Linggo, Nobyembre 23, 2014
That Thing Called Tadhana
When I saw Piolo-Toni's Starting Over Again, akala ko ito na yung relate movie of the year ko. I saw Siege Ledesma's Shift and Jerrold Tarog's Sana Dati this year pero 2013 movies yun. And totally relatable and heartaches nun.
Then came Tadhana. A very powerful word para gamitin para sa title. That Thing Called Tadhana. Mas powerful pa sa love. Walang trailer. Movie poster lang. Angelica Panganiban and JM De Guzman. Should I watch it? Ayon sa poster, "where do broken hearts go nga ba tita Whitney? Roma, Manila, Baguio o Sagada?" Pak panalo. Parang Marcelo Santos III lang ang peg pero not in a overly nagmamarunong at nanghihimasok kinda way.
Umikot ang movie sa pagmove on ni Mace (Angelica) sa ex-boyfie nya na ipinagpalit sya nung makagora na sa Roma. Nameet nya si Anthony (JM) sa airport nung pabalik na sya sa Manila. Excess baggage kasi si teh sa check-in. Bilang kapwa Pinoy eh tinulungan lang syang maiuwi ang ibang gamit para lang hindi na itapon. Ewan ko ba bakit may mga taong andami laging bitbit. Well, si Mace bitbit lang naman nya ang buong buhay nya. Yes, ang mga trench coat nya na galing ukay worth 2.5k at mga panties and teddy bears, yan ang buhay nya. Hindi naman kasi basta basta naitatapon ang sentimental value di ba? Mehganon?
Sa series ng pagkaladkad ni Mace kay Anthony ay unti unting nag-oopen up sila. May 20 minute monologue pa yata si Mace tungkol sa lecheng pag-ibig. Eight years yon, pakshett ganun na lang ba ang eight years? It's not how long mo nakilala yung tao eh. Minsan nga isang saglit lang ang kailangan mo para malaman mong mahal mo yung tao. Or isang araw. Isang 500-day period. Isang sunrise, or sunset ganyan. You can never tell. Pero eight years ay hindi sukatan na 100% sure ka na. Nasayang lang ang oras yes pero mas masasayang lang siguro kung sa dulo mo pa malalaman.
From Manila, to Baguio, to Sagada, andaming moments nila Mace at Anthony. Actually si Mace ang mas maraming moment. Kasi lahat na lang ng bagay eh konektado pa rin sa ex nya. Pati ketchup. SRSLY! Along the way dala dala pa rin nila ang baggage nila. Umakyat ng footbridge, dala ang baggage. Umakyat sa matarik na spa, dala ang baggage. Nagtungo sa museum, dala ang baggage. As if di pa rin nila maiwan ang "buong buhay" nila. Pwede ba magcheck-in somehere para lang iwan ang baggage? Kahit sa SM Baguio Supermarket na lang siguro iiwan ko talaga ganyan.
Pero, hindi pwede. Dahil sa baggage din umikot ang movie. May emotional baggage si Mace sa ex nya, si Anthony naman sa frustrations nya sa mga pangarap nya. Nawala lang yung baggage nung makarating sila sa Sagada, kung san naiwan sa bus station ang baggage nila. Well, pinabayaan na lang nila. Pero kung sa akin nangyari yon, metaphor man o hindi ang baggage, magpapanic talaga ako. Sa Sagada na rin nila narating ang rurok ng kanilang feelings so to speak. Well, hindi rated SPG rurok if yah know what I mean. Sa tuktok ng mga bundok ipinagsigawan ni Mace ang feelings nya, ang galit, ang sakit. Nairelease na rin nya sa wakas. Wala nang 20 minute monologue ha.
Uwian time na. But wait, there's more. May plot twist pa pagbalik ng Manila! You have to watch the movie to see what happens nga lang. The movie is open ended so go lang mag-imbento ka ng sariling mong version ng ending.
What I love about the movie. It's simple, pero hindi sya yung napanood mo na ng ilang ulit sa mga teleserye. Something fresh pero somehow familiar. Like One More Chance familiar. Before Sunrise familiar. 500 Days of Summer familiar.
I love the script. I love how it is funny at crushingly masakit pag nag-eemote na si Mace. Correction: nagte-twenty minute monologue pala siya. I like how they inject literature into the script. Like si F. Scott Fitzgerald: "There are all kinds of love in the world, but never the same love twice." Hindi sya mukhang forced kasi parang naisip lang bigla ni Anthony ishare ito. Hindi sya yung tipong ang eksena nag-uusap kayo about third and fourth dimension tapos bigla mo maipapasok: "love transcends time and space." Science fiction tapos magsisingit ng love? Ano yan love ang fifth dimension? Ayoko na magnamedrop ng film choz.
Ok lang naman yung song choice nila. Where do broken hearts go nga ba ateng Whitney? Chismis pala sa akin mejo mahal daw ang talent fee ni ateng Whitney. Choz royalties pala for the use of the song. Mabuti marami naman daw nagdonate para lang magamit ito. Sana nagstick na lang pala sila sa Up Dharma Down."Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba to sa hangin?" Pero kung di naman nila nagamit yung Where do Broken Hearts Go, paano majajustify ang paglipat lipat nila ng locations?
Location, location, location. Perfect ang mga eksena ng lokasyon. Yung eksena sa Japense resto (sorry di ko natandaan ang name) naisip ko agad ang ganda ng lighting. Pwede magfoodtrip dito, dun sa mismong inupuan nila Mace at Anthony. Natural lighting pak ang ganda ng epek sa eksena. Yung eksena sa Bencab Museum, maliwanag at seryoso. Perfect sa pag-uunload ng baggage ni Anthony. Yung eksena sa Session Road, kahit gabi na, well lit at romantic. May acoustics pa. Yung eksena sa coffee shop sa Sagada, habang umaambon, chillax lang. Naset nila yung mood sa film to the point na gusto ko rin bisitahin yun. Pilgrimage ganyan choz.
I super super love this film. It's a work of art. It's a work of love. Para sa mga taong nainlab, nasaktan, at umibig uli. Tatanga tanga, ganyan. Dahil you can't unlearn love.
P.S. Sana magkaron ng book nila Mace at Anthony na The Arrow with a Heart Pierced Through Him kahit maikli pa sya. Gawin nyong 72 ang font size para dumami ang pages choz.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)