Lunes, Disyembre 30, 2013

Level Up

Walang komento:

Rizal Day ngayon. Wala naman bumabati ng Happy Rizal Day, kasi hindi naman talaga happy ang occasion. We honor the death of our hero. Happy ba ang death? Anyway, bakit ba sa Pilipinas puro na lang nategi ang mga hero national heroes natin. Puro posthumous titles. Puro sila martir. Pati mga santo natin martir. Pati pambansang videoke song ni Roselle Nava with her carrier single na Bakit Nga Ba Mahal Kita, pangmartir din? Di ba tayo pwede magkaron ng hero na nagtaguyod muna ng isang reporma at nakapagpausad ng pag-unlad bago sya mategi?

2013 has been a bumpy year. Maraming dapa at tapilok na naganap. Sad pero nangyayari talaga. Tatanggapin mo na lang ba? Hindi porke't natumba ka eh maglulupasay ka na lang. Tatayo ka rin eventually. Walang nagtagumpay nang walang natututunan sa mga pagkakamali. To err is human, sabi nga. Mas malaking tanga ka kung mananatili ka lang sa lusak na kinasasadlakan mo. Ang mundo ay isang malaking Battle Arena, lumaban ka! Madedebuff ka!

At dahil close na naman ang new year kelangan nating pulutin ang ating sarili sa lusak at iangat. Ayoko na gumawa ng new year resolution, di ko naman mapapangatawanan yon. Masyado na maraming losses this year, ngunit masaya naman ako dahil marami akong learnings. Natututunan ko na maging patient. Natutunan ko na wag masyadong reactive sa mga issues na tipong one tweet pero topic. Pwede ko naman isummarize sa isang blogpost di ba hahah. Natutunan ko nang magbawas ng selfie dahil di naman ito nakakatulong sa lipunan.

Maliban pa sa mga semiuseful na mga learnings eh marami pa ako gusto matutunan:


  • Magluto. Sinigang, chopsuey, adobo, pasta, at foie gras, to name a few. Ano lang ba natutunan ko sa kusina, pagsasaing. Inferness naman using ng traditional kaldero ang pangsaing ko. Maliban jan, natry ko na rin gumawa ng pasta pero nasa 70% pa lang siguro ang success rate ko. Nagtry ako magluto dati ng giniling pero parang nahilaw sya kaya mejo traumatized ako sa pagluluto ng karne hahah.
  • Foreign Language. Spanish, Nihongo, French, Bisaya, at Ilocano. No hablo espanol. Donde esta Santa Claus? Nihongo ga sukoshi wakarimasu. Saigo no iiwake  Vous parlez anglais? Voulez vous coucher avec moi ce soir? Ambot sa imo! Ngarud. Wala naman ako balak maging interpreter. Maganda lang may alam ka other than English at Tagalog. Baka kasi magbakasyon ka somewhere tapos maibenta ka na dahil lost in translation ka na.
  • Magdrawing. Di ko sineryoso ang drafting dati during college. Ang tanging training ko lang eh magdrawing ng mga Dragon Ball characters. Gusto ko matuto magdrawing ng simple objects muna, like tables at chairs. Sa susunod isang room, isang bahay, isang building. Feeling ko something architectural ang peg ganyan. Parang Basha lang. Baka dumating na si Popoy from Qatar. Hintay hintay lang pag may time choz. Or malay mo maging graphic designer ako choz. Basta matutunan ko pa ang wastong paggamit ng Photoshop.
Yan lang siguro muna. Di ko ineendeavor na matapos lahat yan within the coming year. Unti unti lang, step by step. Because a journey of a thousand mile begins with a newbie step.

#notanewyearsresolutionpost


____________________
Photo by The Purple Crow via Flickr.

PS. Which is which: new year resolution, new years resolution, o new year's resolution?

Huwebes, Disyembre 26, 2013

Simbang Gabi

Walang komento:


Belated Merry Christmas! Actually, dapat walang belated Christmas greeting dahil araw araw naman ay pasko...in our hearts, but not in our wallets choz.


Natapos mo ba ang 9 mornings? Kung isa ka sa milyun milyong umaasang matutupad ang wish mo pag nabuo mo yan ay congratz teh sa effort. Hindi biro kaya ang gumising nang maaga para lang makasugod sa pinakamalapit na simbahan para lang makakinig sa misa. Kahit walang ligo, wisik wisik lang. Kahit walang tutbras, mumog lang. Make sure na sa palad ka kukuha ng hostia lang. Nakakahiya naman kay father kung nganga ka sa kanya habang sinusubuan ng banal na pagpapala tapos may naninigas pang laway sa lips mo. Mahiya ka naman ng konti. 

Pero not everyone eh simba lang talaga ang ipinupunta don. Alam mo na.

Mga Uri ng Tao Tuwing Simbang Gabi

1. Deboto - Sila yung namanata na every year eh bubuo ng simbang gabi, maaaring di lang para sa pansariling intensyon pero para din sa kapakanan ng iba. Parang Wish Ko Lang, or Kapwa ko Mahal ko ang peg. Ikaw na teh ang wagas. Ipanalangin mo kami.

2. Trending Topic - Nakita lang sa Twitter na nagsimba na ang mga tweeps nya eh gora din agad. Di naman taus sa puso ang paggora, pwedeng nahaltak lang or akala nya papunta sila sa JCo ng madaling araw ganyan. Selfie selfie din habang nagsesermon si father. Tapos check-in at Church sa Foursquare. Magtatry lang ng mga once or twice tapus tutulugan na yung ilang madaling araw.

3. Simbang Ligaw - Kasama dito yung mga nagliligawan sa simbang gabi. Yung mga tipong sobra makaPDA habang taimtim na nagdarasal ang karamihan. Makapag-akbayan wagas. Giniginaw ka ba teh? Balutan mo kaya ng wrap around shawl yang pekpek shorts mo. Makapagholding hands akala mo on continuous play ang Ama Namin.

4. Looking for Love - Kasama dito yung mga naghahanap pa lang ng mapopormahan. Takot ba maging malamig ang Pasko? Teh nagGrindr ka talaga sa simbahan? Kaloka. May hinahabol na quota?

5. Jejemons - Mga swaggers, grupo ng mga kabataan na feeling gangster at feeling cool. Ikulong ko kaya kayo sa freezer para mafeel nyo ang kagaguhan na ginagawa nyo. Madalas isang pulutong sumugod sa simbahan. Wala naman talagang balak makinig sa misa. Masabi lang na umattend sila. Maiingay at masasaway kahit pa tunawin nyo ng optic blasts. Ingat lang baka magangbang ka nila.

6. Eat and Run - Umaattend lang ng simbang gabi di para sa misa pero para sa food. Makikita nakabantay sa mga bibingkahan at putu bumbong imbes na hostia ang pinipilahan. Would you like to add agua bendita to that ser?

I'm sure marami pang ibang uri ng sumisimbang gabi.

Di sa nagmamalinis ako, pero yeah sa mga pagkakataon na nagsisimbang gabi ako eh winiwish ko talaga magkajowa sa Pasko. Desperado lang. Minsan winiwish ko na sana magsimbang gabi din si crushie dun sa parokya na pinupuntahan ko. Pero never nangyari naman yon hahah. Inborn na talaga ang membership ko sa malalamig ang Pasko. Pero di ko na napapansin yon. Baka manhid na ako sa lamig. Malamig ang Pasko is just a state of mind.

Twice ko pa lang nabubuo ang simbang gabi. At syempre total boycott ko ang simbang gabi this year. Di dahil wala na akong gana. Wala lang time. Dati kasi I still know the meaning of work-life balance hahah. Well, anyway kung gugustuhin ko talaga kahit zombie gogora ako sa simbang gabi. Pag gusto may paraan.

Kaya congratulations sa mga nakabuo ulit ng simbang gabi this year. Naway matupad ang wish nyo. At sana winish nyo rin ang World Peace. At harsher punishment for parol violators. #mema. Belated Merry Christmas!


____________________

Photo by soul4dgame via Flickr.

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Laglag Brief

Walang komento:

Boxer o brief?

Bilang confused ako, alam nyo ba'ng sa bahay ang ginagamit ko pangtulog ay boxer AT brief. Yes, redundant at overprotected lang. You can never can tell baka magkaron ng intrusion while sleeping choz.

I don't buy my own undies. Pramis! Sa tanda kong to eh di pa ako nakakabili ng sarili kong brip. Natatanggap ko lang to na regalo ng mama ko every two Christmases, or kung mawasak na ng washing machine, whichever comes first.

So mauunawaan nyo naman siguro kung nagbebacon na ang garter ko. Sa mga di nakakaalam, ito yung quality ng garter na nagiging kulubot at slightly brittle na halos di na kayang kumapit sa pagkakapitan. Kinakaya na lang. Its aryt naman kung nasa bahay ka lang using your 2-year-old brip. Walang kaso don. Pero what if may importanteng event sa buhay mo.

Para sa kapakanan ng taong involved, di natin sya papangalanan. Ate Charo, itago na lang natin sya sa pangalang Cameron. Etong si Cameron ay nagkaron ng isang corporate event sa kanyang company. Party party ganyan. Mejo may budjey kaya umEdsa Shangri-la ang event, with matching outfit pa. Strictly formal. You aint in if you aint glam. Shining, shimmering, splendid is the new black. In the most hampaslupa comparison, parang JSProm lang ang peg.

Anyway, kinuhang photog itong si Cameron sa event. At although tinatamad sya gumora, pumunta pa rin sya kahit late. Nakapagsimula na ang event nung makarating sya. Hinaltak agad ng mga tao upang magpapiksur. 

Pose! Hold it! Click! Flash! Perfect!

Naalala nya bigla, umattend kaya si crushie?! Ikot ikot lang hanggang maispottan ang target. Parang ibong mandaragit lang. There, table 18! Para di naman obvious nagpiksur piksur on muna si Cameron sa other tables; papalapit nang papalapit sa table ni crushie!

Can I take a photo? Hold it! Perfect! Thanks! Isa pa. That was so nice. Thank you!

That very instance naramdaman nya may bumagsak. Ang brip nya. Partly dahil sa pagbebacon. Mabuti na lang may pundilyo na sumalo ng brip nya kung hindi mamumulot sya sa dance floor ng nagkalat na undie. I know gross. Pero sure na sure sya iyon ay dahil sa kilig. PBB Teens?

Bakit ba naimbento ang katagang laglag panty/brip? Dahil yan sa asawa ni Marie, one-two-three, araw-gabi walang panty. Natural! Unless that's my tomboy ang asawa ni Marie, malamang walang panty yon.

Pero seryaslee, bakit nga ba? Ayon kay Dra. Margarita Holmes, dahil daw sa heightened emotions, tumataas ang production ng dopamine which makes our bodies tense sometimes causing uncontrollable fits. Choz lang. Di ko nga alam ano yang dopamine, at kung sino si Dra. Margarita Holmes choz. Di naman talaga nalalaglag ang brip o panty kapag may kinikilig. Nalalaglag ito kapag may landi factor. Para go kaagad, sexy time na.

Isipin mo mejo nakakatakot pala kung maging modus ito. Laglag brip o laglag panty gang. Parang laglag barya gang, pag pinulot mo ang barya madudukutan ka agad. Kapag laglag undie gang, pag pinulot mo reyp kaagad. Or gangbang. Skeyri I know.

Pero I'm pretty much sure di naman masyadong magkiclick dahil sa ilang mga rason:
1. Sino sa matinong pag-iisip ang mamumulot ng underwear sa gitna ng daan?
2. That is just eeewww. IKR!
3. Mamumulot ka lang ng something sa daan kung ito ay something na may value, like baryables, or Nokia celphone, or approval rating ni PNOY, or isang sako ng NFA rice, or panyo ng crush mo.
4.  Posible na may sakit ang nakahulog ng undie. Pag sakit HIV kaagad? Di ba pwedeng ketong, bulutong tubig, eczema, or diarrhea muna?
5. Uso ang rayuma dito kaya kebs sa mga tao ang mga ganyang bagay sa daan.
6. Kaderder ito.

Oh did I forgot, kasulasulasok mamulot ng brip o panty sa daan. Unless nga manyak ka, at kahit used panty eh pagpaparausan mo na. Celibacy din pag may time. So sa next time na may nakita kang nalaglag na panty sa daan, smile. Isipin mo na lang, di akin yan. At di ko pupulutin yan ulol ka. Isipin mo na lang, may kinilig ng sobra today, be happy na lang sa trip ng iba. Walang basagan.

Title ng episode: Bacon garter


____________________
Photo by Darius Goins via Flickr

Linggo, Disyembre 8, 2013

Review: Sana Dati

Walang komento:

Not really a film buff, pero once in a while naappreciate ko manood ng mga films. Kung film buff lang din naman, may mga kilala ako at deym, di ko talaga gets ang level ng good or bad movies nila.

Pinalabas yung Sana Dati sa Cinemalaya under Director's showcase category. Nung scheduled run nito last July-August, di ko napanood dahil mabilis masoldout ang tickets. Nagkaron ito ng commercial run pero di ko rin napanood dahil sa conflicts ng work sched. At gaya ng ilang pelikula ng mga nakaraang taon--Sayaw ng Daliwang Kaliwang Paa at Ang Nawawala--isa na ito sa mga di ko mapapanood. Hanggang may nagbukas na opportunity. Last two screenings sa Fully Booked Fort. Walang patumpik tumpik, sumugod agad ako.

SPOILER ALERT!!!


Maganda ang shots ng film, isipin mo na lang na wedding coverage na pinabongga so you'd expect details sa bride and groom and the whole package. Solid ang performance nila Lovi Poe, Paulo Avelino, TJ Trinidad at Benjamin Alves. Si Lovi lalo na, nakakadala ang emosyon na flowing sa character nyang si Andrea. Pati si Carla Martinez, effective na bungangerang nanay. Ang other casts na sila Gee Canlas, Nico Antonio, Mihk Vergara, at Cai Cortez ay nandun para magbalance ng kaunting comedy. Angkop ang lapat ng music para maenhance ang emotions onscreen. Overall, you'd feel the bittersweet atmosphere ng movie. Kaya sapat lang siguro na hakot award ito sa Cinemalaya. Sana nga dati ko pa ito napanood. Sana dati pa.

Umikot ang kwento sa iba't ibang uri ng love. True, reciprocated love, endless love na napaghiwalay lang ng kamatayan, love na kayang magsakripisyo para sa kapatid, martir na uri ng love na mapagbigay at umaasang masusuklian ito, at love na unti unting matututunan. Sino ba ang maniniwala na pwede ka magmahal ng taong nakilala mo lang sandali? Ng taong niligawan ka lang ng isang linggo? Love is timeless. Kaya nga siguro may love at first sight daw. Ngunit di kaya superficial lang ito?

Just to share, ang cheesiness ng fictional Mexican poet ni Jerrold Tarog na si Julio Medem (not to be confused with a Spanish director), na namatay daw sa car accident habang nagpopropose sa girlfriend. TAN-Gee-Aye?

"In the silence, I hear the sound of two hearts beating." ~Julio Medem

Sabado, Disyembre 7, 2013

Sbux Makati Mug

Walang komento:

Photo from starbuckscitymugscollectors via Blogger.

I saw this at Standard Chartered branch and after a few days it's all sold out. A few days more, they restocked their shelves. The following day half of it were sold again. I have been to other branches from Makati but they don't have it yet, or it's already sold out. I dunno.

Anyway, it's cute, I think. It has the Makati skyline on one side, and the Ayala Museum on the other side. I just don't like the orange theme. I don't find Makati an orange. Maybe a red or a purple, but an orange never. Naga is also orange, although a darker shade of orange, so why pick the same color?

I don't collect their mugs really, but tumblers yes. I'm just wondering if they'll have a tumbler version. And if they can change the color, that would be perfect hahah.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips