaya similar ang approach nya. Dahil sa totoo lang, nakakatanga naman ang pag-ibig, aminin mo? Maraming funny at witty lines at di din naman naman pilit. Walang ma-"hugot" na quotable quote sa pelikula pero may ilang memorable lines naman. Traffic kasi sa Edsa. Cute ng visuals ng vocab tutorials ala dictionary entry with matching commentary ng narrator.

Magaling ang acting ni Jen sa pelikulang ito. Hindi pilit. Hindi man heavy drama, hindi man overreacting na panghorror, pero at least hindi pilit. Hindi ko napanood ang ibang entries dahil wala naman talaga akong interest kaya di ko masasabi kung mas deserving si Jen sa other nominees pero kung ang basehan ko lang ang pelikulang ito, pak na pak ang acting nya. Bagay pala sa kanya ang babaeng bakla, I mean babaeng awesome! Nanominate ba si Kris this year? Seryosong tanong! Si Derek naman, hmmm.... I dunno. Mejo na-off ako sa accent nya, parang class A lang. Pero cute ng onscreen chemistry nila ni Jen. At nakakabuset pala si Kean. Baka nadadala lang ako sa acting nya kaya ako nabubuset sa kanya in general. Konti lang ang eksena ni Cacai Cortez pero sobrang funny ni teh. Yung anak ba nya sa pelikula yung batang Lotus Feet choz.

Maganda ang shots ng pelikula. Parang pang-indie lang pero very crisp ng visuals. At maganda ang sprinkle ng bokeh lalo na sa night shots. Yun nga lang feeling ko pag gabi ang eksena parang nilulunod sila ng ilaw. Like yung mga eksena sa gabi halatang ginamitan ng spotlight. Mas ok sana kung meron pa rin ilang dim, ambient lighting, para may romantic effect sa eksena.

Di ko masyadong napagtuunan ang background music dahil siguro di sya masyadong nagamit. Sa theme song naman sumwak ang lover's anthem Bakit Mahal na Mahal kita by the martir queen Rselle Nava. Yung eksenang nag-eemote ka tapos tutugtog sa radyo yan. Ininternalize mo pa ang lyrics ganyan. May ilang reklamo lang ako sa sound pag nag-uusap sila, parang andaming background voice. Parang may naririnig akong nagbabangayan/nagchichismisan sa background habang nagroroll ang camera. Sana na-edit out man lang yun.

All in all, naenjoy ko naman ang English Only, Please. Akala ko dun lang sa eksena ng mga walangyang barker, pero naenjoy ko naman lahat. Hindi pa rin sya One More Chance level for me pero a step above other cheesy, over-the-top, tired, repeated, romantic comedies na napapanood mo every February. Kung nagustuhan mo to, bakla ka. Awesome ka!

If you haven't seen this film, SEE IT NOW! Habang may blessing ka pa ng Three Kings. If you liked this movie, PLEASE GO SEE THAT THING CALLED TADHANA! Sa February 2015. Bago mo panoorin yung favorite artista mo sa Star Cinema o GMA Films Vday presentation. O bago sa Fifty Shades of Grey. Ni-capslock ko na para intense.

Linggo, Nobyembre 23, 2014

That Thing Called Tadhana

Walang komento:

When I saw Piolo-Toni's Starting Over Again, akala ko ito na yung relate movie of the year ko. I saw Siege Ledesma's Shift and Jerrold Tarog's Sana Dati this year pero 2013 movies yun. And totally relatable and heartaches nun.

Then came Tadhana. A very powerful word para gamitin para sa title. That Thing Called Tadhana. Mas powerful pa sa love. Walang trailer. Movie poster lang. Angelica Panganiban and JM De Guzman. Should I watch it? Ayon sa poster, "where do broken hearts go nga ba tita Whitney? Roma, Manila, Baguio o Sagada?" Pak panalo. Parang Marcelo Santos III lang ang peg pero not in a overly nagmamarunong at nanghihimasok kinda way.

Umikot ang movie sa pagmove on ni Mace (Angelica) sa ex-boyfie nya na ipinagpalit sya nung makagora na sa Roma. Nameet nya si Anthony (JM) sa airport nung pabalik na sya sa Manila. Excess baggage kasi si teh sa check-in. Bilang kapwa Pinoy eh tinulungan lang syang maiuwi ang ibang gamit para lang hindi na itapon. Ewan ko ba bakit may mga taong andami laging bitbit. Well, si Mace bitbit lang naman nya ang buong buhay nya. Yes, ang mga trench coat nya na galing ukay worth 2.5k at mga panties and teddy bears, yan ang buhay nya. Hindi naman kasi basta basta naitatapon ang sentimental value di ba? Mehganon?

Sa series ng pagkaladkad ni Mace kay Anthony ay unti unting nag-oopen up sila. May 20 minute monologue pa yata si Mace tungkol sa lecheng pag-ibig. Eight years yon, pakshett ganun na lang ba ang eight years? It's not how long mo nakilala yung tao eh. Minsan nga isang saglit lang ang kailangan mo para malaman mong mahal mo yung tao. Or isang araw. Isang 500-day period. Isang sunrise, or sunset ganyan. You can never tell. Pero eight years ay hindi sukatan na 100% sure ka na. Nasayang lang ang oras yes pero mas masasayang lang siguro kung sa dulo mo pa malalaman.

From Manila, to Baguio, to Sagada, andaming moments nila Mace at Anthony. Actually si Mace ang mas maraming moment. Kasi lahat na lang ng bagay eh konektado pa rin sa ex nya. Pati ketchup. SRSLY! Along the way dala dala pa rin nila ang baggage nila. Umakyat ng footbridge, dala ang baggage. Umakyat sa matarik na spa, dala ang baggage. Nagtungo sa museum, dala ang baggage. As if di pa rin nila maiwan ang "buong buhay" nila. Pwede ba magcheck-in somehere para lang iwan ang baggage? Kahit sa SM Baguio Supermarket na lang siguro iiwan ko talaga ganyan.

Pero, hindi pwede. Dahil sa baggage din umikot ang movie. May emotional baggage si Mace sa ex nya, si Anthony naman sa frustrations nya sa mga pangarap nya. Nawala lang yung baggage nung makarating sila sa Sagada, kung san naiwan sa bus station ang baggage nila. Well, pinabayaan na lang nila. Pero kung sa akin nangyari yon, metaphor man o hindi ang baggage, magpapanic talaga ako. Sa Sagada na rin nila narating ang rurok ng kanilang feelings so to speak. Well, hindi rated SPG rurok if yah know what I mean. Sa tuktok ng mga bundok ipinagsigawan ni Mace ang feelings nya, ang galit, ang sakit. Nairelease na rin nya sa wakas. Wala nang 20 minute monologue ha.

Uwian time na. But wait, there's more. May plot twist pa pagbalik ng Manila! You have to watch the movie to see what happens nga lang. The movie is open ended so go lang mag-imbento ka ng sariling mong version ng ending.

What I love about the movie. It's simple, pero hindi sya yung napanood mo na ng ilang ulit sa mga teleserye. Something fresh pero somehow familiar. Like One More Chance familiar. Before Sunrise familiar. 500 Days of Summer familiar.

I love the script. I love how it is funny at crushingly masakit pag nag-eemote na si Mace. Correction: nagte-twenty minute monologue pala siya. I like how they inject literature into the script. Like si F. Scott Fitzgerald: "There are all kinds of love in the world, but never the same love twice." Hindi sya mukhang forced kasi parang naisip lang bigla ni Anthony ishare ito. Hindi sya yung tipong ang eksena nag-uusap kayo about third and fourth dimension tapos bigla mo maipapasok: "love transcends time and space." Science fiction tapos magsisingit ng love? Ano yan love ang fifth dimension? Ayoko na magnamedrop ng film choz.

Ok lang naman yung song choice nila. Where do broken hearts go nga ba ateng Whitney? Chismis pala sa akin mejo mahal daw ang talent fee ni ateng Whitney. Choz royalties pala for the use of the song. Mabuti marami naman daw nagdonate para lang magamit ito. Sana nagstick na lang pala sila sa Up Dharma Down."Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba to sa hangin?" Pero kung di naman nila nagamit yung Where do Broken Hearts Go, paano majajustify ang paglipat lipat nila ng locations?

Location, location, location. Perfect ang mga eksena ng lokasyon. Yung eksena sa Japense resto (sorry di ko natandaan ang name) naisip ko agad ang ganda ng lighting. Pwede magfoodtrip dito, dun sa mismong inupuan nila Mace at Anthony. Natural lighting pak ang ganda ng epek sa eksena. Yung eksena sa Bencab Museum, maliwanag at seryoso. Perfect sa pag-uunload ng baggage ni Anthony. Yung eksena sa Session Road, kahit gabi na, well lit at romantic. May acoustics pa. Yung eksena sa coffee shop sa Sagada, habang umaambon, chillax lang. Naset nila yung mood sa film to the point na gusto ko rin bisitahin yun. Pilgrimage ganyan choz.

I super super love this film. It's a work of art. It's a work of love. Para sa mga taong nainlab, nasaktan, at umibig uli. Tatanga tanga, ganyan. Dahil you can't unlearn love.

P.S. Sana magkaron ng book nila Mace at Anthony na The Arrow with a Heart Pierced Through Him kahit maikli pa sya. Gawin nyong 72 ang font size para dumami ang pages choz.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips